C11: Crocodile Tears
"Women sympathy is
a tears of crocodile."
- Pingili Malla Reddy
●●●
Christine's Point of View.
Nabitawan ko na lang bigla ang basong hawak-hawak ko. It fell on the floor, creating a loud and sharp crackings. The shattered pieces scattered all over the floor. Marahas akong napabuntong at lumuhod para pulutin ang basag na baso ng bigla na lang dumugo ang daliri ko.
Damn it. I hurt myself trying to pick up the shattered glass. Dumating na lang bigla si Kyle at sumilip sa may pintuan.
"Ano ang nangyari diyan?"
"Nalaglag ko sorry," dispensa ko. "Nagising ba kita?"
"No, not really. Dyan ka lang ha, don't move at kukuha lang ako ng walis tsaka dustpan."
Tumakbo sya sa labas para kumuha ng gamit panlinis. I stood up when I felt something on my knees. Napatakip ako ng bibig nang makita ang duguan kong tuhod. Hindi ko man lang naramdaman ang bubog ng lumuhod ako kanina. I didn't feel anything not until I stand up on my feet. Para akong pilay habang naglalakad papunta sa gripo namin. I wash both of my hands and bloody knees. Napapapikit ako sa tuwing iniinda ang napakahapding sugat sa aking tuhod. Mas lalo itong humahapdi sa tuwing nililinisan ko ng sabon at tubig.
Tahimik ang buong paligid dito sa boarding house namin ngayon dahil Sunday. Madalas magsiuwian ang mga kasamahan namin sa kani-kanilang tahanan, samantalang kami ni Kyle ay madalas maiwan kasi wala naman kaming mauuwian.
"Hindi yata magandang pamahiin ang basag na baso," bulong ko sa sarili.
Dumating bigla si Kyle dala-dala ang dustpan at walis. Hinayaan ko lang siyang linisin ang ginawa kong kalat. Napakabait talaga ng boardmate ko kahit kailan.
"Papasok muna ako sa loob. Gagamutin ko lang itong sugat ko," paalam ko.
Tumango siya at napatingin sa aking tuhod. "Ang dami namang dugo niyan, Christine."
"Ano ka ba, wala lang ito. Mahapdi lang ng konti."
"Sige, susunod ako pagkatapos nito. I'll help you clean your wound."
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya. I'm happy that Kyle's hand is recovering from the burnt. I saw his burnt palm once noong napadaan ako sa kanyang kwarto isang araw. He's trying to medicate his own wound. Gusto ko man siyang tulungan na bendahan ang kanyang sugat ay hindi ko magawa. Masyadong nakakatakot ang pagkapaso niya. May lumalabas na laman mula rito kaya natatakot akong tignan.
I took the kit to medicate my wounded knees. Dahan-dahan ko itong nilagyan ng betadine at bulak. Lastly, I wrapped the bandage around it para hindi ko masyadong maramdaman ang sakit.
"There, done."
Kyle's taking too long cleaning the shattered glass. Tsk.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagtunog ng doorbell namin. Even though my knees were still bleeding and hurting. I decided to check who's outside the gate. Binuksan ko ito at nakita ang isang lalaking nakatalikod. Sa pangangatawan pa lang alam na alam ko na kung sino ito.
"Ano ang ginagawa mo rito, Jade?" ngiti ko.
Pero hindi nya ako nililingon.
"Pasok ka muna. Masyadong mainit diyan sa labas."
Naglakad ako papunta sa loob pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Nanatili siyang nakatayo sa labas. Kumunot ang noo ko. Iniinis nya ba ako?
"Hoy, Jade! Pasok na bilis. Bingi ka ba?" inis ko siyang hinila papasok sa loob.
Sobrang lamig ng mga kamay niya, para siyang nilagay sa freezer. May hawak siyang sulat at nilahad iyon ng dahan-dahan sa akin.
"Para sa akin ba ito?"
Hindi siya sa nagsalita. Ngumiti lang siya at lumabas din kaagad ng gate.
"Ang weird naman nun."
"CHRISTINE!" sigaw ni Kyle.
Napatalon ako dahil sa lakas ng boses niya mula sa kusina. Hingal na hingal niya akong kinausap at may hawak pang cellphone ang kanyang kamay.
"S-Si Jade!" sabi niya habang pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.
"Ah si Jade ba kamo? Kakaalis niya lang-"
"Patay na si Jade!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ginapangan ako ng kaba at takot ng narealize ko na hawak-hawak ko ang sulat na pinadala ni Jade.
Nakita ko kanina si Jade. Sigurado ako run, siguradong-sigurado ako sa nakita ko.
"S-Seryoso ka ba? Andito kaya siya kanina lang. Don't joke like that Kyle!"
Hindi ako makangiti ng maayos habang iniisip ang mga nangyayari. Ipinakita niya sa akin ang litrato na sinend ni Hana sa GC ng club namin. Napatakip ako ng bibig at napaatras dahil sa sobrang takot. Nakadilat ang kanyang mga mata, bumubula ang bibig, at may dugo pa sa kanyang tenga. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan at napapailing. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko.
"H-He's dead," I said.
Kung ganun, sino iyong nakita ko kanina sa labas ng gate namin?
"Kailangan natin silang puntahan. Nasa Davao Doctor's Hospital na sila ngayon. Tara na," hinila niya ako palabas ng gate.
Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak sa sulat na ibinigay sa akin. Si Jade ba talaga iyong nakita ko? I'm pretty sure that it was him. If hindi iyon totoo, paano ko mapapaliwanag ang sulat na nasa kamay ko?
Mabilis kaming bumaba ng taxi ni Kyle pagkatapos naming makarating sa hospital kung saan isinugod si Jade. Nagtanong ako sa nurse's desk tungkol sa kakahatid na bangkay kaso andun pa raw sa morgue at ginagawan pa ng awtopsiya ng mga doktors at coroners.
"Christine."
Napalingon ako sa boses mula sa aking likuran at nakita si Daniela. May dugo sa kanyang kamay at mukhang kagagaling niya lang umiyak.
"Nasaan si Sy?" tanong ko. Sa lahat ng tao na mas naaapektuhan ngayon, sigurado akong siya iyon.
"Pinagpahinga muna namin. Kanina pa kasi umiiyak. She's with Hana, you have nothing to worry about," sagot niya.
"Ano bang nangyari Daniela?" si Kyle na halos mawalan ng ulirat.
Mabilis na hinawakan niyang hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat nito at niyugyog ng paulit-ulit.
"Bakit namatay si Jade? Bakit kailangan niyang mamatay ng ganito kaaga?!"
Suminghap sya ng hangin bago magsalita. Pilit niyang pinipigilan ang luhang nagbabadya mula sa kanyang mata kaya hindi niya kami matignan ng diretso. She took something from her pocket at nakita ko ang cellphone ni Jade. Nilahad niya iyon sa mga palad ni Kyle habang maluha-luhang nagsalita.
"Jade poisoned himself because of the dare."
"Ano? Hindi pa pala tapos ang larong iyon?!" singhal niya dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao na nagdaraan sa loob ng hospital.
"Kyle, please calm down."
Naupo siya bigla at inis na pinasadahan ang kanyang buhok.
"Fuck it! I thought hindi na ulit mangyayari ang laro dahil nakaalis na tayo sa bahay na yun pero sinusundan tayo kahit saan tayo magpunta."
Ginapangan ako ng kaba dahil sa kanyang sinabi. He's right. The game followed us here. Hindi kami makakatakas pero baka may paraan pa para gawin iyon.
Napapailing na umiiyak si Daniela. "Kailangan ko ng umuwi para sabihin sa mga magulang ko ang totoong nangyari sa atin."
"Hindi ka nila paniniwalaan," sabi ko. "Sasabihan lang nila tayo na mga baliw dahil nakainom tayo nun."
"Alam ko, kaya pupuntahan ko muna sila Krista at Alden. Hihingi ako ng ebidensya na makakatulong sa atin."
Oo nga pala. Kada oras nagdodokumento si Krista noong nasa bahay pa lamang kami. Pero wala kaming balita sa kung nakauwi na ba sila ng maayos ni Alden. Nasa university's hostel sila nakatira at masyadong strikto ang university ngayon dahil bakasyon. Hinding-hindi ka makakapasok ng basta-basta sa loob. Isa pa, wala ng estudyante dahil nagsiuwian na sa kani-kanilang probinsya. Tanging guards na lang at iilang faculty members ang madadatnan mo sa university.
"Tawagan mo muna sila. Alamin mo na may plano kang pumunta doon," si Kyle na balisa pa rin habang hawak ang cellphone ng kaibigan. "I'll just call Mike about what happened. Ipapaalam ko sa kanya ang nangyari kay Jade."
Napahawak ako ng mahigpit sa sulat na ibinigay niya. Totoo man o hindi, panaginip man o hindi, kailangan kong ibigay ang sulat na ito kay Sy.
"Ano ang room number ni Sy?" tanong ko kay Daniela.
"Room 204," she replied. "Tatawagan ko muna si Krista."
Umalis sya at nag-excuse muna saglit. Pinuntahan ko na agad ang kwarto at nadatnan si Hana na nanonood ng TV habang nakatulog naman si Sy. Mapapansin sa kanya ang nagingitim niyang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak.
"How is she?" I asked while approaching Hana.
"She collapsed after crying too much," she said, caressing her friend's hair. "Mabuti naman at dumating kayo. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari."
"Ganun din ako."
Naupo ako sa katabing upuan nang marinig ko ang isang hikbi, hikbi na nanggagaling kay Hana.
"Kahit pinaabort niya ang kanyang baby dahil kay Jade, mas nanaig pa rin ang pagmamahal niya para rito. Hindi ko akalain na nawalan na naman ako ng kaibigan. Hindi ko na kayang magpakatatag kapag ganito palagi ang nangyayari."
Hinaplos ko ng dahan-dahan ang kanyang likuran. "Tahan na."
Ayokong makakita ng taong umiiyak dahil naiiyak din ako. Ganun ako kababaw na tao. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko at nakiiyak na rin kasama si Hana.
"Kahit galit ako kay Sy dahil ginawa niya iyon sa bata na walang malay. Nawala iyon bigla ng makita kong niyayakap niya ang bangkay ni Jade. Nawala iyong bigla ng bigla siyang nagcollapse sa harapan ko. Natakot ako bigla Christine. Natatakot ako na baka mawala rin si Sy sa akin," hagulhol niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ganun din ako."
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikuwento sa kanya na nakita mismo ng dalawang mata ko si Jade kanina sa labas ng gate namin. Hinatid niya sa akin ang isang sulat na para sa taong mahal niya. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi na sana ako umuwi pa at sumama na lang sana ako sa condo ni Jade para mapigilan ko ang pagpapakamatay niya. I blame myself for being so careless and naive. Nakakainis! Nakakainis isipin na wala kang nagawa para protektahan ang mga kaibigan mo.
Nagising bigla si Sy. Mukhang naalimpungatan yata sa ingay ng hikbi naming dalawa. Kinusot niya ang kanyang mga mata at pilit itong binuka dahil sa sobrang sakit.
"S-Si Jade, Christine si Jade," nanginginig niyang pahayag. "Patay na si Jadeeeeee!"
Agad kong hinawakan ang kanyang mga kamay. "Alam ko, alam ko, Sy. May ibinigay siyang sulat sa akin kanina."
Pinilit ko siyang patahanin pero humahagulhol lang siya ng sobra. Ni-wala ng luha ang lumalabas sa kanyang mga mata. Mukhang naubos na nya ito kanina. Nag-igib ako ng tubig sa pitsel at pinainom ito sa kanya. Nahihirapan na syang huminga kaya tinulungan na rin ako ni Hana na magpatahan.
"Heto nga pala ang sulat na binigay nya sa akin kanina," sabi ko at nilahad iyon matapos syang tumahan.
Nagtataka nila akong tinignan.
"Kanina, Christine?" si Sy.
"Bago siya namatay," sabi ko na lang. "Buksan mo at baka importante."
"Maiiyak lang ako kapag mababasa ko ito. Baka mamaya..." pinilit niyang ngumiti pero bumabaluktot talaga ang labi niya sa pag-iyak. "Salamat."
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro