Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1: hers

"kay bilis kasi ng buhay . . . pati tayo, natangay."

•.•.•

a l e x a n d r a

I wish everything would stop.

Saka lang ako humanap ng mauupuan pagkatapos kong bumili ng French fries. Sakto namang walang nakaupo sa may bintana. Pangdalawahang tao lang kaya iisa lang 'yong mesa. Buti na lang at medyo malapit 'to sa basurahan.

And yes, that's a good thing. Gustong-gusto ko kasing pinapanood ang mga tao ‒ kung paano sila magsalita, makinig, at magtago ng mga kahinaan. Wala rin namang kuwenta 'yong pagtatago nila, e.

Nakikita ko rin naman lahat.

Kasabay ng paglapag ko ng tray sa mesa ay ang pagkuha ko ng earphones. Sinaksak ko iyon sa cellphone ko. Umupo na ako at nagpangalumbaba.

Nilibot ko ng tingin ang buong palapag na sinakop ng fast food chain na 'to. Sinulyapan ko ang suot kong relo. Alas-otso na pala. A, kaya naman pala unti-unti nang dumadami 'yong mga nagdi-date. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko.

Ibinaling ko na lang sa bintana ang atensyon ko. Mahirap na at baka may makatagpo pa ako ng mga mata. Panibagong pabigat na naman 'yon para sa'kin 'pag nagkataon.

Kitang-kita ko 'yong pagmamadali ng mga tao, makasakay lang do'n sa bagong dating na jeep na walang laman. Ang ewan nga kasi parang mamamatay sila kapag hindi sila nakasakay. Kung makatulak pa, parang hindi braso ng tao 'yong natamaan, e.

Iyong iba naman, hindi man lang lumilingon sa kaliwa't kanan bago tumawid. Akala mo kung sinong mga handa nang mamatay pero kapag nandiyan na si Kamatayan, naku, parang mga santo kung magdasal na 'wag muna silang kunin.

Mga tao nga naman, oo.

Sometimes, I wonder what God thinks about us. I know that He has plans for us. Alam naman nating lahat 'yon. I just . . . wonder.

Ano kayang iniisip Niya habang pinagpaplanuhan ang existence ko? Naisip man lang ba Niya na isang malaking pabigat sa buhay ko 'tong "regalo" Niya? Hell, I'm not even sure if this is a gift.

Ni hindi nga ako sigurado kung sa Kanya nga ito galing.

Either way, this just makes my life complicated. Sometimes, I wish I was normal. Sometimes, I don't. May mga pagkakataon lang sa buhay na gusto kong maintindihan ang mga bagay-bagay pero minsan kasi, mas mabuting wala na lang akong alam.

Sabi nga nila, "ignorance is bliss".

For example, mas makabubuti siguro sa'kin kung hindi ko nakita sa utak ko 'yong pag-iyak at pagsisisi ng mga magulang ko pagkapanganak ko; 'yong pag-aaway at pagsusumbatan nila kung sino ang mag-aalaga sa'kin, at kung paano ako bubuhayin.

Saglit akong pumikit nang mariin. Inabot ko 'yong baso ng iced coffee. Napalingon ako sa may hagdan nang may marinig akong humihikbi. Isang batang lalaki ang nakaupo roon habang nakayakap sa kanang tuhod. Nadapa yata.

Hindi ko alam kung tutulungan ko o hindi. Nandiyan naman sa kung saan ang nanay niyan. Bago ko pa maialis ang titig ko sa nakatalikod na bata, lumingon ito sa'kin.

Shit naman.

Parang panandalian akong nakapasok sa ibang mundo nang magkasalubong ang mga mata namin ng bata. No'ng una, puti lang ang nakikita ko pero unti-unting may nabuong mga imahe.

Pilit kong ginalaw ang hintuturo ko.

Kalma ka lang, Alex.

Sa mata ng mga tao, walang kakaiba. Ako lang naman 'to - nakaupo at nakatitig sa mag-inang 'yon . . . nakikiusyoso, normal.

Sa tantiya ko ay wala pang dalawang segundo akong nakatitig sa batang 'yon.

Isang segundo pa lang pero ang dami ko nang nakita. Sa isang sikat na unibersidad, nakita ko 'yong bata kasama ang mga magulang niya. Napakaaliwalas ng paligid. Mukhang masaya ang lahat. Napakarami ng tao pero sa kanila lang nakapokus ang mga mata ko. Malabo na 'yong mukha ng iba.

May lumapit na isang lalaking nakasuot ng itim na toga. Kahawig niya 'yong bata, magkapatid ata sila. Bagong graduate 'yong bagong dating at kapansin-pansin ang mga medal na nakasabit sa leeg nito. Paano ba naman kasi, patakbo itong lumapit sa mga magulang at sa nakababatang kapatid.

Ang ingay tuloy sa utak ko.

Sinalubong ito ng yakap ng mga magulang. Kumuha pa sila ng litrato. Hindi nga lang bilang pamilya kasi 'yong bata ang inutusan nilang kumuha. Ngiting ngiti ang mga magulang nilang dalawa. Para ngang nagliliwanag pa 'yong mga mata ng nanay nila sa tuwing susulyapan ang bagong graduate na anak.

Akala ko no'ng una, iba 'tong nasagap ng mga mata ko. Para kasing hindi naman malungkot. Pero mukhang mali ako. 'Yong bata kasi . . . sa unang tingin, mukha siyang masaya para sa kuya niya pero sa likod no'n, may halong inggit, e.

Mukhang alam ko na ang problema ng isang 'to.

Kumurap ako nang tatlong beses. Itim lang ang nakita ko, walang kahit anong senyales ng liwanag. Medyo kinabahan pa nga ako kasi bibihira ko na lang gawin 'to. Iniiwasan ko na kasi talagang makatagpo ng mga mata ng tao at makakita ng mga ganitong bagay.

Sa isang iglap ay nakaupo na ulit ako. Sa harapan ko ay 'yong French fries na halos hindi ko pa nagagalaw pati ang kaliwang kamay ko, nakahawak pa rin doon sa baso ng iced coffee.

Hindi ko namalayang dumating na pala 'yong nanay ng batang nadapa. "Ano ba 'yan? Hindi man lang tinulungan," bulong pa nito bago ako irapan at lapitan ang anak niyang kanina pa umiiyak.

Sinundan ko lang sila ng tingin.

Gusto ko sanang matawa sa nakita kong problema ng bata kaya lang, iba rin kasi ang nagagawa ng inggit. Marami ngang nakapapatay nang dahil sa selos, e. Natatakot lang ako sa puwedeng gawin no'ng batang 'yon.

Tinuro sa'min noon na ayon kay Thomas Hobbes, mababait tayong mga tao dahil daw may mga espiritu tayong mabubuti sa loob natin. I beg to differ. Mas naniniwala pa ako sa Chinese belief na "yin yang", e.

People can be good and horrible at the same time. Kahit sino, puwedeng baguhin ang ugali nila kung gugustuhin talaga nila. Pero syempre, kailangan ng oras. Hindi naman puwede 'yong sa isang iglap, gusto nang maging pari ng isang drug lord.

Haharap na naman sana ako sa bintana nang makaramdam ako ng kilabot. Napalingon ako ulit sa may hagdan nang hindi sinasadya.

Isang lalaki ang paakyat doon. Isang hakbang paakyat, papalapit sa kinaroonan ko. Sa bawat paghakbang niya, nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya hanggang sa . . . mga mata.

Shit naman.

Wala akong masyadong makita no'ng una pero ramdam ko agad na may kakaiba. Mukhang may kailangan akong gawin at hindi ko siya puwedeng hayaang umalis nang hindi ko nakakausap.

Ang lamig sa pakiramdam. Magkahalong kilabot at lungkot ang naramdaman ko habang pinapanood ang kuwento sa likod ng mga mata niya.

At tama nga ako. Pagkatapos kong makita ang lahat ng hinanakit niya, hindi ko siya puwedeng hayaan. Hindi ko siya puwedeng hayaang mag-isa.

Ilang segundo na ang lumipas kaya pumikit ako nang mariin. Ilang beses akong kumurap. Nanumbalik ang ilaw sa paligid, ang pagbubulungan ng mga tao kasabay ng mga mapanuring titig, pati ang imahe ng lalaking tila naestatwa na sa harapan ko.

Kailangang may gawin ako. Pakiramdam ko, pagsisisihan ko ang pagkakataong ito kapag wala akong ginawa.

Kahit ano, Alex . . . kahit ano pang gawin mo basta 'wag mo hayaang umalis .

Bahala na nga.

Tumayo ako. Parang napakalakas ng tunog ng pagtama ng bakal na dulo ng upuan ko sa sahig. Nakuha no'n ang atensyon ng lahat habang ako . . . sinubukang hawakan ang pulsuhan ng isang lalaking ngayon ko lang nakita.

Doon, sigurado ako. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakikita pero pamilyar ang pakiramdam.

Sa sobrang pagkapamilyar, parang kilala ko na siya buong buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro