Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C17: A Dare that Kills

"Dare to jump,
dare to live, and
dare to die."

●●●


Brylle's Point of View.

"Alam mo ba kung nasaan ang emergency room?" tanong ko habang sinusundan si Kyle.

"Nasa kabilang dulo lang nito. Malapit sa morgue," sagot nya.

Tumango lang ako at nanatiling nakasunod sa kanya. Hindi naman kami close ng lalaking ito but I feel comfortable around him. Sya rin ang gumamot sa pilay ko. He was walking at my pace at mukhang hindi nya nakalimutan ang nangyari sa paa ko.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Mike?"

"Since high school," he replied. "The three of us are close friends. Jade, Mike, and me."

"Kung ganun, alam nyo na pala ang sikreto ng isa't-isa."

Nahinto sya sa paglalakad matapos kong sabihin iyon. He sighed and then scratched the back of his hand. Napansin ko ang kanyang kamay na may nana pa rin hanggang ngayon.

"Maybe, but there are some secrets that better be kept rather than be exposed."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang pinakadulo ng hallway kung nasaan ang ER. At oo, may malapit na morgue nga rito. I'm not afraid of ghosts or anything related to spirits. Pero yung kwento ni Sy kanina, it was really hard to believe, yet she cried and cried. She was too scared. Naramdaman ko ang takot nya kanina habang inaalala ang nangyari sa kanya.

"Brylle," pagtawag nya.

"Hmm?"

"Tulala ka riyan? May iniisip ka ba?"

Umiling ako. "Wala naman."

Nasa harap na pala kami ng pinto ng ER. Binuksan ni Kyle ng dahan-dahan ang kwarto at bumungad sa amin ang nakakakilabot na kalagayan ni Michael. His body is wrapped with so many gauges and bandages. Nakaangat rin ang isa nyang braso na putol.

What the fuck happened to him?

I saw how Kyle's jaw clenched. He was holding back his tears until now.

"Gago ka talaga, Mike. Hindi mo man lang sinabi sa akin ang lahat tungkol sa mga nalaman mong gago ka," inis nyang sambit habang nagpupunas ng luha sa mga mata.

I understand how Kyle feels. Kahit hindi kami close nito, they're my girlfriend's friends after all, at hindi maiwasan na naging close ko na rin sila sa konting panahon.

"Wala na si Jade and now you? Come on, dude, mabuhay ka naman, wala na akong natitirang kaibigan, e."

I tapped his shoulder giving him a reassuring smile. "He'll be fine. Humihinga pa naman sya. That means he's fighting for his life."

"Without an arm," komento nya. "At ikaw naman, basag na paa."

Hinampas ko sya sa braso at ngumiti. "Gago. At least buhay pa ako."

Yeah, I just realized that now. Life is precious and important. Kahit hindi ko na maigalaw ng maayos ang mga paa ko dahil sa nangyari, at least buhay pa ako.

"Dati naman todo reklamo ka kasi nabaldado ka ni Daniela," asar nya.

"Dati yun," nahihiya akong nag-iwas ng tingin. "Ngayon, narealize ko na mas maswerte pa rin ako kumpara sa ibang tao. Thanks to what Jade said to me before he died."

"Napilayan ka lang pero hindi ka pa namatay. Buhay ka, yun ang importante."

"Mas mabuti na iyong pilay ako kesa patay ako," nabasag bigla ang boses ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako ng bigla kong maalala ang mga sinabi sa akin ni Jade. Pinunasan ko kaagad ang basa kong pisngi.

"Kainis. Kainis ka talaga, Jade."

Ilang minuto rin kaming naglabas ng saloobin ni Kyle sa isa't-isa dahil sa mga nangyayari. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun. I've been longing to cry since this game started. Ngayon lang ako nagkalakas loob para gawin iyon.

"Mukhang tayo na lang tatlo ang natitirang lalaki sa barkada," aniya.

"I agree, that's why we need to protect our princesses."

Agad kaming napatingin sa gilid kung saan nakahiga si Michael. I just saw how his finger move. It was a tiny movement pero sigurado ako sa nakita ko.

"H-He's move!" masayang sambit ni Kyle. "We need to tell the doctors."

Tumakbo sya palabas ng kwarto. Hindi ako puwedeng tumakbo dahil sinabihan na ako mismo ng doktor ko na wala ng pag-asa na bumalik sa dating lakas ang mga paa ko. And I could never play baseball ever again.

"You have to be strong, man. Kyle's really worried about you," sabi ko sa kanya kahit malabong marinig nya ako.

"Brylle," bulong ng isang boses.

Agad akong lumingon sa kaliwa pero walang tao roon.

"Brylle," she whispers again.

Naramdaman ko ang isang malamig na kamay na dahan-dahang pumupulupot sa aking balikat. Malalagkit ang kanyang buhok. Ginapangan ako ng sobrang takot nung maramdaman ko ang paglapat ng kanyang malalamig na labi sa aking tenga. At napakasangsang ng kanyang amoy. I want to puke but I'm too scared to even move a tiny muscle. Para syang patay na daga o anumang klase ng hayop na may dugo.

"Brylle," she whispered to my ear sending shivers down my spine. "Truth or Dare?"

I slowly turn my head to face the woman. She was fucking grinning at me like she knows how to scare the shit out of me. Her long hair was covering her bloody face and her ears were swollen red. Ang baho talaga at ang daming bangaw na nakapaligid dito.

And, someone had cut her ears.

"AAAHHH!!!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Kahit nahihirapan ako sa paglakad ay mabilis akong tumakbo palabas ng pintuan kahit iika-ika ako. Bumalik ako sa kwarto kung nasaan natutulog yung iba. Pinilit kong tumakbo hila hila ang aking paa. Lumingon ako sa aking likuran. She was fucking crawling. Mabibilis ang kanyang paggapang papunta sa akin.

"TULONG! TULUNGAN NYO AKO!"

Sigaw ako ng sigaw pero walang nakaririnig sa akin. Dun ko lang napansin ang biglaang pagtahimik ng hallway. Wala niisang nurse o doktor ang nagdadaan, even other patients were gone.

Kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinawagan si Hana pero wala man lang sumasagot. Malalaking butil ng pawis ang tumutulo mula sa aking ulo hanggang sa pisngi. Hindi ko magawang humingi ng saklolo dahil sa sobrang takot. At walang nakakarinig sa akin.

"Brylle," pagtawag nya ulit.

Bumaba ako ng hagdanan papuntang lobby. Baka may mga tao na doon at maliligtas na ako. Nasa ikalawang palapag pa lamang ako ng bigla akong nakaramdam ng leg cramps. Natalisod ako sa hagdanan at gumulong ang katawan ko pababa.

"AAAGGHH, shit!"

Pinilit kong tumayo but my back won't cooperate. Napatingin ako sa itaas ng hagdanan. She was there, slowly crawling to me. Napapikit na lang ako ng mariin habang hinihintay ang aking katapusan. Ilang minuto rin ang hinintay ko pero walang nangyayari. I slowly opened my eyes and looked at the stairs kaso wala na sya dun.

Agad akong napalingon sa kanan at nakita ang kanyang nanlilisik na mga mata. Nanigas ako dahil sa takot. Bumubuka ang bibig ko kaso walang salita ang lumalabas doon.

"Truth or Dare, Brylle?"

Napalunok ako at pinigilan ang luhang nagbabadya. Seeing her face again makes me weak all of a sudden. I was embraced with guilt and regret.

Biglang lumaki ang kanyang bibig upang sigawan ako. "SAGOT BRYLLE!"

"DARE!" sigaw ko, a bead of tear fell of my eyes.

Kasalanan namin ito. Kasalanan namin ang nangyari sa kanya. Dahan-dahan syang lumapit sa akin at binulungan ako sa tenga. Nanigas ako bigla dahil sa kanyang sinabi. Tinignan nya ako pagkatapos at ngumisi ng masama.

"You only have 12 hours to do it. A life for a life."

Malalim ang aking paghinga habang nakatitig sa kanyang mga mata. Wala syang emosyon. Napapikit na lang ulit ako at inisip na sana ay nananaginip lang ako kagaya ni Christine, na sana ay natutulog lang ako ng gising. Gusto ko nang magising sa bangungot na ito.

"Brylle? Brylle? Huy pare!" pagtawag ng isang pamilyar na boses sa akin.

I lift my head only to see Alden. Nagtataka nya akong tinignan habang pinagmamasdan ang itsura ko at may hawak pa syang kape. Napalingon ako sa kanyang likuran at nakita si Christine na may kape rin.

"What are you doing on the floor?" si Alden na nagtataka.

Inalok nya sa akin ang kanyang kamay para patayuin ako kaya inabot ko rin iyon agad.

"Alden," I was breathing heavily. "S-Salamat."

"Anong ginagawa mo dito sa baba? Akala ko ba magkasama kayo ni Kyle sa pagbabantay kay Mike?" si Alden.

"M-May nangyari lang. Nagpahangin lang ako saglit," hindi ko maiwasang gapangan ng kaba dahil sa nangyari kanina.

Napansin ni Alden ang nanginginig kong kamay. My hands were trembling tremendously and my voice was shaking as well. Hindi ko maitago ang kaba ko.

"Brylle, okay ka lang ba?" kalmadong tanong ni Christine.

Nilahad nya sa akin ang kanyang iniinom.

"Cucumber yan, it makes you relax."

"T-Thank you."

"Let's head back. Malapit ng mag-alas dose. Kailangan na nating bumalik sa kwarto at may sasabihin pa si Christine tungkol sa kanyang Truth."

Tumango ako at nanginginig na ininom ang malamig na refreshment. Pero kahit naubos ko na yun, hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko.







Alden's Point of View.

Naglakad kami pabalik ng Room 210 nung makasalubong namin si Kyle kasama ang isang doktor.

"Thank you po ulit."

"I'll see you around, then," sambit ng doktor at umalis din kaagad.

"Where have you been, Brylle? Nawala ka na lang bigla," si Kyle na napatingin sa amin ni Christine.

"P-Pasenya na, inuhaw ako kakahintay, e," napakamot sya ng ulo habang nakangiti.

Kanina lang nanginginig sya sa kaba pero ngayon may pangiti-ngiti pa sya. You're acting weird, Brylle.

"Ganun ba?"

"Anong sabi ng doktor sayo? Kumusta na si Mike?" tanong ni Christine.

Ngumiti si Kyle. "Maayos-ayos na. He's doing well. Naputulan lang sya ng kamay but his brain and other body parts are functioning very well. Wala tayong dapat ipag-alala. He'll wake up eventually, we just have to wait."

Hindi ko alam pero nabunutan ako bigla ng tinik at nakahinga ng maluwag.

"Mabuti naman kung ganun."

At least alam ko na hindi ulit ako mawawalan ng kaibigan.

"It's almost 12 midnight. Tara na sa Room 210," anito ko sa mga kasama ko.

Agad silang sumunod sa akin. Pipihitin ko na sana ang doorknob nung bigla kaming makarinig ng isang nananagis at nakakatakot na sigaw mula sa loob.

"HANA!" pinihit agad ni Brylle ang pintuan.

Bumungad sa amin ang isang nakakasulasok na amoy at sobrang sakit nito sa ilong. Maubo-ubo akong pumasok para tignan sya. Napansin ko rin ang duguang mensahe na nakasulat sa pader. Mensahe para kay Sy at isa itong dare.

"BUMABA KA DIYAN, SY!" sigaw ni Hana.

"I-I need to do it or else she'll kill me. The game will kill me."

She's walking on the roof slowly. Umiiyak lang si Christine sa gilid ko, naririnig ko ang bawat paghikbi nya. Kumuha ako agad ng kumot at ginawa iyong tali para may mahawakan sya kung saka-sakali.

"Abutin mo ang kumot," sabay itsa sa kanya. Tinulungan ako nila Hana at Daniela.

"H-Hindi yan uubra. Mahuhulog pa rin sya dahil biglang rurupok ang kumot," kabadong sambit ni Christine. "M-Mahuhulog pa rin sya."

"Kung ganun kailangan natin syang saluhin sa ibaba," suhestyun ni Kyle.

"Samahan na kita," tumakbo kami palabas para kumuha ng stretcher.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Christine ang mga maaaring mangyari pero sa itsura nya kanina. Takot na takot sya. I believe her words. Bumaba kami agad at sinabihan ang nurse na may emergency kami kaya kailangan naming hiramin muna ang stretcher pero hindi sila naniwala.

"Ano ng gagawin natin?" natatarantang tanong ni Kyle.

"We have to find a way or else she'll die."

"Kunin na lang natin. Mamaya na tayo magpaalam pagkatapos nating gamitin."

"That's not a good idea."

"You have a better idea?"

Umiling ako. No choice kami kundi gawin ang kanyang sinabi. Walang paalam naming hiniram ang stretcher sa labas ng ambulansya. Tumakbo kami sa floor kung saan direktang nakikita ang paglalakad ni Sy.

"Anong floor nga ulit yun?"

"17th floor."

"Ano?!" singhal nya. "At sa tingin mo mabubuhay sya kapag nalaglag sya sa sirang stretcher na ito?"

Ninakaw na rin namin ang iilang kutson na nasa loob ng ambulansya. Malalaglag sya, oo, pero at least hindi masyadong masakit. I won't let Jade's princess die.

"H-Humpty dumpty sat on t-the wall," rinig ko ang kanyang pagkanta mula rito.

She was walking slowly. Muntikan pa syang madulas dahil dun.

"Abang-abang lang tayo, Den. We can't let another person die."

Sy's foot slipped. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang tinitignan syang nakahawak sa tanging bagay na kanyang mahawakan. Nakalaylay ang kanyang mga paa at isa nyang kamay habang umiiyak ng impit.

"Sasaluhin ka namin. Huwag kang mag-alala!" sigaw ni Kyle.

"Ang taas. Sobrang taas. Mamamatay ako kapag bumitaw ako!" iyak nya.

"You have to trust us! You have to, you need to," unti-unting nanghina ang aking kalamnan.

Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko na para bang may nakasakay sa aking likuran. She closed her eyes as she loosen her grip against the railing.

"AAAAHHHHHH!!!"

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro