Paasa
Aanhin ko ang mga sulat mo ng paglalambing,
kung kulang naman ito sa damdamin?
Gumawa ka man ng libong tula't tugma,
Kung hindi naman sa puso mo ito nagmula.
Makakasakit ka lang ng damdamin,
Ng kung sino man na iyong paaasahin.
H’wag kang paasa dahil sayong mabulaklak na salita,
h’wag kang paasa na kunwa'y tunay ang iyong paghanga.
H’wag kang paasa,
kung maglalaro ka lang pala.
h’wag kang paasa,
kung pananakit lang ang sadya.
Aanhin ko ang iyong pagiging malambing,
Kung sa lahat ng dilag ganyan ka magturing?
Asikasuhin at alalayan mo man ang aking bawat kilos,
kung sa puso mo nama'y di ito taos.
Makakasakit ka lang ng damdamin,
Ng kung sino man na iyong paaasahin.
H’wag kang paasa dahil sayong pagiging maalalahanin,
h’wag kang paasa na tunay ang iyong hangarin.
H’wag kang paasa kung manlilinlang ka lang pala.
h’wag kang paasa kung mananakit ka lang pala.
Dahil hindi mo alam ang damdamin ng pusong napaasa,
kung papaanong umiiyak kami sa wala.
Hindi mo alam ang pakiramdam ng minsang naniwala,
Sa isang taong pagpapaasa lang ang ginawa.
-KhioNnyx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro