Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5


Nang makita ko si Alas na nag-aabang sa labas ng gate ay bumuntong-hininga ako at isinarado kaagad ang jalousie windows. Lito akong tiningnan ni Zeus nang bigla nalang bumusangot ang aking mukha at ipinagkrus ko ang mga kamay sa dibdib.

"Are you ok, mummy?" he tilted his head, scrutinizing me.

Hindi ko pinansin ang anak at sumilip ulit. The gloomy clouds reigned kingdom on the sky. Ilang minuto nalang ay papatak na ang ulan. Hindi pa rin ba siya aalis diyan?

"Who's outside?" tanong ng nakiki-usyuso kong anak at binitawan ang Mufasa plush toy niyang hawak. Nilapitan niya ako at sumilip din. Then he blinked. "Who's that, mum?"

"Nothing special, Zeus." Tugon ko sa bata. Hawak ang kaniyang tiyan ay hinila ko siya mula sa bintana at ipinatong sa mga hita ko. "Why are you up so early, anak?"

Ngumuso siya. I took it as an invitation to kiss him and earned a heart-warming grin from my son.

"I slept early last night so I woke up early..." turan niya sa akin. "Lola said to sleep early so I did... I don't want to get Lola mad."

I pinched his cute little nose and he giggled. "What a good boy you are then, Zeus."

"When are we going to see Tito Leon?" bigla nalang niyang tanong sa akin.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at pinagmasdan ang inosenteng mga mata ng bata. I failed to hide the sorrow in my face sa pagkurba pababa ng mga labi ko na kaagad niyang napansin.

"Mummy?"

"I..." I stuttered again, loss for words. It regales me how a four-year old kid could stun me speechless anytime. Ibukas lang niya ang kaniyang bibig ay napapasara na niya ang akin.

"I'm sick of waiting for him, mummy. He said he'd take me to Lake Carolina for regatta..." ngumuso ulit siya at matamlay na idinantay ang kaniyang ulo sa aking dibdib. "Lola said that I'll have to wait some more... how long will I have to wait?"

Parang pinipiga ang puso ko sa tanong ni Zeus. I couldn't find the right words to answer him so instead, my hand spoke for me by snaking its way to his fluffy neck and up to his hair. Ibinaon ko ang mga daliri ko at marahang hinaplos ang kaniyang ulo.

"Zeus! Come here and finish your milk..." wika ni mommy na saglit kaming sinilip mula sa kusina. Pinakawalan ko ang anak ngunit hindi pa rin tumatayo mula sa kinauupuan.

When Zeus jumped out of the sofa and ran to the kitchen, my hands found the remote control of the TV. Para lang maalis ang iniisip ay kinuha ko ito at ini-on ang TV. I zap from channel to channel until a familiar face caught my attention.

"—plano ka daw na magpunta sa Davao?"

Inilapit ni Jayden ang mic sa kaniyang bibig at ngumiti. It earned some cheers from his fans in this live show. Kumunot kaagad ang noo ko at pinagmasdan siya.

"Yes. I am actually planning to meet... someone."

Kumindat pa ito na mas lalong nagpawala sa mga babae niyang fans. Mukha namang na-intriga ang host na nag-iinterview sa kaniya at umusog pa ito sabay ang isang ngiting makahulugan sa labi.

"Someone? Could it be the one... Jayden?" kumislap pa ang mga mata niya sa sinabi.

Ipinagkrus ko ang mga kamay at tinitigan ang screen ng TV na para bang masusunog ko ito gamit lamang ang masamang tingin.

"A highschool sweetheart, actually."

Sa sinabi niya'y lumakas na ang hiyawan ng mga taong nanunuod sa live show. Hindi ko mapigilan ang pag-irap sa ere. Highschool sweetheart, really? Alin sa aming mga babae mo Jayden ang tinutukoy mong highschool sweetheart?

I could still remember the first time I heard of the news that my ex-boyfriend, Jayden, stepped into the world of showbiz. Nagsimula siya bilang voice actor sa isang animated film at kdrama na ipinalabas sa GMA hanggang sa makabuo siya ng sariling banda. By now, their band belongs to the mainstream pop music that every teenage girl is into.

Bumuntong-hininga ako at handa na sanang ilipat ang channel, hawak ang remote sa kamay nang biglang tumayo si Jayden. Pinaunlakan niya ang request ng host na kantahin ang bago nilang kanta sa album na hindi pa nari-release.

The camera angled towards the waiting guys to the left with their instruments. Tinitigan ko ang naghihintay niyang kabanda hanggang sa makaupo siya sa high stool chair at itinapat ang mic sa kaniyang mga labi.

Their familiar faces clawed memories at the back of my mind. Nabitin sa ere ang remote control habang pilit kong inaalala kung saan ko sila unang nakita.

"Uno..." I gasped, realizing that these are Alas' old bandmates. Mabilis pa sa alas kwatro kong hinablot ang cellphone mula sa aking bag at isinearch ang banda sa internet.

Numerous articles popped out from almost everywhere. Kumpara noong una kong search sa kanila, the articles are dated recently and all are anchored to the one big issue in the entertainment world today.

Uno has replaced their vocalist.

I hungrily scanned one article after another, gulong-gulo ang isip. I thought Alas said that his bandmates went abroad to pursue their individual music careers? Bakit sila bumalik dito sa Pilipinas? At bakit nila binuo ulit ang banda kung wala din naman si Alas?

The Runaways Manager to Uno's Fans, "We Simply Found Someone With the Drive."

Issues sparked when a fast-rising voice actor and singer, Jayden Von Cruz, introduced himself as the new vocalist of the old band, Uno and even replaced the name of the band to The Runaways.

Kakabasa ko pa lang sa first paragraph at kaagad ko nang ini-off ang cellphone ko at ibinagsak sa sofa. Tulala akong nakatitig sa mukha ni Jayden na naka-focus sa TV, bahagyang nakapikit at kumakanta.

A surge of sympathy washed over me when I realized what happened. Alam na ba ito ni Alas? Kung ganoon ay anong reaksiyon niya? Inagay ni Jayden ang kaniyang banda. I know he treats his bandmates dearly. Ano ang ipinahayag niya sa issue na ito?

Naliliyo na ang isip ko sa sunod-sunod na tanong hanggang sa matapos si Jayden na kumanta. Tumaas ang kilay ko. When Alas sung to me, I could feel every bit of emotion lingering in his tone, traveling the small distance between us, all the way to my heart. Kahit na pinapanuod ko lang siya mula sa maliit na screen ng aking cellphone ay tumatayo pa rin ang balahibo ko.

But with Jayden? I felt nothing. Hindi ako makaramdam ng pride, saya, o kung anumang emosyon sa kaniyang pagkanta. He's a hottie, alright. Sexy vocalists are so into business right now. Kaya siguro dagsa ang kaniyang mga fans dahil sa kaniyang hitsura at hindi na inalintana ang kaniyang boses.

My hatred to him has nothing to do with what I feel. I won't feed my judgement with loathing and unresolved grievances just so I could come up with a negative comment. Talagang iyon ang nararamdam ko sa kaniyang pagkanta.

Binisita ko ang kanilang Instagram profile. Halatang mas marami na ang followers ng The Runaways kaysa sa Uno. But the fans who knew the original band protested. Binasa ko ang kanilang mga comments, from a post that was dated way back in 2009. Isa itong snapshot mula sa kanilang huling mall tour. Medyo blurred pa ang pagkakakuha but it created a nostalgic feeling and the filter made it look like they stepped out from a 1950's magazine. Umani ito ng 18,654 likes.

@asawanialas

BAKIT GANUN? IBALIK NIYO SI BEBE ALAS HOY!

@togunonjanice

underrated ng bandang ito

@kaseystansyou

hindi ko feel si Jayden kumanta lol not a hater, just sayin'

@premiumaccount_philippines

Get your free Netflix premium account here! Click link in our bio!

@thesuperkat

hala ito yung sinasabi nilang original vocalist ng Uno? shet ang gwapo!

@doraaaaaa replied to @thesuperkat

sabi sa iyo, diba? ayyieeeeeut

Inis kong ini-off ang TV habang nagpapaalam ng ang host sa kaniyang audience. Nilisan ko na din ang Instagram profile nila dahil baka isa din ako sa mga mag-protesta kung bakit si Jayden ang kumakanta at hindi si Alas. Ako ang nakakaramdam ng inis at sobrang panghihinayang para sa kaniya.

Sumilip ako sa labas at sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang dibdib ko nang makitang wala na ang Ford ni Alas na naghihintay.

He's an engineer now, well-paid and independent. May sasakyan siya, beach house, and I bet his savings account is loaded too. Why would he want the chaos that the showbiz world could offer?

I mean, yes, I admit it. Kita ko pa lang sa reaksiyon ng mga taong nakapakinig sa kanila noon na may potential talaga ang banda nila. I leaned on the wall and wondered the what ifs and what could've been's if the accident didn't happen at all.

Magpapatuloy ba sa kolehiyo si Alas? Ipagpapatuloy ba niya ang banda? Or would he rather be an engineer than a band's vocalist after all?

"Belle..."

Naputol lamang ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni mommy. Iminuwestra niya ang lamesa. "Halika na, hindi magandang pinaghihintay ang pagkain."

I nodded my head and padded towards the kitchen, the thoughts still running inside of my head. Habang kumakain ay iniisip ko kung paano o ano ang sasabihin ko kay Tita August kapag nakita ko siya ngayong araw.

"Magpapahinga ka ba ngayon?" usisa ni mommy habang tinutusok ng tinidor ang hotdog. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pansin ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata.

"May pupuntahan po ako," I swallowed. It's been three days and Alas had waited outside of our apartment non-stop. Hindi ko siya pinapansin dahil gulo pa rin ang utak ko sa nalaman tungkol sa kaniya.

I need to talk to Tita August. I need to hear it from her own mouth and from then, I'll think of what to do. The best thing to do for him. And for us.

"Sige, dito lang kami sa bahay ni Zeus..." ani mommy.

"Kumusta naman po ang business plan niyo?" tanong ko sa kaniya kahit hindi naman ako interesado, maiwasan lang ang pagkakataong tanungin niya ako kung saan ako pupunta at sino ang pakay ko.

I was supposed to be asleep that Sunday. But instead, I found myself walking down the familiar muddy path with tunnel of trees shading me from the harsh rays of sunlight.

Mula sa kanto ay tanaw ko ang malaking gate ng mansion. Walang ipinagbado bukod sa pinalitan nila ang pintura mula sa itim at ngayo'y naging pula.

Waves of nostalgia and memories flooded my head habang naglalakad ako, bitbit ang payong kahit na hindi naman na ako nasisinagan ng araw.

Ungot ng mga tuyong dahon ang naging musika sa aking pandinig sa bawat pagtapak ng aking flat sandals sa lupa. I stopped in front of the gate, taking in the beauty of the Ferrer mansion before my hands found the buzzer and press it.

I tapped my foot to the ground as I waited for a response. Medyo mataas na ang damo sa kanilang bakuran at halata ding hindi na ito naaalagaan dahil sa nakitang kalat na wala naman noon.

Nang walang sumagot sa akin ay pinindot ko ulit ang buzzer. This mansion looks abandoned. The deserted yard spoke words to me of how Alas and I used to spend lazy afternoon's hanging out and playing songs. Minsan ay natutulog lang kami sa ilalim ng malaking puno na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang pangalan.

Akmang pipindutin ko pa sana ulit ang buzzer nang marinig ko ang ingit ng pintuan. Napatuwid ako ng tayo at pinagmasdan ang matangkad na bulto na sumilip mula sa loob.

Kumunot ang noo niya nang makita ako. He stepped out, revealing his bare chest and then closed the front door again. Ako naman ang kumunot ng noo. I'm sure he'd recognize me. Matapos ang ilang segundo ay bumukas din ulit iyon and this time, he's wearing a shirt.

Ah.

"Belle?" tanong niya sa ain habang nilalakad ang kanilang malawak na bakuran upang tunguhin ang gate at pagbuksan ako.

"Yes. Isabelle Avanzado." I confirmed.

Isang tango ang isinagot niya sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan. The stubble gathered to his jaw and sides of his face, screaming maturity and masculinity. The same deep-set of eyes approached me, but with more tiredness and morose in his.

"Hi." Tipid niyang wika sa akin nang makapasok ako. Kaagad niyang ini-lock ulit ang gate. "Still remember me?"

"Alas' brother, Zero. Yes."

Nagkamot ito ng kaniyang batok at mabilis akong pinasadahan ng tingin bago niya inilipat iyon sa kaniyang kamay. "So..."

"Nandito ba si Tita August?"

"Si mommy?" rumehistro ang gulat sa kaniyang mga mata sa aking sinabi.

I nodded my head. "I need to talk to her. Nagkita kami ni Alas at umaakto siyang hindi niya ako naaalala—"

Napatalon ako nang kumagat ang kaniyang kamay sa aking braso at pinigilan ako sa pagpasok sa loob. I turned to him and found him staring intently at me, his eyes even sadder this time.

"Nagkita kayo ni Alas...?"

Tumango ulit ako at pilit na kinuha ang kaniyang braso sa mga kamay ko pero mas malakas siya kaya wala din akong nagawa. Instead of letting me go, mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Where's Tita August?" iginala ko ang paningin sa paligid. I sent a hopeful look to the door, wanting to be inside, wondering what changed inside, hoping to feel the same warmth of the mansion again.

"You can't see her."

"What?" I looked at him, puzzled. "Why?"

Bumuntong-hininga siya sa aking tinuran. He lowered his gaze to the ground and refused to meet my gaze.

"Zero..." I pressed.

He licked his lower lips and swallowed. "You just can't see her, ok?"

"Why!" tumaas na ang boses ko sa inis. Rumehistro din ang bahagyang iritasyon sa kaniyang mukha and for a moment, he looked exactly like Alas, a few years old version of him. Zeus being the youngest version.

"She... She can't see anyone."

"Kung ganoon ay sinong kakausapin ko tungkol kay Alas? Zero, I can't understand him! Bakit ganiyan siya—"

"He has selective amnesia..."

"Selective what...?"

Tumikhim siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-abalang bitawan ang aking kamay. Albeit his nails are short and well-clipped, it digs into my skin and are leaving tiny red marks.

"Selective amnesia, Belle." He sighed tiredly. "He can't remember you and it's better if he won't." nag-angat siya ng tingin at patuya akong tiningnan. "This is what you want, right? What you told my mother..."

"How did you know about it?" galit kong tanong sa kaniya.

He shrugged. Nadala pa ang braso ko sa munting kilos na iyon. I realized how the Ferrer brothers are big and hunk. Iyong tipong aakalain mong tumitira na sa gym araw-araw para mag-workout.

But damn, Belle. This is not the time to swoon over their muscled bodies!

"My mom told me about it." He pursed his lips and stared at me.

"That..." I trailed off, choosing my words carefully. "T-That was a long time ago, Zero. If I know I would've Zeus, I wouldn't make that decision—"

"Zeus?"

"Anak ko." I silently said.

Recognition dawned on his face. He sucked in a deep breath as if the newly-learned information is another huge rock added for him to swallow.

"Anak mo..." he echoed.

"Anak namin ni Alas."

"Fuck..." sa wakas ay nabitawan na niya ang braso kong nanghahapdi sa mahigpit niyang pagkakahawak. Pinigilan ko ang panginginig ng mga tuhod ko ang bigla nalang niyang sipain ang bakal na upuan sa aming tabi, as if venting out his frustration.

"You said it yourself, Belle..." mabilis ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib at ikinuyom pa ang mga kamao. Natakot ako kaya nag isang-hakbang ako paatras mula sa kaniya. "You're going to pay for the debt of your father from our family..."

"B-But..." hindi ko na mapigilan ang panginginig ng boses ko. Pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I blinked the tears away as I stared at him. "I didn't know... I didn't know I would have Zeus."

Isinuklay niya ang mga daliri sa basang buhok at marahas na suminghap. "Just give me some more time. We'll sort this out."

"Time?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Zero, my son is already four years old and is now looking for his father! How much time do you think I have before he learns the truth?"

"Well, what do you want me to do?" singhal niya sa akin.

I glared at him. "No, actually, you don't have to do anything. I'm going to see Alas right now and I'm going to tell him that he has a son!"

"Belle!" marahas na naman niyang hinablot ang aking braso. Napatigil ako at nilingon siya. He effortlessly dragged me back to my spot. Ang kaliwa niyang kamay ay kumagat din sa aking braso at marahan niya akong niyugyog, as if snapping me back to reality.

"Can't you understand the situation we are in, right now? Hindi mo pa puwedeng sabihin kay Alas!"

"Why can't I?" I shouted back.

"Because you're going to hurt my brother again." Matigas nitong wika at tinaliman ako ng tingin. "God knows how he handled the amount of pain of you leaving abroad when you promised to wait for him."

"What...?"

"Days before his operation, nalaman niyang balak mong magpunta ng Canada." Anito at masamang tingin ang ipinukol sa akin. "He wants to go back to Governor Generoso and postpone the operation, did you know that? Gusto niyang lumuhod sa harapan mo at magmaka-awang huwag ka nang umalis!"

Napa-awang ang bibig ko sa narinig.

"But my mother, being the good woman that she is, dutifully fulfilled your request to her! Ikaw ang gustong lumayo diba? Dahil sa ama mo?"

Pulang-pula na siguro ang buong mukha ko dahil sa pagpipigil ko ng pagdagsa ng panibagong mga luha na gustong kumawala mula sa aking mga mata. My lips, knees, and hands are trembling so bad. Hindi ko na ito makontrol.

"I didn't..." yumuko ako. I sounded so lost... and heartbroken. Naguguluhan ako sa gusto kong mangyari o sabihin man lang. "I didn't... know."

"Get a grip of yourself, Belle Avanzado!" patuloy niyang singhal sa akin. Even with his angry voice, I didn't miss the overwhelming sadness riding it as if welcoming itself in our lives. "Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito!"

"Where's Tita August...?" I weakly asked.

"She's in a coma!"

Rumehistro ang gulat sa mga mata kong nag-angat ng tingin sa kaniya. By then, the first tear had escaped from his eyes. Marahas niya itong pinalis at sinamaan ulit ako ng tingin.

"A-Anong..."

"I lost my wife, Belle and now I'm about to lose my mother too!" puno ng hinanakit na sabi niya sa akin. Napatitig ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa naririnig ko. "And my brother refuses to go home because it's so fucking painful to be in a house where memories would haunt you at night! But I did... I did stay here and tried to hold my shit together but can't you see it, Belle? I'm losing my sanity..."

Panibagong dagsa ng mga luha na naman ang naghari sa aking mga mata sa rebelasyon niya. I stepped back at him, shaking my head. Ayaw kong paniwalaan ang sinasabi niya.

Tita August in a coma...

No.

Ipinukol ko ang tingin kay Zero. Sumikip ang dibdib ko sa nakita. A man like him appears to be the one who can rule the world. He and his brother. But here he is, shedding tears for over the two most important women in his life.

Bigla akong tinamaan ng matinding guilt. How dare me storm in here, stab a finger on his chest, and get angry at him when their family is the one who suffered the most? Kung may sakit man akong naranasan, napawi iyon lahat pagdating ni Zeus sa buhay ko.

But them?

I tried to swallow a sob but the more I ignore it, the more it haunts me. Napahagulhol ako. Itinutop ko ang kamay sa bibig upang hindi makalikha ng ingay ngunit hindi rin ako nagtagumpay.

Zero is panting heavily. Gusto kong sabunutan ang sarili sa aking inakto. I thought I am much smarter when I was 17 than now that I am 22 years old. Hindi pa pala. I'm still the spoiled brat who bawls when she can't get whatever she wants.

"Zero..." hikbi ko. "I-I'm sorry..."

Hindi niya ako sinagot at iniwas lamang ang tingin sa akin.

I swallowed again. "I-If I could just do something..."

"Just stay away for the meantime, Belle..." he weakly croaked. "Give me some time to figure it out."

I nodded my head and stared at my shoes. Pakiramdam ko ay isa akong bata na napagalitan dahil nagshop-lift sa grocery store. Isang mabigat na parusa ang naghihintay sa akin.

Gusto ko siyang tanungin kung nasaan ngayon si Tita August pero baka magalit lang naman siya sa akin. I wiped my tears away and tried to calm myself. I'll only worry my son and my mother if I go home looking like this.

"I know your son deserves a father, too, Belle. But your father took away our father from us and..." humigit siya ng isang malalim na buntong-hiniga. "And my sister. You've witness how Alas went mad with what happened. Ano nalang ang mangyayari sa kapatid ko kapag nalaman niya ang totoo...?"

Marahan kong iniling ang aking ulo, hindi sumasang-ayon sa kaniyang sinabi. "I don't want to keep secrets from him, anymore."

"I don't want to do this to him, as well. Heck, God knows what's he's going to do to me kapag nalaman niya ang ginawa ko. He'll probably forget he has a brother in the first place."

Inipit ko ang pang-ibabang labi gamit ang mga ngipin. It's because of that ill-mannered decision. I thought I was saving him when I decided to just go away when in fact, I just pushed him to the edge.

"When my mother first found out that he can't remember you, she decided to just erase you from his history. It would be easier. She could numb the pain but we both know she can't fill the void that you've left. Mahirap para sa kaniya ang ginagawa, Belle. Pero dahil nirerespeto ka niya at ang desisyon mong itago ang katotohanan mula kay Alas ay isinakripisyo iyon ni mommy."

I wanted to curse myself. Sorrow disguised itself as salvation and lured me into making one of the biggest mistakes in my life. The naïve 17-year old me have took the bait and now I'm paying for it. Hindi lang ako, kung hindi ang pamilya nila ang pinaka-apektado.

"I know my mother is going to wake up..." medyo kalmado na ang kaniyang boses ngayon ngunit may gaspang pa rin ito sa dulo. He cleared his throat. "I'll see what I can do. Just tap me anytime if you need money to finance your son—"

"I can finance my son!" taas-noo kong sabat sa kaniya.

Tinitigan niya ako at umiling. "This is not about your damn pride, Belle. Look, I'm just offering alternatives. The one who made the real deal is you and my mother. Alam kong dapat hindi ako nakikialam dito kaya naman hangga't maaari ay wala akong gustong gawin na makakasakit sa iyo o sa kapatid ko."

Ngayon ay ako naman ang nanghilamos ng mukha sa aking mga palad. "I know..."

"You're a mother now, Belle. I know you think of nothing but your son's welfare. Sana maintindihan mo rin ako. Alas is the only family that's left with me. I'm just protecting my brother."

Inipit ko ang aking dila sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan. What happened to his wife? To Tita August? Anong nangyari upang mawala silang dalawa? And how did he turn from a goofy and cool big brother to a miserable man like this?

Isang malakas na busina ng sasakyan ang gumimbal sa aming dalawa. Napatalon ako sa aking kinatatayuan at lumipad ang tingin sa bagong dating na Ford. The vehicle stopped before the gate. Kinabahan kaagad ako.

Alas climbed out, slamming the car door in the process. Nang makita niya kaming dalawa ng kaniyang kapatid ay sumeryoso ang kaniyang mukha at tumalim ang tingin.

He kicked the gate open and storm towards his brother.

"What did you do to her?!" galit nitong tanong kay Zero.

"Alas—"

Before I could stop him, I watched in horror as his fist landed on his brother's left cheek, sending him to the ground. Sheer madness and anger invaded his hard gorgeous face.

"Alas!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro