Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 13: SUNSET

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 13
SUNSET


Dalawa ang ibig sabihin ng sunset. Ang una ay nangangahukugan na natapos na rin ang buong araw. At ang pangalawa ay simbolo na may panibagong bukas ka na namang aabangan.

Doon kaya sa dalawang iyon ano ang kahahangunga di n ko. Matatapos na lang ba ang buhay ko sa isang araw o may panibaging bukas na nagaabang sa akin.

Anu man ang maging kapalaran ko ang mahalaga ag si Stella. Palaging siya ang inaalala ko. Manatili o mawala man ako m, siya lagi ang iniisip ko.

Minsan naisip ko, ano nga bang nakaabang sa hinaharap ko. Magiging masaya ba ako o wala pa ring magbabago, ganito pa rin, magulo ang mundo at wlaang halaga.

"Kung papipiliin ka, anong gusto mo. Sunrise o sunset?" tanong ko kay Aiden na tutok na tutok sa paglubog ng araw.

Tumaning siya sa akin at napahawak sa kanyang baba. "Sunrise." sagot niya at napaisip ako. Akala ko kasi ay sunset ang isasagot niya.

"Bakit? Sunrise ang pinili mo?" tanong ko at ngumti siya ng bahagya.

"Kasi nangangahulugan yun na sa kabila ng dilim ay kailangan mong bumangon at lumaban." seryoso niya paliwanag habang nakatingin sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin at inilipat ang tingin sa araw na papalubog.

Matapos manood ng sunset ay nagtambay paa kami nh ilang saglit hanggang sa tuluyan ng dunilom at doon lang kami nagpasya na sumakay saa sasakyan at bumiyahe na muli.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan at mukhang naubusan talaga kami nang paguusapan. Ngunit pinutol ko iyon nang tanungin ko siya kung may idea na ba siya sa i-pa-paint niya pagdating sa New York.

Tumingin siya sa akin ng panandalian at tila napaisip rin sa tinanong ko. Umiling siya at sinabi niyang wala pa daw.

Ang sabi ko sa kanya ay dapat makahulugan ang i-pa-paint niya. Yung siya lang mismo ang makakaalam ng tubay na kahulugan ng obra niyang gagawin.

"Salamat sa idea." sabi niya.

Akala ko ay muli kaming mababalot ng katahimikan pero sa pagkakataong nngayon ay siya naman ang nagsalita.

"Ilang taon ka na nga?" tanong niya sa akin.

"20 years old na ako. Nahinto ako ng dalawang taon sa pag-aaral." sabi ko.

"Eh ikaw, ilang taon ka na?" ako naman ang nagtanong sa kanya.

"26" simpleng sabi niya pero halatang nahihiya siya. "Ang tanda ko masyado kaysa sa iyo." sabi niya.

Napatingin ako sa cellphone at ilang oras na lang ang natitira sa 24 hours roadtrip namin. Ngayon pa lang ay nagiisip na ako kung ano ang mga gagawin ko pagkatapos nito.

Kung pwede lang ihinto ang oras ay mananatili ako rito pero isasama ko si Stella. Lalayo kami sa lugar na nagpapahirap sa amin. Lalayo kami sa lugar na siyang sumira sa sistema ko.

Napatingin ako kay Aiden. At king may tao man na pagkakatiwalaan ko ay siya lang at wala ng iba. Kung mawala man ako ay gusto ko siya ang magaalaga kay Stella.

Napailing ako sa naisip dahil nagiisip na naman akong mawawala o mamatay ako.

Bumuntong hiniga ako at sinabi sa sarili na tutuparin ko ang pangako kay Aiden, na magpapatuloy ako sa buhay.

Ilang kilometro ang binayahe hanggang sa muli kaming tunigil para magpahinga si Aiden sa pagdadrive. Huminto kami sa gilid ng highway ay at mula sa kinapwepwestuhan ay nakikita ko na ang mga napakaraming ilaw na nangangahulugang ilang kilometro at oras na lang ay makakabalik na kami.

"Let's play." biglang sabi ni Aiden.

"Ha? Ano naman ang lalaruin natin?" kunot ang noo kong tanong.

"TQ" aniya.

"TQ? Ano yun?"

"TQ or mas kilala na TenQues (Ten-Kes). Pinaiksing salita siya sa Ten Questions. Ang gagawin lang natin ay magtatanong lang tayo sa isa't isa. Limang tanong ang akin at limang tanong ang sa iyo." paliwanag niya at napatango ako.

"Ahhh" parang bata kong sagot sa kanya.

"Game?"

"Game" sabi ko.

Nagbato-bato pick kami para malaman kung sino ang unang magtatanong at ako ang nanalo. Madali lang ang naging unang tanong ko sa kanya dahil inalam ko lang naman ang edad niya at doon ko nalaman na 25 years old na siya.

Hindi ako noong una naniwala sa kanya dahil mukhang kaedad ko lang siya. Akala ko ay 20 years old pa lang siya tulad ko pero mas matanda pala siya sa akin ng limang taon.

Nang siya na ang magtatanong ay medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam kung masasagot ko ang tanong niya.

"Ano ang kinatatakutan mo?" medyo nabigla lang ako sa tanong niya dahil hindi ko iyon inasahan.

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Napakagat ako sa labi at bumuntong hininga.

"Lalaki." sagot ko at nanatiling nakayuko pa rin. "Takot ako sa mga lalaki dahil na-rape ako ng ilang beses." paliwanag ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Bigla kong naalala ang mga itsura ng mga faong gumasa sa akin na kailanman ay hindi ko malilimutan dahil sa ginawa nila sa akin.

Nakaramdam ako ng ginhawa at kaligtasan nang niyakap ako ni Aiden at pinatahan sa pagiyak. Sinabing nasa tabi ko lang daw siya palagi at wag magalala dahil tutulungan niya talaga akong mahanap ang hustisya para sa akin.

Lumipas ang minuto ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan dahil nilalamig na kami pareho. Nagsorry naman ako sa kanya dahil naputol ang paglalaro namin ng TenQues.

Ginulo niya ang buhok ko ang napailing. "Hindi mahalaga yung laro. Tsaka pwede naman nating ipagpatuloy iyon mamaya. Ang mahalag ay ikaw at iyong nararamdaman mo." aniya.

"Sa buhay natin palagi nating nakakalimutan na pahalagahan ang sa atin, tulad ng nararamdaman natin. Kadalasan na minamaliit natin ito ay sinasabing mawawala o lilipas din iyong sakit na nararamdaman natin. Mali ang pambabalewala sa nararamdaman natin dahil kapag nasanay tayo ng ganun ay pwede nitong sirain ang sistema ng utak natin." malalimg na pagpapaliwanag ni Aiden.

Malalim man ang mga sinabi niya pero naintindihan ko iyong nais niyang iparating. Totoo lang din iyong sinabi niya, na kasalasan binabalewala ng tao ang sariling nararamdaman at minamaliit ito.

At sa sinabing iyon ni Aiden ay isa akong halimbawa. Na binalewala ang nararamdaman hanggang sa hindi ko na kayanin at sinira nito ang sistema ng utak ko.

Kaya napakadali nanlang sa akin na isipin na magpakamatay. Para bang wala na akong pakialam sa sarili dahil doon.

Napatingin ako kay Aiden at hinawakan ang kamay niya. Nagtatak siyang tumingin sa akin at nagtaka ata sa ginawa ko.

"Salamat Aiden." sambit ko at ngumiti.

"Palagi mong tandaan Yellow na ano man ang mangyari mahalaga at kamahal mahal ka."

Ang sinabi niya na ata ang pinakamagandang narinig ko.




MISTERCAPATAIN
Professor

Matatapos po ito ngayong year hehehe. Pasensya na mung matagal yung update. Gusto ko lang din pong ipaalam na hanggang 20 episodes po ito.

Maraming salamat po sa pagtitiyagang maghintay ng update at sa pagbasa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro