Kabanata 5: Obstacle Course
Alas-sais pa lang ng umaga nang muli na naman silang tinipon sa isang malawak na espasyo na madalas nilang pinagtitipunan kapag may pulong.
Patungkol ito sa obstacle course na gaganapin ngayong araw. Pagsapit ng alas- dose ng tanghali, dapat ay tapos na ang activity na iyon dahil sa hapon naman ay vacant o rest time nila.
Nakahanda na ang limang stations na inihanda ng mga guro kagabi since tatlumpu lang naman sila sa klase.
"Mahahati ang inyong klase sa anim na grupo na may tigli-limang miyembro upang magawa ang task na ito..." wika ni Sir Thomas na kanina pa nagsasalita sa unahan.
"Kung may ka-miyembro man kayong ayaw makisama sa gawaing ito, 'yon ay magreresulta ng deduction para sa inyong grupo. Kaya may ini-assign kaming scribe or secretary sa bawat grupo upang i-check ang inyong mga kasamahan at pagkatapos no'n ay ibibigay sa akin ang lahat ng reports. Maliwanag ba?"
"Yes sir!" sabay-sabay na tugon ng mga estudyante.
Matapos 'yon ay may kinuha ang guro na isang transparent bowl na naglalaman ng piraso ng mga papel at tsaka s'ya lumapit sa kanila upang pagbunutin sila isa-isa.
Mga numero ang nakatala sa piraso ng mga papel. May idea na sila na ito ang magtatakda ng kanilang mga grupo. Nang makabunot silang lahat, nagwika na ang guro na hanapin na ang kanilang mga kagrupo kaya't nagulo na ang kanilang linya.
"Mayroon lang kayong limang oras upang tapusin ang tasks. Ang mabibigong tapusin ang gawaing ito ay magkakaroon pa rin ng deduction ngunit mas doble kaysa sa nauna," pagpapatuloy ni Sir Thomas.
Sinipat ni Casper ang wrist watch n'ya at alas-siete na ng umaga. Mukhang madali lang naman ang mga obstacle ayon sa nakikita n'ya kaya sigurado s'yang hindi s'ya mahihirapan doon. Hindi n'ya lang sigurado sa mga kasamahan n'ya.
Sina Reign, Iris, August, at Lucia ang makakasama n'ya sa grupo. Nanghihinayang lang ito dahil hindi n'ya kagrupo si Roma, nasa grupo nina Clover ang babae.
Wala naman s'yang problema sa mga kasama n'ya sa grupo maliban na lang kay Lucia na mukhang ito ang magiging dahilan upang magtagal ang kanilang grupo.
"Maaari na kayong magsimula ngayon!" Hudyat ni Sir Thomas kaya naman nagkanya-kanya na silang kilos.
"Tara na sa station 5!" wika ni Iris at nagmamadaling pumunta sa station bago pa man sila maunahan ng iba. S'ya ang scribe sa kanilang grupo at may hawak s'yang papel at notebook upang listahan n'ya.
Kaagad naman silang sumunod sa kan'ya upang simulan ang unang task. May nakapagkit namang instructions sa station kaya hindi na sila mangangapa pa sa mga dapat gawin.
First obstacle, kailangan nilang gumapang sa isang rectangular na putikan habang may mga nakabuhol na knots sa ibabaw nito na sinusuportahan ng mga maliliit na kahoy sa gilid.
"Really? Kailangan ba talagang gawin natin 'yan?" Nandidiring tanong ni Lucia habang nakatingin sa maitim na putik.
"Hindi ito ang tamang oras sa pag-iinarte mo, Lucia. Kung ayaw mong mabawasan ang points natin, makisama ka at kung gusto mo ring matapos tayo agad, huwag kang mag-inarte r'yan. Sana hindi ka na lang sumama rito kung gan'yan lang ang gagawin mo," sumbat ni Iris bago ito inirapan.
"Ang dugyot mo kasi!" Ganti ni Lucia ngunit hindi na lang ito pinansin ni Iris.
Nauna nang gumapang si August na parang wala lang sa kan'ya ang lagkit at dumi ng putik, cold-type kasi ito kaya hindi mas'yadong mareklamo. In short, mas'yadong seryoso sa buhay.
Sumunod naman si Reign, gaya lang din ng kay August ay madali lang ito para sa kan'ya. Palibahasa'y may pagkamatipuno rin ang katawan nito. Maayos din s'yang makisama kaya wala kaming problema sa kan'ya.
Sumunod na si Casper at pagkatapos n'ya'y, sumunod naman si Iris. Bago s'ya tuluyang sumalampak sa putikan ay iniabot muna ni Iris kay Casper ang hawak n'yang papel at panulat upang hindi ito madumihan.
Si Lucia na lang ang hinihintay nilang gumapang bago sila tuluyang pumunta sa susunod na station.
Masama itong minatahan ni Iris ngunit hindi man lang ito natinag.
"Ano ba, Lucia? Gagapang ka o ingungudngod ko pagmumukha mo r'yan?"
"Hindi ko gagawin 'yan. Hindi n'yo ako mapipilit." Umirap ito matapos sabihin iyon habang naka-cross arms pa sa harap ng mga kagrupo. Nasa kabilang dulo s'ya ng rectangular mud kaya't nag-umpisa na ring mag-init ang ulo ni Casper.
"Gagawin mo o hindi?" ma-otoridad na tanong ni August kasabay nito ang pagtingin ng mga kagrupo sa kan'ya pababa sa kaliwang kamay n'ya na may hawak na buhay at gumagalaw-galaw na bulate.
Bumaling sila kay Lucia na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata.
"F-fine, I'll do it!" Nagmadali itong gumapang sa putikan kahit halata sa kan'ya ang pandidiri.
Gagawin din pala, kailangan pang mag-inarte, tch!
Natapos na silang lima at naghahanda na sa pagpunta sa susunod na istasyon. Nilingon ni Casper si Lucia na ngayon ay hindi maipinta ang mukha't patuloy ang pagpapagpag sa kan'yang sarili.
Inilingan na lamang ito ni Casper at itinuon ang pansin sa paglalakad.
Kasunod na obstacle ay tiyakad, station 4.
"Mabuti pa ay magsabay-sabay na lang tayong i-perform 'yan since sakto namang lima ang apakan para mas madali tayo. May tatlong oras na lang tayong natitira, baka mas mahirap pa ang mga kasunod." saad ni Reign.
Sinang-ayunan naman nila iyon at isa-isa na nilang kinuha ang magsisilbing paa nila sa paglalakad.
Napansin naman nila ang pananatiling nakatayo ni Lucia kaya't tinaasan ito ng kilay ni Iris.
Napatingin naman si Lucia kay August na ngayon ay seryoso ring nakatingin sa kan'ya kung kaya't minadali n'yang makuha ang apakan n'ya at saka sila nagsimulang kumilos.
Ilang minuto rin ang ginugol nila bago marating ang finish line. Ang iba kasi sa kanila ay hindi sanay kaya't nahirapan pa ngunit nakaya naman nila itong magawa lahat kaya dumeretso na agad sila sa station 3.
Ikatlong istasyon na kung saan naman ay kailangan nilang magpalingas ng apoy gamit lamang ang tigdadalawang kahoy na kung saan ay may limang pares ang mga ito.
"Kakayanin ba natin ito? Mukhang imposibleng lahat tayo ay makagawa ng bagay na 'yan," kunot-noong tanong ni Iris.
"Gawin na lang natin ang magagawa natin kung ayaw nating lahat na magkaroon ng deduction at matapos agad sa task na'to," sabi naman ni Reign.
Nanatili namang tahimik at nakatayo lang sina August at Lucia. Sa tingin nga ni Casper ay mahihirapan silang gawin ang isang 'yon lalo pa't may mga kasama silang hindi sanay sa ganitong bagay. Hindi naman kasi gano'n kadali ang magpalingas ng apoy lalo na't walang gamit na posporo o lighter.
May mas hihirap pa kaya rito?
"Kung sino na lang sa atin ang magawang makapagpa-apoy, 'yon na lang muna ang i-consider natin. Gaya ng iniisip mo'y, hindi natin lahat makakayanan 'yan. Ngayon lang naman tayo magkaka-deduct at wari ko'y hindi lang naman tayo ang may deduction sa lahat ng grupo. Malalaman din naman natin ang resulta pagkatapos ng task," ani pa ni August.
"Pero mas mabuti rin kung magta-try tayong lahat. Kailangan na nating magmadali, isa't kalahating oras na lang ang natitira at sino bang nakakaalam kung mas mahirap pa ang dalawang natitirang obstacle?" dagdag pa ni Casper.
Nagsitanguan naman silang lahat at nagsimula na silang magkiskis ng dalawang kahoy na nasa lapag.
Patagal nang patagal ang pagkikiskis nila sa dalawang kahoy ngunit ni isa ay wala man lang nagliliwanag.
"Argh! I can't take this anymore!" reklamo ni Lucia ngunit hindi ito pinansin ng grupo at nagpatuloy sa ginagawa.
Tagaktak ang kanilang pawis ngunit hindi pa rin sila sumusuko. Hindi nila alam kung ilang oras na lang ang natitira sa kanila kaya mas binilisan pa nila.
Naghalo-halo na ang amoy sa kanilang katawan. Ang pawis, ang dumi, at ang putik na nakapagkit sa kanilang katawan hanggang sa ito'y natuyo na lamang.
"G-guys!... Nagawa ko!" sigaw ni Iris habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa unti-unting nag-aapoy at umuusok na kahoy.
Namangha sila ro'n kaya't mas lalo pa nilang pinagsikapan na magawa rin ang gano'ng bagay.
Maya-maya pa'y, sunod namang nakapagpa-apoy si Reign.
"Sa tingin ko'y hindi tayo aabot sa inaasahan nating oras kung magpapatuloy pa kayong tatlo r'yan." Tiningala nila si Iris na ngayo'y nakatayo na't nakatingin sa kan'yang relo.
Tama, silang dalawa lang ni Reign ang nakagawa samantalang hirap ang tatlo nina August at Lucia.
"Tara na! Trentang puntos lang naman ang mababawas sa atin at hindi naman gano'n kalaki 'yon," nagmamadaling sabi ni Iris.
Nanghihinayang man ay tumayo na si Casper at sumunod sa kanila.
Next station, cross the rope bridge.
Ngunit kailangan nila itong gawin na itsurang gagamba sa pagtawid. Wari ni Casper ay kasing haba ito ng sampung metro kaya't sa tingin n'ya rin ay makakaya na nila itong gawin lahat.
"Ako nang mauuna," sabi ni August bago sinimulang mag-itsurang gagamba bago dahan-dahang tumawid sa lubid. Sinundan naman nila ito at marahan sila sa bawat pagkilos dahil ang babagsakan nila sa ibaba ay malagkit na liquid. Hindi nila alam ang eksaktong tawag do'n pero sa tingin nila ay isang trap iyon na kapag nahulog sila ay hindi kami basta-basta makakaalis.
Maingat naman nilang narating ang dulo at iisa na lang ang natitira upang makompleto na ang task.
"Nagawa natin! Ngayon ay isang station na lang ang kailangan nating gawin para makompleto na lahat. Huwag na nating aksayahin ang natitira nating oras, magpatuloy na tayo." Tinanguan naman nila ang sinabing 'yon ni Iris at madaling pumunta sa kahuli-hulihang station.
Last station, question and answer game.
Madali lang sa tingin ni Casper ngunit nawe-weirduhan ito. Hindi n'ya alam na may ganito palang palaro sa obstacle course.
Nakalagay sa instructions na pawang katotohanan lamang ang isasagot nila at kung susubukan man nilang magsinungaling ay made-detect ito ng lie detector na nasa harapan nila na s'yang magreresulta sa invalidation hanggang sa maubos ang oras nila kung hindi sila magsasabi ng totoo.
"Ang weird ah," sabi ni Lucia.
"Psh, madali lang 'yan. Sasagutin lang naman natin ng totoo 'yong mga tanong e, and then done!" sabat ni Iris.
Umuna silang apat at nagpahuli si Casper. Lahat naman sila ay nakapasa sa mga tanong at si Casper na lang ang hinihintay nila kaya't bumunot na ito ng katanungan sa isang maliit na kahon.
Dahan-dahan n'ya itong binuklat at napatigagal ito sa kan'yang nabasa.
Nakapatay ka na ba?
Lumunok ang lalaki habang tinititigan ang mga nakasulat sa papel at nagsimulang dumagundong ang dibdib nito.
"Casper, ano na? Ba't parang gulat na gulat ka? Sagutin mo na 'yan at malapit nang maubos ang oras natin!" Rinig n'yang sambit ni Iris ngunit hindi n'ya ito pinansin.
Bakit may ganitong katanungan sa palarong ito? Sino ang gumawa ng larong ito? At bakit sa kan'ya pa natapat ang tanong na ito?
"Ano bang nakasulat sa papel, pre? Patingin nga." Inagaw ni Reign ang papel na hawak ni Casper at binasa n'ya ito.
"Oh, ang simple lang naman pala ng tanong e. Ba't hindi mo masagot? P'wedeng insekto ang napatay mo 'di ba? O baka naman, tao?" Matapos n'yang sabihin iyon ay nagtawanan sila.
Hindi n'ya alam kung nanunuya ba si Reign o ano.
Inagaw ni Casper sa kan'ya ang papel at sinamaan s'ya ng tingin.
Sinubukan n'yang pakalmahin ang kan'yang sarili at dahan-dahang iniawang ang kan'yang labi upang sumagot.
"Nakapatay na ako ng insekto pero hindi pa ako nakakapatay ng tao." Determinado n'yang sagot ngunit mas nabigla ito sa sumunod na nangyari.
Invalid ang sagot n'ya.
Paanong nangyari 'yon?
Napatingin si Casper sa mga kagrupo n'ya at hindi n'ya mawari kung ano ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.
"Hindi 'yan totoo," mahinang sambit ni Casper.
Maya-maya pa'y naramdaman n'yang dumampi sa batok n'ya ang isang malamig na hangin ngunit hindi n'ya 'yon inalintana.
Kasunod naman nito ay ang bumubulong na tinig sa kaliwang tainga n'ya na nagsasabing umamin na s'ya hanggang sa nagpaulit-ulit 'yon kaya nataranta ito at naglilikot sa kan'yang kinatatayuan.
"Umamin ka na!" Napahiga ito sa sahig nang isang napakalakas na tinig ang s'yang bumuhay sa buong sistema n'ya habang naglilikot sa paligid ang mga mata nito, hinahanap kung kaninong boses 'yon.
Nilingon n'ya ulit ang mga kasamahan n'ya at papalapit na silang lahat sa kan'ya habang may pag-aalala sa kanilang mga mukha.
Ngunit bago sila tuluyang makalapit kay Casper, isang napakapamilyar na mukha ng babae ang s'yang bumulaga sa kan'ya. Bali ang leeg nito gano'n na rin ang kan'yang mga braso pero walang kahit anong bahid ng dugo ang makikita sa kan'ya.
Pumaibabaw ito sa lalaki at sinimulan s'yang sakalin nito. Hindi s'ya makahinga sa tindi ng pagkakasakal nito sa kan'ya kaya impit lamang ang kan'yang pagsigaw.
"Tama naaa!" Buong lakas na sigaw ni Casper at itinulak ang babae nang malakas kasabay noon ang paglaho nito sa harapan n'ya.
Hinabol n'ya ang paghinga n'ya dahil sa tingin n'ya'y mauubusan s'ya ng hangin. Akala n'ya'y katapusan n'ya na.
"Casper, ano bang nangyayari sa'yo?!" Nag-aalalang tanong ni Lucia nang makalapit ang mga ito sa kan'ya. Umiling lang ito sa kanila bilang sagot.
Ang babaeng iyon... Ang babaeng iyon ay si Ma'am Helen na matagal nang pahanong patay ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin matahi-tahimik ang kan'yang kaluluwa't patuloy pa ring nanggugulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro