Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Maliwanag ang buwan at napaka lakas ng hangin, tila tatangayin ang mag-asawa at anak nito. Kahit napapagod ay pinipilit pa rin nilang tumakbo at iligtas ang anak nila. Hindi mapakali kakatingin sa likod at magkabilaang direksyon ang mag-asawa.

"Paano na tayo? Saan na tayo pupunta? Romeo! Paano ang anak natin?" umiiyak at puno ng takot ang boses ng ginang habang kinakausap ang asawa.

"Hindi ko rin alam Lydia, pero hanggat kaya ko ay poprotektahan ko kayo." paninigurado ng haligi ng tahanan.

Sila Romeo at Lydia ay hinahabol ng mga lobo sa gitna ng madilim na kagubatan, hinahabol sila ng mga ito at gustong patayin. Lalo na ang anak nilang babae. Sila Romeo at Lydia ay malaki ang kasalanan sa angkan ng mga lobo dahil pinatay ni Romeo ang anak ng hari ng mga lobo sa kadahilanang gusto patayin ng lobong pinatay niya ang anak niya. At ngayon gumaganti ang pamilya nito. 

"Romeo, napaka bata pa ng anak natin para mawala sa mundong ito. Gusto ko pa siyang alagaan, gusto kong tayo ang magpalaki sakaniya." umiiyak na sabi ni Lydia sa paraan ng mahinang boses 

Tumingin si Romeo sa paligid at nakiramdam, gusto niyang mailigtas ang mag-ina niya at kahit siya nalang ang mamatay. Pero mukhang hindi sasang-ayon sa gusto niya ang tadhana. Dahil nakita niyang papalapit ang babae at lalaking lobo kung nasaan sila. At ganun nalang ang gulat ng mag-asawa ng sirain ng mga lobo ang nagsisilbing pangtakip nila.

"Tila takot na takot kayong dalawa? Ano ang pakiramdam kapag naiisip mo ng mamamatay ka? Nakakatakot diba? Pero hindi mo inisip ang mararamdaman ko ng pinatay mo ang anak ko!" gamit na sigaw ng reyna ng mga lobo.

"Bella! Maniwala ka, hindi ko sinadya. Pinagtanggol at niligtas ko lamang ang anak ko dahil balak siya patayin ng anak mo!" palabang sabi ng haligi ng tahanan. "At hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong pagliligtas sa anak at asawa ko!" 

"Napaka lakas din pala talaga ng loob mo, Romeo. Paano kung sabihin ko sayong dalawang buhay ang kapalit ng pagpatay mo sa anak ko? Wala ng iba, oo tama ka. Ang asawa at anak mo, Romeo!" sigaw ng babae.

"Parang awa mo na, patawarin mo nalang ang asawa ko sa ginawa niya. Hayaan mong bumawi kami, kahit gawin mo kaming alipin habang buhay basta, buhayin mo lang kami!" umiiyak na pagsusumamo ng asawa ni Romeo na si Lydia. 

Pero malakas na tumawa lang ang lobo at bigla rin nawala ito at napatingin sa batang babae na yakap yakap ni Lydia. Ngumisi ang babaeng puno ng galit at poot ang puso na si Bella at akmang susugurin na ang mag-asawa at ang anak nito ng huminto ito.

"Buhay ang kinuha mo, Romeo. Kaya buhay din ang kukunin ko." may diing sabi nila. "Ang masaklap nga lang, dalawang buhay ang kukunin ko. At kapag nagbago ang isip ko, isasama na kita!" tumawa ito ng malakas pero ganun nalang ang gulat ng lahat ng may dumating.

"Napaka gandang drama naman ang nakikita ko at anong inaakala mo, Bella? Huwag mo hayaang lamunin ng galit ang puso mo." mahinahong sabi ng babaeng kararating lamang.

"Mercedes," gulat na sabi ni Romeo.

Si Mercedes ang unang babaeng minahal ni Romeo, isa itong prinsesa ng emperyo ng lahi nila. Si Mercedes ang unang pinangakuan niya ng kaniyang puso. He really loves Mercedes before. Pero hindi sila pwede, malaking problema ang nasa pagitan nila. Ginawa lahat ni Romeo, pinaglaban niya ang pagmamahalan nila ni Mercedes pero hindi sila nagtagumpay. Ikinasal ng sapilitan si Mercedes sa isang prinsipe din ng emperyo nila at hindi na muling nagkita. Sa ilang taong lumipas ay ngayon lamang muli silang nagkita, at may kasama itong batang lalaki na at malakas ang kutob ni Romeo na anak ni Mercedes ang batang iyon.

"Talaga ba, Mercedes? Huwag hayaang lamunin ng galit ang puso? Hindi ba nilamon ng galit ang puso mo ng ipakasal ka sa iba at hindi ka ipaglaban ng lalaki ito?!" Sabay turo ni Bella kay Romeo.

Ngumisi lamang si Mercedes at bahagyang natawa, "Walang galit sa puso ko, Bella. Dahil tanggap ko ang paghihiwalay namin ni Romeo. At ang nakaraan namin at tapos na. Natanggap ko sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa at wala kaming pinagsisisihan dahil alam naming pinaglaban namin ang pagmamahalan namin." kahit may ilang sa pakiramdam si Romeo ay tila nawala na rin ito dahil sa kabilang banda at sangayon siya sa sinabi ni Mercedes. "At masaya akong matagpuan na niya ang totoong para sa kaniya," ngumiti si Mercedes sa asawa ni Romeo na si Lydia.

Alam ni Lydia ang nakaraan na meron ang asawa at tanggap niya ito, wala siyang problema sa nakaraan na meron sila Mercedes at Romeo dahil alam niyang may kaniya-kaniya na silang pamilya. At ramdam ni Lydia ang sensiridad ni Mercedes.

"Talaga ba, Mercedes? Kung ganoon, umalis ka na kung ayaw mong madamay pa rito!" mabilis na sumugod si Bella sa mag-asawa pero agad na pinigilan ni Mercedes si Bella.

"Huwag kang magkakamaling saktan sila kung ayaw mong ako mismo ang pumatay sayo." titig sa matang sabi ni Mercedes habang sakalsakal si Bella.

"Umalis na kayo at ako na ang bahala sa babaeng ito." sabi ni Mercedes at hindi inaalis ang tingin kay Bella. Agad namang kumilos ang mag-asawa.

Paalis na sila ng mapansin ni Lydia ang batang kasama ni Mercedes kanina, anak ni Mercedes ang bata. Kaya bilang pasasalamat at ibinigay ni Lydia ang anak niya sa asawang si Romeo at tinakbo ang anak ni Mercedea upang iligtas. Nagtagumpay naman siya at mabilis silang tumakbo, nagbago ang anyo nila Bella at Mercedes bilang asong lobo at halos magpatayan sila. 

Akala nila ay ligtas na sila pero nagkakamali sila dahil ang lalaking kasama ni Bella at sinundan sila. Pero agad napansin iyon ni Romeo kaya agad niyang prinotektahan ang asawa, anak niya at anak ni Mercedes.

"Pwede kang mabuhay, peri hindi ka na pwedeng sikatan ng araw." malademonyong sabi ng lalaki.

Buong lakas ni Romeo pinagtanggol ang mga mahal niya at buong lakas nakipaglaban sa lobong lalaki. Pero sa kalagitnaan ng laban at nasaksak si Romeo, dahilan upang mapaluhod ito. Hawak-hawak ang dibdib ay dahan-dahan siyang napaupo at napatingin sa pamilya niya. Ramdam na niya ang katapusan niya at paghahabol ng hininga. Muli siyang tumayo at nilabas ang kutsilyo at buong lakas na sinugod ang lalaki at sinaksak ito sa puso, dahilan upang agad na mamatay ito. Kahit nanghihina at nakadapa na ay pinilit nitong tumingin at senyasan ang asawa 'Ayos lang ako, please ingatan mo silang dalawa. Mahal na mahal kita.' huling salitang narinig niya bago pumikit at bawian ng buhay.

Agad na niyakap ni Lydia ang dalawang bata habang umiiyak na nakatingin sa asawa. Pati ang dalawang bata ay umiiyak na rin, pero mas naging alerto si Lydia ng makarinig ng mga yapak ng paa. Gulat siyang makita si Bella, agad niyang naisip si Mercedes. Nasaan na siya at paano ang anak nitong nasa poder niya.

Agad na tumabo ang anak niyang babae sa asawa niyang si Romeo na wala ng buhay at nakita niyang niyakap ito ng anak niya, pinapanood lang ng anak ni Mercedes ang batang babae na umiiyak sa bangkay ng tatay niya. Nagtago ang batang lalaki sa malaking puno at bato upang hindi siya makita.

"Ikaw nalang ang natitira paano ba yan? Handa ka na bang mamatay?" pagbabanta ni Bella kay Lydia. "Deserve nyong mamatay lahat!" galit na sigaw nito na halos lumabas na ang ugat sa leeg.

Wala ng choice si Lydia kundi labanan si Bella, naglaban sila at halos mamatay na rin si Bella sa saksak na ginawa ni Lydia, dahil hindi napansin ni Bella ang kutsilyong dala nito. Sa sobrang panghihina ay napahiga na si Lydia, sasaksakin na sana ni Bella si Lydia ng sumigaw ang batang babae.

"Huwag po! Huwag mo po siyang papatayin! Huwag mo pong papatayin ang nanay ko." umiiyak na sigaw at pagmamakaawa ng batang babae.

Naagaw ang atensyon ni Bella ng batang babae kaya agad niya itong nilapitan at handa ng saksakin ang anak nila Romeo at Lydia ng biglang niyakap ng isang babae ang bata. It was Mercedes, gulat na gulat si Bella na buhay pa ito pero sa isang banda ay mabilis niyang sinaksak si Mercedes dahilan upang mamatay na ito, sa inaakala niya. At inakala niyang pati ang batang niyakap ni Mercedes ay namatay na rin. Tuwang-tuwa si Bella dahil sa wakas ay napaghiganti na niya ang anak niya.

Sa kabilang banda ay hindi pa pala talaga patay si Mercedes, nang saksakin siya ni Bella ay iniharang niya ang libro na dala niya kanina sa dibdiba niya upang hindi madamay ang anak ni Romeo sa pagsaksak sakaniya. Ngumiti siya ay binulungan ang anak ng dating kasintahan, "Magandang binibini, pumikit ka lang at ako na ang bahala sa iyo." pumikit naman ang bata at kaya pala sinabi iyon ni Mercedes at para akalain ni Bella na patay na silang dalawa. Pero ang totoo ay pinagpanggap lamang niyang patay na rin ang bata, ginawa niya iyon para makabawi manlang sa dating kasintahan na Romeo na siyang tunany niyang mahal. Pero sa kabilang banda ay talagang naghihingalo na rin si Mercedes at konting oras nalang ang natitira sakaniya. Habang nakahiga at pinoprotektahan ang anak nila Romeo at Lydia ay hinanap ng mata niya ang anak niyang lalaki. Nakita niya itong umiiyak at nakatingin sakaniya.

Paalis na sana si Bella ng maagaw ng atensyon niya ang batang umiiyak sa likod ng puno, at halos mabaliw siya sa kakatawa dahil sa isip niya ay napaka swerte naman niya dahil napataya na nga niya ang anak ng lalaking pumatay sa anak niya at ngayon naman at mapapatay niya rin ang anak ng reyna ng mga emperyo ng mga lobo. 

Agad na sumugod si Bella sa batang lalaki at akmang sasaksakin na ito ng bigla niyang makita ang kutsilyo na tumagos sa dibdib niya. Sinaksak siya ni Lydia, doon lang napagtanto ni Bella na dapat talaga ay tinuluyan na niya si Lydia kanina. "Magsama na kayo ngayon ng anak mo." Bulong ni Lydia kay Bella. Nagsimula ng tumulo ang dugo sa bibig ni Bella indikasyon na mamamatay na siya. Napalunod ito at tumumba, at ilang sigundo lang ay binawian na rin ito ng buhay.

Kahit naghihingalo ay pinilit na gumapang ni Lydia sa anak ni Mercedes upang protektahan ito. Nagkatinginan si Mercedes at Lydia habang yakap ang anak ng bawat isa, yakap ni Mercedes ang anak ni Lydia at yakap naman ni Lydia ang anak ni Mercedes. Ngumiti silang dalawang sa isa't-isa at dahan-dahan ng pumikit, ilang minuto lang ang lumipas at pareho na silang binawian ng buhay. Namatay sila Mercedes at Lydia ng pinoprotektahan ang anak ng bawat isa. At wala silang pinagsisisihan sa ginawa nila. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro