EPISODE 12: PRAY
RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide
...
EPISODE 12
PRAY
Napakagat ako sa labi at hindi makatingin kay Aiden nang bumaba kami ng sasakyan. Naglalakad kami papunta sa simbahan na siyang dahilan ng pangamba ko.
Wala naman akong dapat ikatakot pero nahihiya lang ako pumasok muli sa simbahan dahil sa pagkakaalala ko ay anim na taong gulang ako noong huli akong pumasok sa simbhssn. Nang panahon na iyon ay masaya ko pang kasama ang magulang ko.
Tumigil ako sa paglalakad bago tuluyang makapasok sa simbahan. Tumigil rin si Aiden at napatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Ayaw mo bang pumasok? May problema ba?" nagaalala niyang tanong sa akin at pilit na inaangat ang mukha ko pero ako naman ay todo yuko at pinipilit na wag magtama ang aming mga mata.
Umiling ako bilang sa sagot niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hinawakan ako sa kamay. Ang akala ko ay pipilitin niya akong pumasok sa simbahan pero nagkamali ako.
Marahan niya akong hinila papunta malapit sa isang bench sa labas nitong simbahan at parehas kaming umupo.
"I'm sorry." hingi ko ng paumanhin.
"It's okay Yellow. Hindi kita pipilitin pumasok ng simbahan kung ayaw mo. Pero gusto ko sabihin sa iyo na kapag nakausap mo siya sa pamamagitan ng dasal, makakagaan ito sa pakiramdam." paliwanag ni Aiden.
"Ang lahat ng tao ay makasalanan. Kaya nga tayo pumapasok sa simbahan para humingi ng kapatawaran at magpasalamat sa diyos." dugtong pa niya at tumango siya.
"Pero natatakot ako..." naiilang kong sabi at hindi ko maggawang tumingin kay Aiden.
"Ang takot nilalabanan. At kung natatakot ka, nandito ako, hindi kita iiwan." sagot niya sa akin.
Tumayo si Aiden at nagpaalam sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at bumili siya ng ice cream sa nagtitinda sa labas ng simbahan na malapit lang din sa amin.
"For you" aniya sabay abot sa akin ng ice ceeam sabay upo sa tabi ko.
"Salamat" sabi ko.
Tahimik lang kami habang kumain ng ice cream. Halos sabay lang namin naubos ang ice cream at matapos nun ay nagkatinginan kami.
"You can go Aiden." wika ko at ang aking tinutukoy ay ang pagpasok niya sa loob ng simbahan.
Alam ko at ramdam ko na gusto niyang pumasok nang simbahan pero nahihiya siyang maaiwan ako dito sa labas. Siguro gusto rin niyang parehas kami pumasok para magdasal pero natatakot ako.
"Hintayin mo ako dito." sabi niya at hinalikan ako sa noo bago tuluyang naglakad papasok ng simbahan.
Habang naghihintay kay Aiden ay hindi ko maiwasan ang tumingin sa paligid. May mga pamlilya akong nakita na magkakahawak ang kamay at masayang pumaspasok sa simbahan. Nakaramdam tuloy ako ng inggit dahil matagal ko na iyong pinapangarap.
Buo nga ang pamilya namin pero hindi naman masaya.
Bumuntong hininga ako at sumilip sa loob ng simbahan. Sa pagsilip ko ay parang may naguudyok sa akin na pumasok at makipagusap sa Diyos.
Ilang sandali pa ay tumayo ako at nagsimulang maglakad hanggang sa naamlayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng simbahan.
Pagtingin ko ay maraming mga taong naririto na nagdadasal kahit hindi Linggo.
Naghanap ako ng pwesto at lumuhod. Natatakot at kinakabahan. Iyon ang nararamdaman ko ngayon pero naggawa kong mag-sign of the cross.
Matapos nun ay ipinikit ko ang aking mata at doon nagkusa ang puso at isip ko na makipagusap sa Diyos. Bagay na matagal kong hindi naggawa sa loob ng napakaraming taon.
Nang pumikit ako ay noong una ay hindi ko alam ang sasabihin ko hanggang sa napagtanto ko na maswerye pa rin pala ako sa kabila ng mga nangyayari.
Nagpasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako ng isang biyaya na panghahawakan ko. Humingi rin ako ng kapatawaran sa ilang beses kong pagtangka sa sariling buhay at sa mga gagawin ko sa mga susunod na araw.
Ilang minuto akong nakipagusap sa Diyos at matapos nun ay lumabas ako ng simbahan na may ngiti at maluwag ang kalooban.
Pagbalik ko sa bench na kinauupuan ay nakita ko si Aiden na palingon lingon sa paligid. Nang makita ako ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Saan ka pumunta? Nagalala ako sa iyo." bungad ni Aiden at chineck ang buong katawan ko kung may galos o sugat ako.
"Okay lang ako. May kinausap lang ako." sabi ko at kumunot ang noo niya.
"Sino?" usisa niya at ngumiti ako.
"Kinausap ko ang Diyos. Napagpasyahan ko kanina na pumasok sa simbahan dahil napagisip isip ko na tama yung mga sinabi mo sa akin." sagot ko at ngumiti siya.
"Sorry kung pinagalala kita at hindi dapat akong umalis ng hindi nagpaalam. Nawala kasi sa isip ko kanina."
"It's okay Yellow. I'm just happy for you." sabi niya pa.
"Ako rin." masaya kong sabi.
Masaya ako para sa sarili ko.
Bago umalis sa simbahan ay may nadaanan kaming nagtitinda sa labas ng mga bracelet at kung ano-ano. Personalized ang lahat kaya ikaw ang bahala kung anong disenyo ang gusto mo.
Kumuha ako ng tatlong bracelet at sinabihan ang magde-design kung ano ang ilalagay doon. Sinabi ko ang pangalan ni Stella, sunod ang pangalan ni Aiden at ang pangalan ko.
Naunang matapos ang bracelet na may pangalan ko kaya itinago ko kaagad iyon dahil baka makita ni Aiden na ngayon ay busy sa pagtingin sa ibang paninda.
"Aiden!" tawag ko sa kanya matapos kong mabayaran ang biniling tatlong bracelet. Sinenyasan naman niya ako na 'wait lang'.
"Para sa'yo" wika ko nang makalapit siya sa akin at inabot ang binili kong bracelet na may pangalan niya.
"S-salamat" aniya at isinuot ang ibinigy kong bracelet.
"Hindi ka ba bumili ng para sa'yo?" tanong niya at umiling naman ako.
"Bumili ako." simpleng saad ko at tumango siya. Matapos nun ay hinapit niya ako at inakbayan. Ganun ang posisyon namin hanggang sa makarating kami sa sasakyan.
"For you." sabi ni Aiden sabay abot sa akin ng isang kwintas na may disenyong star.
Tiningnan ko muna siya at siniguro ko kung seryoso ba siya sa ibinibigay sa akin.
"Sabi nung matandang nagtitinda ay ibigay ko daw sa taong kilala kong matapang at ikaw yun." aniya
"Ang paliwanag sa akin ng matanda ay tulad ng bituin sa kalangitan ay nagniningning ito sa kabila ng dilim na bumabalot dito." dugotn ni Aiden.
"Tulad mo Yellow ay matapang ka dahil sa kabila ng pagsubok ay naririto ka pa rin at pilit na lumalaban kahit nahihirapan."
Mapait akong ngumiti at hindi ko na naiwasan ang maiyak. At agad naman akong inalo ni Aiden. "Salamat!" sabi ko sa kanya. Sabay punas sa mga luha ko. Naiyak lang talaga ako dahil sa sobrang saya.
"For Stella." bigla naman niyang sabi sabay abot ng isang bracelat na maliit at may disenyo rin iyong na star. "Hindi ko alam kung kasya yan sa kanya pero adjustable naman yan." sabi niya pa.
"Salamat, sigurado akong magugustuhan niya ito kasi mahilig siya sa mga star kaya naman sa kisame ng kwarto niya ay may glow in the dark na star." kwento ko pa.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming Salamat po sa pagbasa, kung meron man hahaha. Sa lahat kasi ng story ko ay wala ditong nagpaparamdam. Hindi ko alam kung may nagbabasa hahaha. Ganun pa man ay salamat po sa pagbasa at paghintay sa napakatagal kong update. Sowi po✌🏼.
Nakakalungkot pero kailangan namin tanggapin ng paunti-unti.
REST IN PEACE TO MY PAPA ,
Nicolas A. Venida Sr.🙏🏼
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro