C15: Ghost of the Past
"The past is a very determined ghost, haunting every chance it gets."
- Laura Millet
●●●
Christine's Point of View.
Lumabas muna ako ng kwarto. Tinatawagan pa ni Sy ang mga kaibigan namin. I went to Room 210 where Krista is currently bedridden. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita si Kyle na naglalaro sa kanyang phone.
Alden is not here.
"Kyle," I called.
Napatingin sya sa akin. "Andito ka pala. Gising na ba si Sy?"
Tumango ako at isinara ang pintuan. Lumapit ako sa kanya habang napatitig sa pasyenteng napakahimbing ng tulog. The white gauge wrapped around her head is somehow stained with blood. Ang dami ring dextrose sa kanyang kamay.
"What happened to her?" I sat down beside him.
"Daniela said na pinag-uuntog nya ang kanyang ulo sa pader kanina," naiiling niyang sambit. "Now she's unconscious or even worst nasa comatose."
Kabado ko syang tinignan. "P-Pinag-uuntog? Bakit niya naman iyon gagawin?"
"Because of the dare, that was her dare," he replied. "Kumain ka na ba?"
Umiling ako habang pinagmamasdan siya. Ang himbing niyang matulog.
"Hindi pa. I came here to inform you that I saw Mike," sabi ko, nagpipigil ng luha sa mga mata.
"Oh? Bakit anong nangyari?" nagtataka nya akong tinignan as he puts his phone back in his pocket.
"He got involve into a car crash kanina. Nasa ER siya ngayon at ginagamot, but I think he's not going to survive it," tumulo na lang bigla ang luha ko.
Napansin ko rin ang paninigas ni Kyle habang mahigpit na hinawakan ang bed railings. I think he suddenly lost his energy and will.
"What do you mean na hindi na niya kayang mabuhay, Christine?" he raised his voice at me.
"Dinala sya sa ER kanina. Sobrang daming dugo ang nawala sa kanya. Naputol pa ang kanyang braso dahil sa aksidente. Sa tingin mo ba talaga may pag-asa pa siyang mabuhay?"
"H-Hindi ko alam..." I saw tears fell from Kyle's eyes.
Minsan lang ako makakita ng lalaking umiiyak pero nakakapanibago pala talaga kapag isa sa mga kaibigan mo ang gumawa nito. Napahampas siya sa kanyang tuhod at inis na hinawakan ang kanyang buhok.
"Tanginang laro na ito. Hindi naman ito mangyayari kung hindi tayo nagpunta sa bahay na iyon, e! Tanginaaa!" he tousled his hair furiously.
"Namamatay na ang mga kaibigan ko. Namamatay na sila. Ako na lang ang natitira," ramdam ko sa kanyang boses ang kaba at takot.
Kahit ako ay natatakot na rin dahil hindi pa ako nakakatanggap ng Truth or Dare sa buong laro na ito. Natatakot ako na baka ako ang susunod na mamamatay. Ayaw ko pang mamatay!
"Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito," I mumbled repeatedly.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi mo kasalanan ang nangyayari, Christine," hinawakan niya ang dalawa kong malalamig na kamay.
Umiyak ako ng todo. "Nanaginip ako kanina. Si Mike iyong nasa panaginip ko. Naaksidente siya sa panaginip ko tapos maya-maya nalaman ko na lang na naputulan siya ng kamay dahil sa car crash."
Pinunasan niya ang luha ko. "Sshh, it's just a bad dream."
"Nagkatotoo ang panaginip na iyon, Kyle. Kagaya nung nangyari kay Jade," I said in between my sobs.
"Bakit? Anong napanaginipan mo tungkol sa kanya?"
Umiling ako. "Hindi ko siya napanaginipan. Nakita siya mismo ng dalawang mata ko. Nagpunta siya sa boarding house natin noong araw na mamatay siya, Kyle. Ibinigay niya sa akin ang isang sulat na sa tingin ko ay para kay Sy."
Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. "Sulat? Bakit niya sayo ibibigay kung para ito kay Sy?"
"H-Hindi ko alam," I wiped my tears dry. "Pero sigurado ako na sulat iyon para kay Sy."
Tumango sya at hinagod ng dahan-dahan ang buhok ko.
"Listen to me, hindi mo kasalanan kung bakit wala kang nagawa para pigilan ang larong ito. Hindi natin mapipigilan ang mga mangyayari. Death is inevitable, Christine."
He hugged me tight which made me feel comforted. Gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik dahil may napagsabihan ako ng saloobin ko kahit papaano. We pulled away from each other. He smiled kahit alam ko na natatakot at kinakabahan na rin sya sa maaaring mangyari.
"Let's grab something to eat when Alden gets back, okay?"
"Okay."
He let my head rests on his shoulder, forcing me to take a nap. I always feel safe when Kyle's with me. I was closing my eyes slowly when we heard a sudden shout from the other room.
"Boses iyon ni Sy, a!"
Natataranta akong tumayo at sumunod kay Kyle na agad tumakbo palabas. Nahinto ako sa may pinto ng kwarto, nagdadalawang isip kung iiwan ko ba mag-isa si Krista o susundan si Kyle palabas. Bumaling ako sa kanya nang nalilito.
"Babalikan kita, ha. Diyan ka lang muna," sambit ko bago tuluyang tumakbo papunta sa kwarto kung nasaan si Sy.
Nadatnan ko siyang nakatayo sa labas ng kanyang bintana, umiiyak. Maririnig mo ang pagpipigil niyang humagulhol dahil sa impit nyang pag-iyak.
"Sy! Anong ginagawa mo, bumaba ka riyan!" sigaw ni Kyle sa kanya.
"D-Dare," maluha-luhang niyang sambit.
Bumaling ako sa gilid ng pader at nakita ang duguang mensahe na para sa kanya. Amoy bulok na hayop ang loob ng kwarto ngayon. Hindi ko mawari kung ano dahil sa nakakasulasok na amoy.
Dare for Sy:
Walk on the roof while singing Humpty Dumpty twice in 5 Minutes.
"Bababa ako at kukuha ng stretcher kung sakaling mahulog siya," si Kyle saka tumakbo palabas para tawagin ang ibang nurse.
Binuksan ko ng malaki ang bintana. Sinundan ko lang ng tingin si Sy, nakaabang ako para hilahin siya kung sakaling mahulog. Ginawa kong tali ang mahabang kumot ng kanyang kama at iniabot ito sa kanya.
"Hawakan mo para hindi ka malaglag!" initsa ko sa kanya ang kumot.
Mabuti at nasalo nya iyon. "Magsisimula na ako."
"Humpty Dumpty sat on the wall. Humpty dumpty had a great fall..." nanginginig ang kanyang boses. "All the kings horses and all the king's men. They couldn't put humpty together again."
"Ganyan lang. Just take it slowly."
"Humpty dumpty sat on the wall. Kyaah!"
"SY!"
Muntikan na syang madulas at mahulog. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makatingin ng diretso. Bakit wala pa si Kyle sa ibaba?! Ano bang ginagawa ng isang iyon?
"H-Humpty dumpty had a great fall. All the kings horses and all the kings men..."
Hinawakan niya ng mahigpit ang kumot at ngumiti sa akin. Malapit ng matapos ang kanta.
"They couldn't put humpty together-"
Narinig ko ang pagkapunit ng kumot dahilan para siya ay madulas.
"Aaaahhh. TULONG! MAAWA KAYO!"
"HINDI! SY! KUMAPIT KA LANG. HIHILAIN KITA," naiiyak kong hinila muli ang kumot pero masyado na itong marupok para gamitin.
Natataranta akong lumabas para maghanap ng tulong nung mapansin ko ang biglaang pagtahimik ng hallway. Walang nurses at doctors na nagra-round check. Pati yung ibang pasyente ay hindi rin lumalabas.
Napakatahimik.
"CHRISTINEEEEEE!" sigaw ng isang nananangis na boses.
Patakbo akong pumasok sa loob ng kwarto nya pero huli na ang lahat. I gasped and was left speechless when I saw Sy's dead body fell from this floor. Dahan-dahang nagkalat ang kanyang napakapulang dugo habang nakadilat ang mga mata at wala sa tamang ayos ang kanyang buto. Her bones got dislocated everywhere.
"HINDIIIIIII!" hagulhol ko.
Napaluhod ako sa kama at napatitig sa Dare na nakasulat sa pader.
"Hindi ako magpapatalo sayo. Isa ka lang laro, laro na walang kwenta!"
Malalim ang bawat paghinga ko. Nakakapagod maging matapang kapag sobrang takot na takot ka na.
"Christine! Christine!" naramdaman ko ang isang kamay na tumatampal sa aking pisngi.
Nagising ako agad, habol ang aking malalim na paghinga. Nakita ko si Kyle na sobrang nag-aalala ang itsura sa akin. Nasa sofa na pala ako ngayon at mukhang binangungot ulit.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa umiiyak habang natutulog," kumuha sya ng panyo mula sa kanyang bulsa.
"S-Si Sy, Kyle! Kailangan ko syang makita!"
Napabalikwas ako ng bangon at agad na tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Agad kong binuksan ang pinto but the room is damn empty.
"SY!"
Nakita ko ang sulat na nakabukas. Iyon ang sulat na ibinigay ni Jade sa akin noon. Hindi ko na lang ito pinansin at agad na tumakbo para hanapin sya.
"Nurse may nakita po ba kayong pasyente na lumabas sa Room 204?"
"Hindi po, e. Wala po akong napansin."
"Sige salamat."
The elevator took so long to open kaya napagdesisyunan kong maghagdanan na lang. Alam kong bangungot lang iyon but for me, it's also a warning. Baka si Sy na ang susunod na mamamatay dahil sya na ang nakita ko sa panaginip kanina.
"Sy!" I called but she was nowhere to be found.
Nasa labas na ako ng hospital when my phone suddenly pinged. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa laro. Nanginginig ang mga labi ko habang binabasa ang nakasaad sa text message na iyon.
Etong sikreto na ito ang papatay sa akin.
Sy's Point of View.
"Kailangan nating magkita-kita para matapos ang laro na ito," sabi ko sa kabilang linya.
"Papunta na kami. Asan ba kasi kayo, a?"
"Nasa hospital pa ako. I did some background research about the Red Apartment and I found something... interesting," I said.
I squinted my eyes on the screen. Kagabi ko pa naisipang gumawa ng aksyon tungkol sa bahay na iyon and how the game started as a curse. The curse is real, it was haunted, but the game is not.
"Sige sige. Magkita na lang tayo mamaya. Isasabay ko sila Daniela at Hana," he said.
"Bilisan nyo."
I closed my laptop and gently rub my eyes. Kinuha ko ang letter na nasa drawer at binuksan iyon. Jade always love a good poem. Baka isa ito sa mga tula na ginawa nya para sa akin. Nagtataka kong tinignan ang sulat. Wala namang nakalagay na para sa akin ang sulat na ito. It was a question answered in an essay form.
"Weird mo, Jade," inis kong tiniklop ang sulat at nilagay ito sa ibabaw ng drawer.
My phone pinged and I received a message from Brylle. Nasa ibaba na sila at naghihintay sa may lobby. That was fast.
Bitbit ko ang dextrose ko habang pababa ng lobby. Napansin ko ang biglaang pagtahimik ng buong hallway. Wala ring mga nurses at pasyenteng naglalakad. Hinintay kong bumukas ang elevator. Gulat na gulat ako ng makita ang babaeng nakatakip ang mukha. She's wearing a white dress, like one of those clothes for patients sa mental institution.
I pushed the button. Tahimik lang kami habang pababa ang elevator when the lights were suddenly flickering. Kagaya ito ng nangyari sa Dare na ginawa ni Hana.
"Hindi ka ba nahihilo sa ilaw na ganun?" tanong ko sa babaeng katabi.
Nakayuko pa rin siya at walang imik. Dahan-dahan syang umiling ng hindi nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko syang mabuti nang makaramdam ako ng kakaibang takot. Napalunok ako at mabilis na iniwas ang tingin. Gusto kong masuka ngayon. I immediately covered my mouth trying to prevent myself from puking. She smells like rotten dead rats at may iilang bangaw pa sa kanyang tenga.
"Naaalala mo pa ba ako, Sy?" she said almost whispering to me.
My lips quivered, my knees got weaker sending shivers down my spine. I know that voice. Kilala ko na kung sino sya... but that can't be. Dalawang taon na syang patay.
Nanginginig akong tumango. Mariin akong napapikit ng maramdaman ang kanyang malalamig na labi na nakadapo sa aking tenga. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Ni-hindi ko na mahawakan ng maayos ang dextrose ko sapagkat unti-unti na akong nawawalan ng lakas.
"Truth or Dare?" bulong nito.
Tumulo ang luha ko dahil sa takot. "D-Dare..."
Marami pa akong sikreto na dapat ilibing. Ayoko nang ibunyag ang lahat ng iyon isa-isa para lang mabuhay.
"Then walk on the rooftop while singing Humpty Dumpty."
"A-Ayoko!"
"May sampung minuto ka lang para gawin ang dare mo."
"Tigilan mo na kami pleaseee!"
Napaupo ako takip-takip ang magkabila kong tenga. Bigla na lang tumunog ang elevator dahilan para mapasigaw ako dahil sa gulat.
"Sy, anong ginagawa mo riyan?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita silang tatlo. Nalaglag ang hawak kong dextrose ng agad kong niyakap si Hana. Iyak lang ako ng iyak dala ng sobrang takot.
"Nakita ko- n-nakita ko sya, Hana."
Hinagod ni Danie ang likuran ko habang pinapatahan naman ako ni Hana.
"Sino ang nakita mo?" Brylle asked.
"Nakita ko ang multo ng nakaraan natin."
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro