Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C14: Hidden Truth

"Hidden truths are
unspoken lies."

●●●

Hana's Point of View.

I slowly opened the door to see my parents watching drama in the living room. Napatingin sila sa akin at ngumiti.

"Nakauwi ka na pala anak," mom approached me. She kissed my cheeks. "How's Sy? Maayos na ba siya?"

Binalita ko sa kanila ang nangyari sa kaibigan ko, but I never told them about how she aborted her baby. I only told them the part where she was confined because she collapse. Wala rin akong sinasabi sa kanila tungkol sa nangyayari sa amin pagkatapos naming makalabas ng apartment.

The curse is following the chosen players who played the game in the red apartment.

"She's fine, Mom. Nagpapahinga na siya ngayon sa ospital, you have nothing to worry about," ngiti ko.

Bumaling sa akin si dad. Wala siyang imik pero nakangiti lang siya sa akin and he doesn't usually do that. Nakakapanibago.

"I need to rest po muna," paalam ko bago tuluyang umakyat sa kwarto.

Tinapon ko ang bagahe ko sa gilid at nahiga ng patalon sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame. Naramdaman ko ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata nung marinig ko ang isang boses ng babae na bumubulong sa akin. Napadilat ako ng mga mata at nakita ang isang babaeng gumagapang sa kisame. Nakatingin lang sya sa akin, I can't see her face clearly dahil sa mahaba nyang bangs. Ginapangan ako ng kaba. I wanted to shout but my voice is nowhere to be found.

"S-Sino ka?" kabado kong tanong.

My voice cracked all of a sudden. Gusto kong maiyak pero walang luha na lumalabas mula sa bibig ko.

"Truth or Dare," pabulong nitong tanong.

Napalunok ako dahil sa sobrang kaba. Hindi ako makagalaw. My whole body was paralyzed in an instant. I'm unable to move.

"I already did a Dare!"

Tears fell from my eyes when I suddenly remembered how I ate a human skin, my friend's skin. At ayokong maulit muli iyon sa akin.

"Tell your parents the truth. The truth about how you and Brylle had sex," maliliit na buka lang sa kanyang bibig ang nakikita ko.

Umiling ako nang umiling. Hindi ko pwedeng sabihin sa mga magulang ko yun. Papatayin ako ni daddy. Papatayin nya ako at si Brylle kapag nalaman niyang may nangyari sa amin.

"Hindi. I can't, I can't do that! Ililibing ko ang sikretong iyon hanggang sa lupa!"

Napapikit ako ng bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas. Iyak lang ako ng iyak habang mariin na napapikit sa kanyang ginagawa. Naramdaman ko na lang ang isang napakalamig na bibig malapit sa may tenga ko. I was still closing my eyes, afraid to see the anonymous girl.

"Sabihin mo na. Gaya ng pinagsigawan mo sa school ang tungkol sa akin noon na malandi ako at tinitira ng kahit na sino, hindi ba?"

Humagulhol na ako ng sobrang lakas dahil sa takot. Sobrang lapit niya, nararamdaman ko ang napakalamig niyang katawan. She's dead. Already dead. Why am I even seeing a dead woman?

"GAGAWIN KO NA KAYA PLEASE LANG UMALIS KA NA SA HARAPAN KO!" iyak ko.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok sa labas ng pintuan. Hindi ko pa rin magawang ibuka ang aking mga mata dahil sa takot.

"Anak, ano ang nangyayari riyan? Bakit ka sumisigaw?"

I slowly opened my eyes. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala na ang babaeng iyon sa harapan ko.

"W-Wala po, Mom," I replied.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at bumangon para buksan ang pintuan. I heard my phone rang so loud. Hinanap ko kaagad iyon sa ilalim ng unan only to find out that my timer is on, pero wala akong maalala na naiset ko ito.

"You have 4 minutes to do it..." boses iyon ni mommy.

I opened the door and saw her looking so worried. "Ayos ka lang ba, Hana?"

Nagtataka akong napailing. Bumaling muli ako sa cellphone ko na patuloy sa pagtunog 'tiktok tiktok'. The sound reminded me of the grandfather's clock we saw in the apartment.

"O-Okay lang po, Mom," napatingin ako sa ibaba. "Asan po si daddy?"

"Nasa garden. Alam mo naman yun, masyadong in love sa mga rosas."

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni mommy tsaka ko siya seryosong tinignan sa mata. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang magsalita at sabihin ang katotohanan sa kanya.

"Mommy, I have to tell you something and I hope na hindi kayo magagalit ni daddy sa akin."

My hands were trembling nervously. Confused if I should say the truth to them. Magkaibigan ang mga magulang namin ni Sy at kung ano ang gagawin ng pamilya nya ganun din siguro ang gagawin sa akin. Itatakwil nila ako.

"What is it anak? Importante ba yan? Nagbo-boyfriend ka na ba?" hinaplos niya ang buhok ko.

Tumango ako. "Mom, I'm sorry po. I had sex with my boyfriend while you're not around."

Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ni mommy. She was speechless and I was left trembling. Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. She was gritting her teeth looking at me disdainfully.

"How could you do this to us? Sino iyang nakakasex mo, Hana?!" singhal nya dahilan upang gapangan ako ng takot. "Hindi ka ba nagi-guilty sa ginawa mo?"

Eto ang dahilan kung bakit ayaw kong magsabi ng katotohanan. Sasaktan nila ako. Dad has anger management issue and my mom had a history of mental illness. Nasa pamilya ako ng mga baliw... at namana ko pa yata ang pagiging baliw nilang dalawa.

"Sorry po, Mom. Sorry po talaga," iyak ko.

Nagi-guilty ako palagi. Kaso anong magagawa ko? I couldn't stop how every sensation felt. And I'm afraid that my parents name will be stained by their daughter's perverse doing.

She slapped me again. "Nag-aaral ka ba talagang mabuti o sinasayang mo lang ang pera na pinapaaral namin sayo? Sagot!"

Hindi ko na nagawang magsalita. Tahimik akong humagulhol, impit na impit. Hindi ko maramdaman yung hapdi ng sampal ni mommy, mas masakit pa ang mga salita niya kumpara run.

"Ano ha? Sagot? Kagaya ka ba ng daddy mo na may napakaraming kabet?!" pinanlisikan niya ako ng mga mata.

Tinulak ko siya palayo ng makita ko ang itsura ng multo sa kanya.

"TIGILAN MO NA AKO!"

Tumakbo ako palabas ng bahay. Dad called my name but I didn't bother to look back. Takbo lang ako ng takbo nang nakapaa. Nagkasugat-sugat na rin ang paa ko dahil sa iilang bato na naapakan ko kanina. I sat on a sidewalk bench. Iyak lang ako ng iyak habang pinagtitinginan ng ibang tao sa paligid ko. Hindi ko na sila magawang bigyan pa ng pansin dahil sa nangyayari sa akin.

"Hana," pagtawag sa akin ng babae na nakatayo sa harapan ko.

I lift my head only to see her. May halong kaba at emosyon ang kanyang itsura. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"B-Bakit ka andito? Paano mo nalamang andito ako?"

Naupo sya sa tabi ko. "I went to your house, sabi ni tito tumakbo ka raw kaya hinanap na kita. Why did you run away?"

"I got a Truth," I said. "The game told me to tell my parents the truth about me and Brylle."

"Ano ang sabi nila?"

Tears fell from my eyes. "Mom slapped me twice. Pero mas masakit iyong mga sinabi niya sa akin kumpara sa sampal na ginawa nya. I'm such a disgrace in the family."

Suminghap ako ng hangin at bumaling ako sa kanya.

"How about you? Bakit ka nga pala nagpunta sa bahay namin kanina?"

I saw her putting back a card from behind. "Kagaya mo, nakatanggap din ako ng Truth."

"Tapos?"

Ipinakita nya sa akin ang index card. "I have to tell you something, Hana."





Daniela's Point of View.

-Her flashback-

"Daniela, don't tell anyone about what you saw kanina, please. Ayokong masira sa pamilya ko," hinawakan nya ng sobrang higpit ang braso ko.

Tinitigan ko lang iyon kaya naman binitiwan nya rin pagkatapos. I saw him wearing his boxers again. I gritted my teeth when an image of them in bed appeared. Naiinis ako sa sarili ko. Binisita ko talaga siya sa bahay nila ngayon dahil alam ko na wala siyang kasama, but I guess she didn't need me in the first place.

Since he came into our lives.

Lumabas siya at hinintay lang kami ni Hana na matapos mag-usap. Napagkasunduan naming dalawa na walang sikreto ang mabubunyag hanggang sa libingan namin. I agreed to the agreement but on one condition.

"Be my boyfriend," matapang kong sabi sa kanya ng nasa campus kaming dalawa.

Mabuti na lang at hindi niya kasama si Hana na madalas makapulupot sa kanyang matitigas braso.

Inismiran niya lang ako. "What are you saying? Alam mo naman siguro na jowa ko ang kaibigan mo?"

"I know," my fist clenched.

Nilapitan niya ako ng dahan-dahan. He touched my chin lifting my head to meet his eyes.

"I know you don't like me, Daniela. So who are you doing this for?"

"I'm doing this for myself," umatras ako ng konti. "At kung hindi ka magiging boyfriend ko. I will tell Hana's parents about what happened to the both of you last month."

I saw how his jaw clenched in anger.

"Sasabihin ko na may nangyari sa inyo and you already know what the consequences are, don't you? Masisira si Hana sa family niya, her mom will disowned her. And her dad? He'll kill you and terminate your position in the Baseball Club," I smirked.

Malalim ang kanyang paghinga, napansin ko kasi na tumataas baba ang kanyang balikat. He's panting hard. Maybe I put too much pressure on him. He deserves it anyway.

"Think about what I said until midnight. It's your choice after all."

Aalis na sana ako nung bigla niya akong hinigit pabalik.

"Fine!" he shouts. "But don't tell anyone about this. Lalong-lalo na kay Hana."

"Of course."

Years passed naging ganito ang sitwasyon namin. She hasn't realized anything about it yet, but I know if she did, she'll let it go and ignore the signs of how Brylle and I cheated on her.

"The truth about what, Danie?" she asked.

Napayuko ako, pinipilit na pigilan ang luhang nagbabadya. "Brylle and I have a relationship."

She didn't say anything. Inangat ko ang aking ulo at tinignan siya. She was emotionless for a moment and she smiled... a sinister one. Tumawa lang sya ng tumawa at bumaling bigla sa akin.

"Sa tingin mo ba talaga hindi ko alam, Daniela?"

Her voice was sharp. May namumuong galit at tensyon sa pagitan nito. Hindi ko mawari kung galit ba siya sa akin o naaawa siya.

"Tsk, tsk, tsk," naiiling nyang sambit. "Ang tagal ko na kayang alam na may relasyon kayo. Sinabi lang din sa akin. At first, hindi ko pinaniwalaan, but what the person said was true. Nakakahiya kayo."

"Alam mo ba kung bakit ko iyon ginawa? Kung bakit ako napilitang jowain si Brylle, ha?" inis kong tanong.

Galit nya akong tinignan. "Oo! Dahil cheaters kayo. Mga sinungaling! Ang daming traydor sa mundo! You're jealous because Brylle loves me more than you!"

"You got it all wrong, Hana. I don't like Brylle, I don't like him at all. Jinowa ko siya dahil naiinggit ako sa kanya. Dahil gusto ko rin ng atensyon mo!"

Hingal na hingal ako habang nagpapaliwanag sa kanya. Eto ba ang pakiramdam ng galit habang nagpapaliwanag?

"W-What do you mean? Did you just admit that you-"

"I admit, Brylle and I had a one night stand. And yes, I like you Hana. I've always like you ever since," napahilamos ako ng mukha. "At hindi ko kayang tanggapin na may jowa ka na. Sa lahat ba naman ng lalaki ay ang playboy pa! Hindi ko yun matatanggap. Masasaktan ka lang, ginagamit ka lang niya para sa scholarship at sa posisyon niya sa team!"

"H-Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman mo para sa akin."

A small curve formed on my lip. "You never did."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa mga sinabi ko.

"I feel a lot better now. Nalabas ko na ang saloobin ko tungkol sayo."

I looked at her. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti.

"It's the truth that I've always want you to know. The hidden truth that I've always kept from you."

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro