Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hihintayin Ko

Magkaiba ang ating mundo,
ngunit pinagtagpo.
Ang puso mo at puso ko'y umibig ng totoo.

Ngunit tadhana ay sadyang mapaglaro,
Ikaw ay inilayo sa piling ko.
Iniwan akong puso'y nagdurugo.

Pero patuloy pa rin akong aasa,
Hihintayin ang bawat bukas
ng walang-sawa.

Sa pagbabalik ng dahilan ng aking ligaya,
Upang di na malumbay pa.

Mananatili akong nakahawak sa pangako natin,
Kahit sabihin pa ng ibang hindi ikaw ang para sa'kin.

-KhioNnyx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro