Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C4: Dead Truth

"A truth that is told with
a bad intent beats all
the lies you can invent."
- William Blake

●●●


Christine's Point of View.

"Eat Kyle's skin in 5 minutes," sabi ni Brylle habang binabasa ang nakasulat sa index card.

Napansin ko ang masuka-sukang reaksyon ni Hana after he said that. Naaamoy ko pa rin hanggang ngayon ang pagkaluto ng balat ni Kyle. Hindi ko akalain na magagawa n'yang lutuin ang sariling palad.

"That's insane. Hindi nga ako kumakain ng karne, Brylle, balat ng tao pa kaya?" matigas nitong sambit.

Agad siyang lumabas ng kusina upang magtungo sa hagdanan tsaka siya sinundan ni Brylle palabas.

"Kyle, ano bang nangyari d'yan sa kamay mo?" tanong ko ng makalapit sa kanya.

"It's the dare," he said. "Kagaya ni Hana, nakita ko rin ang nakasulat sa papel na para sa akin. Binalewala ko iyon kasi akala ko wala lang. Akala ko isa iyon sa mga pranks n'yo, but I was wrong."

"What do you mean?" tanong ni Daniela. "Ano ba ang dare mo kanina?"

"The card told me to put my hand on the stove. May time limit ako ng 3 Minutes. Hindi ko ginawa kaya kusang gumalaw ang kamay ko papunta doon sa naglalagablab na stove."

"Hindi ka pa ba lasing, Kyle?" pagdududa ni Jade. "What you're saying is a little bit crazy."

"I'm not lying. Bakit naman ako magsisinungaling sa inyo?" asik niya.

Biglang nagbago ang pananalita niya. Alam kong nagagalit din siya pero hindi nang ganito kagalit.

"Chill, bro, nagtatanong lang 'yong tao," depensa ni Mike sa kaibigan.

"So you're saying that Hana needs to do the dare?" tanong ni Froy. "We have to tell her this. Baka may mangyaring masama sa kanya."

Aagad siyang lumabas ng kusina para balaan si Hana.

"Patingin nga ng sugat mo," sabi ko at marahang tinitigan ang nakatela n'yang palad. "Mahapdi ba?"

"Sobra," he simply replied.

"It's almost five minutes. Asan na ba si Hana? Ang drama talaga ng babaeng iyon kahit kailan," pagtataray ni Eireen.

"FYI, she's a vegan, she doesn't eat meat, she hates eating meat. I can't even think that she's going to eat human skin," sabi ni Krista na nakahawak pa rin sa teleponong putol ang wire.

"Weird. Hindi naman nakasaksak ang wire ng stove," biglaang sabi ni Alden habang tsine-check ang likuran ng stove.

"This house is haunted. Kailangan na nating umalis dito," Kyle suggested.

"Oo, kung gusto mong mamatay sa gitna ng kalsada," Mike mocked. "You can't drive in the middle of the road, sobrang lakas ng ulan ngayon."

"He's right. We need to stay here. Dito na lang muna tayo magpalipas ng gabi," aning Krista.

Hindi ko mawari kung natatakot ba siya dahil sa kakulangan niya ng ekspresyon o sadyang wala siyang pakealam.

"What? Kailangan ba talaga 'yon? Required bang magpalipas tayo ng gabi at isa-isa tayong mamatay?" singhal ulit ni Eireen.

"I'm also fucking scared, okay? So could you please shut up and stop acting so stupid? Walang magagawa iyang pagrereklamo mo," padarag niyang ibinalik ang telepono ng biglang nagpatay-sindi ang ilaw dito sa kusina.

Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ako sanay na ganito kung kumutitap ang ilaw. Nakakahilo. I remember something in the past that I was trying to forget until now. A terrible past that keeps haunting me to death.

"What the fuck is happening?" untag ni Daniela.

"What did you do, Krista?"

"I did not do anything, Sy!"

Napayakap ng hindi sinasadya si Sy kay Jade, habang inilawan naman ni Kyle ang paligid. Nahinto ang pagpatay-sindi ng ilaw ng pumasok si Hana kasama sina Froy at Brylle. Nakita ko ang kanyang basang mata, halatang kagagaling lang nitong umiyak.

"I'll do it. I'll eat it," she nervously approached the stove and took a piece of Kyle's skin.

Masuka-suka ko iyong tinignan. Ganun din ang reaksyon ni Hana, napatakip si Daniela at Eireen sa kanilang mga bibig habang pinagmamasdan namin siyang nginunguya ang balat ni Kyle.

"A-Ayoko na," she cried.

Mabilis siyang niyakap ni Brylle tsaka nito hinagod ang kanyang likuran.

"You've done well, babe," he whispered to calm her down.

May natira pang balat sa stove. Kahit ako ay hindi 'yon kayang ubusin. Tinitignan ko pa lang si Hana sa kanyang ginawa, nasusuka na ako.

Nagulat kami nang muling tumunog ng malakas ang telepono. Mabilis iyong sinagot ni Krista at itinapat iyon sa kanyang tenga. Napalunok s'ya matapos bitawan ng hindi sinasadya ang telepono.

"Ano raw?" kabado kong tanong.

"All of it," she said. Ni-hindi siya makatingin sa mga mata namin. "Y-You have to eat... all of it."

Mabilis ang pag-iling ni Hana sa kanyang sinabi.

"Ayoko. Ayoko na please," she begged like it was a life and death situation.

Muling nagpatay-sindi ang ilaw sa kusina. Muli na naman akong nahilo dahil sa kumukutitap na ilaw.

"Babe, look at me," Brylle demanded. "Kainin mo na lahat para matapos na, okay?"

Patuloy sa pag-iling si Hana, umiiyak, humahagulhol, nagmamakaawa, pero hindi natinag si Brylle sa kanya.

"Kainin mo na lahat. It will be finished in a flash," si Brylle.

"YOU HAVE TO EAT ALL OF IT!"

Hindi na nakapagpigil si Eireen at sinigawan na niya ito.

"Wag ka nang maarte pa, Hana! Huwag mo kaming idamay sa kaartehan mo, please lang."

And just like what she said, she ate all of it. The screw lights turned back to normal but our mood hasn't. Muli kaming bumalik at naupo sa sala. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit. Mukhang hindi umeepekto ang gamot na iniinom ko gabi-gabi.

"What shall we do now?" Jade sighed in frustration. "We can't go home yet. Masyado pang malakas ang ulan."

"Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana pala hindi na lang ako sumama," reklamo ni Daniela.

"You have always been a coward," irap ni Sy sa kanya.

"Could you please all shut up? Wag niyo nang dagdagan pa ang tensyon sa loob nitong sala, please lang," asik ko.

Kanina pa magulo ang utak ko at sobrang sakit na ng ulo ko ngayon. Ni-hindi ko magawang dumilat ng maayos dahil sa sakit.

"Guys?"

Agad kaming napalingon kay Froy. May hawak siyang index card, halata sa kanyang mukha na sobrang kinakabahan siya.

"What is it?" tanong ni Alden sa kanya. "Is that Truth or Dare?"

"T-Truth," he nervously replied. "Sana hindi niyo ako itakwil dahil sa pagsasabi ko ng totoo."

"Why? Ano ba ang tanong sayo?" pagtataka ni Mike.

"What is the worst thing that you've ever done in your life?"

His voice was quavering like he's really scared to spit the truth out from his mouth.

"Then tell us before something happens to you," anito ni Kyle.

"I-I..."

"Froy, please tell us what!"

"I-I-I can't tell you. I can't afford to lose my family's reputation because of this stupid game!" inis n'yang tinapon sa sahig at inapakan ng paulit-ulit ang card.

Nanlalaking mga mata ang pinukol namin sa isa't-isa.

"Froy, stop that! Baka may mangyaring masama sayo," pagpipigil ni Krista sa kanya.

"Why are you so afraid of this game? It's just rumors, this house isn't haunted. Isa lamang itong laro na-"

Natigilan kaming lahat nang biglang hinila si Froy palabas ng isang malakas na enerhiya. Sumigaw si Sy at agad na tumakbo palabas.

"FROOOOYYY!!!!"

Sumunod ako sa kanila palabas only to find out that Froy became a barbecue. Napatakip ako ng bibig nang makitang nakatuhog ang kanyang katawan sa matulis na gate na nagsisilbing bakuran para sa mga magnanakaw. Dumanak ang kanyang dugo pababa kasabay ng malakas na ulan.

"HINDIIII. FROOYYY! FROY!" iyak nang iyak si Sy, akmang pupuntahan ang kaibigan sa gitna ng ulan pero pinigilan s'ya kaagad ni Jade at niyakap siya ng mahigpit.

"S-Si Froy," bulong ko. "This can't be, p-patay na s'ya! H-Hindi... I can't be here."

Hindi ako makapaniwala.

Nagtindigan ang balahibo ko sa likuran. Goosebumps. I can't be here. Sana pala hindi na lang ako sumama sa walang kwentang trip na ito.

"Ayoko pang mamatay!" asik ni Eireen at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.

Pareho tayo, Eireen. I am afraid to die as well.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro