Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12


"Dada—"

"Stay inside, Zeus." Malamig kong tugon bago lumabas at isinarado ang pintuan. I crossed my arms and raised an eyebrow at Alas.

"Running away?" I scoffed. "Why the hell would I run away from you?"

"I don't know. Bakit nga ba? Ayaw mo ba akong papasukin sa loob dahil nandiyan ang lalaking ka-holding hands mo?"

Umawang ang bibig ko sa narinig. "What? Bakit pati si Joseph ay dinadamay mo rito?"

"Oh, so he has a name." he laughed mockingly. "That's great."

I gritted my teeth and stabbed a finger at his massive chest. "You're one to talk! Why the hell are you here in Davao when your girlfriend is waiting for you in your house?"

"Whoa, whoa, whoa, sugar. I'm sick of hearing this girlfriend thing. Wala akong girlfriend, alright?"

I glared at him. "Then what do you call Cara? Hmm?"

"Cara is not my girlfriend." Seryoso niyang wika sa akin.

I lifted my chin up. "What the hell is she doing in your house? With nothing but your shirt on! Playing house, Alas?"

"She went inside my house without permission. She threatened Krista that she'll ruin her scholarship if she didn't give her the key. She's not my girlfriend, okay? I don't have a girlfriend... unless kung sasagutin mo na ako?"

Natigagal ako sa narinig. I took a step back and blinked at him. Inilapit lang ni Alas ang kaniyang mukha sa akin, may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi.

"T-Then why is she with you on the day of my graduation?" I asked instead, even though I know I'm fighting a losing battle.

"It was a party. We were both invited. She's an architect, Belle. I bumped into her every now and then. As much as I wanted to be with you in your graduation day, I couldn't. It was Mr. Lao's party. I couldn't say no to him."

Nanuyo ang mga lalamunan ko. Kanina lang ay para akong tigre na handang lusubin ang kahit na sinong kalaban ngunit ngayon ay pakiramdam ko isa nalang akong kuting sa harapan ni Alas.

"You said not to believe anything that the media would disseminate." Alas stared intensely at my eyes. "So, I did. I ignored all the fucking issues between you and Jayden. Then you'll surprise me by avoiding me and now you're accusing me of having a girlfriend? Isn't this a little unfair, Belle?"

Inipit ko ang pang-ibabang labi gamit ang mga ngipin. I chuckled nervously.

"G-Ganun ba?"

Alas closed the distance between the two of us and lifted my chin. Pinilit niya akong tagpuin ang kaniyang mga mata.

"Sagutin mo na kasi ako..." malambing niyang wika. "Para hindi ka na nagseselos at para may karapatan na din akong magselos."

Mabubuwal na ata ako anumang minuto sa kaniyang sinabi! I swallowed hard and looked away, my lips trembling so bad. But Alas gently tugged my chin and made me look at him again.

He crouched a little and captured my lips. Isinandal niya ako sa pintuan. Inilagay niya ang isang kamay sa pinto at siniil ako ng mas malalim na halik.

I couldn't suppress the moan when his tongue sweep over my lower lips. Alas tilted my head and forced his entry, as if marking his territory that is me and announcing his domination.

"Alas..." I murmured when he suddenly pulled away. Umakyat ang kaniyang labi sa tainga ko. Ang tungki ng kaniyang ilong ay kinikiliti ang aking pisngi. "Baka may makakita sa atin..." pikit-mata kong sabi, nanghihina na.

"Let them see us," he growled as his heated kisses got lower. He kissed my neck and snaked his hands around my waist.

"Alas..." I whimpered. My body's reacting towards his dominion! Hindi maaaring walang mangyari dito sa aming dalawa kung hindi ko siya pipigilan! And Zeus is just behind the door!

"Am I disturbing you?"

Someone cleared his throat. Mabilis kong itinulak si Alas nang dumagsa ang dugo sa aking mga pisngi. Sir Patrick is watching us, with his hands crossed and his eyebrows raised.

"S-Sir..."

"Hey, Pat. Long time no see." Alas said nonchalantly and slapped his shoulders jokingly.

Napa-awang ang bibig ko. Sir Patrick grinned and slapped him back. Mas lalo akong nagulat sa nakita!

"What're you doing here in the city? Akala ko ba'y nasa Makati ka pa?" tanong ni Sir Patrick as if he hadn't witnessed us shoving each other's throat just a moment ago.

Alas shrugged and wrapped his arms around me. "This woman made me come back here."

"Oh," gumuhit ang makahulugang ngisi sa mga labi ni Sir Patrick. "Kaya pala galit na galit ito kay Jayden nung pinakanta ko," then he chuckled and adjusted his black-rimmed glasses. "I'm sorry, Belle. I didn't know you were with Alas..."

"Uh... okay?"

"Can I sleep here?" itinango ni Alas ang kwartong ibinigay ni Sir Patrick sa aming dalawa ni Zeus.

"I'm sorry, man. You're my friend but work is work. Belle still needs to observe proper work ethics. I don't want to hear your moans every night while I'm editing the film." He rolled his eyes.

Pumula na ata ang buong mukha ko sa kaniyang tinuran. Isiniksik ko ang sarili kay Alas dahilan ng pagtawa ni Sir Patrick.

"You going out? Sabay na tayo,"

"S-Sige po, Sir..." I mumbled and excused myself. Pumasok kaagad ako sa kwarto at nadatnan ang nakabusangot na si Zeus. His tiny lips tugged downward.

"What was that, mummy?" he sounded a little angry, too! Cute, but angry... "My stomach's growling already..." he whined.

Tumawa ako at nilapitan siya. "C'mon. We're going to eat."

Nang makalabas ako ay nagkukuwentuhan pa rin sina Sir Patrick at Alas. Namangha ako dahil nakikita ko na si Sir Patrick na tumatawa at nakikipagbiruan. Puro sigaw kasi ang inaabot ko sa kaniya kapag nagtatrabaho.

"C'mere, Zeus..."

Umangat ang kilay ni Sir Patrick nang buhatin ni Alas si Zeus mula sa akin. Hindi na tuloy ako makatingin sa kaniya. Matinding hiya na ang nararamdaman ko habang nakasunod sa kanilang dalawa. Even the other members of the team glanced at us with curiosity.

"Extreme long shot, Belle! Hindi mo binabasa ang storyboard?!"

I groaned inwardly. In-adjust ko ang camera at bahagyang yumuko upang pulutin ang nahulog na lens cap. My relationship with Sir Patrick remained neutral, even though He and Alas are close friends. I didn't get any special treatment. And I am silently happy about it. Alam kong pinag-uusapan ako ng iba pa naming ka-team kaya naman mas mabuti nang hindi pa rin nagbabago ang pagsigaw-sigaw sa akin ni Sir Patrick.

"Huwag mo namang sigawan si Belle." Umawang ang bibig ko nang biglang tumayo si Alas at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat. "Inaalagaan ko ito tapos sisigawan mo lang?"

I stared at him, my eyes widening. What is he doing?! Gusto niya ba talagang mapahamak ako nang lalo kay Sir Patrick?

Naningkit ang mga mata ni Sir Pat sa kaibigan. "Get out of here, Alas. I'm banning you from attending any of our shootings." Halata nang badtrip ito at wala sa mood makipag-biruan.

Alas surrendered both of his hands in the air. "Okay, okay. Chill, bro. Okay?"

Bubulong-bulong pa si Sir Patrick nang makaalis si Alas. Kaagad akong tumalima upang maiwasang masigawan ulit at inayos na ang position ng tripod.

Nilingon ko si Alas na prenteng nakaupo kasama si Zeus. Tinaas-baba niya ang kilay nang mahuli akong nakatingin sa kaniya. Irap ang naging sagot ko upang pigilan ang pagngiti. He looks like a fucking celebrity with his aviators, white over-sized shirt, and denim pants. Nakaupo sa gitna ng kaniyang hita sa Zeus. He let my son borrow his phone kaya hindi ito masyadong nagkukulit ngayon.

"Belle..." Sir Patrick warned when I stared too long at the two.

I composed myself and dragged my gaze to the camera. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Alas sa aking likuran kaya mas lalong uminit ang mga pisngi ko. Sinasadya niya ba ito?

"Wala ka bang trabaho? Bakit ka sunod nang sunod sa akin?" suplada kong tanong sa kaniya, isang gabi habang kumakain kami sa MTS.

"Oo nga. Why the hell are you here, man? All you do is dress like a celebrity and distract Belle." Sabat ni Sir Patrick.

Tumawa si Alas sa kaniyang tinuran. He didn't let me carry my son. Zeus was with him all day long! Nagsisimula na akong magselos dahil hindi na ako halos pinapansin ng anak ko...

"Hmm. I told them I'm out of the country and needs an emergency vacation."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Emergency vacation? In the middle of school building construction and the new resort? Nababaliw ka na ba, Alas?"

He chuckled and adjusted Zeus in his arms. "Hey, bud. They're trying to shoo me away. What do you say?"

Sinimangutan ako ni Zeus. "Stop sending Dada away, mum."

Tumawa nang malakas si Sir Patrick sa sinabi ng anak ko. Pati na din ang ibang nakikinig sa pag-uusap namin ay nakitawa rin.

I rolled my eyes in frustration and let him tag along with us for dinner. He checked in a hotel near our compound. Imbes na sa van ako sumakay araw-araw ay sa Ford niya kaming dalawa ni Zeus. Medyo nahihiya nga ako kay Sir Patrick but despite his rude comments, it can't be denied that the two of them are close friends.

"Why is this bitch still calling him?" I mumbled angrily when I saw her name flashed in the screen. Biglang nahinto ang paglalaro ni Zeus. Break namin ngayon at natutulog si Alas sa recliner habang nasa hita naman niya si Zeus.

"Mummy..." mahinang turan ng bata at iniabot sa akin ang cellphone. Sinulyapan ko si Alas. Tulog pa rin siya.

I pressed the answer button and placed the phone against my ears.

"Thank God! You finally answered! Alas, honey, where are you—"

"Stop calling him already." I said stoically.

Mukhang natigilan si Cara sa kabilang linya nang marinig ang boses ko. "Who the hell is this? Bakit mo hawak ang cellphone ng boyfriend ko?"

"Let me burst your little bubble, Cara. Alas is not your boyfriend." Nanggigigil kong wika sa kaniya. "Would you stop calling him already?"

"Why, you little bitch—Belle! Ugh! Ibigay mo nga kay Alas ang cellphone niya!" I could hear the frustration in her voice.

A mischievous smile appeared on my lips. "Hmm. Gusto ko sana eh kaso natutulog pa siya ngayon. Pinagod ko kasi kagabi..."

"What the—"

"And I'm so sore, right now. Magaling pala talaga si Alas sa kama no?" patuloy ko. Pinipigilan ko ang hagikhik na kumawala sa bibig lalo na nang maubo si Sir Patrick sa iniinom na tubig at napatingin sa akin nang nanlalaki ang mga mata. "How he massaged my breasts and entered—"

"Stop it!" sigaw ni Cara sa kabilang linya.

I sighed dramatically. "I pity you, Cara. Habol ka pa rin nang habol kay Alas eh halata namang wala siyang gusto sa iyo."

"How dare you say that to me? Ako ang girlfriend niya, Belle! Hindi ikaw!"

"Oh? Then why does he keep on calling me 'baby' last night when I screamed his name? Hmm... sa pagkakaalala ko girlfriend ang pakilala niya sa mga kaibigan niya dito sa Davao. That's right, Cara. Ako ang girlfriend ni Alas. Hindi ikaw."

"You're gonna fucking pay for this, Belle. What happened to us in highschool? It's still not over! Humanda ka sa akin!"

I laughed mockingly. "Really? I'm trembling in fear right now, Cara. I'd love to see you try."

Pinatay na niya ang tawag na umani ng matagumpay na halakhak mula sa akin. But soon, my laughter died down when I saw Alas is already staring at me.

"Ah... uhm..." ibinalik ko kaagad kay Zeus ang kaniyang cellphone.

A playful smile tugged on his lips as he stared at me intensely.

"Ano yung sinabi mo kay Cara, Belle?" his mouth twitched as he tried to suppress a smile.

"Wala." I answered coldly, heat creeping up to my cheeks.

Tumayo si Alas mula sa recliner at hinayaan si Zeus na bumalik sa kaniyang paglalaro. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. He completely invaded my personal space when he gently grabbed my wrist and pulled me closer to him.

"Girlfriend kita? Hmm?" he whispered on my ears.

I nibbled my lower lips. Gusto ko nalang kainin ng lupa ngayon! Ang lakas ko pang pagtripan si Cara tapos ngayon nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Belle, what did you fucking say to her?"

"I-It's just a joke..."

Tumawa nang malakas si Sir Patrick at iniling ang kaniyang ulo habang umaalis na sa puwesto namin. Gusto ko nalang tumakbo papalayo sa kaniya nang ipulupot niya ang mga kamay sa beywang ko.

"You're not one to randomly spit jokes, Belle. Especially to women like Cara..." nagsimula na niyang paglaruan ang buhok ko. Bumilis ang paghinga ko at ibinaba ang tingin sa suot na puting converse.

"Stop it, Alas."

"Ulitin mo ang sinabi mo kanina..." malambing niyang wika. "I want to hear it again, baby. Please?"

Napapikit ako ng mga mata. Bakit ganito ka, Alas? Any woman's ovaries would burst by just his words! His words alone! Ano nalang kaya kung...

Ugh, Belle! Stop it! When did you became so worldly when it comes to him?

I licked my lower lips nervously.

"I'm waiting, Belle..." untag niya sa akin.

"G-Girlfriend mo ako..." ibinaba ko ang tingin, hiyang-hiya sa sarili at sa katangahang ginawa.

Alas chuckled. "Does that mean sinasagot mo na ako?"

You idiot. We never broke up in the first place. Umalis lang ako!

Ngumuso ako. Humalakhak si Alas.

"God, you're making me crazy..." umiling-iling siya. He gently tugged my chin and made me look at him. "Say it again. Say it to my face."

I swallowed really hard. Walang pakialam si Zeus sa aming dalawa at nagpatuloy lang sa paglalaro ng cellphone. Ang iba naman naming ka-team ay panay ang tingin sa direksiyon naming dalawa. Para kaming nagsho-shooting dito!

"Girlfriend mo ako." I said silently.

Alas grinned widely and rewarded me with a brief kiss. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang hinampas sa dibdib. Really, Alas? In an open space? In front of everybody? In front of my son?

"Good. About what you said that we did last night, how about we really do it tonight—"

"Stop it!" hinampas ko ulit siya, pulang-pula ang mukha. Alas throw his head back and chuckled.

"Stop it, Alas. Damn you." I gritted my teeth. Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kaniya!

"Belle! Break's over!" sigaw ni Sir Patrick mula sa distansiya. Tumango ako sa kaniya at sinamaan ng tingin si Alas na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"Bantayan mo ang anak ko," I demanded.

"Yes, girlfriend." He teased me. I rolled my eyes at him and stomped toward where Sir Patrick is waiting for me.

Napailing na lang ako at pinilit ang sariling mag-focus sa shooting namin. I silently wacked myself inside of my head.

You stupid, stupid, Belle. You lost at your own game.

"No. Hindi ka pa rin puwedeng matulog sa kwarto nila Belle." Mariing wika sa kaniya ni Sir Patrick.

Inakbayan ako ni Alas at nginisihan si Sir. "Pero Pat, narinig mo naman siya kanina diba? She just described how it's like having sex with me and—"

"Oh my God. Alas, can you please shut the fuck up?" naihilamos ko ang mukha ko sa palad dahil sa matinding kahihiyan.

"What?" natatawang tanong sa akin ni Alas.

"Nice try. But still, no. Save your sexual escapade when the shooting is done and we all go home to Governor Generoso." Wika ni Sir sabay kaming tinalikuran at nagtungo sa sariling kwarto.

Nagngingitngit kong hinarap ang nakangising si Alas. He shoved one hand to his denim jeans and grinned at me.

"Umuwi ka na," pagtataboy ko sa kaniya.

"Pumasok ka muna."

"No, I mean it. Kailangan mo nang umuwi, Alas. May trabaho ka sa Governor Generoso. I don't want you to abandon your work and just follow me around. That's unreasonable!"

"Hmm. It's okay. I'm having fun here."

"Paano kung matanggal ka sa trabaho?"

He shrugged. "Eh di maghahanap ulit ako ng ibang trabaho."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ayaw kong taasan siya ng boses dahil natutulog na si Zeus sa loob at baka maalimpungatan pa.

"Alas, stop acting like a child. Kailangan mo nang umuwi. Bukas!"

Nagkamot ng ulo si Alas. "Okay. Three more days."

I glared at him. "Bu. Kas."

He groaned. "But Belle—"

"Uuwi ka o hindi kita papansinin? I'll act like you don't exist at all." Pagbabanta ko sa kaniya.

He lowered his gaze and pouted like a kid. Muntik na akong mata wa sa naging reaksiyon niya. Buti nalang at napigilan ko kaagad ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Kung hindi ay magmumukha akong tanga dito. Kanina pa ako mukhang tanga, ayoko nang dagdagan pa.

"Kakasabi mo lang kanina na girlfriend kita tapos tinataboy mo na ako ngayon..." mahina nitong wika na para bang natadyakang tuta.

I stifled a laugh. "No. I'm just being reasonable. Hindi ako mayaman katulad mo, Alas. Kailangan mong matutunan na pahalagahan ang trabaho mo."

"How about Zeus? Walang magbabantay sa kaniya—"

"Ako ang magbabantay kay Zeus." I cut him off. "I raised him alone for four years. What makes you think I can't handle him for one month?"

Alas traced the cemented floor with his expensive sneakers. Then he sighed loudly. "Fine, fine. Uuwi na ako. Pero bibisitahin kita every weekends, okay?"

A smile appeared on my lips. "Okay."

"And I'll call you. And text you. You need to update me every goddamn time, Isabelle." Seryoso niyang wika.

"And you need to stay away from Cara, too." Pagbabanta ko sa kaniya.

"Yeah. Pinagsabihan ko na si Krista na huwag ibigay ang susi sa kaniya."

Nameywang ako at tinaasan siya ng kilay. "Really?"

"Yes. Cara's just my co-worker. Don't worry about her, Belle."

Oh, that girl's crazy. Paanong hindi ako mag-aalala sa kaniya?

"Alright, then."

"Sasabayan kita sa breakfast bukas bago ako umalis."

"Alas—"

"Just let me join you for breakfast. Uuwi ako. Huwag kang mag-alala."

I sighed. "Fine, fine."

"And you need to send me selfies with Zeus."

"I got it." Napangiti ako.

"I'll send you pictures too..." lumapit siya sa akin at bumulong sa aking tainga. "The most intimate ones, if you'd like..."

Pumula ang buong mukha ko at mabilis siyang itinulak palayo. "Ang landi mo, Alas!"

Tumawa siya nang malakas. He's so frisky! Yet... it's still so sexy. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko.

Alas crouched a little to give me a brief kiss on the lips. Napakurap ako at gulat na napatingin sa kaniya.

"I'll be going. Goodnight, girlfriend."

I rolled my eyes. "Goodnight, Alas."

"Aren't you going to call me boyfriend? Hubby? Babe? Sweetie?" he sighed dramatically.

"Umalis ka na nga dito!" umirap ako pero hindi rin napigilan ang ngiti sa mga labi.

Alas chuckled. Pinapasok niya muna ako bago siya naglakad palabas. My heart is pounding wildly inside of my chest. Buti nalang at tulog na si Zeus kaya hindi niya nakikita ang kabaliwan ko!

Mas lalo pa akong nataranta nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa.

Alas:

I miss you already, girlfriend.

Uminit ang pisngi ko sa nabasa. I chewed my lower lips and hesitantly typed my reply to him.

Belle:

Just go home already, Alas. Magpahinga ka na...

Wala pang sampung segundo ay tumunog ulit ang phone ko. Napailing ako sa kaniyang reply.

Alas:

Alright. Goodnight, girlfriend!

Humalakhak ako. Nababaliw na talaga yata ako!

Belle:

Goodnight, boyfriend ;)

Alas:

Holy shit!!!

Alas:

You finally called me your boyfriend!

Alas:

I'm on my way back to your room.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. I immediately press the call button. Isang ring pa lang ay sinagot niya na agad ito.

"Tigilan mo nga yang kalokohan mo, Alas!" I hissed. "Bumalik ka na sa hotel mo..."

"But you've already called me boyfriend..." I could imagine him pouting while holding his phone against his ears. Napangiti ako sa naisip.

"Just go home already, please. Pagod na din ako. Gusto ko nang magpahinga." I even faked my yawn just so he would leave me alone.

He groaned on the other line. "Are you... in bed right now?"

Uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya. Ano na naman ang iniisip nito?

"No." mariin kong sagot. "I'm still changing my clothes."

Narinig ko ang marahan niyang pagmura mula sa kabilang linya. Doon ko pa narealize kung ano ang sinabi ko sa kaniya. Pumula din ang mukha ko.

"I-I mean..." I stammered. Then I groaned out loud. "Whatever, Alas. I'm hanging up."

"Wait—"

Binabaan ko na siya ng telepono. I know I'll be tempted to reply if he'll text or answer if he'll call so I decided to shut my phone. Dali-dali akong nagbihis at ibinagsak ang sarili sa kama.

Then I screamed on the pillow. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko!

"Mum, are you ok?" tanong ng naalimpungatang si Zeus at kinusot-kusot pa ang mga mata.

Umayos kaagad ako. I cleared my throat. "I'm okay, baby. Sorry to disturb you. Matulog ka na ulit."

"Okay." He scooted closer to me and hugged me. Niyakap ko din ang anak pabalik nang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi.

"Hay, salamat! Akala ko wala ka nang planong umuwi!" pagpaparinig sa kaniya ni Sir Patrick, kinabukasan, habang kumakain kami ng agahan.

Alas chuckled. Katabi ko siya at nakakandong si Zeus sa kaniya. Sinusubuan ko naman si Zeus dahil nagmamaktol na naman at gusto ng fried chicken early in the morning...

"Inggit ka lang sa akin, Pat kasi hindi mo kasama ang girlfriend mo!" parang batang sagot ni Alas sa kaniya. I rolled my eyes and let them bicker with each other until we were done eating.

Zeus insisted to see him off. Humiwalay muna ako sa grupo at lumapit sa sasakyan ni Alas.

Malungkot niya akong tiningnan. "Are you sure I can't change your mind?"

Suplada ko siyang tiningnan. "You have work to do, Alas. Nagtatrabaho din ako. Kaya kailangan mo nang umuwi."

He groaned and leaned against his car. Pinasadahan ko siya ng tingin. Why does he dress as if he's going to have a photoshoot every day? Ang kaniyang itim na sweatshirt ay hapit na hapit sa malaking katawan. His pair of khaki pants and black sneakers are plain but I know it must cost a fortune.

Alas smirked when he caught me staring at me. He probably knows that he looks good too because he crossed his legs over the other.

"Well?"

"What?"

"Don't I get a goodbye kiss?"

Tiningnan ko siya nang masama at saglit na sinulyapan si Zeus. "Zeus is here."

"And?"

"Alas..." I warned.

"Hey, bud. Is it okay if I kiss your mummy?" tanong nito sa bata. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

Tumango naman si Zeus at bumungisngis. My entire face reddened. Alas turned to me, smirking again.

"Well?"

I rolled my eyes. Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako at siniil ng halik. Nagulat ako lalo pa nang idiin niya ang kaniyang mukha sa akin na para bang nanggigigil siya.

Kung hindi pa nagreklamo si Zeus na naiipit na siya'y hindi pa ata ako pakakawalan ni Alas.

"Goodbye, girlfriend..." he grinned then turned to Zeus. "Bye, champ. Be a good boy to mummy, okay?"

"Yes, Dada."

Alas held my arms and squeezed it before he circled his car. Ibinaba pa niya ang kaniyang passenger window para lang matingnan ako. Nakasuot na siya ng kaniyang aviators ngayon.

"Text me kapag nasa shooting area na kayo." Paalala niya sa akin.

"I will."

"I'll visit you this weekend, Belle..." seryoso niyang wika sa akin.

"Oo na, oo na!" I waved my hands dismissively at him.

Ngumuso si Alas. "Really. I'm serious."

"Oo na... Mag-iingat ka sa biyahe..." sinulyapan ko ang bukas na van na mukhang kami nalang ata ang hinihintay. "Sige na, Alas... Hinihintay na nila ako."

Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. He honked twice before he backed and drove. Pinagmasdan ko ang kaniyang Ford na papalayo. Lumiit ito nang lumiit sa aking paningin hanggang sa tuluyang nang mawala.

Zeus squirmed in my arms. "I already miss Dada..." he complained.

Sinulyapan ko ang bata. "Me too, Zeus..." I sighed. "Me too..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro