Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 : Break Up

Chapter 1 : Break Up

Julian's Pov,

Ako si Julian, mahilig ako sa mga bampira ganon din naman ang kakambal ko na si Julia. Maayos naman ang pamumuhay namin bago pa kami kagatin ng bampira na si Vlack.

At hindi namin inaasahan na magiging tambayan namin ang aming ataol ng mahabang mahabang taon. Nagsimula ang lahat ng makabasa kami ng kakambal ko ng isang libro na tungkol sa mga bampira.

"Cool! Ang astig! Buti pa ang mga bampira mahabang panahon na nabubuhay hindi kagaya nating mga tao mabilis tumanda," sabi ni Julia habang nagbabasa ng libro.

"Ano kayang pakiramdan na maging bampira?" tanong ko kay Julia habang nagbabasa ng libro at hindi tumitingin sa kaniya.

"Siguro hindi sila nasasaktan," sagot ni Julia. "Alangan naman na nasasaktan sila kapag nakikipaglaban sila 'di ba? Duh!" Maarteng sambit nito. Kapatid ko ba talaga ang babaeng 'to? Jeez.

"Ang saya siguro maging bampira," sabi ko sa kaniya, hindi iniinda ang sinabi niya. Gusto kong maging bampira, bakit? Ofcourse,  I want to live powerful and longer.

"Oo nga eh, sana maging bampira rin tayo," sabi niya sa akin.

Kung magiging bampira man ako, baka matalo ko pa 'yong kapogian nung lalaki sa twilight e. Kahanginan ba ang tawag sa mga sinasabi ko? Hays. Napailing na lamang ako sa hangin.

"Asa ka pa eh wala ngang naniniwala sa bampira," sabi ko kay Julia. Kahit ako kase hindi na naniniwala sa bampira. It's a part of myths nalang para sa akin.

"Malay mo naman. . ." sabi niya.

Sa aming dalawa, si Julia ang mas interisado at gustong gustong maging bampira. Akala mo naman may mangyayaring maganda kapag naging bampira siya. Bukod sa mahabang pamumuhay, meron pa ba?

***

Naglalakad na kami ng kakambal ko pauwi ng bahay.Pagdating namin, nag-aaway na ang mga magulang namin. This is the way they love each other. Nag-aaway sila to the fullest na parang walang kapit-bahay.

"Lagi ka nalang gabi kung umuwi, para kang hindi nagtatrabaho!" galit na galit na sabi ni Mama.

"Anong hindi nagtatrabaho eh halos 'di na ako kumakain para lang makapag-uwi ng pagkain dito sa bahay!" iritableng sagot ni Papa. Sinipa niya ang mga upuan at gamit na nakikita niya.

Silence. Sanay na ako sa pag-aaway nila. Wala na nga atang araw na hindi sila nag-away.

"Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo kung ganito nalang tayo gabi-gabi," kalmadong sabi ni Mama sa tonong naiistress. Hindi na ako mag-tataka na dito din matatapos ang pag-sasama nila.

Is it bad that I'm happy that they breaking up? Mababawasan ang ingay, ang stress.

"Mabuti pa nga, sa'yo ko na iiwan ang mga anak natin at huwag na 'wag na 'wag kayong hihingi ng tulong mula sa akin," sagot ni Papa at nag-impake na ng kaniyang mga gamit. Padabog na lumabas siya ng bahay at hindi kami tinitigan.

Halos wala kaming nagawa para pigilan ang desisyon ng mga magulang namin. Pero wala kaming magagawa. Sila na ang nagdesisyon para sa kapakanan ng pamilya nila.

***

Sinama kami ni Mama sa probinsya nila at doon kami maninirahan kasama ang aming Lola. Masaya dito, hindi ito ang unang pagkakataon namin sa probinsya ni Mama. Presko at sariwa ang hangin. Marami ding puno sa paligid.

"Ililipat ko na kayo ng paaralan ninyo," sabi ni Mama sa amin. Seryoso siyang nakatingin sa labas ng bahay. Nakakagulat nga na mabilis siyang nakapag-move on sa nangyari.

"Saan po?" tanong namin ni Julia kay Mama na naghahanda ng mga magiging kagamitan namin. Mukhang handa siya sa paglipat ng eskwelahan namin.

"Sa Ministry Academy, mas makakabuting nandoon kayo," sabi ni Mama.

Ang Ministry Academy ang pinakamalapit na paaralan mula sa bahay namin. Kasalukuyang nasa 2nd year highschool kami ni Julia. Mas matanda saakin si Julia ng isang minuto. Kaso Julia na lang ang pinatawag sa akin ni Mama dahil kambal naman kami.

"Aalis na muna ako," paalam ni Mama sa amin ni Julia.

"Saan po kayo pupunta?" tanong ni Julia kay Mama. Nakaupo naman ako sa isang upuan dito sa sala kasi linalanghap ko ang preskong simoy ng hangin dito sa probinsiya. Napailing nalang ako.

Kasasabi lang ni Mama na ililipat kamI, tinanong nanaman niya. Saaming dalawa ni Julia, mas makalalimutin siya. Dementia ata tawag sa sakit niya. Ewan.

"I-eenroll ko na kayo sa magiging bago niyong paaralan. Ma! Kayo na po munang bahala sa mga anak ko habang ineenroll ko sila," sigaw ni Mama sa aming Lola. Lumapit saamin si Lola at inakbayan si Julia.

"Oo, ako nang bahala sa mga apo ko," sagot ni Lola kay Mama habang nakangiti.

Habang wala si Mama naglibot muna kami ni Julia sa subdivision namin dahil na rin sa wala kaming ibang magawa sa bahay. Aminado akong boring sa probinsya pero mas tahimik dito.

"Napakalaki pala ng subdivision na ito," ani Julia na pinagmamasadan ang paligid.

"Oo nga parang hindi mo kayang libutin ang buong subdivision sa isang araw," pagsang-ayon ko sa kaniya. Mula sa malayo, natanaw namin ang isang babae na nakasuot ng itim na damit.

Nararamdaman namin na parang lumalapit siya saamin ni Julia kahit hindi naman. Weird.

"Magandang araw po sa iyo," nagaalinlangan kong sabi sa babae na hindi naman sumagot.

"Ang weird naman ng babae na iyon," bulong ni Julia nang makalayo na ang babaeng nakaitim.

Hindi na namin inintindi ang babae bagamat kahina-hinala. Umuwi kami at nadatnang wala pa si Mama kaya kumain muna kami dahil na rin sa nagugutom na kami. 

"Lola, ang laki pala ng subdivision niyo," namamanghang sabi ni Julia kay Lola.

"Oo nga po at tsaka may nakita pa kaming babae na naka-itim," dagdag ko na may sabay pang patango-tango. Pinagpatuloy ko ang pag-kain.

"Si Jasmine?" tanong ni Lola.

"Sino po 'yun?" sabay naming tanong ni Julia kay Lola.

"Si Jasmine iyong babaeng nakita ninyo, wirdo nga yon eh lagi kasing nakaitim at minsan lang siya kung lumabas."

"Baka po takot sa araw," sabi ni Julia sa sarkastikong boses na gamit naman niya palagi.

"Ayaw mangitim," biro ko kila Lola at sabay-sabay kaming tumawa dahil doon.

Maya-maya, may kumatok sa pintuan namin. Tapos na din kaming kumain.

"Sino 'yan?" tanong ni Lola sabay tayo sa pagkakaupo. Naglakad papunta sa direksyon ng aming pintuan si Lola.

"Si Daisy po ito," sabi ng babae sa pinto. Pinagbuksan naman ni Lola ng pinto si Daisy.

"Sino po siya?" tanong ni Julia.

"Sya si Daisy, anak ng kapitbahay natin," sagot ni Lola.

"Nice to meet you," masayang bati ni Daisy sa amin. Saglit akong di nakapagsalita. I was stunned. Umiling ako. Tumayo ako at kinamayan si Daisy.

"Ako si Julian, nice to meet you," pakilala ko sa kaniya sabay ngumitI ng maliit.

"By the way I'm Julia," mataray na sabi ni Julia na may kasabay pang irap.

Ayaw ni Julia na may umaagaw ng atensyon sa kaniya, gusto niya sa kaniya lamang nakatuon ang atensyon ng lahat at gusto niya siya lang ang maganda. Insecure nanaman siya.

"Oh, bakit ka naparito?" tanong ni Lola kay Daisy.

"Ah kase po pinadala po ako ni Nanay upang magbigay ng pansit sa inyo," natutuwang sabi ni Daisy at napangiti na lamang ako dahil doon. There's something weird with me.

Inabot ni Daisy ang pancit na nasa plastik labo na agad namang tinanggap ni Lola at hinanda ang pagkakainan.

"Ay! Pakisabi sa nanay mo maraming salamat," Ngumiti ng matamis ang aming lola at itinuloy ang kaniyang sasabihin. " Baka gusto mo sumabay?" alok ni Lola kay Daisy.

"Ah, hindi na po nakakahiya naman po. Tutal nakakain naman na po ako kanina sa bahay kayo na lang po ang umubos niyan," sabi ni Daisy at ngumiti ulit.

"Sigurado ka?" paniniguradong tanong ni Lola.

"Opo, sige po mauna na po ako," sabi ni Daisy at lumisan na sa aming bahay.

"O sige, ingat ka ah," paalalang pahabol ni Lola kay Daisy.

"Taga Ministry Academy din sya apo,"sabi ni Lola habang nagsasalin ng pancit sa pinggan. Naramdaman niya sigurong tahimik ako.

"Talaga po?" tanong ko upang makasigurado. Tumango lamang siya bilang tugon.

"Mama, nandito na po ako," sigaw ni Mama mula sa pinto.

"O andyan ka na pala anak," sabi ni Lola na tumigil muna sa  ginagawa.

"Na-enroll ko na kayo mga anak," masayang sabi ni Mama. Ngumiti lang kami sa sinabi ni Mama.

"Doon dapat maging tahimik kayo dahil ang school na iyon ang pinaka sikat sa lahat,"sabi ni Mama. Hindi naman kami mahirap, hindi rin kami mayaman. Hindi ko alam kung paano kami nakapasok sa sikat na school.

Hindi kaya may kakilala si Mama do'n?

Saglit na nagpahinga si Mama, napagod talaga. Inasikaso muna namin siya at pinakain. Nilakad lang kase ni mama ang mahigit isang kilometro. Simula nang maghiwalay sila ni Papa, kinailangan na nI mama na magtipid.

Wala pa kasi siyang trabaho.

"At tsaka nga pala, bukas na ang pasok niyong dalawa buti napakiusapan ko 'yung Principal na papasukin kayo ng maaga,"sabi ni Mama. "Buti nalang naka paghanda na ako ng mga gamit ninyo," dagdag pa niya.

Nagulat kami ni Julia at tumingin sa isa't isa. Kung gano'n napakiusapan ni Mama ang Principal. I salute her, kahit nahihirapan siya madiskarte parin.

"Mama, bukas na talaga?" masayang tanong ni Julia.

Tumango si Mama. "Oo bakit may problema ba?" tanong ni Mama.

"Kase 'di pa ako nakapag-manicure at pedicure. Bukas talaga? as in? Ghad!" nag-iinarteng sabi ni Julia.

Nabigla ako at kinurot ko si Julia. Slight lang 'yung tipong masasaktan lang sya ng kaunti.

"Ano ka ba,ang arte mo talaga," honest kong sabi kay Julia.

"Nevermind!" sabi ni Julia at sabay irap sa akin and then cross arms.

Nabigla lang kami pagkat puro mayayaman daw ang nag-aaral doon, at bukas na agad. Sana naman maging masaya ang first day namin sa school na iyon pero wish come true rin kase makapag-aaral na ako sa isang kilalang paaralan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro