Kabanata 2: Paghahanda
Kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin sina Thalassa at Roma. Bukas naman ay mamimili sila ng extra snacks at instant foods para sa b'yahe at para na rin sa isang linggong pananatili nila sa nasabing lugar. Although, may mga pagkain naman talaga silang ihahanda para sa mga estudyante doon. Medyo maselan din kasi si Roma sa mga kinakain n'ya, hindi rin kasi ito madalas kumain ng gulay, pili lang.
"Tapos ka na ba r'yan, Roma?" tanong ng kambal nito.
"Malapit na ate," aniya.
"Bilisan mo na r'yan para makakain na rin tayo. Sumunod ka na sa baba, naghihintay na si mama't papa," utos n'ya bago tuluyang lumabas ng k'warto kaya naman minadali ni Roma ang pagsisilid ng mga damit sa bag n'ya. Matapos iyon ay mabilis n'yang kinuha ang cellphone n'ya at nagtingin ng messages.
As usual, nagkakagulo na ang mga kaklase n'ya sa gc, tungkol pa rin ito sa makakasama nila sa loob ng tent. Hindi naman nakisali ang babae sa kanila at patuloy lang sa pagsi-seen ng messages nila hanggang sa mag-pop up ang pangalan ni Anaya sa head chats ng messenger nito.
"Hoy isama n'yo ako sa tent n'yo ah?"
Sineen n'ya ito at mabilis naman s'yang nagtipa ng reply sa kan'ya.
"Oo naman. Sumama ka na rin sa amin bukas ni ate, mamimili kami."
"Sige." Nag-heart react na lang ito sa reply n'ya at pinatay na muli ang cellphone.
"Romaaa!" Narinig n'yang pagtawag ng ate sa baba.
"Nand'yan na ate!" Mabilis na s'yang tumayo at bumaba na rin upang saluhan sila sa mesa.
Pagbaba n'ya, nanlumo s'ya nang makita kung ano ang mga nakahain sa hapag-kaninan, veggies na naman. Ang ina nito ang naghahanda ng kanilang pagkain since pareho silang mahilig ng kan'yang kapatid sa healthy foods. Nakita pa nga nito kung paano magliwanag ang mukha ni Thalassa sa mga nakalatag na pagkain e. Nagtataka na lang si Roma kung ano bang ikinasarap ng mga gulay lalo pa't wala naman dito ang mga paborito n'ya. Ang mama n'ya talaga, pinipilit s'yang pakainin ng mga gulay na ayaw naman ni Roma.
"Kumain ka ng gulay, Roma ha?" Pinandilatan ito ng kan'yang ina habang binibigyan s'ya ng plato.
"Ma naman," pagreklamo n'ya.
"'Wag kang mag-alala anak, nagluto si papa ng paborito mo," wika ng kanilang ama na galing sa kusina habang dala-dala ang mga paboritong pagkain ni Roma sa magkabila n'yang mga kamay, s'yempre mga process food! Spoiled kasi ito sa ama since dalawa lang din naman silang magkapatid dahil cesarean ang kanilang ina kaya 'di na nagbalak pang mag-anak.
"Ini-spoil mo na naman ang anak mo, George ah. Kaya hindi 'yan natututong kumain ng gulay e, tingnan mo putlang-putla na ang batang 'yan," panenermon ng ina sa asawa.
"Binigay lang naman 'to ng boss namin, hon kaya niluto ko na para sa bunso natin. Sayang naman kung hindi kakainin at nakaimbak lang d'yan 'di ba?" Depensa nito habang inilalapag ang mga niluto n'ya bago naupo.
"Tama na 'yan, Ma, Pa. Kumain na lang po tayo." Pag-awat ni Thalassa sa dalawa kaya naupo na ang ina at nagsandok ng kan'yang pagkain, gayundin naman ang ginawa ng magkapatid bago nagsimulang kumain.
°°°
"Roma, limitahan mo nga ang mga kinukuha mong instant foods, 'yong masusustans'ya lang muna ang bilhin mo ngayon. Papagalitan ka na naman ni Mama kapag nakita n'ya ang mga 'yan pag-uwi natin." Napairap ito sa panenermon ng kan'yang ate. Sa isip-isip n'ya ay parehong-pareho talaga sila ng kanilang ina.
"Fine."
Kasalukuyan silang nasa grocery store at halos mapuno na ng junk foods ang tulak-tulak na cart ni Roma kaya't kinokontra na naman ito ni Thalassa. Pinaltan n'ya na lang ng biscuits ang ibang junk foods para hindi na ito magbunganga pa.
"Okay na kayo?" tanong ni Anaya na pabigla-bigla na lang ng sulpot, galing sa kabilang section. Tiningnan ni Roma ang cart n'ya at kalahati lang ang laman nito, 'di naman kasi s'ya gastuserang gaya ni Roma.
"Oo at ikaw na lang ang hinihintay namin para makapagbayad na sa counter," sagot ni Thalassa bago nangunang maglakad sa counter. Sumunod na rin naman ang dalawa dahil wala na naman na silang bibilhin ni Anaya.
Mabilis lang silang nakapagbayad dahil wala namang gaanong tao sa loob kaya't mabilis din silang nakalabas ng store. Nakalagay sa isang medium size box ang pinamili ng kambal habang malaking supot naman kay Anaya.
"Pa'no, uuna na rin ako sa inyo," wika ni Anaya nang marating nila ang gilid ng kalsada.
"Sige, kita-kits bukas!" Kinawayan ito ng kambal bago nagsimulang magmartsa paalis sa harapan nila.
Malapit lang naman ang grocery store sa bahay nila kaya nilakad na lang din nila ito pauwi.
Nang makarating sila sa bahay ay lumagok agad si Roma ng malamig na tubig dahil napakainit sa labas. Matapos iyon ay tamad itong umupo sa sofa at binunot ang cellphone mula sa kan'yang bulsa upang magtingin muli ng messages.
Naglabas na pala ng anunsiyo si Ma'am Jayla sa buong klase. Bale apat na guro ang makakasama nila sa camping. Sina Sir Sebastian, Sir Thomas, Ma'am Carmen, kasama na rin s'ya. Ipinaalala rin ni Jayla ang parental consent namin which is napapirmahan na ng kambal sa kanilang ina kahapon matapos nilang maghapunan, pati na rin ang kanilang mga ID. Ang tagpuan, sa school.
Bago lang para kay Roma ang camping activity na 'yon at hindi n'ya alam kung mag-e-enjoy ba s'ya rito kaya nga sasama ito upang malaman n'ya.
Muli itong napatingin sa sumunod na mensahe ni Jayla.
"Pinayagan na rin pala tayo ng principal na sa camping site nina Colin ganapin ang aktibidad na ito." Maraming natuwa sa announcement na 'yon at mukhang excited na excited na talaga sila.
"Oy pre, safe ba r'yan? Baka may aswang d'yan ah?" pagbibiro ni Julian na s'ya namang tinawanan ng mga kaklase n'ya sa pamamagitan ng pag-react nila.
"Lol, safe at maganda rito sa lugar namin. Siguradong mag-e-enjoy tayong lahat dito," pag-reply ni Colin.
Hinayaan n'ya na ang mga ito at isinara na lamang ang cellphone. Hindi na ito nagbabad pang masyado sa paggamit nito dahil matutulog s'ya nang maaga para bukas, medyo excited ito.
Umuna na itong umakyat sa taas, inaayos pa kasi ni Thalassa ang mga pinamili nila at maya-maya rin naman ay susunod na s'ya.
Nahiga si Roma sa kama at tumitig sa puting kisame. Muli n'yang naalala ang sinabi ng baliw na pagala-gala sa harap ng campus nila kahapon. Sa dami-rami ng p'wedeng sumagi sa isipan nito ay 'yon pang baliw na 'yon at naiinis din ito dahil hindi nila magawang mapaalis ang isang 'yon.
Hindi man dapat s'yang paniwalaan dahil nga isa s'yang may sira sa ulo pero magpahanggang ngayon ay natatakot pa rin si Roma sa mga sinabi n'ya.
Sino naman ang tinutukoy nitong papatay sa kanila?
"Tch, nag-aaksaya lang ako ng oras kaiisip sa baliw na 'yon," bulong nito sa kan'yang sarili.
Kinuha n'yang muli ang cellphone n'ya upang magpatugtog para kahit paano'y makatulog ito. Pinikit n'ya na ang kan'yang mga mata at hindi nagtagal ay hinila na rin s'ya ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro