Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C8: Two Sides

"Every coin has two sides,
just like most people
have two faces."

●●●

Hana's Point of View.

Isang boses ang narinig ko mula sa aking tabi. Napalingon ako sa babae na hinahaplos ng dahan-dahang ang aking buhok. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at napatingin sa kanya.

She was smiling at me.

"Why are you here?" bumangon ako at naupo ng maayos.

Mukhang nakatulog ako ng mahimbing dahil sa tatlong sleeping pills na ininom ko kanina. I looked around the room pero wala na si Brylle sa tabi ko. Baka lumabas muna saglit upang magpahangin.

Hindi pa rin s'ya umimik.

"Anong ginagawa mo rito?" I repeated. "Baka hindi ka nakakaintindi ng English kaya tatagalugin ko na para sayo."

Bakit ko nga ba s'ya tinatarayan? We were friends before, but she changed nung naging sila na ni Michael. Simula nang nalaman ko ang kanyang sikreto naging iba na ang pakikitungo n'ya sa akin na para bang hindi n'ya ako kilala.

Nabalitaan ko ang tungkol sa mga bago n'yang designer's bag and luxurious eat and dine sa isang resto. Pinaniwalaan ko ang lahat ng iyon kasi totoo naman, but I never accepted the fact that she was Brylle's ex girlfriend. The only truth that I will never accept.

"Gusto lang kitang makita sa huling pagkakataon," sagot n'ya matapos ang nakakabinging katahimikan.

"Bakit? Saan ka ba pupunta?"

"I wanted to say sorry to you for the last freaking time," natatawa n'yang sambit. "Feeling ko kasi hindi na ako magtatagal pa kaya gusto ko sanang humingi ng tawad sayo."

Kumunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasasabi mo riyan?"

Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay at tinignan ako sa mga mata.

"I just wanted to say sorry. It's true, Brylle was my first love and I loved him. Past tense. I was awkward when I found out that you and him are together now. Kailangan kong umiwas, isang malaking tukso si Brylle at alam mo yan, Hana. You fell for his charm and so I did five years ago."

Huminga sya ng malalim at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"But like what I said, limang taon na ang nakakaraan, Han. Nakamove on na ako at sana ikaw din. Sana makamove on ka rin sa akin," her lips formed a lazy smile.

"I'm sorry if naramdaman mo na wala kang kwentang kaibigan dahil iniwasan kita. Mahal kita kaya ayokong masaktan ka dahil sa akin kaya ako na ang kusang umiwas para sa ikasasaya niyo."

"Why are saying sorry in this kind of time? Napaka-wrong timing mo ha, kinakabahan ako sayo," pumiyok ang boses ko dahil sa kaba.

I feel like crying.

"I have to say this before it's too late. Kailangan kong humingi ng tawad sayo bago ako umalis."

My tears were falling from my eyes. I've done it. I've cried. After years of waiting to hear her side, ngayon lang sya nagkalakas loob na sabihin ang lahat ng ito sa akin. It was all for my own good. But why do I feel like she's going far far away. Parang hindi ko na s'ya makikita ulit habang buhay.

"I'm also sorry," I said.

Pinilit kong patatagin ang boses ko but I failed miserably.

"I'm also sorry. I'm sorry for the things I've done. I didn't know that you were just being a good friend to me all these years."

She wiped my tears using her cold fingertips. "It's fine. Thank you for being part of my life, Hana. I will miss you," she kissed my cheeks, hugging me tightly.

Her body was so cold like a corpse.

"Thank you, Eireen."

***

HINGAL NA HINGAL akong nagising dahil sa makatotohanang panaginip. Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdamang basa iyon.

I was crying.

My dream feels real. Totoong nalungkot ako, totoong nagsorry si Eireen sa akin, totoong nayakap ko s'ya, at totoong umiyak ako. Sa gitna ng paniniwalang totoo ang mga iyon, napagtanto ko rin na sobrang lamig ng pakiramdam ko ngayon na para bang niyayakap ako ng isang malamig na tao.

"Are you okay?" tanong ng isang boses.

Agad akong napatingin sa may pinto. Nakapatay ang ilaw sa loob ng kwarto kaya yung ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag papunta rito sa loob. Tumango ako at mabilis na pinunasan ang aking luha.

"Why are you crying?"

"Masamang panaginip."

"Masama nga ba o malungkot?"

Tinignan ko s'yang mabuti. I can't clearly see her face but I know her voice.

"I'm fine, Sy. You have nothing to worry about."

Marahas syang bumuntong at naupo sa bakanteng kama. "Mukhang nakatulog ka ng mahimbing kanina dahil sa sleeping pills na binigay ko. Hindi ko akalain na iiyak ka paggising mo."

Bigla kong naalala ang pagsosorry ni Eireen sa akin. Pupuntahan ko s'ya mamaya at magsosorry ako ng personal.

"Sy."

"What?"

"I'm sorry for raising my voice at you kanina. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko dahil sa patong-patong na problemang dumadagdag at sa katotohanang nalaman ko," paghingi ko ng paumanhin.

She smiled at me. "It's okay, Han. I understand. Some truths are always painful."

Agad ko s'yang niyakap ng mahigpit. Ayaw kong kumawala sa ganitong posisyon. I missed hugging my girl friends so much.

"Tara, let's go outside," aniya at matapos kumawala sa yakap. "Magkape muna tayo, okay?"

Nakangiti akong tumango tsaka siya sinundan palabas ng kwarto namin. Napatingin ako sa labas ng bintana. Tumigil na ang malakas na ulan pero madilim pa rin ang kalangitan.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya nang makababa kami ng hagdan.

"It's 4AM."

"Tayo pa lang ba ang gising?"

"Tayo lang naman ang nakatulog ng mahimbing. Hindi nakatulog ang iba sa atin dahil sa dami ng nangyari kagabi," sagot n'ya. Nauuna pa rin s'yang maglakad kesa sa akin.

Parang may problema si Sy ngayon.

"Sy," hinigit ko sya paharap.

Dun ko lang namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"A-Anong nangyayari? Why are you crying?"

"W-Wala ito..." aniya at agad na pinunasan ang mga mata gamit ang kanyang damit. "Naalala ko lang bigla si Froy."

Nalungkot ako. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa nangyari. Hindi ko maatim isipin na and'yan lang s'ya sa labas habang nakatuhog ang katawan sa isang matulis na bakuran.

"L-Let's have some coffee, okay?"

Tumango s'ya. I pulled her wrist papuntang kusina when we both heard a loud noise coming from upstairs.

"ANO ANG GINAWA MO?! WHY DID YOU-"

"I didn't kill her, fuck you!"

"S-Si Mike at si Jade yun, a!" sigaw ko.

What's happening? Who got killed while I was sleeping?

Nagsiakyatan kami papunta sa kwarto nila. Agad kong binuksan ang pintuan ng walang pasumangil. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ang nakahandusay na bangkay ni Eireen sa isang malaking palanggana.

"It was the dare!" asik ni Michael at ipinakita pa sa amin ang index card na may sulat dugo. "See? It was a dare! Paggising ko ay ganito ko na s'ya naabutan pa. Why are you blaming me?!"

"Oh my god, Eireen!" natatarantang sigaw ni Christine tsaka nilapitan ang katawan na nakababad sa tubig at dugo.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ang mukha niya. Para lang s'yang natutulog ng mahimbing dahil sa kanyang itsura. Naiiyak kong nilapitan ang kanyang bangkay kasama ng iba.

"You left me. That dream, that was your last appearance."

Kahit sobrang lamig at napakadumi ng kanyang bangkay dahil sa malagkit na dugo ay niyakap ko pa rin siya. Basang-basa na ang damit ko ngayon.

"Eireen, why do you have to leave so soon?" hagulhol ko yakap-yakap ang kanyang katawan.

"Let's get out of here," sabi ni Kyle, gulantang pa rin ang itsura ng makita si Eireen.

Nanggalaiti ako sa sobrang galit at inis. "Paano ang katawan ni Eireen? Iiwan na lang ba natin s'ya rito?"

"Let's report this to the police," suhestyun ni Jade at matalim n'yang tinitigan si Mike na nasa harapan n'ya lang. "Para malaman natin kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kanya."

Michael gritted his teeth and throws a punch at Jade's face.

"FUCK YOU, JADE! FUCK YOU!"

Isang suntok ang muli nitong pinakawalan sa kanyang mukha.

"TUMIGIL NA NGA KAYO!" galit na sigaw ni Daniela.

Agad nilang pinagitnaan ang dalawang lalaking nagsusuntukan.

"Ano ba ang sinasabi mo, na ako ang pumatay sa sarili kong nobya?!"

Jade touch his ripped mouth. "Wala akong sinabing ganun. Ayaw mo bang malaman kung ano talaga ang nangyari at kung sino ang pumatay sa kanya?"

I also believe Mike's words. Mahal na mahal n'ya si Eireen at malamang hindi n'ya ito kayang patayin. Ni hindi niya nga hinahayaan na madapuan ng langaw ang kaibigan ko.

That's because he loves her so much.

"That won't do, it's the dare right?" sabi ni Christine. Halatang may kaba at takot sa kanyang boses. "K-Kung yung dare nga ang may gawa, hindi tayo paniniwalaan ng mga police."

Nakayakap pa rin ako sa bangkay ni Eireen. Wala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko. Naubos ko na yata. I have no more tears to cry. My eyes were dry as fuck.

"Tama si Christine. We're just drunk college students na nakadrugs. Yun ang palaging konklusyon ng awtoridad sa mga gaya natin." dahan-dahan kong nilapag ang katawan ni Eireen sa malamig na tubig bago tumayo.

"So ano ang gagawin natin ngayon? I can't leave Eireen. We can't leave her. Pati si Froy. Ano na, ano na ang gagawin natin?!" natataranta s'yang naglakad ng paikot-ikot sa maliit na espasyo ng kwarto.

"We'll bring her over to the morgue immediately," sabi ni Alden.

Hindi ko man lang napansin na andito pala s'ya sa loob.

"Ang problema nga lang ay hindi ko na mahagilap ang bangkay ni Froy."

Kumunot ang noo naming lahat.

"W-What do you mean?" Daniela's voice quavered.

"Lumabas ako kanina pagkatapos tumila ng ulan pero hindi ko na mahanap ang bangkay ng kaibigan natin. It disappeared."

"What do you mean it disappeared? Parang bula ganun? Nawala na lang ng basta-basta ang kanyang katawan na nakatuhog d'yan sa labas?"

As far as I can remember, Froy and Sy shared a tight bond before. Bago pa kami naging magkaibigan nitong si Sy, magkaibigan na sila ni Froy.

"I can't believe this," natatawa n'yang hinawakan ang kanyang ulo. "The fuck is happening in this house! Aalis na ako, shit!" padarag s'yang lumabas ng pinto na agad namang sinundan ni Jade.

"N-Nawala ba talaga ang katawan n'ya?" tanong ni Christine kay Alden.

He nods. "I'm sure of it. My eyes never played tricks on me."

"Baka mawala rin ng kusa ang bangkay ni Eireen kapag iniwan natin dito," Michael casually said while looking at his girlfriend.

Matalim ko s'yang tinitigan. "How could you say that? You have to bring her back at sabihin sa mga magulang n'ya ang nangyari!"

"Have you forgotten already? Eireen doesn't have parents anymore. Yung stepdad nyang basagulero iniwan sya. Wala na s'yang pamilya at tanging tita na n'ya lang ang bumubuhay sa kanya..." his fist clenched. "And that stupid motherfucking lover."

"Kahit na. Alam kong galit ka dahil sa mga nalaman mo pero hindi iyon sapat para iwan si Eireen dito!"

"ALRIGHT! FUCK!"

Napapikit ako ng mariin nang bigla n'ya akong murahin. Ni minsan ay hindi ko pa s'ya narinig na magmura o magalit ng ganito sa isang babae. Madalas s'yang kalmado at nakangiti kapag kaharap kaming lahat. Yun ang Michael na kilala ko, ang Michael na nakasanayan naming makita.

Totoo nga talaga ang sinabi n'ya noon sa akin. Humans have two sides. The side that they want you to see and the side that they don't want you to see.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro