Chapter 23
Chapter 23
"I can't wait to see you again..." he said huskily over the other line. I closed my eyes and smiled to myself, letting his voice lull me to sleep again.
"Yeah..."
"How's Zeus doing?" tanong niya.
"He keeps on asking about you." I yawned and then opened the cupboards, reaching for the mayonnaise. "The poor boy is counting days until you get home."
Alas chuckled sexily on the other line. I bit my lower lips before I pressed the phone against my ear and shoulders, opening the jar of mayo.
"Is he awake now?"
"Nope. Tulog pa siya. Mamaya nalang siguro kapag nagising na ang bata, ipapakausap ko siya sa iyo..." malambing kong wika sa kaniya.
Our conversation went on as I prepared myself a cup of tea and sandwich. Alas is now in Manila, as representative of their construction team. He'd been away for almost five days already and I've been missing him like crazy!
Nang matapos ang usapan namin ay ibinulsa ko ang phone. Hawak-hawak ang tsaa sa isang kamay at tinapay naman sa bibig ko ay lumabas ako patungo sa front porch.
"Umalis ka na kasi dito, Julius!"
I stopped on my tracks. Nag-angat ako ng kilay nang makita si Krista na itinataboy si Architect Julius.
"Mag-usap tayo—"
"Wala tayong pag-uusapan!" the young woman fired back, making him take a step back. Gusto kong matawa sa natatakot nitong ekspresiyon. I kept my mouth shut and hurriedly went to the living room, pero dinig na dinig ko pa rin ang sigawan nilang dalawa.
"Huwag ka na ulit magpapakita sa akin!" Krista shouted, and then went inside.
Nagulat pa siya nang makita akong prenteng nakaupo sa sofa, subo ang tinapay na inihanda ko kanina sa kusina.
"G-Good morning po, Mrs. Ferrer!" she flushed furiously. "Kanina pa po ba kayo gising?"
I nodded my head. Nginisihan ko siya. "Nasa labas pala si Architect Julius?"
Biglang dumilim ang ekspresiyon niya pagkasambit ko sa pangalan ng lalaki.
"Pauwi na po yun," she said in a clipped tone. "Wala naman siyang dapat ipunta rito. Wala pa naman si Engineer."
"Hmm..." I said playfully. "Hindi mo niyaya magkape man lang?"
Her entire face reddened again. Kaagad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. "H-Hindi na po! Hindi yun nagkakape!"
"Talaga? Alam mo?"
Mas lalong namula ang mukha ni Krista. Ngumiti nalang ako.
"Sige po, Ma'am. Ihahanda ko na po ang breakfast niyo." She excused herself to the kitchen, biting her lips in embarrassment.
I chuckled to myself and continued drinking my tea. Sa lagay ko ngayo'y talagang mali-late ako sa trabaho. Nang maubos na ang kinakain ay tumayo ako at naligo na.
Nang lumabas ako mula sa banyo ay tumutunog na naman ang phone ko. Thinking it might be Alas, I raced to the bed and grabbed the phone.
Nagtaka ako nang makitang si mommy pala ang tumatawag.
"Mommy?" wika ko nang sagutin ang kaniyang tawag.
"Belle!" she sounded relieved. "Where are you right now?"
"Nasa bahay po ako."
"You're still not working?"
"Hindi po..." nakaramdam na ako nang masama sa tono ng kaniyang boses.
"Turn on the TV, dear. A journalist from your network station had been one of the hostages of Mercado!"
Bumilis ang kabog ng puso ko. Not caring about my inappropriate appearance, I went to the living room and turned the TV on. Nagulat ako sa pagsabog ng balita na ang isang journalist na nagco-cover sa hostage crisis ay nasali na din sa mga na-hostage!
"—ang 23-years old news reporter na si Samantha Alfonso ay isa na ngayon sa mga hostage na hawak ni Mercado. Nangyari ang insidente, kaninang alas kuwatro nang madaling araw nang tangkain ng journalist na kunin ang statement ni—"
I switched the channel to other network. Ganun pa rin ang balita. Kahit sa ibang mga network ay iisang storya lang ang ipinapalabas. I bit my lower lips and continued talking to my mother.
"Huwag ka nalang kaya magtrabaho ngayong araw?"
"Magiging ayos lang po ako. Hindi naman ako parte ng field reporters, mommy. Nasa production team po ako." I assured her.
I ended the call with my mother and hurriedly dressed. Hindi ko na hinintay pa si Krista na tapusin ang pagluluto. Ihinabilin ko nalang sa kaniya si Zeus at kaagad na nagtungo sa trabaho.
As what I've expected, everyone is going crazy. Ang tanging kalmado lang doon ay sina Sir Patrick at Ma'am Patricia. Lahat ay nag-aalala para sa kalagayan ng journalist ngayong apat na oras na ang nakakalipas ay wala pa ring update kung ano na ang nangyayari sa loob ng bus.
"Tutulak tayo ng Davao." Sir Patrick finally announced. "Ang gustong sumama sa akin, sumama na."
Nagkatinginan kaming lahat. Some of Samantha's friends are already crying.
"We still need to cover the story. We need to update the public from time to time. Magtiwala tayo sa police. Walang mangyayaring masama kay Samantha."
I volunteered to go with them. News reporting is not my specialized field, but to the hell with it! Alam kong hindi gaanong marami ang sasama kina Sir Patrick dahil na rin sa binalot na sila ng takot.
The hostage crisis started yesterday night. Si Rafael Mercado ay isang notorious na drug dealer na nakatakas nang ililipat na sana ito sa ibang kulungan. As a result, he held all the passengers of the bus bound to Cagayan De Oro as his hostage. Gusto niyang makatakas pero ngayong napapaligiran na siya ng awtoridad ay mukhang malabong mangyari iyon.
"Sigurado ka ba, Isabelle?" tanong ni Ms. Patricia sa akin. "What about Zeus?"
Ngumiti ako nang tipid kay Ma'am. "Zeus will understand. Makakauwi din naman kaagad ako bukas."
She nodded her head. Labing-isa lang kaming tumulak sa Davao, kasama na ang driver. I kept quiet on my seat, and didn't even bother to check my phone. All of them are nervous. Lahat ay nag-aalala para sa kalagayan ni Samantha.
Nang dumating na kami sa crime scene ay maraming tao ang nakapaligid. Isinarado na din ang daanan doon dahil na rin sa nangyari. The police are trying their best to maintain public order despite the cries of the families of the hostages.
"Ano na pong lagay nila? Diyos ko! Ang anak ko po ay nasa loob!" iyak ng isang ginang habang kinakalabit ang lalaking nakasuot ng media shirt.
"Please calm down, Ma'am. Iu-update ka po namin as soon as we got the information."
Sir Patrick instructed us to set up. The police are trying to negotiate with the hostage taker but he wouldn't listen. Tumulong ako sa pagset-up ng camera na magco-cover ng live video para sa on-going case na ito.
Tumunog ang phone ko habang inaayos ko ang camera. I dug it out of my pockets and saw Alas calling.
"I heard the news." Ang bungad niya sa akin nang masagot ko ang tawag. "That woman is from your network station, right? Nasaan ka ngayon?"
"Nandito, nagco-cover—"
"What the fuck, Belle?" galit nitong untag sa akin.
I sighed. "Nagco-cover lang ako sa storya, Alas. Walang gustong sumama kasi delikado."
"Yun na nga! Bakit ka sumama sa kanila?!" he almost yelled at me. I flinched.
"Magiging ayos lang ako, Alas. I'm just manning the camera. Hindi ako magrereport."
"Kahit na! Umuwi ka na ngayon din—"
A deafening gunshot made all of us jump in surprise. Naputol ang tawag nang bigla na namang nagkagulo. I angled the camera towards the direction of the bus and almost fell when I saw the dead body of the driver thrown outside.
Mas lalong lumakas ang iyakan ng mga tao. Sir Patrick ran to my direction and instructed me to go inside the van immediately. Tumango ako at iniwan ang camera. Huli na nang marealize kong wala na pala sa akin ang cellphone ko habang tumatakbo ako pabalik sa van.
"Shit!"
I look around frantically. Alas must've heard the gunshot. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa akin ngayon!
Ihinilamos ko ang palad sa aking mukha. Nagkakagulo na ang mga tao. It'd be useless to look for my phone in the sea of panicky crowd. Wala akong ibang nagawa kundi bumalik nalang sa van.
"Ano daw nangyari?" tanong ko sa kanila na ngayo'y nakikinig sa usapan ng police at hostage taker na si Mercado.
Ayesha removed the headphone and looked at me grimly.
"Nagmamatigas talaga, Belle."
Naupo ako sa tabi niya. I glanced outside. Mas lalo lang dumami ang tao dahil sa nangyaring putukan. I sighed.
"May pantawag ka ba, Ayesha?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. "Wala, eh. Bakit?"
"Tatawagan ko sana ang asawa ko." kinalabit ko ang driver namin. "May pantawag ka, Manong?"
Iling din ang naging sagot niya.
I waited impatiently inside the van. Pinagbawalan na kaming mga babae na lumabas. Even Ms. Patricia remained inside the van. Ang instruction ni Sir Patrick sa driver ay kaagad na umalis kapag mas lalong uminit ang tensiyon sa nangyayari dito.
Nagsimula nalang dumilim ay wala pa ring nangyayaring progress, bukod sa napatay na nga ng hostage taker ang driver ng bus. Nag-iiyakan na din ang mga kasama ko dito. No one had the appetite to eat kahit na binilihan kami ng packed lunches ni Manong.
Isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng van at pumikit. Ayaw kong isipin na may nangyari ngang masama kay Samantha sa loob. She's just doing her job, for God's sake!
Inipit ko ang aking ngipin ng pang-ibabang labi, naghihintay ng kung ano pang updates. Kanina pang umaga nakikipagnegosasyon ang mga police kay Mercado pero hindi talaga ito nagpapatinag.
"Where's Patrick?" biglang tanong ni Ms. Patricia nang bumalik na ang tatlong lalaki naming kasama sa van.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Nasaan si Sir?"
"Diba nakasunod lang yun sa atin?"
"Goddamit!" galit na lumabas si Ms. Patricia na umani ng protesta mula sa aming lahat.
"Ma'am! Huwag na po kayong umalis! Hintayin niyo nalang si Sir dito!" tawag ni Manong sa kaniya. Hindi nakinig si Ms. Patricia. She stormed off and disappeared in the crowd surrounding the captured bus.
"Ms. Patricia!" tawag ko din. Isa na namang korus ng protesta ang nangibabaw nang pati ako ay lumabas na din ng van. I ran into the crowd. Baka mapahamak lang siya sa paghahanap kay Sir Patrick!
"Ma'am!" tawag ko, pilit hinahanap ang kaniyang ulo sa dami ng mga tao. "Ma'am—"
"Isabelle!"
I yelped when someone harshly grabbed my arms. Para nang sasabog ang puso ko sa kaba nang mag-angat ako ng tingin.
Alas glowered at me, his eyes flashing in intense anger. Namilog ang mga mata ko nang makita siya. He looked really stressed but still immaculately handsome.
He pulled me into a tight hug. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng kaniyang yakap. A series of profanities escaped from his mouth once again.
"A-Alas..."
Hindi siya sumagot at hinila ako palayo sa kumpol ng mga tao. Tulo na nang tulo ang mga pawis ko dahil kanina pa ako walang pahinga. Alas angrily opened the door of an unfamiliar SUV at ipinasok ako sa loob.
"What were you thinking?" singhal niya sa akin pagkapasok sa loob. Pasimpleng lumabas ng sasakyan si Architect Julius, marahil upang bigyan kami ng privacy.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "I was inside the van the entire time—"
"Inside the fucking van but I heard a gunshot! Tapos ay hindi mo na sinagot ang tawag ko!"
"I... I lost my phone..."
Halos sabunutan na niya ang sariling buhok dahil sa frustration na nararamdaman.
"You're going to give me a fucking heart attack! I cancelled the meeting and booked a flight that costs ten times more expensive than it normally is because of your stubbornness!?"
Ibinaba ko ang tingin ko. Ayokong makita ang galit niyang mga mata.
He sighed loudly. "For fuck's sake, Belle..." medyo humina ang kaniyang boses at hinawakan ang braso ko. "All of us are trying to contact you since morning... ano sa tingin mo ang mararamdaman namin na nandito ka nagcocover ng hostage crisis at hindi namin alam ang nangyayari sa iyo? Ha?"
"I'm sorry..." I mumbled, my chest swelling in pain.
Alas looks downright pissed. He crossed his arms against his chest and glanced outside.
"I still have to—"
"No more of this nonsense, Belle!" he barked.
Napayuko ako at bumulong. "Magpapaalam lang ako sa kanila. Baka sila naman ang mag-alala sa akin."
He huffed. "Fine. Julius and I will escort you."
Lumabas kami muli sa SUV ni Julius. Nakabuntot silang dalawa sa akin habang naglalakad ako pabalik sa van. Doon ko pa nakitang nakatayo na dalawa sina Sir Patrick at Ms. Patricia.
"Belle!" nag-aalala nitong salubong sa akin.
Ibinaba ni Sir Patrick ang hawak nitong cellphone. He also gave me a disapproving look. Kaming dalawa ni Ms. Patricia.
"Sinabi ko naman sa inyo diba, na huwag nang lalabas ng van?" mahinahon ngunit galit nitong tanong sa amin.
"Pasensiya na po, Sir Patrick, nag-aalala lang po ako kay Ms. Patricia..." sagot ko.
"And I'm worried about you, too!" Ms. Patricia fired back. "Bigla-bigla ka nalang mawawala!"
Sir Patrick sighed and turned to Alas. "It's not really a good day for a reunion, huh? Ang mabuti pa'y iuwi mo nalang ang asawa mo, Ferrer."
Alas nodded his head. I felt his hands snaked around my waist and pulled me closer to him.
"I will. I'm actually thinking of chaining my wife here, in our bed, so I won't worry about her safety anymore..." seryosong wika ni Alas.
My cheeks flushed. Is he joking? In a situation like this? Really, Ferrer?
Tumikhim si Architect Julius sa sinabi ni Alas. Sir Patrick nodded at the three of us.
"Sige na. Umuwi na kayo..." aniya.
Nagpaalam na din ako sa ibang katrabaho ko, labag man sa kalooban ko na iwanan sila sa gitna ng krisis na ito. Nauna akong pumasok sa backseat habang may kausap naman si Alas sa telepono sa labas.
"Ikaw kasi... tsk, tsk." I lifted my gaze to Julius na bigla nalang nagsalita. "Magpaalam ka kasi sa susunod nang maayos sa asawa mo. Muntik na akong bugahan niyan ng apoy kanina! Napabiyahe tuloy ako sa Davao nang wala sa oras..."
"I'm really sorry, Julius." I murmured.
He glanced at me through the rearview mirror. "Your husband is just crazy and enthralled of you, Belle. Mag-iingat ka na sa susunod..."
"I will." then a mischievous glint appeared in my eyes when I remembered something. "Baka mamaya mabugahan ka din ng apoy kapag nalaman niyang nilalandi mo ang working student niya?"
Horror dawned upon his face when I mentioned it. Mabilis niya akong nilingon at seryosong tinitigan.
"Holy shit. Saan mo nalaman ang tungkol diyan?"
Nginisihan ko siya. Ibubukas ko pa sana ang bibig ko nang mapatingin sa aming dalawa si Alas. Hindi tinted ang salamin ng sasakyan kaya nakikita niya ang lahat ng ginagawa namin. He frowned and ended the call. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan.
"What are you two talking about?" he barked.
Sabay kaming umiling ni Architect Julius. Alas glared at us. Tinabihan niya ako at parang haring inutusan si Julius na mag-drive na.
"Let's get out of here, Julius..." Alas said darkly.
Tumango sa kaniya ang kaibigan at binuhay ang makina ng sasakyan. I caught one last glimpse of the bus and the crowd before he sped down the road.
"Belle! Diyos ko! Itong batang ito talaga!" my mother jumped from her seat the moment she saw me. Niyakap niya ako nang mahigpit.
I hugged her back and said how sorry I am for what happened.
I didn't mean to worry them all. But I am a media woman and this is the world I chose. Hindi man ako naging field reporter, kasali na din sa trabaho ko ang ganitong mga pangyayari. I didn't earn my degree just to chickened out in these kind of situations.
But in a way, it was a selfish act of mine. Kung ako ang nasa posisyon ni mommy at Alas, malamang ay nabaliw na din ako sa pag-aalala. I couldn't blame them all.
"Diba sabi ko sa iyo ay huwag ka nang magpunta sa trabaho? Talagang pumunta ka pa doon!"
"Ma'am, alalang-alala po kami sa inyo. Itong si Sir, napauwi mula sa Manila nang wala sa oras..." panggatong naman ni Ella.
I smiled apologetically at them all. Zeus is staring at us in confusion. Hindi niya masyadong naiintindihan ang nangyayari. I lifted him up and kissed him, suddenly realizing how tired and famished I am.
"Kung gusto niyo pa pong kumain ng dinner, puwede ko pong ihanda ang lamesa..." nag-aalangang wika ni Krista.
Tumango si mommy. "Sige, hija. Alam kong gutom at pagod ang lahat dito."
Ipinalipat ni Alas kay Julius ang TV sa kusina. Habang kumakain kami ay pinag-uusapan namin ang hostage crisis at nakikinig sa update. Alas nuebe y media ng gabi ay tuluyan nang napakawalan ang mga bihag, kasali na ang journalist na nadakip niya kaninang madaling araw. I cheered silently. Bukod sa pinatay niyang driver ay wala nang iba pang nasaktan. The news was everywhere. Tinawagan ko na din sina Ayesha at ang sabi niya'y pauwi na din ang kanilang team.
Dahil sobrang gabi na ay dito na pinatulog ni Alas si mommy. Julius was forced to go home, seeing that he has a vehicle. Nakanguso itong nagpaalam sa aming lahat ngunit inihatid niya rin naman si Krista.
Nakangisi akong nakatanaw sa kanilang dalawa. Alas is still oblivious to what is going on between the two of them. Mas inaatupag pa nito ang pagseselos kay Julius sa tuwing nag-uusap kami.
Nang bumalik kami sa loob ng bahay ay sinabihan ni Alas si Ella na linisin muna saglit ang guestroom kung saan magpapalipas ng gabi si mommy.
"Sa kwarto nalang ako ni Zeus matutulog!" giit ni mommy. "Maglilinis pa ng guestroom si Ella, huwag na! Atsaka, matagal na din kaming hindi nagtatabi ng apo ko..."
Um-oo na din ako sa sinabi ni mommy at hindi na nakipagtalo pa. I showered first. Si Alas ay nanatili sa kaniyang study. I wore my usual satin nightwear and my robe. Binisita ko si Zeus sa kaniyang kwarto.
"Saan mo nga ulit ito nabili, Belle?" usisa ni mommy.
Nagulat ako nang makitang hawak niya ang music box ni Ami! I quickly approached her and accepted the music box that she handed me.
"It's not mine..."
"Eh palaging hawak ni Zeus?"
"Talaga?" I asked, bewildered. Ang akala ko talaga ay naiwala ko na ito! Matapos kong halikan ang anak ay lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa study. I knocked twice before entering his premise.
Nag-angat ng tingin si Alas. He leaned back on his swivel chair, a glass of whiskey in his hand. He looked really tired that it made me feel guilty.
"Babalik din ako ng Manila bukas," he announced in a low voice.
Tumango ako at lumapit sa kaniya. "May ibabalik sana ako sa iyo..."
"What is it?"
I crossed his desk and stand in front of him. Alas set his glass aside and then pulled me down to his lap. Poprotesta pa sana ako pero ipinerme niya ang beywang ko at wala na din akong nagawa.
I slowly opened the antique music box in front of him. The tiny ballet dancer appeared and twirled slowly as the soft melody hummed in the background. Latin words were written in the background, and on its bottom is Ami's name carved in cursive form.
"This is yours, right? I mean... Ami's."
Titig na titig si Alas sa music box habang gumagalaw ang ballerina at tumutogtog ang musika. When the song ended, I set it down. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Alas at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking dibdib na parang bata.
"Sometime in June, last 2010...." He murmured. "You broke into my house and had stolen the music box... right?"
Namilog ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. "Alas!" I tried to see his face but he only hugged me tighter.
"And you've witnessed how I've tried to end my life with a damn fruit knife. And I met your friends... and... well, you keep on visiting the mansion from then on."
My heart swelled in overwhelming happiness. "You remember it all?"
"And baby, I tricked you into breaking up with Jayden because I am so jealous with him, even though I haven't seen you at all..." he chuckled.
"Oh my God!" natutop ko ang bibig ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. He grinned lazily.
"Not just Jayden. Kristof as well." nag-angat na ng tingin sa akin si Alas. Through his glassy eyes, he reached for my lips and tilted his mouth to claim me. Humigpit pa lalo ang hawak niya sa beywang ko. "I am so bedazzled by your charm back then. Walang nagbago hanggang ngayon..."
When we pulled apart, I stared at him, not believing my eyes and ears.
"You remember it all..." tears streamed down my face.
"Baby, I shouldn't have left you..." he murmured and claimed my lips again. "Leaving you is the biggest mistake of my life. I lost you for five damn years."
I cried in his arms and buried my face on his chest. He remembered!
"You're gaining back your lost memories...?"
"Every bit of it, Isabelle." He said in a whisper.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro