Chapter 2 : Transferee
Chapter 2 : Transferee
Julia's Pov,
Nakakabigla na bukas na kaagad kami papasok pero mas okay na iyon kasi wala naman kaming ginagawa rito sa bahay ni Lola.
***
Nagising ako sa tilaok ng manok sa likod ng bahay namin. Hinanap ko agad si Julian pero wala siya sa kuwarto. Ang aga yata gumising ni Julian? Baka masyadong excited.
Pumunta ako sa kusina para kumain ng almusal at doon ko naman nakita si Julian.
"Julian!" tawag ko sa kaniya at nagpatuloy, "bakit ang aga mo yata magising?" tanong ko kay Julian na parang kinakabahan. Bakit siya kinakabahan?
Tumingin siya sa akin. Nakasimangot siyang sumagot. "'Di nga ako nakatulog kagabi sa sobrang kaba."
"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya ng seryoso.
"Kase kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya. . . baka pagtawanan nila tayo kase wala tayong magagandang uniporme," sagot niya sa'kin. Masyado siyang OA.
"Ano ka ba! Okay lang yun! Eh ano kung pagtawanan nila tayo? at least alam natin na pinaghirapan bilhin yung damit natin, 'diba?" paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti rin ako para dagdag solusyon upang mabawasan ang kaba niya.
Kailangan naming magtipid, kaya kahit hindi gano'n kaganda ang uniporme na binili ni Mama, ayos na. As long as wala kaming natatapakang ibang tao sa ginagawa namin.
"Tara na, kain na tayo ng almusal," yaya ko sa kakambal ko. May nakahanda ng pagkain sa lamesa kaya nagtanong ako kay Julian kung siya ang may kagagawan nito.
"Oh! Ikaw ba ang nagluto at naghain ng mga ito?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, 'yan ba? Oo eh, wala kasi akong magawa kanina." ngumiti pa siya ng bahagya.
"Naks! Ang kambal ko nagluto. Oh, ano pang hinihintay mo? Kumain na tayo! Masamang pinaghihintay ang grasya," sabi ko sa kaniya sabay kindat.
Sabay na kaming kumain ni Julian. Maya-maya na rin ay nagising na sina lola at mama.
"Aba! Ang aga gumising ng mga apo ko ah," masayang sabi ni lola habang kinukusot ang mata.
"Nakakain na pala kayo ng almusal?" tanong ni Mama. Pinagmasdan niya ang lababo na malinis dahil hinugasan ko na ang aming pinagkainan kanina lang pagkatapos kumain.
"Opo," sagot ko.
"Maupo na po kayo at tikman ang handa ni Julian. Samantalahin na, minsan lang ito," sabi ko at natawa kami.
"Talaga? Ikaw Julian ang naghanda nito?" tanong ni mama habang nakangiti ng may pagkamangha.
"Opo, balak ko po kase kumuha ng course na HRM," sabi ni Julian kay mama. "At. . ."
"At ano anak?" tanong ni mama kay Julian.
"At maliligo na po ako at baka malate pa po kami ni Julia sa school," sabi ni Julian kay mama habang nagkakamot ng kaniyang ulo.
"Oh sige na maligo na kayo mauna ka na Julian," utos ni mama.
"Opo!" sagot ni Julian.
Pagkatapos ko maligo, umalis na rin kami ni Julian sumakay kami sa Jeep dahil ayaw kaming palakarin ni mama. Kung sa amin, okay lang naman na maglakad ngunit iyon na nga, ayaw niya.
Sabi ni mama bago kami umalis, sa Room 002 kami.
Pagpasok namin sa loob ng school, nakatingin sa amin ang lahat ng estudyante at nagbubulungan. Alam ko na kami ang pinagbubulungan nila. . .
"Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?" pabulong na biro ko kay Julian.
"Ha. Ha. Ha." sarkastikong tugon ni Julian sa aking tanong.
Habang naglalakad sa hallway, nakarinig ako ng nagsabi ng, 'ang pogi naman 'non ' pero 'di ako sigurado kung sino ang sinasabihan nila no'n. Daretso lang kaming naglakad at hinahanap ang Room 002.
***
Sa wakas! Nahanap din namin ang room 002! Matatagpuan pala ito sa ikalawang palapag ng paaralan.
"Good morning ma'am," bati namin sa guro na nasa loob ng room.
"Ah, good morning, kayo na siguro sina Julia Catarina at Julian Cris Collins?" tanong ng guro na nasa room.
"Opo," siya siguro ang magiging adviser namin. Nakasuot siya ng typical uniform ng isang guro.
"Ako si Ma'am Kacey, ako ang magiging adviser niyo and class sila ang magiging bago niyong kaklase, sina Julia at Julian" pakilala ni Ma'am.
"Hi po, magandang umaga," bati ko sa mga kaklase namin.
"Tell something about yourself," sabi ni ma'am sa amin.
"Ahm, ako si Julia Catarina Collins, 16 years old nakatira ako sa Zander Subdivision,"pakilala ko sa sarili ko.
"What about you Julian?" tanong ni ma'am kay Julian.
"Ah, ako si Julian Cris Collins, 16 years old." sabi ni Julian.
"Kambal kayo right?" tanong ni ma'am sa amin.
"Opo," sagot ko.
"Oh, okay, now you can take your sit," sabi ni Ma'am.
Umupo kami malapit sa bintana. Kapag nakita mo ang nasa labas ng bintana, matatanaw mo ang hardin ng paaralan nila. Dalawang taon kaming huminto sa pag-aaral dahil sa pag-aaway nila Mama at Papa noon. Kaya eto, mukhang kami ang pinakamatanda sa Grade 9.
***
"Okay, everyone you can have your recess," sabi ni ma'am. Nilabas namin ang baon namin ni Julian. Sa isang sulok ng silid-aralan, nagsisiksikan ang mga kaklase namin.
Biglang may isang babaeng lumapit sa amin dala ang baon niya. "Gusto niyo?" alok ng babae sa amin.
"Ah, hindi, okay lang kami," sagot ko sa alok niya.
"Ah, ako nga pala si Kristin Raven. Ako ang vice president ng klase natin," pagpapakilala niya.
"Nice to meet you," sabi namin ni Julian.
Sa buong klase, naging mabuti ang pakikitungo sa amin ng mga bago naming kaklase. Inalok pa nga ako ng mga babae na sumama sa kanila.
"Julia, tara sama ka sa amin sa canteen, treat ko," alok ni Jenny, ang tresurer ng room namin.
"Eh pano si Julian?" tanong ko sa kaniya.
"Okay lang ako, magpakasaya ka na punta lang ako sa library," sabi niya sa akin.
"Okay."
Pumunta kami sa canteen kasama ng mga bago kong kaibigan. Nagtreat si Jenny. Kasama namin si Kristin na kumain sa kantin namin. Napakalaki ng canteen nila. Parang mas malaki pa sa bahay namin eh.
Pagkatapos namin kumain, nilibot nila ako sa buong room at habang naglalakad, nagku-kwentuhan kami.
"Kakambal mo si Julian 'di ba?" tanong saakin ni Jenny.
"Oo, bakit?"
"Alam mo, kanina pa kase nakatingin sa kakambal mo yung mga babae sa buong school, ang pogi naman kase ng kapatid mo," sabi ni Jenny.
"Ah, oo nga tsaka ang tahimik niya, lagi lang siyang nagbabasa ng libro at panay din ang pagsagot niya kanina kay ma'am," dagdag ni Kristin. Kumunot ang noo ko sa naisip ko.
"Teka? Crush niyo ba si Julian?" tanong ko sa kanila.
"Oo!" sabay na sagot nila.
"Grabe, parehas tayo Jenny, crush mo rin pala si Julian," sabi ni Kristin.
"Oo naman," tuwang-tuwang sabi nila.
"Grabe kayo," pagsabay ko sa kanila. Simula kase ng pumasok kami rito sa school, parang tumahimik at lagi ng nagbabasa si Julian. Sabagay, gwapo naman talaga ang kapatid ko, maganda ang kapatid e.
Nagtuloy ulit kami sa paglilibot hanggang sa mapansin ko ang isang room.
"Anong nangyari rito?" tanong ko kila Jenny.
"Ah, matagal na isinarado 'yan dahil sa isang aksidente noon," sabi ni Jenny.
"Anong aksidente?" usisa ko.
"Walang nakakaalam, tanging principal lang ang nakakaalam. Patay na kase 'yung ibang may alam kung anong nangyari rito," paliwanag ni Kristin.
"Tara na sa room at maggagabi na," yaya ni Jenny. Tinignan ko ng mabuti ang room, saradong-sarado at mahahalata mong matagal na itong sarado. Luma na din ang pintuan. May masama akong nararamdaman sa room na 'to.
"Bakit Julia?" tanong ni Kristin.
"Ah wala. Tara na!"
Pumunta na kami sa room at natagpuang nandoon na si Julian at nagbabasa pa rin. "Oh, nandiyan ka na pala, halika na, umuwi na tayo malapit na magdilim," Sabi ni Julian.
"Tara na."
"Mauna na kami Julia," Paalam nila Kristin at Jenny.
"Ah sige, ingat kayo, bukas na lang ulit," sabi ko sa kanila. Umuwi na rin kami agad kase madilim na.
"Mukhang masaya ka Julia ah," Sabi sa akin ni Julian.
"Ah, oo kase may mga kaibigan na ako, ikaw?" tanong ko kay Julian.
"Wala pa e."
***
Pagkauwi namin, nagbless kami agad kina Mama at lola. "Oh, kamusta ang pag-aaral?" tanong ni Mama sa amin ni Julian.
"Okay lang naman po," sabi ni Julian.
"Oh, tamang-tama kumain na tayo. Katatapos ko lang magluto," sabi ni Lola.
Kumain kami ng masaya pero 'di ko pa pala nasasabi kay mama na parang Heartthrob si Julian sa school. Sigurado akong matatawa din sila Mama at Lola kapag nalaman nilang si Julian ay Campus Crush.
O baka sa room lang?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro