Chapter 18
Chapter 18
The sudden cold wind jolted me awake. Marahas akong napabangon at sa hindi malamang dahilan ay hinihingal din at butil-butil ang pawis sa noo. I blinked, then clutched my chest. Wala naman akong naging masamang panaginip, ah?
Gathering my knees to my chest, I pulled the blanket to cover my body. The digital clock on the bedside table announced that it's only 3:45 in the morning.
Bumuntong-hininga ako at napalingon sa aking katabi.
Alas is in a deep slumber. Nakadapa siya at kalahati lang ng katawan niya ang natatakpan ng kumot. His back is clean, free from any ink. I watched his relaxed muscles rise up and down slowly as he was sleeping.
Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. I could barely feel him in our bed. Sa tuwing natutulog ako ay nandoon pa siya sa loob ng kaniyang study at kapag naman nagigising ako ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower, palatandaan na naliligo na siya.
I studied his features—from his bushy eyebrows, long lashes, proud narrow nose, and thin lips. His stubble that blanketed the cruel angle of his jawline and his crew cut hair. Napangiti ako.
He used to trace his fingers on my face saying that he wanted to memorize my features. He said he's doing it so that he'll be able to recognize me when he sees me.
Did it work, Alas?
Gusto kong itanong ito sa kaniya. Pero hindi ko magawa. I chuckled bitterly inside of my mind as tears welled up in my eyes. Ang malakas na hangin ay kumakatok sa aming bintana. Wala naman akong trabaho ngayon but my body clock is forcing me to wake up this early!
Alas grunted. Nanigas ako sa kinauupuan ko. He slowly fluttered his eyes open and gazed at me. Namumungay pa ang kaniyang mga mata na halatang pagod.
"What time is it?" he murmured.
"15 minutes before four." Sagot ko.
Alas took in the sight of me. Bigla akong naging hindi komportable sa mga titig niya. Lalo pa nang marahas niyang wakliin ang unan na inilagay ko sa gitna naming dalawa at itinapon sa kung saan!
"Come here..." he demanded.
I stared at him, my heart pounding inside of my chest. Bahagyang nakataas ang kaniyang kamay, dahilan upang mapagmasdan kong mabuti ang kaniyang tattoo. I swallowed and squirmed silently.
He sighed. "Come here, Isabelle..." he said in a more patient tone.
Nag-aalinlangan akong lumapit sa kaniya. I noticed that he changed his bed since we got married. Mas malaki ito ng dalawang beses kumpara sa dati niyang kama.
And he didn't even bother taking off his sketches of me in his desk. Natatanaw ko pa rin ito, gabi-gabi, sa tuwing pumapasok ako rito sa kwarto namin.
"What is it—" naputol ang sasabihin ko nang hinila niya ako pahiga. Before I could protest, he wrapped his possessive arms around my waist and pulled me closer to him. Maging ang mga mabibigat niyang hita ay nakadantay sa akin para hindi na ako makawala.
"Alas!" I hissed.
"Just sleep. Wala kang trabaho ngayong araw..." he murmured.
Nanigas ako sa posisyon naming dalawa. He seemed comfortable, though. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay ramdam ko nang hinihigit na siya pabalik ng tulog. It took me a while before I also got comfortable with his arms all over me. I fell asleep with his scent torturing me sweetly and his strong arms securing me into place.
Nang magising ako ay wala na siya sa aking tabi. I groaned when my head pounded a bit. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako kanina!
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at sinuyod ang paligid. Wala akong naririnig na lagaslas mula sa shower kaya malamang ay nakaalis na iyon. The clock says it's already 6:55 in the morning.
I grabbed my robe and wore it as I padded outside. Nakita ko si Krista na nagluluto sa kusina at may hawak na notebook sa kabilang kamay, mukhang nagre-review.
Nang makita niya ako'y kaagad din naman niya itong ibinaba at magiliw akong binati.
"Good morning, Ma'am!"
"Si Alas?" tanong ko sa kaniya sabay upo sa high stool chair tapat ng counter.
"Nag-jogging po. Babalik din po yun ngayon..." aniya. Tuluyan na niyang itinabi ang notebook na binabasa at mas nag-focus sa kaniyang niluluto.
"May quiz kang pinaghahandaan?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Ah, oo Ma'am, eh..." she smiled apologetically.
"Gusto mong ako na ang magluto?"
"Ay! Huwag na po, Ma'am. Ako na po ang bahala dito..." aniya at binilisan ang ginagawa.
I laughed softly. "You sure are working hard."
"Kailangan po, eh. Isang taon din naman po ay gagraduate na ako..." aniya.
Tumango ako. Inilapag niya ang piniritong itlog sa aking harapan kasama na din ang itinimpla niyang gatas. Naglabas din siya ng garlic bread at inatupag naman ngayon ang stove sa piniprito niyang tocino.
"Alam niyo, Ma'am, nung dumating kayo dito, mas naging masigla na ang bahay..." she said in a singsong voice.
Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin mula sa pagkain sa harapan ko. "What do you mean?" usisa ko sa kaniya.
"Eh kasi, si Engineer, sobrang tahimik... ngayon ko lang siya nakitang naging madaldal nang makilala niya kayo. Tsaka, mabuti din para sa kaniya na marami ng tao dito sa bahay para hindi na siya nalulungkot."
I laughed awkwardly. "Talaga ba?" Kung alam mo lang ang totoong nangyayari sa aming dalawa, Krista!
"Opo, Ma'am. Tapos minsan ginugulo pa siya ni Ma'am Cara. Pati ako nadadamay sa kaniya..." napailing siya at ipinagpatuloy ang pagluluto.
"Can you tell me about her—"
"Engineer! Good morning po!"
Naputol ang sasabihin ko sa biglang pagbati ni Krista. Naramdaman ko kaagad ang presensiya niya sa likuran. I did not dare to look back, though. Medyo kinakabahan pa rin ako.
His heavy footsteps echoed around the house until he got into the kitchen. Doon ko pa lang siya nakita nang lagpasan na niya ako. He's wearing a maroon hoodie paired with black Adidas jogging pants. May nakapasak na AirPods sa kaniyang tainga na kaagad din naman niyang tinanggal bago niya binuksan ang fridge.
I almost thought he's going to grab a bottle of whiskey early this morning! Buti nalang at protein shake ang kaniyang kinuha at tinungga. His Adams apple bobbed up and down when he drank.
Pasimple kong sinulyapan si Krista. She doesn't seem to be bothered by this male alpha energy inside this tiny kitchen. Platonic ang relationship nilang dalawa. Ibig sabihin, wala na akong dapat ipag-alala pa. Pati rin naman si Ella ay hindi ko nakikitaan ng kahit anong pagnanasa kapag nasa paligid si Alas. Thank God, both of them are decent women.
Inilapag ni Alas ang nangangalahating protein shake sa counter at sinulyapan ako. His eyes darkened mischievously.
"Did you sleep well?" tanong niya sa akin.
"Ah! O-Oo..." I stammered.
"Good." He simpered and then occupied the chair across me.
Inilagay na ni Krista ang huli niyang niluto sa counter. Alas insisted that she joined us for breakfast. Mukhang natutulog pa rin si Ella hanggang ngayon kaya nauna na kaming tatlo.
"What's for today, Krista?" tanong niya habang tinutusok ng tinidor ang kaniyang tocino.
"Wala po, Engineer. Bukod sa appointment niyo kay Mr. Madrunio..." ani Krista.
For a moment, I felt the slightest tinge of jealousy knowing that Krista knows Alas' schedule more than me. Wala akong kaalam-alam sa pinupuntahan niya, bukod sa site at mababang paaralan na tinatrabaho niya na din ngayon. And I don't even know who they are talking about right now! Bigla akong nakaramdam ng frustration dahilan ng pagnguso ko habang kumakain.
"Anong oras?" tanong ni Alas.
"10 am pa po, Engineer. He'll contact us once he's on his way..."
"Alright." Aniya at nagpatuloy na sa pag-kain. Sinulyapan ako ni Alas kaya muntik na akong mabulunan. Nag-iwas kaagad ako ng tingin at nagkunwaring namamangha sa preskong peonies na nasa vase.
"Got anything to do today, Isabelle?" usisa niya sa akin.
"Hmm. Wala naman. Gusto ko lang magpahinga..."
He nodded his head and then finished his breakfast. Nagpaalam siyang magsh-shower na muna. Krista washed the dishes while I wandered aimlessly at our living room. Wala nga talaga akong gagawin ngayong araw. Nagsisimula na akong mabagot!
I didn't dare go inside our room while he's showering. I checked on Zeus' room too, but he's still sleeping. Ayoko namang gisingin ang bata para lang may pagka-abalahan ako.
I ended up feeding Mufasa and then flushed in embarrassment when I learned from Krista that the puppy ate earlier this morning. Nilubayan ko na ang tuta at nanatili sa front porch, pinagmamasdan ang dagat mula sa di kalayuan.
Nang lumabas si Alas na bagong paligo ay nakasuot na ito ng preskong kulay abo na button-down shirt at maong na pantalon. My brows knitted. Akala ko ba ay walang pupuntahan ang lalaking ito ngayong araw? Bakit nakaporma pa rin?
Nag-isang sulyap lang siya sa akin bago siya bumalik sa loob. Sinilip ko siya at naabutan ang bulto niyang papasok sa kaniyang study. I sighed. Pumasok na din ako sa kwarto namin at naligo.
By the time I was done, I heard laughing voices outside. I changed into an overall denim jumpsuit with white inner shirt. Itinali ko ang mataas na buhok at nagpulbo ng mukha. Pagkalabas ko ng kwarto namin ay nadatnan ko ang isang lalaking kausap ni Alas.
The middle-aged man with glasses glanced at me and then smiled politely. "Your wife, I assume?"
Alas nodded his head. He's seating in a one-seater sofa with his muscled legs wide apart. Tumayo siya nang lumapit ako at awtomatikong gumapang ang kaniyang kamay sa aking beywang.
"This is Isabelle, Mr. Madrunio... Isabelle, this is Mr. Madruinio. He's the head of Engineering Department at the University of Mindanao."
Bigla kong naalala ang loan na in-apply ko nang mamention niya ang unibersidad. I wonder if I got qualified for the loan?
Ngumiti ako at nakipagkamay sa kaniya.
"Sa study lang muna kami..." binalingan niya si Krista na naghihintay sa may amba ng pintuan patungong kusina. "Puwede ka nang umuwi, Krista. Salamat."
"Sige po, Engineer..."
The two men disappeared in Alas' study. Bago pa man makaalis si Krista ay inusisa ko na siya.
"Sino yun?"
"Ah, si Sir Madrunio po... matagal na niyang nililigawan si Sir para magturo sa University of Mindanao. Palagi siyang nari-reject kasi nga busy si Engineer, eh. Pero ngayon sa tingin ko'y pinag-iisipan na niya ang offer kasi pinaunlakan na niya ito sa loob ng kaniyang study."
Naglakbay ang tingin ko sa ngayo'y sirado ng pinto ng kaniyang study.
"Hmm. Talaga?" I echoed out loud.
"Sige po, Ma'am. Mauuna na po ako."
"Sure!" I chirped.
Umupo ako sa sofa at ini-on ang TV. Naghihintay ako na magising si Zeus pero tumuntong nalang ang alas onse ay wala pa ring tulog pa rin ang anak ko. Wala akong masyadong naiintindihan sa pinapanuod ko kaya naman bigla akong napalingon nang bumukas ang pintuan ng study.
Tinanguan ko at nginitian si Mr. Madrunio na lumabas na. Alas didn't followed, though. Naningkit ang mga mata ko nang si Ella pa ang pumasok sa kaniyang study. She stayed inside for less than five minutes before she emerged out and searched for me.
"Ma'am? Pinapatawag po kayo ni Engineer."
Lumipad ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Why is he summoning me now like I'm some kind of a servant?
Labag man sa loob ay tumayo ako at tamad na nagtungo sa kaniyang study. I knocked twice before entering the room.
Nag-angat ng tingin sa akin si Alas mula sa kaniyang desk. He's holding several pieces of paper. Sumeryoso ang titig nito sa akin.
"Lock the door." He commanded.
Kumunot ang noo ko pero gayunpaman, sinunod ko ang kaniyang sinabi.
"Bakit?" suplada kong tanong sa kaniya.
"What's this?" itinaas niya nang bahagya ang mga papel na hawak at tumitig sa akin. "You applied for an educational loan?"
Surprise and confusion registered on my face. Then a scowl settled in as I sauntered towards his desk. Hinablot ko ang mga papel mula sa kaniya.
"Why do you have copies of these?" tanong ko sa kaniya.
"In case you forgot, you are Mrs. Ferrer..." he growled in a low voice. "I can monitor all of your businesses easily."
I glared at him. "That's invading privacy, Alas!"
He leaned back on his swivel chair and crossed his arms. Bahagya siyang nagtaas ng kilay sa akin.
"Then explain why you applied for an educational loan, then."
I licked my lower lips. Inirapan ko siya. "I'm trying to earn my masteral's degree, Alas. I need sufficient wherewithal to do so."
"Then why didn't you ask from me—"
"Why would I ask from you?" I lifted my chin defiantly at him. "That's why I applied for an educational loan. I want to earn this degree by my own sweat and blood."
Suminghap si Alas, halatang nauubos na ang pasensiya. Ipinagsalikop niya ang mga kamay sa kaniyang desk at matalim akong tinitigan.
"You're my wife, Belle."
"And?" I cocked an eyebrow at him again. "You only married me because of my son. You focus on him. Any affairs concerning my personal life is none of your business."
He opened his mouth but I raised my palm to stop him.
"I do not condemn myself as any man's burden, Alas. I work on my own and dig my way to success by my own. Huwag mo na akong isipin pa. All I wanted for you is to care for Zeus. Bonus nalang ang pagpapatira mo sa akin dito."
Anger flashed in his vicious eyes. His lips set in a thin, hard line.
"Is that what you really want, Isabelle?" he asked slowly.
"Of course!"
He sighed, shaking his head. "Your ego will never bring you anywhere—"
"I said it already, Alas. I will do it on my own. Ambot nimo!"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "The fuck did you just said, Isabelle?"
"Wala!" singhal ko sa kaniya sabay talikod. Pabagsak kong isinirado ang kaniyang pintuan at lumabas. I stormed outside, the scowl never leaving my face.
Naiinis ako sa kaniya dahil pinapakialaman na naman niya ang personal kong buhay! We're married, alright. But that doesn't give him a free access to anything that's involved with my life right now. Especially my academic growth. It's a self-implementation of mine. Dapat ay hindi na siya nakikialam pa!
Sa galit ko ay lumabas ako ng bahay. I looked around, never really knowing where to go. Basta't lumabas na ako at nagsimulang maglakad. I didn't want to see the beach, though so I continued walking.
Gusto ko munang magpalamig ng ulo. I know I'm sounding childish and immature right now but I think I need some time alone. Natagpuan ko nalang ang sarili kong binabaybay ang malawak na palayan ng mga Monterio.
I gazed at the ricefield. Sumasayaw ang mga palay sa hangin. I walked quietly. Naglakbay ang tingin ko sa kagubatan sa di kalayuan. I smirked inside of my head. Bumilis ang mga yapak ko hanggang sa marating ko ang gubat.
When was the last time I've been here? Four, five years ago? Sobrang tagal na. I almost forgot the path!
Binaybay ko ang maliit na daanang patungo sa lake na minsan nang naging malaking bahagi ng buhay ko. The shack is nearly destroyed. Mukhang inabanduna na ito at wala nang masyadong gumagamit.
The forest remained quiet and peaceful until I reached the clearing where the lake rested. It's still beautiful as ever. I stayed still for a few minutes, taking in the sight of this gorgeous and natural beauty.
Nang magsawa ay naupo ako sa malaking bato at nakontento nang pagmasdan ang kalmadong tubig. I am itching to go and swim today! Nagdadawalang isip lang ako dahil sa suot ko.
I scanned the surroundings. Mukhang wala naman sigurong bibisita ngayon, diba? Only the local villagers and children knew about this area. Similar to the ranch, it's an undiscovered gem, a blessing to us here living in Governor Generoso.
I unclipped the metal buttons of my denim jumpsuit and peeled it off my body. Nagdadalawang isip ulit ako kung itutuloy ko ba ang ginagawa. In the end, I removed the denim jumpsuit and my white t-shirt followed.
I am left with my lady boxers and sports bra. Itinupi ko nang maayos ang mga damit at lumusong na sa tubig.
The cold water greeted my body. Nanginig kaagad ako sa lamig kaya ibinagsak ko na ang buong katawan ko upang masanay.
A delightful scream tore from my throat when I sank in the water. The soft, mushy ground beneath my feet feels oddly good, too. Nilangoy ko hanggang sa gitna ng lawa. Wala itong balsa na puwedeng mapaglaruan, di tulad nang sa talon.
I swam peacefully, surrounded by the lush trees. The birds murmur their songs. Ipinikit ko ang mga mata ko, hinayaang bahagyang mag-init ang mukha sa sinag ng araw at manlamig ang katawan mula sa tubig ng lawa.
Suddenly, all my problems went away. I can't remember the last time I've been this carefree! Simula kasi nang iluwal ko si Zeus, sa kaniya na umikot ang buong mundo ko. He is my priority, until now. Kaya naman nakakalimutan ko nang mag-enjoy sa sarili ko kahit paminsan-minsan man lang.
I sighed in pleasure. Sana'y ganito nalang palagi. The lake still possesses its magic on me after so many years. Ito ang naging sumbungan ko ng mga problema at ngayo'y hinihele na naman ako ulit ng banayad nitong tubig.
A faint smile appeared on my lips as I stared at the cloudless sky. I know Alas meant good, pero hindi ko lang maiwasang hindi mainis. It's like he's trying to invalidate my capacity to excel on my own!
Gamit ang suweldo ko, puwede kong mabayaran ang kinuha kong educational loan. After I earn my master's degree, I'll proceed to working on my doctor's degree. I know in myself that I will never be contented being a slave to the higher ups, so I will see to it that a couple of years from now, we will be on the same level.
Huminga ako nang malalim at inilubog ang sarili. The water is murky and I can't see a thing, except for blue-green hues that occupied the entire surroundings and the blurry image of my thin arms.
Nang umahon ako ay laking gulat ko nalang nang magtagpo ang mata naming dalawa ni Alas! Titig na titig siya sa akin at nakahalukipkip na nakasandal sa puno. I stared at him, a bit flustered. Paano niya naman ako nasundan dito?
"Having fun, I see..." anito sa baritonong boses. I hate it that every time I hear his voice, it's like I'm hearing it for the first time!
Tinaliman ko siya ng tingin, nanatili pa ring nakalubog sa tubig. Ayaw kong umahon dahil naka-sports bra at boxers lang ako!
Setting my lips on a thin line, I raised a brow at him. "What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.
"Following my stubborn wife and making sure she's not causing trouble again," kaswal niyang sinabi at isinilid ang mga kamay sa bulsa. Mataman pa rin siyang nakatingin sa akin.
Kumunot ang noo ko. "I'm not a child, Alas."
The corners of his lips lifted in an amusing smile. "I know. But you can easily land on tomorrow's newspaper headline if I don't watch over you."
Uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Is he mocking me?
"Go away. I don't need you here!" suplada kong wika sa kaniya.
Imbes na umalis, narinig ko siyang tumatawa. His deep chuckle made me shiver. Giniginaw na nga ako, nariyan pa ang malamig niyang boses! Ugh! Ferrer!
"Look," sumeryoso ang kaniyang boses at lumapit siya sa lawa. Mas lalo pa akong lumayo at inilublob ang sarili ko. "I'm sorry, okay? I know I was wrong to invade your privacy. I'm just worried."
"Worried about what?"
"Well. Hmm. You're my wife and you won't accept any help from me. What do you want me to do, then?"
Iniwas ko ang tingin sa kaniya, hindi agad alam ang sasabihin. "W-Wala..." I stammered. "You don't need to do anything, really. Seeing you being a good father to Zeus is more than enough for me."
His eyes blazed with something I couldn't really fathom as he glowered at me.
"You think I just married you to doll you up and parade you around my friends, Belle?"
Ipinagkrus ko ang mga kamay sa dibdib. I keep my feet paddling under the water. "I never said that!"
"Well..." may kung anong bumahid sa kaniyang ekspresiyon. "Your little game is over, Belle. I let you ignore me for a month. From now on, you're gonna act like my wife... a real wife." Umigting ang panga nito sa sinabi.
Umawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. I watched him slowly removed his shoes. Hindi pa rin ako nakakapagsalita ay isa-isa na din niyang tinanggal ang butones ng kaniyang button-down shirt.
His massive chest, inked with tattoos I didn't quite understand, glared in front of me. Napalunok ako. His body is better than models of GQ magazines I've been drooling since I was a teen! I couldn't imagine his hardwork to achieve that kind of body.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang matigas na tiyan. Then to his well-sculpted V-line that disappeared in the buckle of his belt.
"If you're thinking if I would remove my jeans, sorry little girl, but no..." anito.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko habang namumula ang mukha. He is really making fun of me!
Alas smirked at me. He knows he looks good, alright. Pinaparada pa talaga ang katawan niya dito! Paano kung may biglang dumating?
"Now, tell me... did we went to this lake before as lovers? I'd like a little reminder, please..." he chuckled darkly bago siya lumusong sa tubig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro