Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🙏🏼

Not an update.


PEOPLE OF VICTORY, that's the meaning of my fathers' name. Sa hindi inaasahang araw habang tahimik ang buong paligid at mundo ng pamilya namin ay napakitan ito ng iyak nang makitang sumusuka si papa at nahihirapan.

Isinugod si papa sa hospital pero kalahating araw ay idineklara siyang brain dead. Pinapipirma si mama ng mga oras na iyon na siyang nangangahulugan na tatangalin ang life support ni papa pero hindi iyon ginawa ni mama.

Lumipas ang oras ay napagalaman na lumaki ang puso ni papa. Tanging gamot na itinuturok na lamang sa kanya ang bumubuhay noong mga oras na iyon. Hanggang sa dumating sa punto na ni-revive si papa ng paulit-ulit.

Ilang beses na sinubukan at gustong ipaulit ni mama ang pag-revive kay papa at umaasa sa himala na gumising siya pero ang sabi ng nurse ay durog na ang rib cage ni papa dahil sa paulit ulit na revive.

October 21, 2021, araw na siyang nagpaguho sa mundo namin. Ni mama at kaming walong magkakapatid. Hindi namin inasahan na ganun kabilis mawawala sa amin si papa.

Masakit isipin pero kailangan namin tanggapin. At marahil kayo'y nagtataka kung bakit naggawa ko pang makapag-update iyon ay dahil sa kailangan kong i-divert ang isipan ko minsan at iyon ang pagsusulat. At alam ko na kapag hindi ko iyon ginawa ay maaring makapag-isip ako ng kung ano-ano.

Nicolas A. Venida Sr. iyon ang pangalan ng papa ko na mananatili sa puso at isipan ng tao. Masakit man ang pagkawala niya pero kailangan naming maging matatag at matapang.

REST IN PEACE TO MY PAPA,
Nicolas A. Venida Sr.


PEOPLE OF VICTORY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro