Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4


"What are you doing here?" tanong ko kaagad sa kaniya pagkapasok pa lang niya sa convenience store.

Kumunot ang noo ni Alas at huminto, marahil ay hindi inaasahan ang aking sinabi. Ginugulo pa niya ang kaniyang basang buhok na mukhang kakaligo pa lamang. Wala itong ibang suot kundi jersey shorts at puting plain shirt. But his expensive watch glittering in the dim light of the store and the high-end perfume is just so hard to ignore.

Kahit simple lang ang suot niya, agaran mo talagang malalaman na mayaman siya.

Alas scratched his shadowed jaw, to my surprise. Titig pa rin ito sa akin. His thin stubble made him look more... mature and manly. I suddenly remembered his clean and well-shaven face back in the days.

"I'm here to buy whiskey." Anas nito. Mukha nang maiire si Mika sa aking likod, halatang tinatago ang kilig na nararamdaman. Bahagya ko siyang siniko nang maglikot siya at nakipagtitigan ulit kay Alas.

"Out of stock na ang Jack Daniel's Tennessee Whiskey namin." Malamig kong tugon sa kaniya.

It's been three days and every night, this man shows up at the convenience store to buy whiskey. Or beer or his cigarettes. Sa dami ng kaniyang binibili ay hindi ko maiwasang mag-isip kung may kasalo ba siyang inumin ang mga ito.

After the little stunt he pulled at Parola, pinilit kong iwasan si Alas pero sa palagay ko ay tama ang sinabi ni Mika na masyadong maliit ang Governor Generoso para hindi ko siya mapansin. I work at the convenience store at night and there he is. Minsan ko din siyang nadatnan sa mataas na paaralan kung saan ako gumraduate. Sa tingin ko ay kasali din siya sa construction team na magtatayo pa ng ibang buildings para sa Grade 11 and 12 students.

Napaisang atras ako nang prente siyang lumapit sa counter. "Oh." He rested his elbows and stared at me casually. Tapos ay saglit na dumako ang kaniyang tingin sa likod ko kung saan naroon ang shelf at naka-display ang mga alak at sigarilyo.

"I'll have Cerveza Negra, then." Aniya.

Lumunok muna ako bago ako tumalikod at sa nanginginig na kamay ay hinanap ang bote ng Cerveza Negra. Marahan ko pang pinagalitan ang sarili ko sa inaakto.

Get a grip of yourself, Belle! It's just Alas...

I pursed my lips and snatched the bottle then slammed it on the counter. Nagulat si Mika sa aking ginawa. Alas just raised both of his eyebrows, but I could see the amusement, crystal clear, dancing in his eyes. Kahit na wala ang pilyong ngiti sa kaniyang mukha ay alam kong naaaliw siya sa nakikita.

"Anything else?" suplada kong tanong sa kaniya. Inangat ko ang aking kilay at hinamon siya gamit ang mga mata.

He chuckled. It was a lazy chuckle coming from his rich and baritone voice. Bigla kong naalala kung paano niya ako kantahan noon.

"Do you always treat your customers like this, Belle? Hmm?"

"Jusko. Maiihi na yata ako." Narinig kong bulong ni Mika. Dali-dali siyang umalis sa counter, tila ba hindi nakayanan ang presensiya ni Alas.

I stared back at him, pero sa totoo lang, sa likod ng counter ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. Samantalang siya ay prente lamang na nakatayo. Nakatukod pa ang isang kamay sa counter na para bang nagmomodel siya nitong alak sa kaniyang harapan!

"I don't." tipid kong sagot sa kaniya. I silently praised myself for not stuttering.

"Well, I must be special." Dinukot niya ang kaniyang wallet mula sa bulsa. "I feel so honored, Belle."

Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Why does he have to talk like that? It's his voice, goddamit! He sounded as if he's seducing me but his words are telling me otherwise...

Hinablot ko ang isang libong inilatag niya sa counter. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko at hindi mapakali.

As if basking in my misery is his newfound obsession, inilagay niya din ang kaniyang isang kamay sa counter at pinagsalikop ito habang pinagmamasdan akong i-encode ang kaniyang binili sa cash register.

"Throw in some cigarettes, too."

"What cigarette?" I snapped, kahit na alam ko naman na.

He smirked. "Babe, you know it already."

Nanigas ang buong katawan ko sa kaniyang sinabi. hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil natatakot ako. Nakatitig lang ako sa bukas na kaha at ang mga perang nandoon. I swallowed hard.

Tahimik kong kinuha ang Dunhill cigarettes na naka-display sa rack. I slide it before him and encoded it as well. Umangat lamang ang tingin ko nang makita ko ang kamay niyang inaabot ang Chupa Chups lollipop na nasa kaniyang tabi.

"And this, too."

Hindi na ako nakapalag nang balatan niya ang wrapper ng lollipop. I recognized it as the same lollipop he gave to my son. He licked his lower lips before inserting it inside his mouth.

Nanuyo ang lalamunan ko sa nakita. Ngayon ay impossible na talagang makapag-function pa ako nang maayos. I blinked a few times but the image of Alas, sucking a lollipop, in front of me, will continue to burn at the back of my head for a long time.

Hindi rin nakatulong na nalalanghap ko ang kaniyang panglalaking amoy dahil sa lapit niya sa akin. Bahagyang tumutulo ang tubig mula sa kaniyang buhok. I bet he'd ran straight here after taking a shower.

Nag-angat siya ng tingin sa akin nang mapansing nakatunganga pa rin ako, subo ang lollipop sa kaniyang bibig. I flushed. I could only hope that he wouldn't notice the swelling of my cheeks or at least he'll pretend that he didn't see it.

Dali-dali kong in-encode ang kinuha niyang lollipop at pinindot ang enter. Lumabas ang kailangan niyang bayaran sa maliit na LCD.

He just glanced at it and then nodded. Kumuha ako ng panukli at ibinigay sa kaniya. Sa lamesa ko ito inilagay kahit na nakalahad naman ang mga kamay niya, naghihintay sa sukli. Palagay ko ay mapapaso ako kapag nagtagpo ang mga balat naming dalawa.

Alas frowned at my rude behavior. Hindi niya pinansin ang sukli na nasa counter at pinaningkitan ako ng mga mata. I smirked at him. Buti nga sa iyo!

Ibinalot ko ang kaniyang pinamili at ibinigay sa kaniya. It's half past 11. He's already an adult kaya malaya siyang nakakabili ng mga inumin anumang oras ang gusto niya. Hindi tulad ng ibang teenagers na pinagsasabihan ko pa dahil bawal kaming magbenta sa kanila ng alak o sigarilyo kapag lagpas alas onse na.

Walang imik kong iniabot sa kaniya ang plastic na may laman ng kaniyang pinamiling alak at sigarilyo. Inabot niya ito at tumitig ulit sa akin.

"Your shift ends at 1?" nagtaas siya ng kilay. Doon pa lamang niya kinuha ang kaniyang sukli at ibinulsa.

"Yeah. Why?"

Umiling si Alas at wala nang sinabi pa. Kumunot ang noo ko dahil tinalikuran na niya ako at tamad na naglakad palabas ng convenience store.

Napailing na lamang ako. This man is really unreadable!

"Oh, buhay ka pa ba?" Mika teased. Nakamasid ako kay Alas na ngayo'y binubuksan na ang driver's seat ng kaniyang itim na Ford.

Binalingan ko si Mika at pinanliitan ng mga mata. "Malamang buhay pa ako. Bakit hindi?"

"Bakit hindi?" she shot me an unbelievable look as if I'd just proven to her that earth is, after all, flat. "Si Engineer Ferrer yun! Engineer Ferrer!" padarag niyang wika. "Bakit kung maka-akto ka ay parang hindi ka naapektuhan sa presensiya niya? Any woman will definitely spread their legs for him, mabasbasan lang ng atensiyon nila!" tila naghi-hysterikal na nitong wika.

Napangiwi ako. Biglang sumagi sa isipan ko nung minsang dinala ni Tita August si Alas sa eskwelahan. Pinagkaguluhan siya ng mga babae. Ang iba'y halos itapon na ang sarili sa kaniya. Napailing ako sa alaala at binalingan ulit si Mika.

"May anak ako, Mika..." katwiran ko sa kaniya.

"So?" nagtaas siya ng kilay. "Hindi porket may anak ka eh hindi ka na puwedeng lumandi!" humagikhik siya at hinampas pa ang balikat ko. Kumunot ang noo ko at inirapan ang kaibigan.

Inalala ko ang reporting namin para bukas. Gugugulin ko na lamang ang natitirang oras para makapag-aral ako at makapaghanda. I guess it's going to be another sleepless night, Belle...

"Uy, aga natin Marie, ah!" salubong ni Mika sa kakapasok pa lamang na si Marie. Sinulyapan ko ang orasan. Mag-aalas dose pa naman. Isang oras siyang maaga kaysa sa standard duty time.

"Bumabawi lang sa pag-absent ko noong isang araw." Sagot niya at sinulyapan ako. "Baka gusto mo nang umuwi, Belle? Ayos lang sa akin."

"Talaga?" namilog ang mga mata ko.

"Yup." She grinned. "Mag-aaral ka pa bukas eh."

Sa sobrang saya ko ay nayakap ko si Marie sa kaniyang sinabi. Every minute I could spare is so important to me right now. Kung hindi ako nagpapahinga ay nag-aaral naman ako sa kabila ng pagtatrabaho ko.

"Sige! Salamat! Magbibihis lang ako..." wika ko, parang excited na batang gustong makapunta ng amusement park. I hummed to myself as I remove the sweaty uniform. Ito lang naman ang papalitan ko at hinayaan na ang aking black slacks na suot.

Nang lumabas ako ay si Marie na ang umaasikaso sa customer na bumili ng instant noodles. Nang makaalis siya ay tumikhim ako at nagpaalam na sa mga kaibigan.

"Sige, Belle! Ingat!" nakangiti niyang turan sa akin. Pati sa security guard na naging kaibigan na din namin ay nagpaalam ako at tinahak ang daan patungo sa aming apartment.

Habang naglalakad ako ay sumagi na naman sa isipan ko si Alas. I don't know why he's acting like this. Para bang nakilala lang niya ako sa unang pagkakataon. I couldn't even find any hint of surprise or recognition when I first told him my name.

And the rest of his actions are of that a stranger meeting me for the first time. Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Bigla nalang sumakit ang dibdib ko at bumagal ang aking paglalakad.

Have he read my letter? Anong naging reaksiyon niya doon? Should I tell him what happened? Kailangan ko pa ba talagang magpaliwanag?

Napapikit ako at napailing. Tatlong buwan nalang ang kailangan kong tiisin at makakagraduate na din ako. I'll finally be able to step into the world of working adults. Mas malaking responsibilidad ang papasanin ko, lalo pa ngayong lumalaki na si Zeus at kailangan na din niyang mag-aral.

Nang makarating sa apartment ay nadatnan ko pa si mommy na natutulog sa couch, marahil ay naghihintay sa akin. Kinumutan ko siya at dumiretso sa kwarto ko. Tulog na rin si Zeus at yakap si Mufasa. I smiled at the image of my young sweet boy, probably rowing a boat in a magical river in his dreams.

Nagsimula na akong mag-aral. Binuklat ko ang hiniram na textbook at tinuon ang sarili dito. Nagsulat din ako ng notes at gamit ang natitirang data sa cellphone ay nakapag-research din ako.

Hindi ko napansin and oras. When I lifted my head to gaze upon the windows, nagulat nalang ako na papasinag na ang araw!

I cursed out loud! Balak ko pa sanang makatulog kahit isang oras man lang. Kinusot ko ang nanghahapding mga mata.

"Belle!"

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan at pagsilip ni mommy sa akin. "Hindi kita nakita kaninang madaling araw... Bakit hindi mo naman ako ginising, anak? Napagtimpla pa sana kita ng kape."

"I'm okay, mommy..." I assured her. Kumunot ang noo niya nang nakamasid sa akin nang makitang hindi pa rin ako nakapagpalit mula sa sinuot na slacks kagabi.

"Ilagay mo na yang slacks mo sa hamper at nang malabhan ko mamaya," wika niya.

I nodded my head. Pinili kong huwag nalang munang maligo dahil wala pa akong tulog. Nagpunas ako at nag-spray ng dry shampoo sa buhok bago ako nagbihis sa aking uniporme.

Tulog pa rin si Zeus habang kumakain ako ng agahan. Ipinagtimpla ako ni mommy ng kape at maaga pa lang ay may kausap na naman agad ito sa kaniyang telepono. I stole glances from her while chewing on my bacon. Umagang-umaga pa lang ay pagod na ako...

"Ikaw na muna ang bahala kay Zeus, mommy, ah?" wika ko sa kaniya habang nagsusuot ako ng sapatos.

Saglit na sumulyap si mommy sa akin at tumango. Ibinaba niya ang kaniyang telepono at binitawan ang ballpen na hawak. She hovered near me and planted a kiss on my cheeks.

"Sige, Belle, mag-iingat ka anak..." aniya.

Tumango ako at pumasok sa kwarto upang gawaran ng halik sa noo ang aking anak. Nang makalabas ako sa bahay ay in-adjust ko muna ang strap ng aking shoulder bag.

Muntik na akong tumakbo pabalik sa loob nang makita ko kung sino ang nasa labas. Nakasandal si Alas sa kaniyang itim na Ford, nakahalukipkip, at may bahid ng iritasyon ang kaniyang mukha.

Kinabahan kaagad ako. Even with my overwhelming emotions swimming towards him, I couldn't help checking him out. Malayong-malayo sa kaniyang hitsura kagabi na naka-jersey shorts at puting shirt lang.

Alas clad himself in a black undershirt and slacks. He didn't bother putting a tie on and the four buttons of his shirt were open. Mukha siyang magmomodel ng kaniyang sasakyan o sigarilyo imbes na papasok sa trabaho.

Nakatunganga lang ako sa kaniyang harapan. I want to bask in the gorgeousness that he is when he cleared his throat. I jumped to my feet.

"Do you know how long I waited earlier? At the convenience store?" he pursed his lips. Inalsa niya ang kaniyang malaking katawan mula sa pagkakasandal sa kaniyang sasakyan at nilapitan ako. Kumapit na lamang ako sa maliit na gate upang pigilan ang panginginig ng mga tuhod.

"A-Ano?"

Walang masyadong pumapasok sa isipan ko lalo na nang makalapit siya at sumilip mula ang kaniyang tattoo mula sa dibdib. I gasped in his perfume. Ngunit ang nag-aalab nitong mga mata ay hindi ako pinahintulutang mamalagi ang titig sa kaniyang dibdib.

"If those girls haven't told me that you have gone home already, I would've waited all night long outside!" pang-aakusa niya sa akin.

I blinked. Sa unang pagkakataon ay pinagtuunan ko na ng pansin ang kaniyang sinasabi kesa sa kaniyang pisikal na katawan sa aking harapan.

"Ano kamo?"

"Didn't you say that your shift ends at 1 am?" puno ng otoridad ang boses nitong tanong sa akin.

I nodded my head slowly, still trying to make sense of it. With Alas, my intelligence seems to fly out of the window because all I could ever think of is his alluring aura and damn fragrant manly smell.

"And? Bakit umuwi ka nang maaga? Naglakad na naman mag-isa patungo rito?"

I chewed my bottom lips. Ngayon ko lang naintindihan ang kaniyang ibig sabihin.

"Ah... kasi may reporting ako tsaka maagang dumating si Marie. Pumayag naman siyang mauna akong umuwi kaya..." I shrugged.

"Damn it, Belle!" a string of profanities escaped from his mouth, like he was born to say those pretentious words. "You are not allowed to walk in the middle of the street again, alone in a motherfucking midnight!" bulyaw niya sa akin.

Napakurap ako. I tilted my head to the side. Mabilis ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib, tila hiningal sa pagsigaw sa akin. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag.

"Bakit...?"

"No more questions. Ihahatid kita sa eskwelahan mo." Marahas niyang itinuro ang naghihintay na sasakyan sa likod. "Sakay!"

I blinked again, still trying to process what just happened. Namalayan ko nalang ang sarili kong sumasakay sa kaniyang Ford. I buckled the seatbelt as he circled the car and occupied the driver's seat.

An air freshener swayed beneath the rearview mirror ngunit nang pumasok si Alas ay mas nangibabaw ang kaniyang bango. I tried not to appear affected by adjusting my weight on the seat, too comfortable with the luxury car chair.

Isang sulyap lang ang iginawad niya sa akin bago niya binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa community college na limang minuto lang ang naging biyahe dahil sa bilis niyang magpatakbo.

"Salamat..." mahina kong wika. Mabilis lamang ang iginawad kong sulyap sa kaniya dahil alam kong hindi ko na matatanggal ang mga mata ko kapag nagtagal pa ako.

Bago ko pa lubusang mabuksan ang pintuan ay nagsalita siya, bahagyang nakapagpatalon sa aking kinauupuan.

"Anong oras matatapos ang klase mo?"

I glanced at him. Nakatutok siya sa kalsada at ang mga kamay nito'y nagpapahinga sa steering wheel.

"H-Hindi mo naman ako kailangang—"

"Anong oras matatapos ang klase mo, Belle?" pag-uulit niya. This time, he turned to me. His rockhard stare tells me that if I'm going to rebel against him, I'm going to fucking regret it.

"3:30 pm..." halos pabulong kong wika.

He nodded, satisfied with my answer. Pero gaya ng kagabi ay wala din naman siyang sinabi kung hihintayin niya na naman ako sa labas. I'll just assume he will.

Bumaba na ako sa sasakyan at may iilang estyudante ang napalingon sa akin. Bumuga ako ng malalim na hininga at nagsimula nang maglakad nang bigla akong makaramdam ng hablot sa aking braso.

"Belle! Sino yun?" pang-uusisa kaagad ni Stella at tinadtad ng tingin ang Ford na kakausad pa lamang palayo.

I shrugged. "Wala yun."

"May kotse ka na pala?" she blinked. Sinabayan na niya akong maglakad.

Umiling ako. "Wala akong kotse, Stella. Hindi sa akin yun."

"Eh, sino? Boyfriend?" her eyes twinkled in delight.

Kumunot ang noo ko at inilayo ang kaniyang mukha sa akin nang ilapit niya ito. "Stop it, Stella. Hindi ko yun boyfriend."

Ngumisi lamang siya. By now, I think she's trying to figure out the man inside the car. I could only hope na hindi lalabas si Alas mamaya para hintayin ako dahil tiyak akong uugong iyon ng isyu sa mga nakakakilala sa akin.

Not to mention of Alas' god-like looks, mahirap ang ignorahin lamang siya. I've seen girls who silently plead with their eyes to bless them with even his slightest glance and attention.

Bukod sa huli kong reporting ay wala kaming ginawa buong araw kung hindi mag-orient para sa aming nalalapit na internship. Sayang nga lang at hindi kami magkasama ni Stella sa iisang network.

"Siya yung may anak diba...?" rinig kong bulong ng babaeng magiging kasama ko sa tatlong buwang internship sa GMA. I pretended not to hear her question.

"Siya nga..." her friend nudged her. Naningkit ang mga mata kong napabaling sa kanila. Anong problema ng mga ito?

Natapos ang orientation ng 2:30 pm. Niyaya ako ni Stella na surf café ngunit napilitan akong tanggihan ang kaibigan dahil alam kong maghihintay si Alas sa akin pagsapit ng alas tres.

I don't have his number so I can't text him to not go and fetch me. And I don't want him breathing fire on me again the next day we're going to see each other. Iniisip ko pa lang iyon ay tila nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Ihhh! Susunduin ka ng boyfriend mong mayaman, noh?" tinusok-tusok pa niya ang aking tagiliran.

Ngumuso ako at hindi sumagot. Ang pamumula ng aking pisngi ang nagpatunay sa sinabi ni Stella kaya mas lalong lumakas ang tawa nito.

"Hindi ko siya boyfriend! Okay?"

She shrugged, the stupid grin never leaving her face. "Sabi mo eh..." she even whistled as she scurried away. Napairap nalang ako sa ere sa inakto ng kaibigan!

I waited outside the gate, staring at my shoes. Para akong kindergarten na hinihintay na sunduin ni mommy pagkatapos ng eskwela. Nakita ko ulit ang dalawang babaeng magiging kasama ko na kumakain ng fishball sa labas. Panay ang sulyap nila sa akin na inignora ko naman.

So what if I have a child? At least I've got a taste of the happiness and bliss only motherhood can offer. Besides, it may sound cliché, but Zeus is the best thing that has ever happened to me. The boy never fails to take my weariness away, no matter how drained I am.

I don't want those girls ever doubting a mother's caliber. Bigyan lang nila ako ng kaunting panahon at ipapakita ko sa kanilang mali ang pinag-uusapan nila ako sa unang pagkakataon.

My thoughts dissolved into smithereens when the familiar black Ford slowly made way towards the gate. Tumuwid ako ng tayo at humawak pa sa aking shoulder bag, pinagmamasdan ang dahan-dahang pag-abante ng kotse dahil sa mga nagkalat na estyudante sa daan.

Nang huminto ito ay nakatingin pa rin ako. The vehicle is still for a few seconds until Alas decided to climbed out of the car. Nanlaki kaagad ang mga mata ko at dali-daling tumakbo patungo sa sasakyan ngunit huli na ang lahat.

Half of the female population scattered outside the gate turned to him. They all watch his every move with hawk-like eyes, like a predator hovering over its prey. May ibang nagsisikuhan at ang iba sa kanila'y hindi na nakapagpigil at tumili.

Sinulyapan ako ni Alas, oblivious to the attention he's drawing from the crowd. Lumunok ako at iminuwestra ang pintuan.

"P-Papasok na ako..." I stuttered.

He nodded. Nakasandal ang isa niyang kamay sa bonnet ng sasakyan. He adjusted the Giordano retro sunglasses sitting on the bridge of his Roman nose before he entered the vehicle as well.

Napatitig ako sa kaniya. Now that I've think about it, I think Alas retains the quality of a foreign aesthetic. I wonder if his father is a foreign national? Klaro naman kasi sa kaniyang hitsura. Pati ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki ay halatang may lahi. Even Ami is undeniably beautiful.

"Done checking me out?"

Napapitlag ako sa kaniyang sinabi. Heat travelled to my cheeks as he nonchalantly gave life to the engine and pulled the car from the curb. Through the tinted car windows, I could see that the students' gazes are still following his every move kahit na hindi naman na siya nakikita mula sa loob.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin. When he chuckled to himself, I felt hot all over. Irap ang iginanti ko sa kaniya habang bumabiyahe kami patungo sa apartment na nirerentahan.

"Why are you here? Diba may trabaho ka pa?" pang-aakusa ko sa kaniya.

"I moved my break to four pm so..." he shrugged.

I chewed my lower lips, thinking of what to say next. Sinulyapan ako ni Alas.

"Duty mo pa rin mamaya sa convenience store?"

Marahang tango ang isinagot ko sa kaniya.

"I'll give you a ride home..." aniya. "Hindi na ako puwedeng makabalik dito pagsapit ng alas sais."

I stared at him. Kinalkula ko sa loob ng isipan ko ang biyahe niya patungo rito. Mula sa Governor Generoso patungo sa Lavigan ay aabutin siya ng higit kumulang tatlong oras, puwera nalang kung sobrang bilis niyang magpatakbo ay makukuha niya lang ito ng isang oras.

Ibinaba ko ang mga kamay sa hita at pinindot-pindot ito. He's going to travel a few miles from the construction site just to drive me home? That would be crazy!

"Alas kasi..." I trailed off. "Hindi mo na ako kailangang ihatid galing sa eskwelahan pauwi sa bahay." Mahina kong wika.

"Bakit? May magagalit ba?"

Bigla nalang humigpit ang hawak niya sa steering wheel na siyang ikinalito ko. I stared at him again. He pursed his lips and even with the sunglasses on, I could imagine the hard look in his eyes.

Marahan kong iniling ang aking ulo. "Wala naman."

"Then so be it. Ihahatid kita araw-araw mula sa bahay niyo patungo sa eskwelahan. Pati na rin sa madaling araw kapag tapos na ang duty mo." He said as if it's the newly-approved law in the Philippine constitution.

I swallowed hard. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pinagmasdan na lamang ang mabilis na pagkawala ng mga bahay at punong dinadaanan namin sa bilis niyang magpatakbo.

"Alas... may anak na ako..." mahina kong sambit.

Bigla nalang niyang ihininto ang kotse na siyang nagpagulat sa akin. Muntik pa akong masubsob sa dashboard kung hindi ko lang naitukod ang mga kamay ko.

Nagngingitngit na binalingan ako ni Alas. "So?"

"W-Wouldn't be inappropriate if a young bachelor like you gets linked with a teen mother l-like me?" nakatungo kong tanong.

Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap. Nang balingan ko siya ay inis niyang hinubad ang kaniyang sunglasses at itinapon sa dashboard. I jumped on my seat.

"Who the fuck cares if you have a child?"

"Alas—"

"Belle, I'm not fucking blind."

Gusto kong matawa sa kaniyang tinuran. Yes, you are. Once.

"Nakita kitang may anak na lalaki... so?" may bahid na ng iritasyon at galit ang kaniyang mga mata.

I chewed on my bottom lips. "So you need to stay away from me."

"What?" inis na naman siyang bumaling sa akin. "Look, if you think you've reduced to someone with lower caliber just because you have a child, then I'll prove you wrong. Only the fucked up society steels the idea that teen mothers should never engage themselves in anything romantic after a failed relationship and an accidental baby."

Napaawang ang labi ko sa kaniyang tinuran. Tinitigan ako ni Alas.

Nakipagtitigan din siya sa akin at nang mapagtantong hindi ako magsasalita ay mahinahon na niyang binaling ang tingin sa steering wheel. Akmang bubuhayin na sana niya ang makina ng sasakyan nang bigla kong hawakan ang kaniyang braso.

Lumipad ang tingin ni Alas sa kamay kong nakahawak sa malaki at matigas niyang braso at base sa nagsisidhi nitong mga mata ay ramdam niya din ang ramdam ko—para akong pinapaso.

Despite the heat and the jolts that electrocuted every nerve ending of my body, I remained my grip. In fact, I tightened it and stared hardly at him.

"What game are you playing, Alas Ferrer?" matigas kong tanong sa kaniya. If I don't ask him and get my answer, masisiraan na ata ako ng bait.

I don't know how to act around him anymore since he doesn't reveal the reactions I've expected from him when we first met after a long time. Ngayon ay gulong-gulo na ako kung papaano ako aakto sa kaniya.

"What game are you talking about, Belle?"

Napailing ako. "Stop this nonsense! Ano? Magpapanggap ka nalang na hindi mo ako naaalala?" halos manginig ang boses ko. Tears, once again, threatened to spill from my eyes. "The mansion? The lake? The fucking horses and the ranch?"

Kumunot ang noo niya. Wala ni isa sa mga binanggit ko ang rumehistro sa kaniya. Instead, he studied my face even more.

"What lake...?" he sounded confused.

"You mean... you don't remember?"

Tinitigan lamang ako ni Alas. Then, where recognition and longing should take place on his face, confusion and bewilderment took over instead.

I gasped. Napabitiw ako sa kaniyang kamay at tumulo na ang mga luha ko habang gulat na nakatingin sa kaniya. Magkasalubong ang mga kilay ni Alas na nakatingin sa akin, trying to figure out what the hell is wrong with me.

Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis kong kinalas ang seatbelts at binuksan ang pintuan upang makababa sa kaniyang sasakyan.

"Belle!" he called out but I ignored him.

Pakiramdam ko ay sumabog ang puso ko sa aking dibdib. It doesn't take a genius to figure out what happened to him. Napaupo ako sa tabi ng kalsada sabay ang pagdagsa ng mga luhang para sa kaniya na pilit kong pinipigilan sa loob ng limang taon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro