Panimula
Sa mga oras na damdamin ay hindi maisatinig,
sa tula ibinuhos ang mga hikbing ikinubli.
Sa mga oras na pakiramdam ko’y wala ‘kong kakampi,
sa mga tugma ‘ko isinigaw ang mga hinaing ko.
Kaya’t patawad kung ika’y maguluhan sa tema ng bawat tulang aking inilahad,
dahil iba-iba ang emosyong sa kanila’y binitiwan.
Ngunit salamat na rin sa pag-unawa’t pag-intindi,
sa’king mga katha na minsan kong ikinubli.
-KhioNnyx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro