Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C12: Corrupted Memories

"If something can
corrupt you,
then you are
already corrupted."

- Bob Marley

●●●

Krista's Point of View.

Gulat na gulat ang itsura ko pagkatapos kong makita ang mga litrato na nasa GC namin. Mabilis ko iyong tinakpan at nilagay sa study table ko.

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Jade?" si Alden na kanina pa nagtitipa sa laptop.

"I can't believe it. I thought it's over," sambit ko at napahawak sa aking ulo.

Napapikit ako ng mariin dahil sa iniindang sakit sa ulo. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil pilit kong inaayos ang nasirang videos at pictures. Lahat ng kuha ko ay nawala at nacorrupt sa hindi malamang dahilan.

Naupo sya sa katabi kong kama at tinignan akong mabuti. "You look like you need some sleep. Matulog ka kaya muna?"

"Matutulog naman ako pagkatapos nito."

"I'll try fixing it again for you. Just sleep," he tousled my hair and smile. "Matulog ka na muna."

Tumayo ako at kinuha ang aking unan ng bigla na lang tumunog ang aking phone. Alden and I glanced at each other, he peeked at my phone and handed it over to me.

"Si Daniela tumatawag."

Tinanggap ko iyon, sliding the green button.

"Yes, Danie?"

"Free ka ba ngayon? I wanted to talk to you about something," mukha siyang nagmamadali.

"Oo naman. Magkita na lang tayo sa labas mamaya. Hihintayin kita sa 7/11."

"Gusto ko sanang hiramin ang videos na nakunan mo noong nasa loob pa tayo ng demonyong apartment na 'yon."

"Y-Yeah, about that," napabuntong ako ng maalala na niisa sa mga videos ay hindi na gumagana.

Napatingin ako kay Alden na busy sa pagfifix ng bugs sa videos at images na nakunan ko.

"What about it? Don't tell me dinelete mo ang mga iyon?"

I could hear traffic jams everywhere. Mukhang nagdadrive nga si Daniela ngayon.

"No, I didn't delete a single piece," I sighed. "Sasabihin ko na lang sayo kapag nakarating ka na rito. Be careful while driving, okay? Bye."

"Goodbye. See you."

Binaba ko ang tawag at napatingin sa kanya. "I need the files."

"Hindi ko pa nadedebug, Krista," he said, not even looking at me.

"Daniela wants it. Ipapakita ko sa kanya na wala niisa sa mga videos ang gumagana. I think she'll use it to report to the police as evidence."

He heaved a sigh. "Fine."

Hindi rin nagtagal nang makatanggap ulit ako ng tawag mula kay Daniela. She's already waiting for me at 7/11. Nagbihis ako at sinuot ang aking pulang jacket which is a gift from my ate.

"Lalabas ka?"

"I have to see Danie about the vids. May gusto ka bang ipadala pagbalik ko?"

"Wala naman," tinapon niya sa akin ang flashdrive na naglalaman ng files. "Doesn't work no matter how I try."

"I'll be back in a flash."

Tumango lang siya at nahiga sa kanyang kama. Nilock ko ang pintuan at agad na pinuntahan si Daniela. May iilang staff akong nakakasalubong, ningingitian ko sila bilang pagbati. May iilang guards din na nakabantay sa bawat gates. Napakatahimik na masyado ng campus dahil wala ng estudyante rito. Naririnig ko ang bawat apak na ginagawa ko habang naglalakad palabas.

Masyadong tahimik.

Gusto ko ang ganito.

Hindi ako nahirapang hagilapin si Danie. Mahahalata mo talaga ang bonnet niyang kulay blue na regalo sa kanya ng boyfriend nya kaso hindi nya pa iyon napapakilala sa aming lahat.

"Daniela," pagkuha ko sa kanyang atensyon.

Ngumiti siya ng makita ako at sumenyas na maupo kami.

"Dala mo ba ang files na sinasabi ko?"

"I have it," pinakita ko sa kanya ang flashdrive. "Buksan mo para malaman mo ang sinasabi ko kanina."

I gave her my otg at sinaksak na niya ang flashdrive dun. Otgs come in handy kasi nakikita mo kaagad ang files gamit ang phone mo.

"The files are useless and can't be used as an evidence. Bigla na lang nacorrupt ang mga videos at litrato na nakunan ko. The pictures are blurry, parang may dumaan na anino sa bawat litrato."

Pinagmasdan ko lang siya habang nagsa-swipe left. Bumuntong hininga sya ng marahas at ginulo ang kanyang buhok dahil sa inis.

"Hindi ako makapaniwala. Wala itong kwenta. Hindi ba natin pwedeng i-debug ang files na ito?"

"Alden and I did everything about it simula pa kanina. Our efforts went in vain, it was useless."

"K-Krista," her voice quavered all of a sudden.

Agad akong ginapangan ng kaba dahil dun. First time kong makita ang takot sa itsura ni Daniela habang nakatingin sa kanyang phone.

"Bakit? Ano ang tinitignan mo?"

Dahan-dahan niyang iniharap sa akin ang litrato dahilan para magtindigan ang balahibo ko sa katawan.

"T-That can't be, we all saw how he died, right?"

At paano siya nahagilap ng camera ko gayung hindi ko naman ginamit ang recorder noong panahon na nag-aaway si Mike at Eireen sa kwarto? Did Alden put the picture in my files? No, that can't be. Wala rin syang access sa camcorder ko. He never even touched it once.

Nagtitigan lang kami ni Danie nang gumawa ng static sound ang kanyang cellphone. Nabitawan nya iyon ng hindi sinasadya dahil sa gulat. Agad ko iyong pinulot at tinignang mabuti. The photo transition slowly became a bloody message.

"It's my turn... to do a dare."






Alden's Point of View.

Sumilip ako sa bintana at napansin ang mangitim-ngitim na ulap. Mukhang uulan na naman yata na hindi bina-balita sa telebisyon. I decided to watch some Youtube vids habang hinihintay umuwi ang roommate ko when Daniela's name flashed on my screen. I lazily answer her call at nahiga muna sa kama.

"Hello?"

"Alden, si Krista!" bigla niyang sabi sa isang kabado at malakas na boses.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa kaba dahilan para mahulog ako sa kama. Naramdaman kong sumakit ang tagiliran ko dahil sa pagbagsak pero hindi ko na nagawang pansinin pa iyon.

"Bakit?! Ano ang nangyari sa kanya?"

Mabilis kong kinuha ang jacket na nakasabit sa gilid ng pinto kahit hindi ko pa man nalalaman ang nangyari, at sinuot ang aking tsinelas pagkatapos.

"Dugo. Ang daming dugoooo!"

"Ano bang nangyayari Daniela?!" sigaw ko palabas.

"Bigla na niya lang inuntog ang ulo niya sa pader! Nasa hospital na kami ngayon, puntahan mo naman kami bilis!" she said in between her sobs.

Natataranta akong sumakay ng motor ko at agad na humarurot papuntang hospital. Shit, shit, shit. Bakit ba ito nangyayari sa amin? Tumakbo ako papunta sa nurse's desk at nakita si Daniela'ng umiiyak. Duguan ang kanyang buong ibaba habang ngatngat ang sariling kuko.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Asan si Krista? Kumusta na siya?"

"M-Maayos na siya," nanginginig ang kanyang boses at takot na takot ang kanyang itsura.

"Daniela, ano ba talaga ang nangyari?"

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniaabot sa akin ang kanyang cellphone.

"B-Bigla na lang lumabas ang sulat na yan."

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang sulat.

Dare for Krista:

Smash your head three times on the wall.

My knees got weaker and weaker. Napaupo na lang ako sa tabi ni Daniela. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas dahil sa mga nangyayari. At hindi ko matatanggap kung may mangyari mang masama sa kanya.

"Damn it!" inis akong napahawak sa sariling buhok.

"Nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya dahan-dahang tumayo. Akala ko may bibilhin lang siya sa loob kaso biglang nagsigawan ang mga tao. N-Nakita ko na lang siyang duguan habang walang tigil na pinag-uuntog ang kanyang ulo sa pader," nanginginig pa rin ang boses nya habang nagkukuwento.

Pinakalma ko muna si Daniela saglit. Nagpapasalamat na lang ako at maayos na ang kanyang kalagayan pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Ano ang room number ng kwarto niya?" tanong ko matapos niyang makahinga.

"Room 210," sagot niya. "Kung gusto mong bisitahin si Sy, nasa Room 204 lang siya."

Nagtataka ko syang tinignan. "Sy is also here? What happened to her?"

"She collapsed after crying too much."

Tumango ako at pinuntahan ang kwarto ni Krista. Uuwi muna saglit si Daniela para maligo ng maayos at makapagbihis ng maayos na damit. Her dress is covered with blood from top to bottom.

Sumakay ako ng elevator. Pipindutin ko na sana iyong floor kaso may babaeng naglakad palapit sa akin. Mukhang sasakay yata. Hindi ko mahagilap ng maayos ang kanyang itsura dahil sa puti nyang bestida at mahabang bangs.

"Ano ang floor ka, miss?" tanong ko pero nanatili lang siyang tahimik at walang imik. "Miss, anong floor ka po para mapindot ko na?"

Hindi pa rin siya umimik kaya nanahimik na lang ako. I pushed the 17th button. Tahimik lang kami habang papaakyat ang elevator.

"Alam mo ba kung bakit nagpapakamatay ang tao?"

Bigla na lang siyang nagsalita bigla. Parang may static ang kanyang boses dahil sa sobrang lamig.

"D-Dahil sa problema," my lips quivered in fear.

Naramdaman ko rin ang biglaang paglamig ng elevator. I hope I'm wrong and I don't fucking believe ghosts so please tell me that I'm not riding with one.

"Mali ka," malamig niyang sambit. "Dahil sa sikreto. Sikreto na kahit kailan ay hindi puwedeng sabihin sa kahit na sino dahil ikasisira nila ito kapag nabulgar."

Napalunok ako at akmang pipindutin ang STOP. I wanted to jump off this elevator. What the fuck is she saying? Hindi ko alam na may libreng session pala rito.

"Ikaw? Ano ang sikreto ng nakaraan mo, Alden?" she whispered in my ear which made my heart tremble in fear.

Tumunog ang elevator ng nasa 13th floor na kami. Nakangiti lang siya sa akin habang naglakad palabas. Nawalan ako ng lakas dahil dun at mabilis na pinindot ang floor. Hindi ko maalala na pinindot ko ang floor na binabaan ng babaeng iyon.

Lumabas ako nang makarating ako sa floor ko. Napadaan ako sa morgue and saw two parents crying over a dead girl's body. Nanlaki ang mga mata ko nung masilayan ang mukha ng babaeng nakasama ko kanina sa elevator.

Wtf?! Ibig sabihin ba nito, patay na siya?!

"Alden," tapik ng isang kamay sa akin.

Halos mawalan ako ng malay dahil sa sobrang gulat. Nakita ko si Kyle na may dalang tasa ng kape. Gulat na gulat ang itsura ko habang nakatingin sa kanya.

"Para kang nakakita ng multo riyan, tol."

I just fucking did a while ago.

"Tangina, ikaw lang pala," napahilamos ako ng mukha. "What are you doing here?"

"Binabantayan ko si Sy kasama si Christine. Umuwi pa kasi si Hana, ikaw ba?"

"Si Krista andito rin."

Kabado niya akong tinignan. "Bakit? A-Ano ang nangyari sa kanya?"

"Long story short, pinag-uuntog niya ang kanyang ulo sa pader ng makatanggap sya ng Dare."

Napansin ko ang nanginginig na kamay ni Kyle, his coffee almost spilled.

"Shit. Sinusundan talaga tayo ng sumpa na yun!" napatingin sya sa akin. "Ikaw? Nakatanggap ka na ba ng truth or dare mo?"

Umiling ako. "Hindi pa pero nararamdaman kong malapit na."

Inubos kaagad ni Kyle ang kanyang kape. "Samahan na kita kay Krista, tol. Tutal naman, nakatulog na ang isang pasyente natin."

Naglakad kami patungo sa pinakadulo ng hallway. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid dahil sa sirang ilaw na tumapat pa mismo sa kwarto kung saan naka-confine si Krista. Mabuti na lang at isa itong private room.

"I still can't believe that Jade is dead," I said. "May autopsy na ba sa katawan nya Kyle?"

He nods. "Aconite ang dahilan ng pagkamatay at iilang sleeping pills."

Kumunot ang noo ko dahil dun. "Sleeping pills?"

"May nakitang tatlong sleeping pills sa kamay niya noong mamatay siya."

"Alam na ba ito ni Sy?"

"Paano ko naman sasabihin sa kanya ang nangyari? Halos patayin na nya ang sarili niya kakaiyak. I don't want to put more pressure on her. She looks so devastated."

"You're right, what about Mike? Bakit wala pa siya rito?"

"Tol, sino bang pupuntahan niya dito, e patay na si Eireen. He's busy dealing with Eireen's death. Kausap niya siguro ang tita niya tungkol sa burol na gagawin," si Kyle.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nakita si Krista na natutulog ng mahimbing. May bandage na nakapulupot sa kanyang ulo at iilang dextrose sa kamay.

"Habang tumatagal mas may nagiging kamukha si Krista sa batch natin noon," bulong ni Kyle nang mapatitig sa kanya.

Bumuntong hininga ako at inayos ang kanyang higaan. She is. She looks like the girl I was trying to forget, but my memories are corrupted with blood.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro