C7: The Good Student
"A good student is good
at all things except for
hiding his darkest secrets."
●●●
Christine's Point of View.
Sinamahan ko muna si Daniela sa kanyang kwarto. Matapos ang nangyaring iyon, hindi ko na alam kung makakatulog pa ba kami ng mahimbing nito pag-uwi bukas.
Kung makakauwi pa kami.
"Ayos ka na ba?" tanong ko matapos ko s'yang abutan ng malamig na tubig.
Marahan s'yang tumango at nilapag ang baso sa side table. "Ok na ako. Salamat, Christine."
"Magpahinga ka muna. Babantayan na lang kita hanggang sa makatulog ka."
Umiling siya sa alok ko. "Kahit naman gustuhin kong matulog babangungutin lang ako dahil sa ginawa ko kay Brylle kanina."
Her lips were so pale, she's sweating from head down to her chin, and her hands were desperately shaking. Hinawakan ko iyon, halata sa kanyang itsura ang gulat dahil sa ginawa ko.
"Everything's going to be fine," I said to calm her down.
"It's all my fault," she starts crying. Tears slowly ran down from her eyes. Napayuko s'ya at mas hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. "Kasalanan ko ito. If I only knew that this would happen, I never would have invited him to come here."
An image of Brylle and her popped up in my mind.
"I'm sorry to ask you at a time like this. Alam kong wrong timing kung tatanungin ko ito pero may relasyon ba kayo ni Brylle?"
Nanigas siya sa tanong ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay niya dala ng pawis at kaba. Her nails dug deeper on my palms.
"A-Aray, yung kamay ko, Daniela," reklamo ko at napatingin dun. Halos ibaon nya sa palad ko ang sariling kuko dahil sa inis.
"How did you know that? May sinabihan ka pa bang iba tungkol dito?" nanlisik ang kanyang mga mata.
Halos hindi ko na makilala si Daniela. Para siyang papatay ng tao, parang kaya n'ya akong patayin sa kanyang tingin. Nakakatakot.
Umiling ako kaagad dahil sa takot. "W-Wala. Wala talaga promise. Bitawan mo na ako!" Angil ko at agad na binawi ang palad na ngayon ay duguan dahil sa sugat.
Peste, ibinaon talaga ng bruha ang kanyang kuko ha!
"If you will tell anyone about this especially to Hana, I will kill you," nakaturo n'ya akong binantaan.
Umalis s'ya ng kwarto at malakas na isinara ang pinto. Kabado kong tinignan ang nanginginig kong palad. Patuloy sa pagdaloy ang tumutulong dugo papunta sa suot kong kulay asul na palda.
"What's up with her?"
Ako na nga itong tumulong, ako pa itong nasaktan. Ako na nga itong nagmalasakit, s'ya pa itong galit. Napangiwi ako dahil sa inasta ni Daniela sa akin kanina.
Ang sasama talaga ng mga tao kahit kailan.
Jade's Point of View.
"Fuck it. Fuck it!" malutong niyang mura.
"Relax lang, pre. Mas mabuti nga ito kasi nabalian ka lang ng buto, napilayan ka lang pero hindi ka pa patay. Buhay ka, yun ang importante."
"Hindi kasi ikaw ang napilayan, Jade. Hindi mo ako maiintindihan. Napakaimportante ng baseball sa akin!" singhal n'ya.
"Alam kong importante yan sayo, pero mas mabuti nang pilay ka kesa patay ka," mariin kong dinukdok sa kanyang kokote ang salitang patay at buhay.
Hindi n'ya ba magets ang pinupunto ko rito? Kahit nga ako na ilang beses nang binugbog ng ama ay hindi ko pa rin nagawang magreklamo kaya naman lumayas ako ng bahay nung matuto akong mamuhay mag-isa. Kakaiba nga lang ang naging pamamaraan ko para mabuhay sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
"Tama si Jade, Brylle," anito ni Kyle na pinagpatuloy ang panggagamot sa kanyang pilay. "Napilay ka lang. Hindi ka pa patay."
Brylle clenched his fist and gritted his teeth habang pinagmamasdan ang ginagawang panggagamot ni Kyle sa kanyang tuhod.
"What about your hand? Maayos na ba yan?" tanong n'ya.
Tumango si Kyle, hindi n'ya pa rin kami magawang tingnan.
"Okay na, mahapdi pero at least naghihilom."
Naupo ako sa kama at pinagmasdan ang kanyang ginagawa.
"Hindi ko talaga mapapatawad si Daniela. Fuck her. She screwed me, I will screw her for good," matigas n'yang banta sa hangin.
"You can do that if you also want to ruin Hana's reputation as a good daughter."
Hindi lang sikreto ni Eireen ang alam ko. Marami pa akong alam na maruruming sikreto tungkol sa ibang tao maliban sa miyembro ng club na ito.
***
Aksidente kong nakita si Eireen sa paradahan ng jeepney. Akala ko papara s'ya ng jeep, pero ilang beses nang may dumaan pero hindi pa rin s'ya sumasakay. I approached her that day since we already know each other. Pinakilala s'ya sa amin ni Michael noon sa university. Napansin ko rin na bihis na bihis siya nang araw na yun. Suspetya ko ay may date sila ni Mike.
"Eireen," I called to get her attention.
She looks like she had seen a ghost when she saw me approaching her.
"J-Jade, anong ginagawa mo rito?"
Tumingin-tingin s'ya sa aking likuran.
"Sino ang kasama mo?"
"May binili lang ako sa mall kanina. Pauwi na rin ako, ikaw?"
"M-May hinihintay lang akong sundo. Sige."
Mabilis s'yang umalis at agad na itinapat ang kanyang cellphone sa kabilang tenga. Mukhang may katawag. Sinundan ko sya kung saan man sya pupunta dahil sa kuryusidad ko. She was acting strange when she saw me. Maybe she's hiding something in her sleeves at dapat ko iyong malaman. Baka ikayaman ko pa ang sikreto niya.
Sa pagsunod ko kay Eireen, napadpad ako sa isang restaurant. Oo, isang magarang restaurant kung saan tanging mayayaman lang ang nakaka-afford at nakakakain.
Sumilip ako mula sa pader at nakita ng dalawang mata ko ang paghalik ng lalaki sa kanya. Mabilis kong hinablot ang aking cellphone mula sa bulsa at agad silang kinuhanan ng litrato. Ang laki ng ngisi ko when I found out that she was having an affair sa mas matanda sa amin ng ilang taon.
I approached her after they finished eating. Gulat na gulat s'yang makita ako doon sa restaurant. And there it was, I threatened her to get I want. Muli akong namuhay sa pera ng iba at hindi ko na iyon kailangang paghirapan pa. Dumadating ang pera kapag pinapadalhan s'ya ng lalaki at kung gipit naman ako, ginagamit ko yung litrato laban sa kanya kaya naman napipilitan s'yang magpadala ng pera sa akin.
***
Ganun ang naging buhay ko sa loob ng pitong taon.
Same goes to my college professors. I'd threaten them kapalit ng pagtago ko sa madumi nilang sikreto. And there's only one person who knows every trump card I have.
"Wala akong intensyon na sirain ang reputasyon n'ya. Gusto ko lang sirain si Daniela," galit niyang sagot.
I shrugged. "Ikaw bahala. Kapag sinira mo si Daniela, masisira rin si Hana and the cycle goes on and on. Maghihilahan lang kayong tatlo pababa."
"At lugi ka kasi hindi ka na makalakad pa," dagdag ni Kyle na napapailing na tumayo.
"So what the fuck should I do to get her out of my life? To get my revenge on her?"
Bakit ba ang hilig suminghal ng isang ito? Hindi naman kami bingi ni Kyle at ang lapit-lapit lang naman namin sa isa't-isa.
"Kill her," isang boses ang narinig ko mula sa labas.
Niluwa ng pintuan si Krista na may hawak pang netbook.
"Anong sabi mo?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"What?"
"You just said something, didn't you?" I asked.
"I didn't say anything. Dumaan lang ako ganyan ka na makatingin sa akin," walang gana nitong sagot.
Guni-guni ko lang ba yung narinig ko? I'm pretty sure that I heard a voice but I'm not sure if it was her.
"N-Nevermind," I let it slipped.
Napatitig s'ya sa paa ni Brylle na may kahoy at telang nakatali. Katatapos lang din s'yang gamutin ni Kyle.
"What happened to your foot?" walang emosyon n'yang tanong dito na para bang nakatingin s'ya sa isang walang kwentang bagay.
"Hinampas ng baseball bat."
"Ganun ba," may kung ano siyang tinatype sa kanyang laptop.
"Nagsusulat ka pa rin ba ng blog kahit na sobrang sama na nangyayari rito?"
Inis na inis ko s'yang tinignan sa kanyang walang pakealam na mga mata.
She nods. "I have to. It's part of the club's anthologies. Kahit wala na si President, kailangan ko pa ring isulat ang bawat detalye dahil ito naman talaga ang pinunta natin dito in the first place."
Kyle clicked his tongue. "Heartless."
Napairap si Krista sa kanya at muling tinignan ang kanyang netbook tapos ay sa paa ulit ni Brylle.
"Who did that to you?"
Parang nagjojob interview lang, e. Marahas na bumuntong si Brylle bago sumagot.
"Si Daniela."
She yawned for a sec like everything was boring. Definitely boring. Madalas talaga akong mawirduhan sa babaeng ito kaya takot na takot akong lapitan s'ya. Pero bulag yata ang ibang tao dahil sa maganda niyang mukha dahil marami-rami pa rin ang nagkakamaling mahulog sa kanya.
"Matutulog muna ako, malapit na mag hatinggabi. You all need to rest," aniya atsaka nilagpasan ang kwarto namin.
Agad akong tumayo para isara ang pinto. Baka sakaling marinig niya kami. Napakawirdo n'ya pa naman.
"Is it just me or she's acting normally strange?" Brylle asked.
"She's not that weird. She's just quiet, normal yun sa kanya hindi ba?" Kyle commented.
"Sino pa ba sa atin ang hindi nakakatanggap ng Truth or Dares?"
Nagtinginan sila pareho bago ako sagutin. Si Kyle na yung sumagot.
"Ikaw, si Krista, si Christine, si Michael, si Sy at si Alden."
Nahiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. I'll do any dares kahit saksakin ko pa ang sarili ko, but I will never tell any truths about me and my past.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro