Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T - [1]

[AN: Inumpisahan ko na kasi mag-uupdate ako sa story na to pag natapos na ang Prelim. Dito muna ako mag uupdate. Next Month na dun sa Marrying Mr.Makaluma. Short Story parin po to gaya nung sa Takik. :)]

Chapter 1

Isang latigo ang tumama sa katawan ko. Lahat ng matatamaan nito ay nagkakaroon agad ng sugat at nagdudugo.

Gusto kong sumigaw kaya lang pagod na ako. Di lang katawan ko ang pagod pati na rin sip ko.

Pagod na akong mag-isip ng dahilan kung bakit niya to nagawa. At patuloy paring ginagawa sakin inahal ko siya ng buong puso.

Di ko alam kung bakit isang araw ay nagbago siya.

Drug's POV

Minulat ko ang aking mga mata. Ngunit di pa nakakalahati ang pagmulat nito ay bigla akong nasilaw sa liwanag. Liwanag na di ko alam kung saan naggagaling kaya agad akong pumikit.

Pinakiramdaman ko ang aking paligid, wala man lang akong naririnig na tunog ngunit may nararamdaman akong presensya ng isang nilalang sa kaliwang bahagi ng kamay ko. Ngunit di ito kumikilos. Kaya napagpasyahan kong imulat muli ang aking mga mata. Nasisilaw parin ako sa liwanag ngunit di na ito gaanong masakit sa mata.

Namulat ko nang tuluyan ang aking mata ang liwanag pala na nakakasilaw kanina ay nagmumula sa ilaw nitong kwarto. Nilibot ko ang aking paningin ako'y nakahiga sa isang malambot na kama na puti ang kulay ng mga muebles nito. Pati rin kulay ng kwarto kung nasan ako ngayon ay puti. Ang presensya na nararamdaman ko kani-kanina lang ay naggagaling sa isang babae, nakayuko ito na tila natutulog. Agad akong napatingin sa pintuan dahil nagbukas ito bigla. Lumabas dito ang isang babae ayon sa nakikita kung suot niya ay isa itong nurse dito. Nagulat siya nung makita ako mabilis siyang tumungo ulit sa pinto. Malakas niya itong naisara kaya nagising ang babaeng nakayuko. Tila nagulat siya ng makita ako. Magsasalita sana ito nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling lumapit samin o sakin ang isang lalaking may katandaan na. Marami siyang tinanong, gaya ng kung may masakit ba daw akong nararamdaman, naaalala ko ba ang lahat ng nangyari sakin. Sa lahat ng taong niya sakin isa lang ang naging sagot ko.

"Sino ka?" natahimik siya bigla.

Di pa sila nakakasagot nagtanong ulit ako.

"Sino ako?"

Nakita kong nakahinga ng maluwag ang babaeng nakayuko kanina.

"Ms. Shaw, Your boyfriend has an amnesia." sabay baling ng tingin ng matandang lalaki sa babaeng nakayuko kanina. Ms. Shaw pala ang tawag sa babaeng nakayuko kanina.

Pero teka Boyfriend?

Amnesia?

Ako ba yung tinutukoy niya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro