Chapter Three - Isla Roscoelion
Try Me In Bed
MyJaff©2018
~
HER BACK is aching, her head is spinning. Damn it! Daig niya pa ang babaeng lumaklak ng ilang boteng alak at nagsu-suffer sa hangover ngayon. Ugh! Ano bang nangyari sa kanya at ganito katindi ang sakit ng kanyang katawan? Nasobrahan ba siya sa pagbira kagabi? Wait? Kanino nga ba siya sumama? Kay Satino Tolentino! She remembered their hot scenes inside the car. Those kisses and lustful touches! Oh God...
But then she remembered how the car crashed at the ocean! OMG! Patay na ba siya? As in? Namatay siyang hindi man lang nakapag-orgasm sa sex nila ni Santino Tolentino?! Oh that fucking brute! Hindi marunong magmaneho! Dapat pala ay siya na lang ang nagdrive niyon!
Nagmulat nang mga mata si Tania, for sure wala siya sa langit dahil sa impyerno ang bagsak niya kapag namatay siya. Obviously she's inside a Spanish style room. Nakarinig pa siya ng payapang hampas ng karagatan sa labas at masarap na hanging nagpasayaw sa kulay puting kurtinang malapit sa veranda.
Nasa Isla siya? Saan ba siya nilipad ng alon? Buti hindi siya kinain ng mga pating. Fuck! Pakiramdam niya nga'y punong puno siya ng tubig sa katawan.
Sinubukan niyang tumayo pero mahapdi ang kanyang tuhod. Inangat ni Tania ng bahagya ang kumot na nakataklob sa katawan niya, sapat lang para makita niya ang kanyang tuhod. Gosh! May benda iyon at mukhang nagkasugat yata siya. May ilang gasgas din siya sa braso. Geez! Her precious skin!
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at isang batang babae ang tumakbo papalapit sa kanya. Malapad ang ngisi nito at kapansin pansin ang kulay berde nitong mga mata. Kamukha ng mga mata ng mga Costalles!
“You're awake! You're awake!” Obviously! Siguro'y nasa anim na taong gulang ito. “You are four days asleep, Sleeping beauty.” Perpekto ang English accent nito. Siguro'y laking ibang bansa, well halata namang may lahi ito dahil sa kulay ng mga mata. Parang siya, she has a pair of amber eyes. Half American ang Dad niya.
But wait, nakalabas ba siya ng bansa? Don't tell me ang layo ng pagkakaanod sa kanya ng alon? Gosh! Nasa Espanya ba siya?!
“Excuse me, but where am I?”
Kumislap ang mga mata ng batang babae. “You're so beautiful Ate Titania! You're my idol!”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “You know me?”
Tumango ito at may kinuhang magazine sa ibabaw ng night stand. Iyong ELITE iyon. Yun yung cover sila ni Zal na na-issue last week lang! Ibig sabihin nasa bansa pa rin siya? Pero nagbebenta ang ELITE worldwide.
“You're so beautiful and very strong! I read your story in this magazine. Someday I want to be like you and manage my own business!” Business minded pala ang batang ito. “By the way I am Seiriya Roscoelion.”
Roscoelion? Kaano ano nito ang Heneral ng AFP? Kilala niya iyon dahil sundalo si Tati!
“Wait, I'm going to call my Kuya Seig!” Bibo itong tumakbo palabas na hindi na niya nagawang pigilan pa.
Lumingon siya sa paligid, puro mga proverbs lang ang nakikita niyang naka-frame sa dingding, wala man lang larawan ng may ari o baka nasa guest room siya kaya ganoon?
Ilang saglit pa ng bumalik ang batang babae. Alam niyang may kasunod ito dahil may naririnig pa siyang mga yabag. Sandali pa ay pumasok ang matangkad na lalaking kamag anak yata ng lahat ng makikisig na warrior!
Holy cow! Unang lumapat ang kanyang tingin sa matipuno nitong dibdib. He has a body of a warrior! Damn it! His tan skin, chiseled chest, ripped arm and that goddamned thing in between his legs! Parang laser beam ang mga mata ni Tania na napatitig sa bandang iyon, hindi niya alam kung bakit siya napalunok ng ilang ulit. Goodness! Hindi siya ganito ka-manyak ano?!
Narinig niya ang baritonong pagtikhim nito kaya mabilis siyang nag angat ng tingin at halos malaglag ang kanyang panga ng makita niya kung gaano ka-gwapo ang binata. His thick brows, ruthless and cold blue eyes, perfect nose, square jaw and that hot lips! Good! Gusto tuloy maghubad ni Tania ng di-oras.
“This is my Kuya Seig, he saved you four days ago. He saw you at the beach and you're so pale. You're naked that time by the way. What happened to you Ate Titania?”
Napailing siya at pilit na iniwas ang tingin sa binatang titig na titig din sa kanya. Binaling niya ang atensyon kay Wendy.
“I'm...” At the urge of orgasm? Oh fuck! “My car...” No! It's Santino's car! “I mean, nasangkot ako sa isang car accident.” Aniya. “Nasa Pilipinas pa rin naman ako diba?” Tanong niya at pasimpleng lumingon sa binatang nakahalukipkip at nakasandal sa doorframe.
“Yes. You're in Isla Roscoelion.” Pakli nito, wala man lang ka-emo-emosyon ang boses nito.
“Ahh...” Damn! Kailan pa siya naging speechless sa isang lalaki? “Can I use your phone? Tatawagan ko lang ang parents ko.” Baka nag aalala na ito sa kaniya.
“If you want to call them then hurry and recuperate your strength. Sa bayan sa kabilang Isla ka pa maaring tumawag.”
What? “Why?”
“This is an isolated island. My island has no signal, no phones and no internet.”
Damn! Impyerno pala talaga ang binagsakan niya! How can a beautiful Island like this has no signal at all? She's sure that it's beautiful!
“Seiriya let her rest. Ipapahatid ko na kay Manang Siling ang pagkain niya. Don't bug her here.” Malamig na anito bago tumalikod at naglakad na palayo.
Sumakit lalo bigla ang ulo ni Tania!
Dalawang araw pa bago nakalakad ng maayos si Tania. May Doctor na tumitingin sa kanya na sa kabilang Isla pa raw nakatira. Private doctor daw ito ng pamilya ng binata tho wala naman siyang nakita rito kundi ang batang babae lang na hindi naman nito kamukha!
Sa wakas ay nakalabas din siya ng silid. Nakita niyang kalalabas lang din ni Seiriya sa kabilang silid. Kumaway ito sa kanya at tumakbo papalapit. Namamangha pa rin siya sa kulay ng mga mata nito.
“Okay na ka po, Ate Titania?” Naguluhan pa siya sa sinabi nito. “I mean, are you okay na po Ate? I'm sorry, I'm still learning Filipino language.”
Oh! Tama nga siya, laking ibang bansa ang bata.
Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Let's go po, Manang Siling prepared the breakfast.”
Hindi na siya sumagot at nagpahila na sa bata. Habang pababa sila ng hagdan, hindi niya maiwasang mapatingin sa mga frames na nasa wall. Tumigil siya nang makita ang isang larawan ng binata kasama ang isang lalaking kapareho nito ng mga mata pero blonde lang ang buhok. Kapwa nakasuot ng parehong uniporme.
Sundalo.
He's a soldier? No wonder he has a body of a warrior!
“You're Kuya is a soldier?” Tigil niya pa sa paglalakad.
Nag angat ng tingin sa kanya ang batang babae. “Yes, my two brothers is a soldier. They're both cool! But Kuya Seig leaved the battalion, and I never saw my Kuya Seiryu.” May himig ng lungkot ang boses nito.
Muli niyang binalingan ang larawan. Clearly, may pagkakahawig ang dalawa lalong lalo na sa kulat ng mga mata. But the young girl, wala itong kahit na anong pagkakahawig sa dalawa, tsaka ang layo ng age gap nang magkakapatid.
“Your eye color is green, theirs are blue... Why...” She trailed.
“Don't ask her questions like that. She's my sister. Period.” Asik nang lalaking nasa taas na baitang pa ng hagdan.
Kunot na kunot ang noo nito, tiim bagang habang nakatitig sa kanya. What? Wala naman siyang ibig sabihin doon? Masyado namang defensive ang lalaking ito. But anyway, hindi pa rin siya nag aksaya ng panahong pasadahan ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa, actually, muntik na namang tumigil ang makasalan niyang mga mata sa pagitan ng mga hita nito.
He was wearing a plain white shirt and a ripped jeans, ang pagkakakunot ng noo nito'y nakadagdag sa kakisigang taglay ng binata. My God! His damn blue eyes are challenging her! Para bang naninimbang ito at sa unang tingin pa lang mukhang mahihirapan siyang maakit ang binata.
Tania is that you? Oh no, no, no, wala pang nakakatanggi sa kamandag niya kahit na gaano pa ka-strikto ang ugali ng lalaking ito.
Humakbang ito pababa sa mga baitang ng hagdan. “Kung maayos na ang pakiramdam mo, sasamahan kita sa bayan sa kabilang Isla. You can contact your family to fetch you here.”
Oh dear, a pigeon will do. Iyon nga lang hindi naman na-train ang mga kalapati rito kung sakali pero buti na lang ay sinabihan niya ang Doctor na tumitingin sa kanya na tawagan ang numero ni Tati para ipaalam na maayos ang lagay niya at nagbabakasyon lang siya after ng aksidente.
For sure, ipapahanap pa rin siya ng parents niya. Give her one week para maakit ang lalaking ito, after that she can go.
Malambing siyang ngumiti. “Masakit pa ang tuhod ko, Oh dear, baka mahirapan pa ako at mabinat. Dito muna ako.”
Malamig lang siya nitong tinitigan bago nilagpasan. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang sungit, pota! Kulang siguro sa sex ang gagong yun!
“Let's go ate.” Ani Seiriya sa kanya.
Sa batang babae na lamang siya ngumiti at nagpahila na rito pababa sa hagdan.
Nakaupo na sa kabisyera ang binata nang maabutan nila sa dining area. May matandang babae na siguro'y nasa edad kwarenta na ang nagsisilbi roon. Ito yata iyong manang Siling na tinatawag ng magkapatid.
“Manang Siling! Good morning po! This is my Ate Titania.” Pakilala sa kanya ni Seiriya, napilitan siyang ngumiti.
Ngumiti naman pabalik sa kanya ang matanda. “Maupo na kayo at kumain.” Anito. “Napapadalas yata ang mga dayo sa Islang ito, Señorito, lapitin ng mga taong nadisgrasya sa dagat.” Biro ng matanda.
Ibig sabihin hindi lang siya ang napadpad ng hindi sinasadya sa Islang ito.
Nagkibit balikat lang ang binata. Nagpaalam naman ang matanda na may lilinisin lang sa kusina. Inabala naman ni Tania ang sarili sa hapag. Gosh! Nakakagutom pala ang maaksidente ano? Ano kayang unang gagawin niya sa Islang ito.
“How are you related to Zhercez Vakhomanodik?” Nagulat siya nang biglang magsalita ang binata. Hindi naman ito lumingon sa kanya o ano, nakatuon pa rin ang pansin nito sa pagkain.
“You know him?” Balik tanong niya. “He's my business partner and my best friend's husband. You know, si Zia Larraine?”
“I know, I was at their wedding.”
“You're a friend of him?” Ewan niya ba pero hindi mawala ang interes sa tono ng kanyang pananalita.
Hindi naman ito sumagot sa kanya at kinuha na lang ang isang news paper. God! How come Zhercez didn't mention her this hot friend of his! Sana matagal na niyang naakit diba? Kaso mukhang hindi naman yata ito lumalabas ng lungga nito.
“Your boyfriend is okay now.” Muling anito.
Boyfriend?
Mukhang nahalata nito ang pagkalito sa kanyang mukha kaya iminuwestra nito ang dyaryong hawak. Inabot naman niya iyon. Nabasa niya sa headline na stable na ang lagay ni Santino Tolentino pero naka-confine pa rin sa Hospital. Buti nga't hindi ito napadpad sa Islang 'to kasama niya! Ugh? She's still pissed because she didn't fucking reach her orgasm that time.
Nakangiwing ibinalik niya ang dyaryo sa binata. “He's not my boyfriend.” Correction, fling.
Nakita niyang umarko ang kilay nito. He was looking cockily while doing that.
“Not your boyfriend but you're kissing him inside the car, kaya ba kayo naaksidente dahil sa kahalayang ginagawa niyo sa loob ng kotse?”
He saw that?! God! Bakit kaya hindi ito ang nahagip niya ng gabing iyon para naman ito ang nagdala sa kanya sa ikapitong langit!
“What's kahalayan Kuya?” Seiriya asked innocently.
Umungol sa prustasyon ang binata. “Don't mind it Seiriya, eat your food.”
Bumaling muli sa kanya ang tingin nito. Ngingisi ngisi pa si Tania. Ibig sabihin, nakatuon sa kanya ang atensyon ng binata ng mga panahong iyon dahil nakita pa siya nitong nakikipaghalikan kay Santino Tolentino.
“Oh babe, hindi lang lalaki ang marunong makipag laro ngayon. I can do more, want to try it, honey?”
Tumaas ang sulok ng labi nito sa kanya, sa hindi malamang dahilan ni Tania para bang napaurong ang dila niya.
“Don't call me names, hindi ang kagaya mo ang makakapang akit sa akin.” He said brutally honest! Why is he looking at her that time anyway?! “You're just resemble at someone I know, she's currently the Captian of AFP now.”
“Ka-batch mo si Tati?”
“No. Matagal na akong wala sa militar.” Simpleng tugon nito.
That's it?
“So, akala mo ako ang kapatid ko?”
Sumimsim ito ng kape. “Yes, but I figured out that you're not her because of your facial features. You are too sophisticated to be a mighty warrior like her.”
“So, that's the type of your woman?”
“No. I prefer virgins.” Ngisi nito sa kanya na para bang sinasampal siya sa reyalidad.
Talaga lang ha? Tignan natin kung hindi mo kainin yang sinabi mo.
Easy baby, wala pang tumatanggi sa isang Erza Titania.
**
A/N: Comment kayo meymis! Para mas ganahan akong mag UD 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro