Chapter 3
Chapter 3
Ayaw ko pang idilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang pagtapik ni Zeus sa aking mukha. And it was followed by his sweet voice that it was hard for me not to flicker my eyes open and ignore him.
"Mornin' mummy..." his face is the first thing I saw in that morning. Kaagad akong napangiti. "Are you awake now?"
"Yes, baby." I murmured and pulled him into a hug. Zeus giggled and hugged me back.
"Let's get some ice cream, mum. Lola won't give me some until you give it yourself to me..." he pouted.
Bungisngis ang isinagot ko sa anak. Kahit na mahapdi pa ang mga mata ko dahil kinulang sa tulog ay tumayo ako ako. Zeus was quick to jump out of the bed.
I stretched and yawned. Giving my bed one last hopeful look, I climbed out of it and washed my face first. Nang makalabas ako ay inatake ang ilong ko ng mabangong aroma ng niluluto ni mommy. My stomach growled. I caught glimpse of the wall clock hanging in the wall and realized it's half past 10 am already.
"Hi, mommy." I greeted and grabbed a glass. May kausap si mommy sa kaniyang cellphone habang ginigisa ang gulay. Nakaipit ito sa kaniyang tainga at kaliwang balikat.
"Hey, sweetie." She threw me a brief glance before she quickly turned her attention to the food. "Yes, yes, Mr. De Guzman... hindi ka po magsisisi!" aniya.
Binuksan ko ang fridge at kinuha ang pitcher ng tubig saka sinalinan ang aking baso. Habang sumisimsim ako ay pinapanuod ko si mommy na hysterical na tumawa sa kaniyang kausap sa telepono.
Bigla nalang lumapit si Zeus sa akin. Hawak niya ang binili ko sa kaniyang Mufasa plushie sa isang kamay at kinalabit ako. Nang tingnan ko siya ay nagmamakaawa na ang mga mata nito at itinuro ang ref na hindi niya maabot.
"Ice cream, mummy..." turan ng bata.
Inubos ko ang iniinom na tubig at inilapag ito sa sink. Tapos ay binuhat ko si Zeus at pinaupo siya sa wooden chair na pumapalibot sa pabilog na lamesang nabili lang namin kamakailan lamang.
"Not until you have your breakfast, young man." I pinched his nose and he pouted.
Tuluyan nang ibinaba ni mommy ang telepono na may ngisi sa labi. Dali-dali niyang tinapos ang nilulutong pinakbet at isinalin ulit ito sa puting bowl bago iniabot sa akin.
"Mr. De Guzman just agreed to be my investor!" excited niyang pahayag. "We're going to have a meeting in Parola later this afternoon."
"Parola?" I echoed, setting the table. Malapit lang iyon sa bahay nila Stella na pinuntahan ko kahapon. But it's going to be a three-hour journey from here in Governor Generoso. "Ang layo naman nun, mommy..."
"Kaya nga isasama ko kayo ni Zeus, eh." She winked, filling our plates with steaming rice. "Want to go to the beach, boy?"
Zeus cheered and drummed his utensils on the table. Mahina ko siyang sinita saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga baso sa aming lamesa.
Nang makaupo na si mommy ay hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Once I get this ball rolling, maitatayo ko nang muli ang fisheries!" she exclaimed. "I may have lost my previous investors but that's just how business works..." she shrugged. "Hahanap nalang ulit ako ng bago at si Mr. De Guzman ang una kong makakasosyo."
Nang lagyan ko ng gulay ang plato ni Zeus ay kaagad kumunot ang kaniyang noo at ipinagkrus ang mga kamay. I stared at him, shocked. For a fleeting moment, I thought I saw Alas sitting next to me instead of my son.
"Zeus..." mahinang sita ni mommy sa kaniya. "You eat your vegetables, boy. Or Lola will not take you to the beach."
Zeus arrogantly lifted his chin. Hindi pa rin ako makabawi sa gulat na naramdaman at nanghihinang ibinaba ang serving spoon na hawak. My hands unconsciously went to my chest just to check if my heart is still there. Pakiramdam ko ay tumalon na ito palabas sa aking dibdib sa sobrang gulat.
"Are you okay, Belle?" usisa ni mommy sa akin nang mapansin ang kakaiba kong inakto.
"J-Just fine." I croaked. Sinilip ko ulit ng tingin si Zeus. The loud rebellion is written all over his face and his eyes...
I swallowed hard.
"Eat your vegetables, baby, okay? Or mommy will get mad..." kalmado kong wika sa kaniya.
With what I said, his features softened and he pouted. He's on the verge of crying as he stared at the vegetables in front of him.
"You won't get to have your ice cream and go to the beach if you don't eat your vegetables..." sulsol ko pa.
Walang nagawa ang bata kung hindi kunin ang kaniyang kubyertos. Hindi siya nagsasalita pero nakasimangot ang kaniyang mukha habang pilit na isinusubo ang kanin at ulam sa kaniyang bibig.
I smiled and leaned back on my chair, satisfied. Nang balingan ko si mommy ay nagtitipa na siya sa kaniyang cellphone. Kumain na din ako at pilit na iwinaksi ang mga alaalang dala ni Alas sa aking isipan.
When we were done eating, Zeus finally had his ice cream. Habang nanghuhugas ako ng plato ay pinaupo siya ni mommy sa sala. She played Finding Nemo on our 32-inch flatscreen TV and gave Zeus his ice cream while she took more phone calls in the balcony.
Nang matapos akong maghugas ng plato ay pinatuyo ko ang aking mga kamay gamit ang towel at nilapitan ang anak. I stopped on my tracks when I saw him, staring wide-eyed at the screen. Nasa ere pa ang hawak nitong kutsara at titig na titig siya sa nag-uusap na mga isda.
"When I look at you, I can feel it. I look at you, and I'm home..."
Sinundan ko ng tingin ang kulay asul at orange na isdang nag-uusap. Zeus blinked then continued staring at them, already losing interest on his ice cream.
Dahan-dahan kong nilapitan ang anak ko. Sinipat niya ako ng tingin at inilapag ang ice cream bowl sa pagitan ng kaniyang maliliit na hita. Tapos ay bigla nalang itong ngumuso.
"Mummy..." itinuro niya ang screen at kumunot ang noo. "Nemo has called for his Dad several times in the movie... What's a Dad, mum?"
My throat thickened. I raised my son without teaching him who or what a Dad could be. Nanlalaki ang kaniyang mga kuryusong mata na nakatitig sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot.
"And there's no mum in the movie..." dagdag pa niya. Tapos ay kumunot ulit ang noo nito. "Is dad like, a male version of you?"
Tinitigan ko si Zeus na nagtatanong ang mga mata. Then I blinked and slowly nodded my head.
"Yes, baby."
"If so..." he stared at his melting ice cream and the corner of his lips curved downward. "Who's my Dad?"
Sumikip bigla ang dibdib ko. Words threatened to spill out of my mouth but I swallowed it back. Now I could see the disappointment and longing dancing in my son's eyes. And seeing your own son in morose is a stab to a mother's heart.
"I... uh..." I stammered.
"Isabelle!" naputol ang pag-uusap naming dalawa nang biglang pumasok si mommy, hawak pa rin ang kaniyang cellphone. "Paliguan mo na yan si Zeus. Tapos mag-ayos ka na rin. We have to catch the bus by 1 pm."
I nodded my head and turned my gaze to my son. Thankfully, just like any four-year old kid, mabilis na nawala ang kaniyang interes sa topic at ibinalik ang tingin sa pinapanuod na cartoons.
"C'mon, baby. Let's take a bath first." Wika ko sa kaniya.
He took one spoonful of ice cream before he hopped from the sofa and raced to the bathroom. I picked up the bowl and brought it to the sink before I followed him inside.
"Are we there yet?" pangatlong beses na tanong sa akin ni Zeus habang nakasakay kami ng bus. Kanina pa siya talon nang talon sa excitement. I ruffled the little boy's hair and smiled at him.
"Almost there, hun." Pangatlong beses ko na ding sagot sa kaniya.
He pouted and straddled my lap. Tapos ay tinanaw niya ang dagat na nadaraanan ng bus. Truth be told, kinakabahan ako sa bilis ng pagpapatakbo ng bus. Sanay naman ako sa ganito kaso lang ngayong kasama ko ang anak ko ay hindi ko maiwasang hindi mag-overreact.
Maybe that's how it is when we love. I cannot imagine mankind sans love. It's what we are living for. You'll find the purest and rawest form of beauty in love. In my case, I found it every time I peek into my son's shining eyes.
Nang madaanan namin ang bahay nila Stella at ang itinatayong resort at halos mabali ang leeg ko kakatanaw doon. Nahagip ng mata ko ang pamilyar na itim na Ford na nakaparada sa labas, kasama ng dalawang malalaking truck. I figured Alas might be there today.
The silent vibration of my phone stole my attention from drifting to Alas once again. Dinukot ko ito mula sa bulsa. Basag pa ang screen nito sa pagbato ni Zeus sa pader nang matalo ito ng tatlong beses sa Plants vs. Zombies.
He has the temper of his father, alright. Hindi ko na nagawang ipaayos ang phone ko at dahil nagagamit ko pa naman ito nang maayos despite the cracked screen ay hindi na rin ako nag-abala pa.
Binuhay ko ang cellphone upang tingnan kung sino ang nagtext sa akin.
Mika:
May sakit si Marie ngayon. Pwede kang mag-duty mamaya?
I quickly typed a reply and told her yes. I was actually planning to rest but I cannot miss this opportunity. Dagdag ito sa sweldo ko. Every penny I could earn is crucial to supply my family's needs. Kahit na tumutulong naman si mommy sa gastusin sa bahay ay minsan ginigipit pa rin ako, lalo pa ngayong intern na ako. Medyo tumaas ang tuition fee pagtungtong sa huling yugto ng aming kolehiyo.
I licked my lower lips and turned to my son. He rested his elbows by the window pane and stared dreamily at the ocean. Ihinarang ko ang sarili kong kamay upang hindi siya mahagip ng kung ano habang patuloy ang biyahe namin.
Nang sa wakas ay makarating na kami sa Cape San Agustin ay excited na sumunod si Zeus sa kaniyang Lola, ni hindi na ako hinintay pa. My mother held his tiny hands tightly as we sauntered towards the resort's entrance.
Pansin ko ang pag-usbong ng mga bagong cottages na wala naman noong bumisita kami dito. Pati na rin ang paglaki ng kanilang resto bar ay hindi nakaligtas sa mga mata ko.
The three lighthouses erected proudly in its mighty glory, bathing in the sun's rays. Pinagmasdan ko ang mga turistang nagpapa-picture sa mga lighthouses at ang iba'y sinubok pa itong akyatin kahit na bawal.
Mabilis na naghanap si mommy nang mauupuan namin at nagpunta sa counter. May kinausap siyang babae at mayamaya pa ay may itinurong lalaking nakatayo kasama ang isang binate. I assume it's his son as they shared the same kind eyes and polite smile.
Humalumbaba ako sa lamesa. Busy ang mga waiters sa pagsi-serve sa mga customers. Maingay rin ang paligid. Pansin ko ang pagdagsa ng mga turista dito. Dinalaw ng pangungulila ang dibdib ko sa panahong hindi pa ito gaanong kilala ng mga tao at nanatiling magandang lihim sa mga residente ng Lavigan. But now I'm not going to be surprised if this cape made it to the most visited tourist spots in Mindanao.
Pinagmasdan ko si mommy na lapitan ang medyo may edad na lalaki. Nakipagkamay siya dito, gayon din ang kaniyang anak. Itinuro ni mommy ang table kung saan kami nakaupo dalawa ni Zeus at iginiya ang kaniyang mga bisita.
Umayos ako ng upo nang makalapit sila. My mom smiled at them before she turned to me.
"Isabelle, this is Mr. Arnold De Guzman... ito naman ang kaniyang anak na si Antonio."
"Hi." I pulled myself from my seat and extended my hand to them. Malugod naman nila itong tinanggap. "I'm Isabelle and this is my son..." binalingan ko si Zeus na hindi nagpakita ng interes sa mga bisita. Sinusundan ng kaniyang malilikot na mata ang asong napadaan sa aming table. "Zeus..."
"Oh..." bakas ang gulat sa mukha ni Anton. "You have a son?"
"Yes." I proudly stated.
"I-I thought... he was your brother. Sorry." He blushed furiously as he took his seat.
Tumawa ako sa kaniyang sinabi. "It's okay. I get that a lot."
"Shall we order something?" nakangiting tanong sa amin ni Mr. De Guzman. My mother nodded her head at kinuha ang atensiyon ng isang waiter na umiikot ng tubig. Binigyan kami ng menu at matiyagang naghintay sa pagpili ng aming o-orderin.
"Halo-halo nalang sa akin..." baling ko sa waiter. "At egg waffles. Samahan mo na rin ng banana cake."
Inilista niya ang sinabi ko. Mr. De Guzman ordered more than enough for the four of us to eat. Pati si mommy ay nagprotesta ngunit tumawa lamang siya.
Nang makaalis na ang waiter ay inilapag ni mommy ang kaniyang kamay sa lamesa at binalingan si Mr. De Guzman. "So Mr. De Guzman, about the business plan..."
Napalingon ako kay Zeus nang maramdaman ko ang pagkalabit niya sa shirt kong suot. Itinuro niya ang mga lighthouses sa di kalayuan.
"Mum, I wanna go..." he pleaded with his big doe eyes again.
Binalingan ko si mommy na ngayo'y abala na sa pakikipag-usap sa kanila. It would be rude if I suddenly leave.
Itinuro ko ang lighthouse na abot naman ng aking tingin.
"Ok. Just take a look there and don't climb the lighthouse, Zeus, okay?"
He nodded his head.
"Keep in my line of sight. Kapag hindi kita nakita ay susunduin kita at ibabalik dito." Dagdag ko pa.
He nodded again and happily sauntered away. Hindi natanggal ang tingin ko sa kaniya at nangangati na akong sundan siya kung hindi lang inagaw ni Antonio ang aking atensiyon.
"So... a teen mom, huh?" he echoed.
Binalingan ko siya at tipid na nginitian. "Yeah."
"Where's the father of your child?" sinundan din niya ng tingin si Zeus na ngayo'y masayang iniikot ang tingin sa paligid. The dog started nosing the ground. Nilapitan iyon ni Zeus at muntik na akong mapatayo sa kinauupuan. Buti nalang at natakot ang aso at tumakbo palayo.
"He's... not around." Wika ko na lamang.
"That's too bad." Aniya. Napatingin ulit ako sa kaniya. He does seem sincere with what he said. "Aren't there any chance of the two of you getting back together? At least... for the child?"
Napataas ang kilay ko. Bakit ang personal naman ata ng mga tanong ng lalaking ito eh kakakilala ko pa lang sa kaniya?
Iniling ko ang ulo ko. "Masyado pa kasing komplikado. At isa pa, graduating student ako."
"Oh, really! What course are you taking?"
"Mass communication." Sagot ko sa kaniya.
Nang dumating ang pagkain namin ay patuloy pa rin kami sa kuwentuhan ni Antonio. Tinawag ko si Zeus upang kumain ngunit ang buo niyang atensiyon ay sa tunog ng malalakas na alon na humahampas sa talampas sa di kalayuan. Pati ang kaniyang mga mata'y naglilikot sa lighthouse sa kaniyang harapan.
In the end, I went back to our table alone. Ayaw niya talagang kumain. Maya't-maya ang pagsulyap ko sa anak ko kaya naman hindi ako makapag-concentrate nang maayos sa pag-uusap naming dalawa ni Anton.
I took a bite of my egg waffle at nilingon muli si Zeus. Biglang kumunot ang noo ko nang hindi ko na siya makita mula rito. Nawala na rin iyong asong kanina pa niya sinusundan.
Kahit na hindi ko pa nauubos ang kinakain ko ay tumayo kaagad ako. I excused myself from them and hurried towards the lighthouse. Several tourists, some of them are foreigners, are milling around the area.
Napakurap ako nang hindi kaagad makita ang anak. Inilibot ko ang paningin ko. Panic had snaked its way up to my chest when I couldn't spot the familiar gray batman shirt he's wearing.
"Zeus!" tawag ko sa kaniya. May ilang napalingon sa akin. "Zeus!" tawag kong muli sa kaniya.
Instead of Zeus, ang aso ang una ko pang nakita. Sinundan ko kung saan ito nanggaling ngunit walang bakas ni Zeus. Anxiety started it's mighty dancing inside of my head as horrible thoughts whispered in my ears.
"Zeus!" sigaw ko habang papatakbo ako sa talampas. Palakas nang palakas ang hampas ng mga alon na tila duyan sa aking pandinig ngunit dahil sa kaba, takot, at panic na nararamdaman ay hindi ko iyon magawang pansinin.
"Where are you, Zeus..." nanginig ang mga labi ko. I could feel the tears burning at the back of my eyes. Kung anu-ano na ang pumasok sa aking isipan habang hinahanap ko ang anak ko sa paligid.
Nang hindi ko siya makita sa lighthouse ay umalis ako doon at nagtungo sa may entrance ng resort kung saan may maliit na souvenir shop at station ng mga coastguards.
"Zeus..." sinuyod ko ng tingin ang paligid at huminto ito sa nakaupong bulto ng lalaki na kausap ng anak ko. Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanila. "Zeus!"
My tracks halted when the man turned to me. Ang nangungusap nitong mga mata ang tuluyang nagpahinto sa akin. Hawak niya ang braso ni Zeus na ngayon ay nakangiti at may hawak na malaking lollipop sa kangn kamay.
I stared at him. The thumping of my heart in my chest is deafening I could barely breathe. Tumayo si Alas na hawak pa rin ang kamay ng anak ko at tinitigan ako.
Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya. Right now, with his black Ford parked in a distance, dressed in a smart suit, and his expensive perfume leaking all over the place, Alas is the holy embodiment of wealth, passion, and power.
Nanigas ako sa kinatatayuan. The sunlight streaming to his hard gorgeous face didn't help either. Mas na-depina lang nito ang kaniyang mga mata at makakapal na kilay.
When he took a step towards me, doon pa ako bumalik sa ulirat. I blinked a few times and run towards them. I quickly snatched my son's arms from him. Isang matigas na titig ang ipinukol ko sa kaniya.
Pagkatapos ay bumaling ako sa anak ko.
"Zeus! Don't disappear just like that!" galit kong wika sa kaniya. The frustration and panic I've felt subsided, and now it was replaced by an anger with unknown source.
The smile on Zeus' face faded. His lips curved downward. Lupaypay na ang mga kamay nito na mahigpit kong hawak.
"Anak mo?"
Nagimbal ako sa boses ni Alas. Nang makalapit na siya sa akin ay naamoy ko naman ang whiskey sa kaniyang hininga. I glared at him. Do this guy attends to his work in a drunk state?
"Anak ko." I lifted my chin as my eyes sparked in annoyance and rebellion towards him.
Inilipat ni Alas ang kaniyang tingin sa akin at kay Zeus. He studied my son's face and for a moment, fear enveloped my chest. Napakurap ako at kaagad na niyakap ang anak ko. My motherly instinct kicked in as I lifted him up and buried his face at the crook of my neck.
"W-What are you doing here?" halos mautal ako sa sariling tanong. "Bakit mo kausap si Zeus?"
"Well..." isinilid niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at pinasadahan ulit ng tingin si Zeus. "I found him by the entrance, trying to catch the dog. So I walk up to him and offered him a lollipop instead. The dog doesn't look friendly. Mabilis din itong umalis nang tigilan na siya ni... Zeus."
Something about him muttering my son's name in his raspy voice made my heart leaped to my throat. Nahirapan ako sa sariling nararamdaman kaya in-adjust ko ang pagkaka-karga kay Zeus at nilagay siya sa aking beywang.
"Thanks..." I silently muttered.
Hindi siya sumagot. Titig na titig lang siya sa aming dalawang mag-ina. I took it as a cue to leave. I cleared my throat and gaze upon him who's staring down at me. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon sa kaniyang mukha.
"I better get going..." mahina kong sambit sa kaniya.
"Mmm. Okay." Aniya at tumango sa akin. Karga si Zeus ay kaagad ko nang nilisan ang kaniyang kinatatayuan bago pa ako atakihin sa puso ng kaniyang presensiya.
Nang makabalik kami sa table ay nagtataka akong tiningnan ni mommy.
"Pawis na pawis ka, Belle. Saan ka ba nanggaling?"
Pinaupo ko si Zeus sa gitna naming dalawa ni mommy. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo at hindi nagsasalita.
"Itong apo niyo, mommy... kung saan-saan nagpupunta..." mahinang sermon ko sa kaniya.
Ngumuso lang ang bata at isiniksik ang kaniyang sarili sa kaniyang Lola. I fought the urge to roll my eyes at Zeus' spoiled behavior. My mother shoot me a look and started stroking Zeus' hair.
"Ilang taon na ba yang si Zeus?" magiliw na tanong sa akin ni Mr. De Guzman.
"Four years old na po..." sagot ko sa kaniya ngunit ang mga mata ko'y walang kahirap-hirap na nasungkit ni Alas nang pumasok siya sa resto bar.
Two French girls who were talking stopped when they saw him. Sinundan nila ng tingin si Alas na mabilis na naglakad patungo sa counter. Then they giggled. Nagsimula na silang magsikuhan.
Hindi lang sila ang naagaw ni Alas ang atensiyon ngunit pati na rin ang mga babaeng maingay sa kabilang table. Mukhang kilala naman niya ang bartender doon dahil kaagad siyang kinausap habang nagtatrapo ito ng isang baso.
Inukopa ni Alas ang high stool at ipinatong ang kaniyang mga siko sa counter, kausap pa rin ang bartender. He chuckled at what he said then started drumming his fingers on the wooden counter.
Hindi ko matanggal ang tingin sa kaniya. I swallowed. Naka-side view siya at kitang-kita ang tangos ng kaniyang ilong kahit pa ilang table ang namamagitan sa aming dalawa. I may be imagining, but heck, I could even smell his perfume from here!
"Oh... Engineer Ferrer is here." Napansin yata ni Mr. De Guzman ang paksa ng aking mga titig.
"Engineer Ferrer?"
Dumako rin doon ang tingin ni mommy at kita ko ang pamumutla niya nang makita si Alas. Marahas niya akong nilingon at pinandilatan ako ng mga mata.
I looked away. Hindi na nakapigil ang babae sa kabilang table at tumayo ang isa sa kanila. Her friends silently cheered her as the girl approached Alas.
Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang babae. She's still young. Around 18, I guess? Tapos kung maka-abante siya patungo kay Alas akala mo matanda na!
Alas spared her a look and the girl almost melted. She smiled at him and talked. Nakita ko ang isang tango ni Alas na para bang hindi siya interesado sa sinasabi ng babae.
Then the girl gave him a small card. Mas lumalim ang gitling sa noo ko sa nakita. She happily waved at him as she went back to her table. Maarteng hagikhikan ang sumalubong sa kaniya at kaagad siyang pinagkaguluhan ng mga kaibigan na dinaig pa ang nanalo sa lotto.
My blood boiled. Kung anuman ang card na ibinigay niyang iyon, alam kong hindi iyon maganda. Pinilit ko itong iwaksi sa isipan ko pero hindi ko magawa. Huminga ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili.
When my eyes drifted again to Alas, muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang makita kong nakatitig na siya sa akin. He's nursing to his whiskey but I could make out the small smile of amusement dancing in his lips.
After taking a sip, he set it down and continued to shoot me with his fiery stares. Hindi na ako mapakali sa upuan ko. Nagkunwari nalang akong kumakain kahit na nawalan din naman ako ng gana sa waffle kanina nang bigla nalang mawala si Zeus.
Tumikhim si Mr. De Guzman kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya ni mommy.
"If you'd like, we can go on a business trip to meet the suppliers I've mentioned," aniya. "They're based in Hawaii."
Binalingan ako ni mommy, nagtatanong ang kaniyang mga mata. Kaagad akong umiling.
"I can't go, mom... intern na po ako." Katwiran ko sa kaniya.
Isang tipid na ngiti ang iginantin ni mommy kay Mr. De Guzman. "I appreciate it, but I have to mind my grandson. Kami lang dalawa ni Belle at walang ibang magbabantay sa kaniya."
"Where's the father then...?" alanganin nitong tanong sa amin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni mommy. Bago ko pa man mabukas ang bibig ko ay inunahan na niya ako.
"He's dead. My daughter never got to marry him. So it's only me and her. And Zeus, of course..." she affectionately stroked my son's hair pero hindi nakaligtas ang paningin ko sa pag-ikot ng kaniyang mga mata patungo sa kinauupuan ni Alas.
Nang sundan ko ito ng tingin ay ibang babae na naman ang kausap niya! A scowl inhabited my face as I watch the two of them flirt with each other. A lazy smile hung on Alas' lips and the girl's flirtatious giggle boomed around the resto bar. Humigpit bigla ang hawak ko sa tinidor.
"Yeah. He's dead..." matigas kong wika nang hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa.
One flick of his gaze towards my direction and I immediately surrender my ballistic stare at him. Bumukas-sara ang aking kamao na nasa mga hita. I could feel the weight of his stare burning at the side of my head and tried as I might, I could not ignore it.
Damn you, Alas!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro