Twentynine
"Mom, gusto ko nang umuwi." Reklamo ko kay mommy
Nandito kami sa ospital. Naaksidente kasi ako dahil nabangga ako sa bato habang nag-ba-bike. Tatanga tanga kasi yung bike eh tas paharang harang pa yung bato. Kaya eto may bali yung kanang paa ko.
"Ann! Wag ka ngang makulit. Dito ka mag-s-stay hanggang gumaling ka." Sabi ni mom
Hindi ko nasabi na sa ospital na ito ay ospital namin at doctor si mommy dito.
"But mom, gabi na." ako
"Yun na nga eh. Gabi na. Kung papayagan man kita umuwi ay delikado." Mom
"May driver naman eh. Si Kuya Den. Tsaka si Yaya Vi. Pwede nila akong sunduin. Sa bahay na lang ako magpapagaling."
"I said no!"
"But mom. Ilang oras na lang February 29 na. 8PM na."
"Eh ano ngayon kung February 29 bukas?"
"Y-yung sumpa."
"Naniniwala ka doon?"
"Oo mom. Totoo yun at ayokong mamatay. "
"Hindi ka uuwi."
"Kung ayaw niyo ilipat niyo na lang ako ng room. Kahit saan wag lang sa room 29."
"No! Matulog ka na."
"Mom malaki na naman ako eh. Kaya ko na sarili ko. Uuwi na ako."
"Hindi pwede walang magsusundo sayo. Tulog na sina Vi at Den."
"Kaya ko nang umuwi mag-isa."
"Pero pilay ka kaya my answer's 'til NO! Marami pa akong pasyente tsaka kung iniintindi mo ang sumpa, hindi totoo ang sumpa." Lumabas na si Mommy
Natatakot ako. Every four years may nangyayaring kababalaghan na nagsimula noong February 29, 2000.
Bata pa lang ako tambay na ako dito sa ospital. Tsaka bata pa lang ako gusto ko maging doctor gaya ni mom.
Isang araw, sa araw ng February 29, 2000, Tuesday yun. Ang simula ng sumpa.
5 years old ako nang mga panahong yun. Wala akong magawa sa bahay kaya sabi ko sa nagbabantay sa akin, si Yaya Vi na pumunta muna kay mommy sa ospital. Kahit ayaw ni Yaya Vi ay nagpumilit ako.
Sa ospital, dumeretso kami sa office ni mommy. May pasyente pa daw siya kaya inantay na lang namin ni Yaya. Lumabas muna si Yaya Vi para mag-CR. Yun na ang tyansa ko para mapuntahan si Mom.
Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si mom na nagmamadaling pumasok sa isang room, ang room 29. Tumakbo ako papunta doon dahil medyo malayo ito sa kinatatayuan ko.
Nasa labas pa lang ako ng pinto ay dinig ko na ang nangyayari sa loob.
"BUHAYIN NIYO SIYA! BUHAYIN NIYO SIYAAA!!!" sigaw ng babaeng nagwawala na masasabi mong nasa 30s ang edad
"Wala na po kaming magagawa. We did our best pero hanggang jan na lang po talaga ang buhay niya." Paumanhin ni mom
"HINDE! HINDE PWEDE! SIYA NA LANG ANG NATITIRANG ALAALA NG ASAWA KO! SIYA NA LANG ANG PAMILYA KO! SIYA NA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NABUBUHAY! Sinusumpa ko ang kwarto na to! At araw na to! Lahat ng pasyenteng mamamalagi rito ay mamamatay!" galit na sigaw nung babaeng nagwawala kahit pinipigilan na ng ibang nurse
Nakakatakot ang kanyang itsura nang bigla na lang itong nawalan ng malay.
The next thing I knew is pinaalis ako ng mga nurse at dinala nila ay babae papuntang kung saan man. Nakita ko rin yung pasyente sa loob na nakahiga. Ito siguro yung tinutukoy nung babae na buhayin. Babae din ang pasyente. Siguro anak niya ito dahil sa itsura nito ay makikita mong kasing edad ko.
Nabalitaan ko na lang na patay na pala yung babae.
Nang makauwi ako sa bahay, naglalaro ako ng aking manika.
"Asan na ba yung shoes mo?" tanong ko na tila bang sasagot ang aking manika nang mapadpad ako sa kalendaryong nakapatong sa study table ko.
"February 29 pala ngayon." Saad ko at naalala ang sinabi ng babae kanina sa ospital "Ibig sabihin may mamamatay sa room 29 tuwing apat na taon?"
February 29, 2004
Sunday ngayon. Nasa kotse kami nina mommy at daddy. Family Bonding ba. Papunta kami sa simbahan and after that mamamasyal kami. Day off kasi nila ngayon.
Bago tuluyang pumunta sa simbahan ay pumunta muna kami sa ospital na pinagtatrabahuan ni mommy na siya ring mayari sa kadahilanang may naiwan daw si Mommy sa office niya. Gift niya daw sa akin >.<
Naiwan lang kami ni Daddy sa loob sa kotse na nakaparada sa parking lot ng ospital. Matagal tagal na pero wala parin si Mommy.
Bumaba na kami ni Daddy ng kotse at pinuntahan si Mommy sa office. Pinapasok kami ng guards dahil kilala naman nila kami lalo na ako na halos araw-araw nandito.
Wala si mommy sa office niya kaya pumunta kami sa nurse station para tanungin kung nasaan si mommy. Ngunit parang may mali.
Lahat ng nurses ay nagmamadali papunta sa isang kwarto. May naabutan kaming nurse sa nurse station, si Kuya Jayson. Kilala ko lahat ng mga nurse at doctor dito dahil na rin lagi ako dito.
"Nurse anong nangyayari?" tanong ni Dad
"'Yung sumpa daw po. Ewan ko lang po." Sagot ni Kuya Jayson "Sige po mauna na ako." At kumaripas na ng takbo papuntang Room 29
Yung sumpa?
Bumitaw ako kay Dad at tumakbo papunta doon.
"ANNE!!!" narinig kong tinawag ako ni dad pero nakipagsiksikan ako para makapunta doon sa loob
Nagulat ako sa nakita ko.
Yung pasyente na nandito sa kwartong ito ay dalagita. Nakahiga ito sa kama at patay na pero nakakatakot ang itsura nito dahil dilat ang mga mata nito na tila bang may tinitingnan sa kisame. Nakatingala pa ito at parang takot na takot sa nakikita.
Tumingala ako pero wala naman akong nakita.
"Baby! Ba't ka nandito!?" sabi ni Mommy na isa sa nagaasikaso sa pasyente
February 29, 2008
Friday ngayon. Galing sa school ay dumeretso na ako sa hospital. Kasama sina Kuya Den at Ate Vi syempre.
So yun. Naiwan si Kuya Den sa car at si Ate Vi na lang ang kasama ko papunta kay mommy. Di na rin kasi kami magtatagal. May naiwan kasi ako sa office niya kagabi babalikan ko lang ngayon. Project ko kasi yung at aalis ako papuntang classmate ko para ituloy yun. Sa Monday na kasi deadline eh Friday na ngayon.
Habang naglalakad kami, napadaan kami sa Room 29 at parang may nagkakagulo dun.
At di nga ako nagkamali. Sumilip pa ako at nakita ko na yung lalaking pasyente duon na patay na. Dilat ang mga mata, nakatingin sa itaas na parang may kinatatakutan.
Ganto din nung February 29 2004. Totoo ba talaga yung sumpa?
February 29, 2012
Mga 2PM palang at pumunta ako sa ospital. Dadalawin ko lang yung bestfriend ko. Na-confine kasi siya eh. May pneumonia.
Half day lang kami sa school ngayon kasi foundation day sa university namin.
Good thing is Room 45 siya. Medyo malayo sa Room 29, ang kinatatakutang room. May mga naniniwala na sumpa nga at meron rin namang hindi at sinasabing coincidence lang daw.
Nandito na ako sa room ni Carla. Lumabas muna yung nanay niya at bibili lang daw muna ng makakain. Nagkukwentuhan lang kami nang may biglang pumasok.
Si Ate Jeli, short for Angeli. Nurse siya dito. Kilala ko halos lahat ng mga nurse dito. Batang ospital be like.
Chineck muna si Carla then biglang may isang nurse na nagmamadali papasok, si Ate Kate.
"Jeli bilisan mo." Sabi ni Ate Kate
"Bakit?" sabi ni Ate Jeli
"Basta. Dumiretso ka na lang sa Room 29." Sabi ni Ate Kate at lumabas na
Tumingin ako kay Ate Jeli at nakita kong nagulat din siya.
After kong bumisita kay Carla, mga 5PM na rin. Nagpasundo na ako kay Kuya Den.
Nadaanan ko ang Room 29.
Nakasalubong ko si Ate Jeli, siya ang pinaka-close ko sa mga nurse dito.
"Ate Jeli, may namatay nanaman ba?" tanong ko
"Oo at ganun din yung itsura." Sagot niya
Isa si Ate Jeli sa naniniwala na sumpa nga ito. Kasi paano mo nga naman ipapaliwanag kung coincidence lang, pare-pareho ang itsura ng mga namamatay na pasyente sa Room 29 tuwing February 29.
At ngayon, February 29, 2016, ako na ang pasyente. 9:30PM na.
Biglang may pumasok na nurse at si Ate Jeli yun.
"Ate Jeli..." tawag ko na nagmamakaawa
"Shh. Oo itatakas kita. Yung mommy mo may operasyon na ginagawa kaya di niya tayo makikita. Tsaka baka mamaya pa sila matatapos." Sabi niya
Tinawagan ko muna sila Kuya Den at Ate Vi para sunduin ako.
And ayun na nga. Sumakay na ako sa wheelchair at nilabas na ako ng room.
"Wait lang Anne ha. May aayusin lang ako sa nurse station. Babalik ako." Paalam ni Ate Jeli
"Ate wag mo kong iwan."
"Saglit lang ako." At tumabo na siya
Ilang minuto pa ang nagtagal, may naramdaman ako tumulak sa wheelchair. Alam ko nang si Ate ito.
Lumiko ito sa kanan at dirediretso lang. Pabilis nang pabilis.
"Ate Jeli wag mong bilisan! Baka mahulog ako--" natigilan ako ng lumingon ako
Walang nagtutulak sa akin. Tumingin ulit ako sa harapan ng lumiko naman ito pakaliwa. Wala ng tao kaya walang nakakakita sa akin. Gabi na rin kasi.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko, nagbabakasakaling may makarinig sa akin
Masyadong mabilis ang takbo ng wheelchair. Mahigpit ang hawak ko sa wheelchair.
"ANNE!!!!"
"ATE JELI!! Tulong!!" pero hindi niya ako naabutan dahil dirediretso pa rin ang takbo
Paliko-liko, kakanan, kakaliwa, didiretso hanggang sa umabot na sa hagdan.
Sumisigaw pa rin ako. Sinubukan kong tumalon at nagawa ko.
Masakit ang katawan ko dahil sa pagkakabagsak sa gilid samantala ang wheelchair ay dirediretso ng bagsak sa hagdanan.
Ilang ulit kong sinubukang tumayo kahit masakit ang paa ko bukod sa pagkakaaksidente ko sa bike ay dahil nga kanina pagtalon ko. Nakahawak lang ako sa gilid ng pader at nang may matanaw akong upuan ay umupo muna ako saglit. Sa tapat ng inuupuan ko ay may kwarto. Tiningnan ko ito at, Room 29.
Bigla itong bumukas ngunit walang tao sa loob. Parang may nagtutulak sa akin papasok at lumalakas ang hangin.
Sa sobrang takot ko ay tumayo ako at tatakbo. Nakalimutan kong masakit nga pala ang mga paa't binti ko kaya natumba ako. Gumapang na lang ako papuntang kung saan.
Pinilit kong gumapang ng mabilis pero may parang humahatak sa akin papunta sa kinatatakutan kong kwarto. Pilit kong sumisigaw pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko na kaya kaya napasubsob ako at tuluyang nahatak ng kung sino man papasok sa Room 29.
Pagdilat ko ng mata'y Nakahiga na ako sa kama ng Room 29. Paano ito nangyari?
Pinipilit kong bumangon subalit nabigo ako sa kadahilanang natatakot ako sa nakikita ko ngayon.
Isang babae. Babaeng nakaputi at lumulutang.
Pamilyar siya.
Oo. Siya nga yung babaeng nagsimula ng sumpa. Ang babaeng nagwawala nung February 29, 2000 na buhayin daw ang anak niya.
Nakakatakot ang itsura niya. Naaagnas na ang kalahati ng mukha niya. Magulo ang kanyang buhok. Ang paa niyang walang saplot ay puro ugat. Gayun din ang kanyang mga braso't kamay. Nakakatakot.
Lumulutang ito papalapit sa akin. Di ko alam ang gagawin.
Iniangat niya ang kanang braso niya at ang kaniyang kamay naman ay finold niya na para bang may sinasakal. Sa ginawa niya nun ay parang ako yung sinasakal niya. Hindi ako makahinga. Hinahawakan ko ang leeg ko.
"T-t-tam-ma n-na.." kapos-hininga kong pagmamakaawa sa kaniya
Hindi ko na talaga kaya. Anytime pwede akong malagutan ng hininga.
Sa isang iglap bigla siyang nawala. Sunod-sunod ang naging paghinga ko hawak hawak ang dibdib ko.
Pilit kong gumagapang pababa ng kama para makaalis na dito sa kwartong ito.
Yumuko na ako para abutin ang floor nang may nakita akong paa sa kabilang side ng kama. Napaupo ako ng maayos sa gulat at may pumatak sa mukha ko.
Kinapa ko ito at... dugo.
Tumingala ako at nakita ko ang babae.
Bigla niya akong tinulak pahiga at pinagsasakal.
"MAMAMATAY KA NA!!!" nakakatakot ang kanyang boses na parang galing pa sa ilalim ng lupa na sinundan ng nakakakilabot na halakhak
---
JELLI ' S P O V
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa Office ni Dra. Santiago.
Hindi na ako nagabala pang kumatok at dirediretsong pumasok.
"Dok-tor-ra," hingal kong pamungad
Nagulat siya sa ginawa ko dahil tuwing papasok ako ay maayos akong bumabati at kumakatok pa pero iba ngayon.
"Bakit?" tanong niya
"Basta po sundan niyo na lang ako." At nagsimula na ulit tumakbo
"Anne! Anak ko!" iyak ni Dra. Santiago nang makapunta na kami sa Room 29, ang kwarto ng anak niya
Oo, patay na si Anne. Gaya ng mga nakaraang namamatay sa kwartong ito kasabay ng petsang ito, ang itsura niya'y takot na takot na parang may kinatatakutan sa taas dahil nakatingala pa ito.
Gaya rin ng dati usap usapan nanaman ang nangyari. Sabi nila sumpa, yung iba'y di naniniwala.
Sa dami ng tsismoso't tsimosa na pumapasok sa kwartong ito'y nagalit si Doktora at pinalayas kaming lahat. Gusto niya daw mapagisa kasama ang kanyang anak na ngayo'y bangkay na.
Nandito ako sa nurse station. Ako pa lang ang tao dito.
May nakasabit na kalendaryo sa gilid ng nurse station.
February 29, 2016. Huling araw ng Pebrero. Namatay o pinatay ang pang-limang biktima ng sumpa sa ika-dalawampu't siyam na kwarto. Ito na rin ba kaya ang huling araw ng sinasabi nilang sumpa? I guess so, why do I think so?
Because Anne Santiago is my fifth and last victim.
=============================================
Vote☆|Comment|Share|Follow
Facebook: CrishaneAen WP
IG: crishaneaen
Twitter: CrishaneAenWP
02-29-16
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro