C9: She Who Mourns
"There is no grief
like the grief that
does not speak."
- Henry Wardsworth Longfellow
●●●
Sy's Point of View.
Mabilis kong ipinasok at ipinagsiksikan ang aking mga damit sa loob ng bag. Patuloy lamang sa pag-agos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi maaaring mawala si Froy. That's impossible for god's sake.
"Love-"
"Don't call me that. Wala na tayo remember?" sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.
Pinilit kong pagkasyahin ang mga damit at gamit sa loob ng bag pero hindi ako nagtagumpay.
"Bwiset!"
Tinapon ko ang iilan sa mga damit hanggang sa masara ko na ng maayos ang bag ko. Kailangan ko nang makaalis dito. I don't want to die!
"Sy, come here."
Mabilis n'ya akong hinigit palapit sa kanyang dibdiban at niyakap ng mahigpit.
"Let go of me, Jade. I don't have time for this!" I said, continuously punching his chest.
"But I have so let me hug you."
"Why are you doing this?"
"Because I love you and I know you need a hug right now," marahan n'yang hinaplos ang aking buhok.
I pressed my face unto his chest and cried until his shirt got wet. Natatakot akong malaman ng lahat ang katotohanan tungkol sa akin at sa amin ni Jade. Yun ang sikreto na matagal ko ng tinatago sa lahat ng tao at tanging dalawang tao lang ang nakakaalam ng karumal-dumal na ginawa ko.
I can't even sleep straight at night for a month because of what I did that's why I have to take some sleeping pills para makatulog ako ng mahimbing sa gabi. Patuloy pa rin akong hinahabol ng konsensya ko gabi-gabi. Palagi ko pa ring naririnig ang kanyang iyak.
Huminga ako ng malalim at kumawala sa kanyang yakap pagkatapos.
"I'm fine now. T-Thanks, Jade."
He smiled lazily and put my hair at the back of my ear.
"Always welcome love."
Kumunot ang aking noo dahil sa endearment na tinawag n'ya sa akin. I already moved on. Mukhang s'ya na lang ata ang hindi pa.
"Please don't call me that," ani ko at mabilis na isinuot ang strap ng bag sa aking balikat. "We have to go now or else we'll be forced to play the stupid game."
Tumango s'ya at mabilis akong sinundan. Bumalik s'ya sa sala para kunin ang kanyang bag. Ganun rin ang iba sa amin. Nakita ko si Alden at Krista na inaayos ang living room. Mabilis lang ang ginawa nilang paglilinis. Kapansin-pansin rin ang katahimikan ng dalawa, hindi talaga sila nagpapansinan kahit na madalas silang magsama sa iisang clubroom at kwarto. I don't think they hate each other. Sadyang tahimik lang talaga ang dalawa. Mabuti at hindi sila napapanisan ng laway sa tuwing may meeting sa clubroom.
"Dahan-dahan lang, pre," boses ni Kyle.
Napatingin ako sa itaas at nakita si Mike at Kyle na pinagtutulungang buhatin ang katawan ni Eireen gamit ang isang malinis at puting kumot. I can't believe that Eireen is already dead. Hindi rin ako naniniwala sa bintang ni Jade kay Mike. I know Mike, he doesn't to hurt girls, paano na lang kaya kapag jowa n'ya ito. But Jade sounds so sure when he threw his brave accusations at him.
"Sy," tapik ni Christine sa balikat ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
"Bakit?"
"Puwede bang makisakay muna ako sa inyo pauwing boarding house?"
"Oo naman, pero hindi ba kayo sabay ni Kyle pauwi?"
Ang alam ko kasi magka-boardmate lang sila.
She shook her head. "Nakita mo naman siguro na tinutulungan n'ya si Mike kay Eireen. Ayaw kong sumama sa morgue. Nakakatakot."
Halata talagang matatakutin itong si Christine dahil sa sobrang hinhin.
Ngumiti ako at tumango. "Sure, no problem. I'll ask Hana pero sigurado ako na sasang-ayon naman siya."
"Dahan-dahan lang, Brylle," boses iyon ni Hana. Inaalalayan n'ya ang jowa habang pababa ng hagdanan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kanyang paa.
"Anong nangyari sa kanya?" bulong ko kay Christine.
"May dare kagabi si Daniela. Hindi ko alam kung ano ang nakasulat doon, but she smashed Brylle's leg for so many times hanggang sa mabali ang mga buto nito sa paa. Nakakakilabot," may takot sa kanyang boses.
"N-Nakita mo ba ang buong pangyayari?"
She nods slowly like it was the scariest thing she'd seen before.
"Ayoko na sanang pag-usapan pa," aniya at agad na nag-iwas ng tingin.
"Naiintindihan ko. Pasensya na at natanong ko pa."
Natapos na ring mag-ayos ng kanyang gamit si Jade. "Tara na?"
"Sasabay ka ba sa sasakyan namin?" pagtataka ko.
Magkaiba kami ng sinakyan kahapon bago nakarating dito. Dinala niya mismo ang sarili niyang sasakyan kasama si Krista at Daniela at andun naman ako kila Brylle at Hana.
"You should go with me," aniya na parang nang-uutos ang boses.
"Christine will be going with me. Kaya kung sasama ako sayo, malamang sasama rin sya sa akin."
Baka may gawin pa s'yang masama sa akin. I can't afford to let that happen. He heaved a sigh and scratched his head, leaving him no other choice but to do what I said.
"All right, Christine can come as well. Let's go."
"Magpapaalam muna ako kay Hana na hindi ako sasabay sa kanila."
Palabas na kaming lahat ng bahay nang bigla-bigla na lang umulan ng napakaraming flashcards mula sa itaas. Agad kaming napatingin doon pero wala kaming nakita niisang anino ng tao na nandun. Kahit nga si Brylle na hindi makalakad ng maayos ay nagawa pang magreklamo dahil sa dami ng flashcards. Reklamo rin ang ginawa ni Krista at Alden dahil katatapos lang nilang linisin ang living room.
"The shit is this?" mura ni Kyle na agad dinampot ang nagkalat na flashcards.
Kunot noo n'ya itong binasa tsaka nya ako tinignan ng mabuti.
"W-What?" kabado kong tanong sa kanyang nakakatakot na tingin.
"It's for you," nilahad ni Krista ang isa sa mga flashcard na pinulot n'ya.
Truth:
Sy. Have you ever aborted your child last month?
Napalunok ako ng ilang beses. Ilang ulit kong pinaglipat-lipat ang aking tingin sa index card at sa mga kaibigan ko. Isa-isa na rin silang pumulot ng index card pagkatapos.
"Y-You aborted your child?" tanong ni Christine sa akin.
Napatingin ako kay Jade na agad ding nag-iwas ng tingin. Fuck him and his fucking pride.
"No! Bakit ko naman gagawin yun?"
Natatawa kong tinapon ang card pero hinigit ako ni Kyle pabalik sa loob.
"Bitawan mo nga ako Kyle. Ano ba!"
"You have to tell the truth. We'll accept whatever you say, just tell us the truth," pagmamakaawa nito.
Pinilit kong pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. This is the darkest secret that I was keeping until my last breath... until I die. Hinukay ko na ang sarili kong libingan para ibaon ang sikretong iyon, kasama ako at ang anak ko... na pinatay ko.
"Did you or did you not?" matigas na tanong ni Alden sa akin. "Answer, 'cause you only have 2 minutes."
Marahan akong tumango at napaluhod sa sahig. "I-I did. I'm sorry. I killed her. I killed my baby."
Naramdaman ko ang awa nilang lahat sa akin. Lalo na si Hana, she's my closest friend aside from Froi. She was looking at me like I'm the dirtiest person she had ever met.
"Y-You killed your baby? For what reason, Sy?" she asked, dismay.
Naglakad s'ya palapit sa akin. Halata sa kanyang mga mata ang galit at inis.
"I have to. I have no choice. I have nowhere to go. Itatakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang buntis ako," hagulhol ko.
"I can't believe you. I thought you're different but I am always wrong when it comes to choosing friends," malamig nitong sambit at muling binalikan si Brylle at Daniela sa loob ng kotse.
"Sino ang ama ng dinadala mo noon?" si Krista na inalalayan akong tumayo.
Naglahad siya sa akin ng puting panyo pamunas sa basa kong mata.
"I can't tell you that. I already answered the question. It's the truth. Sapat na ang katotohanan na iyon."
Hinugot n'ya ang kanyang cellphone mula sa bulsa n'ya at ipinakita ang mensahe sa akin.
"I'm not asking you because I'm asking you. I'm asking because the game is asking you to tell us who."
Sabay-sabay na tumunog ang kanilang mga cellphones dahilan para basahin nila ang mensahe nito.
"Answer it, Sy," mahinang sabi ni Christine. Takot na takot n'yang tinignan ang kanyang screen. "You have 30 seconds left."
Napatingin ako kay Jade. Minatahan n'ya ako na huwag kong sabihin pero gusto ko pang mabuhay para sa sarili ko at para sa pamilya ko. Dahan-dahan, unti-unti kong inangat ang aking kamay para ituro ang lalaking nakatayo sa aking gilid.
"S-S-Si Jade," I replied.
The wind suddenly blow hard at papasok ang malakas na hangin sa loob ng pulang apartment dahilan para magkalat lang lalo ang flashcards.
"Jade told me to abort our baby," basag na basag ang boses ko ngayon dahil sa tensyon. "H-He told me na ipaabort ko na lang daw iyon dahil hindi n'ya kayang buhayin ang bata."
"And you agreed?" singhal ni Kyle.
Tumango ako, patuloy pa rin sa pagdanak ang malalaki kong luha.
"I did. Kung hindi ko gagawin palalayasin ako ng mga magulang ko. Hindi ko yun kaya. Ayokong masira sa kanila."
Niyakap ako ng mahigpit ni Christine. Patuloy niyang hinagod ang aking likuran hanggang sa huminahon ako ng tuluyan.
Nanatiling nakatayo si Jade sa gilid namin. Ni-hindi n'ya magawang magsalita dahil sa katotohanang sinabi ko sa kanila. Matagal na n'yang pinaka-iingatan ang kanyang pangalan bilang isang simpleng estudyante at honor student. At ngayong nasabi ko na ang pinaka-duming sikreto na maglulugmok sa kanya sa lupa, hindi ko na alam kung paano ko pa s'ya haharapin at kakausapin.
Kaya ayaw kong maniwala sa bawat salita na kanyang binibitawan. Dahil kung may malasakit siya sa akin at sa anak ko, at kung mahal niya nga talaga kami pareho, pinanindigan niya sana ang magiging anak namin. Pero siya pa ang nagtulak sa aking ipalaglag ang bata.
Ang walang malay na buhay.
"You goddamn bastard."
Mabilis na lumipad ang kamao ni Kyle papunta sa mukha ni Jade. Nasaktan siya sa sarili niyang ginawa dahil hindi pa tuluyang gumagaling ang napaso n'yang kamay.
"Akala ko wala kang tinatagong baho sa likuran mo. Mas masahol ka pa sa tae ng aso, Jade!"
Mabilis kaming tinalikuran ni Kyle palabas ng pintuan.
"Umalis na tayo. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito," sambit ni Alden at mabilis na hinila si Krista palabas.
"Umalis na rin tayo, Jade at Sy. Kailangan na nating umuwi," sabi ni Christine na sinang-ayunan ko naman.
Napahawak sa kanyang duguang nguso si Jade dahil sa pangalawang suntok na tinamo n'ya ngayong araw.
I'm sorry, Jade. I'm sorry... but you deserve more pain than those punches.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro