Chapter 4 : Ecosystem
Chapter 4 : Ecosystem
Julian's Pov,
Grabe kahapon, ako 'yung ginawang pambato ng room para sa sportfest, pero sabagay magkaka scholar naman ako. Kaso kailangan ko makaabot ng international. Bago magkascholar.
Pero atleast 'diba, magagamit ko na yun hanggang collage. At ang tuition nalang ni Julia ang iintindihin ni mama. Naaawa na kase ako kay mama. Pinaghihirapan nya kaming pag-aralin.
Teka umaga na pala. Tumayo muna ako at naghanda ng almusal. Tumingin ako sa lumang relo na nakasabit sa dingding ng bahay namin.
Its 4:05 in the morning, maaga pa kaya di ko muna ginising si Julia. Hayaan mo sya, magigising din naman ng kusa 'yan. Kumain ako ng almusal. Maya-maya lang nagising na si Julia, may mga muta pa sa mata.
"Julia! kelan pa nagkamuta ang maganda," sabi ko sa kanya habang tumatawa. 'Di ko na napigilan e. Halos mabulwak na ang kinakain ko.
"Che! loko ka talaga," masungit na sagot nya habang tinatanggal yung muta nya.
"Kamusta ang tulog?"tanong ko sa kanya.
"Ayun ganon parin tulo ang laway,"natatawang sabi nya habang nagpupunas ng bibig. Kadiri naman s'ya. Pero masasanay ka naman na d'yan. Tawa lang ako ng tawa sa kanya, 'wag nya lang sana ma-mentioned ang ginagawa ko tuwing tulog.
"Ikaw nga minsan nagsasalita ng tulo,"sabi nya saakin. Namentioned pa. Nakakainis.
"Atleast minsan, sayo gabi-gabi!"sabi ko sa kanya habang kumakain ng pandesal.
Na-gising pala namin si mama kakatawa namin. "O anong kaguluhan nanaman ito?"tanong ni mama habang tinatali ang buhok.
"Ah sorry po mama, kasi po si Julia eh ang ingay, parang elepante,"sabi ko sabay turo kay Julia.
"Kung ako elepante ikaw unggoy,"sabi nya saakin habang nakadila.
"Hephep!"sigaw ni mama
"Hooray!"sabay na sabi namin ni Julia. We have the same thing on my mind lagi. Kambal e. Kaunti lang ang kambal na gaya namin na nabiyayaan ng iisang itak. Syempre, Joke yun dahil wala namang utak si Julia.
"Aba niloloko nyo pa ako ah,"sabi ni mama habang nakapameywang. Kiniliti kami ni mama hanggang sa matabig namin ang baso na nasa mesa, nagulat kaming lahat at napahinto.
"Ako na po ang magaayos,"sabi ko kay mama habang kinukuha ko ang tambo at ang daspan.
"Ah hindi, ako na anak. Baka masugatan ka pa"sabi saakin ni mama, na kinukuha saakin ang hawak kong tambo at daspan.
"Oh, 'di ba may pasok pa kayo?" tanong saamin ni mama habang dinadakot ang mga bubog.
"Oo nga pala, mauna ka na Julia, lady's first"sabi ko sa kanya. "Manang!dalian mo na,"dugtong ko pa.
Noon pa man manang na ang tawag ko sa kanya. Ang kupad-kupad kase e. Daig pa ang matanda.
"Binibilisan ko na lolo!"mataray na sabi nya.
***
"Sakto lang ang pasok natin Julian,"sabi ko kay Julia na nagpupulbo. Ano'ng tawag doon? Revolve? Retak? Retouch? Ewan nakakainis. Ba't kelangan no'n?
"Oo nga, tara na baka nagsisimula na sila,"sabi ni Julia habang nilalagay nya ang polbo nya sa bag n'ya. Umupo kami sa upuan namin, wala pa doon si ma'am,nagtataka nga ang lahat ng kaklase namin e.
Biglang may pumasok na guro saamin,.si Maam Louisa pala. Teacher namin sa Science. Tumayo kaming lahat at sinabing. . .
"Good Morning Maam Louisa."
"Magandang umaga mga bata,"masayang bati ni Ma'am Louisa. "Hindi makakapasok ang inyong guro dahil sya ay nakaconfine ngayon sa hospital dahil sa dengue,"sabi ni Maam Louisa.
Lahat ng kaklase ko ay nagtaka at nagbulungan na parang pinaguusapan ang nangyari kay Ma'am. "Kaya ako ang pansamantalang magiging guro ninyo for one month,"dagdag ni ma'am habang nakaupo sa upuan ng adviser saamin.
"One month?!"sigaw ng iba kong mga kaklase. Halos lahat takot kay Maam Louisa dahil strict ito at masungit kahit palangiti. Plastic.
"Bakit may problema ba kung ako ang magiging teacher nyo ako for one month?" tanong ni Maam Louisa.
Nagbibiro ba sya? Eh halos 'di makagalaw ang mga kaklase ko kapag nagagalit sya, hindi nga kami makahinga kapag galit s'ya. Tumahimik nalang ang lahat at nagturo si Maam Louisa about sa Ecosystem.
"Okay ngayon mag gu-group work kayo at ihahati ko kayo sa tatlong grupo, ang Aristotle, Copernicus,at Galileo," paliwanag ni Ma'am. "Magbilang kayo ng 1, 2, 3 para malaman nyo kung anong group kayo."
Napunta ako sa group 3, si Julia naman sa group 2 kasama si Jenny, sa group ko naman kasama ko si Kristin at lima pa. "Okay, ngayon gagawa kayo ng ecosystem, at lahat ng nasa paligid nyo pwede nyong gamitin nasa diskarte nyo lang kung paano ito gagamitin,"sabi ni Maam Louisa.
Pumunta na kami sa kanya kanya namin pwesto, ang bawat grupo ay kanya-kanya ng diskarte at kapwa abalang-abala sa ginagawa.
"Anong gagawin nating ecosystem e halos lahat nakuha na nila, sa Aristotle, gumagawa ng bahay gamit ang sticks. Ang Copernicus gumagawa ng forest gamit ang stiro at stick,ano pang gagawin natin,"problemadong sabi ni Kristin.
"Meron pa kaya!"sabi ko sa kan'ya.
"Ano naman yung naisip mo?"tanong nya saakin habang nakaangat ang isang kilay.
"'Diba ang ecosystem is a shelter o something na tinitirhan ng hayop o organism na may pagkain?"tanong ko sa kan'ya.
"Oo, di ka ba nakinig kay Ma'am kanina habang nagtuturo?"mataray na sabi nya saakin.
"Edi kumuha kayo ng isang pot na may lupa, dahon at caterpillar o kahit anong organism na tumitira do'n,"utos ko sa kanila.
Leader lang ang dating,hayaan na wala namang leader e. Kinuha nya yung paso sa likod nya,"Ito okay na ba 'to?"
"Okay na iyan,"sabi ko sa kan'ya.
"Now what?"tanong nya saakin.
"Ngayon kailangan nalang natin ng report at reporter?"sabi ko sa kanila.
"Ako nalang"sabi nya saakin na parang gustong-gusto nya magreport.
"Sige okay na tayo,"sabi ko sa kanya.
"Tayo na?"tanong nya sa akin na parang excited.
"Ano?"tanong ko sa kanya.
"Tayo na, pumasok na tayo"sabi nya,ba't nagtaka ako bigla. Parang may laman. Bahala na nga. Pumasok kami sa room, parang kami nga ang nauna natapos.
At nagtaka pa yung mga kaklase namin na ang bilis namin natapos.
"Okay class, time for repoting. Pumasok na kayo,"utos ni Ma'am Louisa. Nagsipasukan na ang mga iba para magreport.
"Mauna ng magreport ang Galileo dahil sila ang unang natapos, go ahead Galileo,"sabi ni Ma'am. Tumayo si Kristin at nagreport.
"Magandang umaga sa inyong lahat,this is the task of group Galileo. I'm going to show you an example of an Ecosystem," panimula n'ya. Pinakita nya sa lahat ang aming gawa, ngumiti lang si Ma'am Louisa sa ipinakita namin.
"Ito ang simplest example ng isang ecosystem, as you can see isa itong paso na may lamang lupa, kung saan may mga dahon na makakain ng caterpillar. It just like people na nakatira sa isang town na may pagkain,"pag-uulat nya.
"Good job!"sabi ni Ma'am LouisaTumingin saakin si Kristin at nginitian ko naman s'ya. "Tama ang inyong gawa. Hindi ko inaasahan na gagawin nyo iyan. It is the simplest example of Ecosystem. Ms.Raven, you can now take your sit,"dagdag pa ni Ma'am.
"Thank you Ma'am,"sagot n'ya.
***
"Ang may higher points ay ang group Galileo," natutuwang sabi ni Ma'am Louisa. Nag-ngitian kami ng mga ka-grupo ko at biglang nagtama ang mga mata namin ni Kristin. Nginitian ko lang s'ya.
"Tamang-tama kase ang report at ang example nila sa Ecosystem," sabi ni Ma'am.
KRING!
"Okay class uwian na, bukas nalang ulit. At tsaka nga pala Julian,maiwan ka muna dito,"bilin ni Ma'am.
"Bakit po?"tanong ko kay Ma'am na nag-aayos ng mga gamit n'ya.
"Wala kayong practice mamaya, kase nagseminar yung coach nyo,"sabi ni Ma'am Louisa. Akala ko naman kung ano. Pa-suspense pa e 'yon lang pala ang sasabihin.
"Okay po, mauna na po ako," paalam ko kay Ma'am na magsasara na ng room. Habang naglalakad ako, hinawakan ko sa balikat si Kristin.
"Good Job."
Ngumiti lang sya at nag-thank you saakin. Teka? nasaan na si Julia? Iniwan pa ata ako ng loko na 'yon.
"Boo!" Nagulat ako at napapikit ng mata, sino ba 'tong lintik na nang gulat saakin.
Pagdilat ko ng mata ko, si Julia lang pala. "Para ka paring bata. Magugulatin ka pa rin pala,"tawang-tawang sabi nya saakin.
"Hindi 'no! Mapuwing lang ako kaya napapikit ako," nag-mamaang maangan na sabi ko.
"Sus! Sinungaling ka pa, tara na nga," sabi nya saakin sabay akbay sa balikat ko. Hindi talaga kami mag-kapatid kung iisipin mo, Mukha kaming mag-barkada.
Dapat pala ang title ng story na 'to, Twin Tropa. Just kidding. That's sounds cheesy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro