
Chapter Four - Fairy Queen
Try Me In Bed
MyJaff©2018
~
MATAYOG ang coconut trees na bumungad sa mga mata ni Tania nang magawi siya sa teresa, sa kalayuan ay ang magandang kulay asul na dagat. Pakiramdam ni Tania ay narelax na ang kanyang utak sa sight seeing palang. Oh Goodie, okay din pala na tahimik ang lugar ano? Okay din pala na walang internet and so on but nakaka-miss pa rin ang social life niya.
Natawagan na kaya noong Doctor ang parents niya?
Sinamyo niya ang lamig ng simoy ng hangin na humaplos sa kanyang balat. Umalon ang malaking T-shirt na kanyang suot. May Seig yata ito, ilang araw ng puro ganito ang kanyang suot. Malaking T-shirt at jersey shorts. Mabuti na nga lang at may bagong undies na stock ang mga tao rito. Sabi ni Seig ay sa Mommy daw ito ng binata.
Anyway, speaking of the devil. Nasa labas ito at nagki-kick boxing, may sparring sack na ikinabit ang binata, mukhang ginawa talaga iyon para sa ganitong purpose. E? Sa pagkakaalam niya may gym naman sa loob ng mansyon bakit kailangang sa harap niya pa talaga ito mag kick boxing? Para tuloy lacer beam na naman ang mga mata ni Tania.
Goodness! He is fucking topless! Kumikinang sa pawis ang matipuno nitong katawan, siyempre! Lalo na iyong abs nitong nakakapaglaway. At isa pa, siya lang ba o talagang bakat na bakat iyong hotdog sa pagitan ng mga hita ng binata?
Oh patawarin ang makasalanan niyang mga mata.
Sabi nila jutay daw kapag nag-gigym pero hindi naman iyon totoo ano! Isa nang patunay ang lalaking mapang akit sa kanyang harapan ngayon. Umaalog alog pa! Goodie!
Hindi ba ito nahihirapan dahil mabuhangin sa labas? Sabagay, sundalo ito noon, sanay na siguro talaga sa hirap ang binata.
Nakita niyang lumapit sa Manang Siling kay Seig, may dala itong energy drink. Bigla namang nakaisip si Tania kaya dali-daling bumaba kahit na ilang beses pa siyang napangiwi dahil masakit pa ang kanyang likoran.
Pagbaba niya at makalabas ng naturang mansyon ay hindi na niya naabutan pa si Manang Siling doon pero naroon pa rin naman si Seig at naupo sa isang mahabang mahogany chair na walang sandalan. Mukhang nagpapahinga na ang binata.
Tumikhim si Tania ng makalapit. Nilingonan lang siya nito at bahagyang nagtaas ng kilay pero segundo lamang iyon at muling ibinalik ang pansin sa iniinom nitong gatorade. Hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang labi nito sa gatorade, isama mo pa ang pag alon ng adam's apple nito habang umiinom nito. Fuck! Sana gatorade na lang siya, hindi lang pamatid ng uhaw ang kaya niya. Damn it!
Lumapit na lamang siya rito at mabilis na hinila ang puting towel na nakasabit naman sa backrest ng kulay green na monoblock chair, muling nag angat ng tingin sa kanya ang binata. Siya naman ngayon ang napataas ang kilay ng pumwesto siya sa harapan nito para punasan ang gwapo kahit na pawis nitong mukha.
Tumigas ang tindig nito, nagtiim bagang nang idampi niya ang tuwalya sa mukha nito. Ganyan nga! Ha! Sinasabi na nga ba niya't may epekto pa rin talaga siya sa mga tulad ni Seig na mukhang kulang sa sex.
“Is this your way of seducing me?” Baritonong tanong nito.
Ngumisi siya. “Why? Are you bothered?” Sinadya niyang gawing paos at ka-akit akit ang boses niya.
Nagulat siya at marahas na napasinghap ng hulihin nito ang kanyang kamay, nakapatong sa likod ng kanyang palad ang magaspang at mapaki nitong kamay. Oh pati ang daliri nitong mahahaba, fuck!
Napalunok siya, napatigil sa ginagawang pagpupunas sa mukha ng binata dahil sa ginawa nito. She stared at him, his blue eyes are intimidating, tumaas ang sulok ng labi nito dahilan kung bakit niya gustong mapaatras pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
Nilapit ni Seig ang kanyang mga daliri sa labi nito. Tania's eyes immediately widened when he sucked her forefinger and her middle finger! Damn it! She hitched a breathe!
“Try harder, Fairy Queen.” Anito at saka binitiwan ang kanyang kamay at walang pasabing naglakad papasok sa loob.
What the hell!? What the fuck did just happened?!
HANGGANG sa tanghalian ay hindi mapakali si Tania. Bakit siya pa yata ang na-bothered pagkatapos ng nangyari kanina? Hindi makatarungan! Siya dapat ang nang aakit hindi ang na-aakit! Damn you Seig! Pustahan, isang linggo lang bibigay din sa kanya ang pa-virgin na lalaking ito. Why he prefer those? Virgins are boring! Duh?! Anyway, nasa tao rin naman iyon but for her, she will show him how adventurous she is.
Sumubo siya ng isang hiwa ng tilapia. She was using her spoon and fork while the siblings was using their hands to eat. Don't get her wrong, marunong siyang magkamay habang kumakain ayaw niya lang masira ang pagkakadikit ng fake nail arts niya.
Maya maya pa'y pumasok si Manang Siling. “Señorito, nariyan na po si Miss Althea.”
Althea who?
“Ang aga niya yata. Nananghalian na ba siya? Pakisabi'y sabayan na kaming kumain dito.” Ani Seig bago uminom ng tubig.
“Inalok ko na ho Señorito pero sabi niya ay hihintayin niya na lang daw si Seiriya sa study room.” Sagot naman ng matandang katiwala.
Tumaas ang kilay niya kasabay naman niyon ay pagtango ni Seig at muling pag alis ni Manang Siling sa dining area, siguro ay ipaghahanda ng maiinom ang bisita.
“Seiriya, hurry and eat don't make your teacher Althea wait for you.” Binalingan siya ni Seig. “Althea is Seiriya's tutor for Filipino literature.”
Mas lalong umarko ang kilay niya. “Tinanong ko?”
Ngumisi ito sa kanya. “You seems threaten.”
“Me? Threatened?” Tinuro niya pa ang sarili gamit ang spoon na hawak. “Oh come on, kahit sino pa ang humarang sa daanan ko kaya kong banggain ng walang pag aalinlangan.” Balik ngisi niya sa binata.
Hindi naman na ito sumagot sa kanya ngunit nanatili pa rin ang ngisi sa mga labi ng binata. Oh this brute! Sa kahit na anong anggulo ay nakakapang-akit!
Matapos ang tanghalian ay dumiretso na si Seiriya sa study room samantalang si Tania naman ay naglakadlakad muna sa labas, hanggang sa makita niya ang duyan sa tapat na naka-kabit sa pagitan ng dalawang coconut tree. Hindi niya ito napansin kanina pero mukhang magandang magpahinga roon kahit na mag a-alas dos na siguro ng hapon.
Naupo siya roon, hanggang sa nahiga, maganda sana kung kahit may libro man lang na babasahin, iyong mala-fifty shades trilogy. Haha! Siyempre ano pa ba? Alangan naman mga Poems ang basahin niya? She's not a fan of those! Mas gusto niya yung adventurous and when she say adventurous, siyempre something starts with a letter E! As in Erotica!
Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya. Humalukipkip si Tania at ipinikit ang mga mata, hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya dahil sa payapang mga alon at sarao ng haplos ng hangin.
Nagising si Tania nang maulingan niya ang hagikgik ng impakta—babae pala. Ewan niya ba, hahagikgik na lang kasi pabebe pa, ano ba!? Bakit kailangang iyon ang bumungad sa magandang pag gising niya?
Kinusot ni Tania ang mga mata, sandali pang humikab bago bumagon at umupo sa duyan. Sino bang kalahi ng jejemon ang humahagikgik ng ganoon?
“Thank you for today, Althea.” Anang pamilyar na baritonong tinig ni Seig.
Mabilis pa sa alas kwatrong pumihit ang kanyang tingin sa gawi nito. Mukhang kalalabas lang ng binata sa mansyon kasama ang parang ipis kung humagikgik na tutor ni Seiriya.
Maliit na babae lamang ito kumpara sa kanya, at hindi tulad niya'y morena at bagay sa dalaga ang kutis nito. Okay, why did she praising her appearance? She is way gorgeous than her! Kahit na hindi pang-Filipina ang beauty niya!
“Okay lang, madali lang namang turuan ang kapatid mo. Isa pa, wala naman akong masyadong ginagawa sa shop sa kabilang Isla.” Nakangiting sagot nito dahilan para magpakita ang malalim nitong biloy sa pisngi. “Minsan pasyal ka rin sa kabilang Isla.”
“Bukas siguro, bibili kasi ako ng mga stocks sa bahay.” Sagot naman ni Seig.
Halos magwala si Tania ng hawakan ng babaitang pusit sa braso si Seig and she's sure nakita niya pang bahagya itong pinisil pisil ng pusit na iyon!
Puta! Pigilan niyo siya! Dadagdagan niya ng galamay sa mukha ang babaeng iyon!
“Talaga? Daan ka sa shop para masamahan kitang mamalengke.”
Doon na umikot ng 360 degrees ay eyeballs ni Tania at padabog na lumapit sa dalawa. Huminto siya sa tabi ni Seig na nakatuon na ng pansin sa biglaang pagsulpot niya. Hindi siya nabigyan ng pagkakataong makilala ang kanina tutor ni Seiriya, now magpapakilala siya ng, maayos.
Mabilis na pinulupot niya ang braso sa kanya Seig at matamis na nginitian ang tutor ni Seiriya.
“Hi.” Bati niya.
Alangan na ngumiti ito sa kanya. “He-hello...” Balik bati nito bago bumaba ang tingin sa kanyang brasong nakapulupot sa braso ni Seig.
Ano pipisil ka pa?! Gusto niya itong panlakihan ng mga mata but duh! Posture, Tania, posture.
“You are... Seig she is...?” Tanong pa nito sa binata.
God! Mukhang mangangawit yata ang eyeballs niya kakaikot dahil sa babaeng ito!
“Titania, his girlfriend.” Aniya bago walang pakundangan na hinawakan ang panga ni Seig at tumingkayad siya para maabot ang mga labi nito.
Yes, she kissed him in front of this squid! Saglit lang iyon dahil nang ipapasok niya na sana ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Seig ay hinawakan na ni Seig ang kanyang bewang para ipirmi ang kanyang mga paa sa buhangin.
Binalingan niya iyong Althea, kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. Ilang segundo pa yata bago ito nakahuma dahil sa ginawa niya.
“Ah... G-girlfriend m-mo pala. I'm Althea, Seiriya's tu-tutor.” Yes at hanggang doon na lang iyon! Do not dream of her man anymore!
“Yes. At ako ang sasama sa kanya bukas sa kabilang Isla. Don't worry, dadaan kami sa shop mo.” Ngisi niya.
Tumikhim naman si Seig. “Let's go Thea, ihahatid kita sa boat.” Anito sabay pasimpleng hawi ng kanyang kamay sa braso nito at giniya na ang babae palapit sa dalampasigan.
Hmp!
Humalukipkip siya at pinagmasdan na lamang si Seig na alalayan ang babae paakyat sa bangka. Hanggang sa makalayo ang bangka ay saka lang bumalik papalit sa kanya ang binata.
Nanatili siyang nakahalukipkip. Tinaasan niya pa ito nang kilay nang sa wakas ay makalapit na sa kanya.
“So that's your type of a woman? Pabebe?”
Hindi nito sinagot iyon, sa halip ay nanatiling malamig ang tingin nito sa kanya. “Next time don't do that again.” Matigas na anito.
“Do what?” Inosenteng tanong niya.
“Don't kissed me in front of people I know. It's inappropriate to kiss someone in public. That is public display of affection!” He strictly hissed.
“Hey, hey, para doon pang galit ka na? And don't use to me that strange strict voice of yours! I am not a soldier, remember? Bakit ka ba nagagalit? Nililigawan mo ba iyon?”
“Hindi kita hahayaang halikan ako sa harapan niya kung siya ang babaeng gusto ko.” Malamig na anito. “But don't you dare do that rude attitude of yours again, woman!”
“That's my nature, honey!”
“I told you, don't call me names!” Asik nito.
“Teka nga, bakit ka ba nagagalit!?” Balik singhal niya rito. “Is it because of the kiss? Pwede mo namang ibalik sa akin kung ayaw mo.” Now, her voice become seductive. Humakbang pa siya papalapit. She trace his jawline using her forefinger. “Oh dahil sinabi kong girlfriend mo ako? Hmm?”
His blue eyes darkened, masyado ng malapit ang mukha nila sa isa't isa kaya damang dama na ni Tania ang init ng hininga nito sa kanya.
Ngumiwi siya dahil mas lalo lang dumilim ang mukha nito. “Fine,” Tinanggal niya ang kamay sa mukha nito at akmang tatalikod na ang hapitin siya nito sa bewang hanggang sa naipit ang boobs niya sa matipunong dibdib ng binata. “W-what are you d-doing?” Bulaslas niya.
“Sacred?” halos mabuwal siya sa tono ng pananalita nito mabuti na lang at nakuha niya pang kumapit sa braso ng binata. “You didn't deserve the meaning of your name, you're ruining William Shakespeare's play A Midsummer Night's Dream.”
“W-what the hell are you talking about?!”
“Titania, the Fairy Queen.” Malamig na sagot nito. How the hell did he knew the meaning of her name? Is he a fan of William Shakespeare?! Oh hell! “And yes, I didn't like the kiss, can I give it back to you now?”
Hindi pa man siya nakakasagot nang atakihin nito ang kanyang labi. Oh my God! As in OMG! He kissed her torridly! Halos hindi niya nga nakuhang lumaban sa uri ng halik nito dahil masyado na siyang lunod sa sensasyong hatid nito.
Damn it! Siya talaga ang inaakit ng binata!
**
A/N: Kagabi sana ito e, haha kaya lang nakatulog ako sa pagod.
Keep commenting torts! Love lots!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro