C16: Meeting and Dream
"All that we see or
seem is but a dream
with a dream."
- Edgar Allan Poe
●●●
Alden's Point of View.
Bumaba ako ng motor pagkatapos ko itong ipark sa parking space. Bumili muna ako ng makakain namin ni Kyle para hindi sya magutom kababantay kay Krista.
I put the key inside my pocket. Masyadong madilim sa space na ito at ang nag-iisang ilaw na nagsisilbing liwanag sa madilim na lugar na 'to ay mukhang sira pa. It keeps turning on and off.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Sy and she said that she did some research about the Red Apartment and found out some interesting facts about it. Curious ako sa kung ano ang kanyang nalaman dahil may ginawa din akong research tungkol dun.
Naglakad ako pabalik ng kwarto nung biglang mahagilap ng mga mata ko si Christine. Mukha syang nakakita ng multo habang nakatingin sa kanyang screen.
Should I call her or not?
"Christine," pagtawag ko. I called her anyway.
Halos mapatalon sya dahil sa boses ko. Para talaga syang nakakita ng multo, e.
"What are you doing here?" tanong ko at lumapit sa kanya.
"H-Hinahanap ko si Sy," she replied. "Saan ka galing?"
Ipinakita ko sa kanya ang supot. "Bumili lang ng makakain saglit. Baka kasi gutom na si Kyle."
Tumango lang sya at hindi umimik. Binulsa nya agad ang kanyang cellphone bago nagsalita.
"N-Nasa lobby lang pala sya. Puntahan muna natin," aniya at nauunang maglakad kesa sa akin.
Kahit nagtataka pa rin ako sa kanyang kinikilos ay sumunod na lang din ako. Naabutan namin ang apat na nag-uusap sa visitors lounge. Basa ang mga mata ni Sy habang may bahid ng takot at pangamba ang dalawang babae. Nakatingin lang sa malayo si Brylle babang pinakikinggan sya.
"Guys," Christine called, getting their attentions.
"Mabuti naman at andito na kayo," sambit ni Hana na napatingin sa akin. "Where have you been?"
"Foods," tipid kong sagot. "So, anong nalaman mo tungkol sa apartment na yon?"
Hindi sya nakapagsalita. Masyado ko atang diniretso ang tanong. Naging tahimik din ang tatlo at naging mailap sa tanong ko. Did something happen when I was out?
"Alright, let's talk about this later upstairs." I sighed. "Dun na lang natin pag-usapan ang mga nalaman natin."
"Natin?" Sy arched her brows at me.
"I also did some research. Hindi lang ikaw ang may internet connection..." I said. "Set the kidding aside, I'm also curious about the Red Apartment."
I walked to the elevator. Sinundan naman nila ako pero mas lalo ko lang napapansin ang napakabalisang mukha ni Sy. She was clinging around Hana's arms like a kid who's afraid to get lost. The elevator door opened. At least I'm not that scared anymore dahil may mga kasama ako. Last time I checked, may nakasabay akong babae. She's dead alright. It scared the shit out of me.
"Ang bango naman ng pagkain na yan," pagpaparinig ni Brylle. "Nagutom na tuloy ako."
"Paano mo naiisip na kumain ng ganitong oras ha?" Daniela rolled her eyes at him.
"Both of you just shut your mouth. Hindi ito para sayo, Brylle," sita ko.
They did what I told them hanggang makarating kami sa floor kung nasaan ang kwarto ni Krista. I opened the door slowly and saw Kyle watching the TV.
"Hindi pa rin ba sya nagigising?" Daniela asked when we entered the room.
Meanwhile, the three of them were shocked to see our patient sleeping with so many wires and tubes connected to her hands and mouth.
"W-What happened to her?" Sy asked.
"She smashed her head because of the dare," sagot ko.
Naramdaman ko na wala sa mood sagutin ni Danie ang tanong na iyon. She's the witness of a horrible incident after all.
"Nasa comatose ba sya? Her head is bleeding to death," Hana said in shock.
"Hope not for long. Magigising sya, she's strong and I believe that she will wake up," naupo ako sa katabing upuan. "By the way, Kyle, kumain ka muna."
"Salamat, tol," ngiti nya at mabilis na binuksan ang supot na dala ko.
"Let's start the meeting and the reason why we're here," Brylle said at tumabi kay Kyle.
"Ako na ang magsisimula," pinangunahan na ni Sy ang meeting kuno namin.
Naupo kami ng maayos. Tumabi si Christine sa couch na inuupuan ko, nasa gilid nya naman si Daniela. Habang magkatabi naman si Hana at Sy. Nasa likuran lang namin ang kama kung nasaan si Krista na mahimbing na natutulog.
"Base sa nalikom kong impormasyon kanina sa internet, may iilang news articles nga talaga na nagsasabing may sumpa ang apartment na yun."
"Anong sumpa? Kagaya nang paglalaro ng Truth or Dare sa gabi?" tanong ni Kyle.
"Hindi lang yun. Marami pang bagay. Ang huling biktima ng sumpa ay ang babaeng nagngangalang Mechille Alvarado. She was an Engineering student sa university natin. She was famous back then but she suddenly disappeared. Walang nakakaalam kung saan sya nagpunta."
"What year pa ba yan?" Daniela asked.
"Year 1996."
"Wow, baka matagal na ngang patay ang isang yan," si Daniela.
"I've searched about Mechille Alvarado. May kapatid syang lalaki na nagngangalang Newt Alonzo. Pinalitan ang apelyido nya matapos syang ampunin ng nawalan na sya ng pamilya."
"Alam mo ba kung nasaan ang Newt Alonzo na yan?" tanong ni Brylle.
Natahimik na lang sya bigla habang nanginginig na nag-iiscroll sa kanyang phone. "S-Sya si..." napalunok sya ng ilang beses. "Si Sir Newton Alonzo, ang professor namin sa Economics..."
"At ang sugar daddy ni Eireen," dagdag ko.
We all glanced at each other, napabuntong ako at inis na ginulo ang aking buhok.
"Kung kailan natin kailangan si Eireen, sya naman itong nawala at namatay."
"Paano natin sya tatanungin tungkol sa kapatid nyang namatay sa apartment na yun? I could already feel that he won't tell us anything about his dead sister," inis na sambit ni Hana.
"What about Mike? I'm sure magkakilala sila ni sir Alonzo personally," si Brylle.
"You and your fucking mouth," asik ko. "Can you be more sensitive here? Alam natin na nagcheat si Eireen kay Mike dahil kay sir Alonzo."
"I was just suggesting, wala namang masama kung susubukan natin ang sinabi ko-"
"We can't," Christine interrupted.
Muntikan ko nang makalimutan na magkatabi pala kami. Kanina pa kasi sya tahimik at walang imik.
"Why? I'm sure sasang-ayon sya-"
"Michael is..." she heaved. "Is currently fighting for his life."
Natahimik kami. Nagtataka. Nalilito.
"May dapat ba kaming malaman sa mga nangyayari rito?" tanong ko.
"Bakit? W-What happened to Mike?" tanong ni Hana.
"He got involved in a car crash kanina. Napanaginipan ko siya na naaksidente, naputol ang kanyang braso at ang daming dugo na nagkalat sa sahig habang dinadala sya sa emergency room," she wiped her tears.
Nilahad ko sa kanya ang panyo ko. "Use this."
"K-Kaya hindi natin sya maisasama kay sir Alonzo. K-Kasi lumalaban sya para sa buhay nya ngayon."
Nagtiim bagang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari itong lahat. Hindi ko alam na naaksidente si Mike. Damn it! Ang dami kong hindi alam.
"Pupuntahan ko si Mike mamaya. Aalamin ko ang kalagayan nya," malamig na sambit ni Kyle habang kumakain.
"Then we'll go to sir Alonzo's place. Kung sino ang gustong sumama, sumama na sa akin," Sy said.
Nagtaas kamay ang lahat. Mukhang takot silang magpaiwan ngayong nagiging delikado na masyado ang bawat dares at truths.
"Sinong magbabantay kay Krista?" tanong ni Brylle na napatingin sa akin. "Alden, magpaiwan ka na lang dito."
"Gago ka ba? May susi ako sa University Hostel. Dun namamalagi si sir Alonzo ngayon. Kung wala ako, paano tayo makakapasok?"
"Oo nga naman, Brylle. Ikaw na lang ang magpaiwan dito," ngiti ni Daniela. "Besides, andito naman si Kyle, e."
"I-I think it's better if Sy should stay here," si Christine na medyo nanginginig ang boses.
"Why? I think it's better if I should go as well."
"K-Kasi... Kasi napanaginipan kita kanina. Yung dare mo, tumalon sa rooftop habang kumakanta ng Humpty Dumpty," nakayuko nyang sambit.
That's a fucking creepy dare.
I saw how Sy's face became pale. Napalunok sya at muling bumalik sa pagkakaupo.
"She's right. I need to stay here." She said like she's giving up to Christine's suggestion.
"I think we all should go together tomorrow morning. Wala pa naman siguro sa atin ang nakakatanggap ng dares at truths hindi ba?" Hana asked.
"I did," Christine said.
"I already had mine," napayuko si Sy. Halatang nagpipigil ng iyak.
"N-Nakatanggap na kayo? Bakit hindi nyo man lang sinabi?"
"Dahil pinaghihintay kami ng laro!" naiiyak na sigaw ni Christine. Napahawak sya sa kanyang dalawang tenga at napayuko.
"Dahil sinabi sa akin sa text na dapat maghintay muna kami ng alas dose bago ko sabihin sa inyo ang totoo tungkol sa nakaraan ko..." her voice quavered.
Mabuti na lang at agad syang niyakap ni Daniela.
"Natatakot na ako. Natatakot na ako sa mga nangyayari. Nakakatakot sabihin ang sikretong sisira sa buong pagkatao mo at sa paningin sayo ng ibang tao," she mumbles to herself.
"Ano ang sikreto ng nakaraan mo, Alden?"
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin nung babae sa elevator nun. Why am I remembering it now? Tumayo si Kyle at niligpit ang kanyang pinagkainan.
"Bibisitahin ko muna si Mike. Babalik ako pagkatapos. Baka gusto nyong umuwi muna o dito na lang magpalipas ng gabi para sabay-sabay na tayo bukas."
"He's right," Brylle said. "We need to stick together."
"Hindi lang naman yun ang kanyang sinabi, a? Takot ka lang, e," pagtataray ni Hana.
He scratched the back of his head. "I'll go with you, Kyle. I want to check Michael too."
Lumabas na agad silang dalawa. Thank godness, the room we got for our patient is private kaya natural na malaki at exclusive. May iilang sofas and couches rin kaya kasya kami dito. Daniela and Christine sleep on the couch together, hindi makatulog si Christine na walang kasama. On the other hand, Hana and Sy are sleeping on the sofa. Nakaupo lang ako sa tabi ng kama ni Krista habang pinagmamasdan sya.
I gently caressed her hair since may benda pa sya sa kanyang ulo. I looked at the wall clock. I could hear how it's ticking so loud. Parang pinapaalam nito na napakatahimik ng kwarto na ito. And it's already 10 PM.
Nakaramdam ako ng antok. I rests my head and arms beside her. I could hear the clock's ticking louder and louder, heavier and heavier. Like the grandfather's clock in the apartment. I could imagine how the big pendulum was swaying back and forth creating a heavy force of distraction.
I was at the road at night. May biglang dumaan na babae. Isang nakaputing babae, may napakahabang buhok at walang saplot ang kanyang mga paa. And suddenly blood blinded my eyes.
"Alden! Alden!"
I woke up, breathing heavily. Napatingin ako sa aircon, it's still on pero bakit ako pinagpapawisan ng sobra?
"Alden!" tampal nya sa pisngi ko.
Hingal na hingal ako habang nakatingin sa kanya. "C-Christine."
"Ayos ka lang ba? You look pale and scared."
I wiped the beads of sweat dry. It's just a bad dream, Alden, You have nothing to worry about. I looked at Krista who was still sleeping and breathing firmly. She is fine. For me, everything's fine when she is fine.
"Want to grab a coffee?" suhestyun nya.
I badly need one right now.
"That's a good idea."
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro