C13: A Dare to Cut
"If someone stabs you back with a knife, used the same knife to cut ties with them."
- thediaryforlife.com
●●●
Michael's Point of View.
Tinawagan ko kanina si Tita Emilia tungkol sa pagkamatay ng kanyang pamangkin. Iyak sya ng iyak habang niyuyugyog ang balikat ko nung makarating sya dito sa morgue.
"Anong nangyari, Mike?! Anong nangyari?! Paanong nagkaganito ang kalagayan ng nag-iisa kong pamangkin, ha?" hagulhol niya.
Napatingala na lang ako sa kisame dahil wala akong maisip na matinong paliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pagtatawanan niya lang ako at tatawaging baliw.
Nakita kong niyayakap ni tita ang bangkay nya. Iyak lang sya nang iyak rito samantalang ako ay unti-unti nang nawalan ng lakas. Nakapikit lang si Eireen, laspag na laspag ang kanyang kamay at binti, and her lips were pale and crack.
"Mike," bulong ng isang babae.
Napalingon ako sa gilid pero walang tao roon. Muli akong bumaling sa bangkay at nakita ang nakadilat na mga mata ni Eireen.
"Pagbabayaran mo ito!" sambit niya.
"FUCK!"
Napaatras ako dahil sa sobrang gulat. Pumikit ako agad at muling binuksan ang aking mga mata. Eireen was sleeping with her eyes close. Namamalikmata na yata ako dahil sa sobrang pagod. Epekto siguro ito ng puyat at stress dahil sa mga nangyayari.
"Tita Emilia," hinawakan ko ang kanyang balikat. "Uuwi na po muna ako. Kailangan ko po munang magpahinga. Babalik po ako bukas, just call me if you need some assistance."
"Naiintindihan ko, Mike. Salamat sa paghatid sa pamangkin ko," sambit nya at niyakap ako ng mahigpit pagkatapos.
Naglakad ako palabas ng morgue. Hinampas ko ng sobrang lakas ang aking manibela dahil sa galit at inis. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa amin. At dahil ito sa nagpunta kami sa mismong apartment na yun. We were just fooling around but the game had gone deadly wrong. Isa-isa na kaming nawawalan ng buhay.
Pinaandar ko ang sasakyan ng may babaeng nakatakip ang buhok ang kumatok sa pinto.
"Puta!" halos atakehin ako dahil sa kaba.
"Palimos po, Kuya."
Pulubi lang pala. Humugot ako ng bente pesos mula sa aking bulsa at iniabot sa bata kaso... nawala siya. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan dahil sa takot at umuwi ng bahay. Mabuti na lang at walang traffic, my drive went smooth. Binuksan ko ang pintuan at gaya ng dati wala na naman ang parents ko. Palagi na lang silang wala sa oras na kailangan ko sila. Naiintindihan ko naman na masyado talaga silang busy sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Naghubad ako ng damit at pantalon. Nangangamoy pawis na ako simula pa kahapon. Parang isang linggo akong hindi nakapaglinis ng katawan dahil sa amoy ko. Hinayaan ko lang na dumaloy ang tubig mula sa shower patungo sa aking katawan pababa nung biglang tumunog ang cellphone ko. Pinatay ko ang shower at naglakad ng hubad para sagutin ang tawag na mula kay Kyle.
"Oh bakit?"
"Saan ka ba ngayon? Kanina pa kita tinetext."
"Dead batt ako, ano bang nangyayari? Bakit natataranta ka?"
"Si Jade! Patay na si Jade. Nilason niya ang sarili nya dahil sa Dare na kanyang natanggap."
Kumabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi. Nawalan ako ng lakas, kasabay nun ang panginginig ng aking kalamnan at binti.
"S-Sigurado ka ba?"
"May litrato silang kinuhanan at nasa group chat natin yun. Tignan mo para maniwala ka sa sinasabi ko. Tol, p-patay na si Jade," nabasag ang boses niya.
Nalaglag ang cellphone ko sa sahig at napaupo sa kama. Napahilamos ako ng mukha dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Imposible yun. Imposibleng patay na si Jade. Hindi niya magagawang magpakamatay ng ganun-ganun lang.
Sinusundan ba kami ng sumpa ng Red Apartment na yun? Bwiset, hindi na ako makapag-isip ng tama.
Pumasok muli ako sa banyo at pinagpatuloy ang pagligo. Pinihit ko ng todo ang shower, mabilis na naglaglagan ang butil ng luha ko. Gago ka talaga Jade, ang aga mong nang-iwan gago ka! Akala ko, akala ko matagal mamatay ang masamang damo. Nagbihis ako ng damit at cargo pants na hanggang tuhod. Binuksan ko ang group chat namin at nakita ang litrato ng bangkay ni Jade na nakadilat ang mga mata, bumubula ang bibig, at may dugo sa kanyang tenga.
Belladona.
Napatingin ako sa salamin. Bumaluktot na lang bigla ang labi ko ng hindi sinasadya. Kailangan kong puntahan ang iba naming kasama. We need to finish this game.
Nagdrive ako patungo sa tinext na address ni Kyle sa akin. Andun ang mga kasama ko, yung mga natitirang buhay sa larong ito. I have never read any articles about the Red Apartment aside from what Froy sent in the group chat last week. Hindi ko rin matandaan na kasali ang taong iyon sa listahan ng members ng Adventure Club.
I turned the radio on. Maganda pa sana ang tugtog sa simula ngunit bigla na lang nagkaroon ng static. Parang nasira ang signal nito at may kakaibang boses akong naririnig.
"D-Dare for M-Mike..." the eerie voice said with static in between.
Pinatay ko kaagad ang radyo, but it was useless. Nagsasalita pa rin yung tao na para bang nirecord na ito gamit ang isang cassette.
"Cut your arms, Mike."
The voice got deeper and bigger. Hindi ko magagawa iyan. Hindi ko magagawa ang dare na iyan. Ako ang captain ball ng Badminton Club at hindi ko pupuwedeng putulin ang kamay ko dahil hindi na ako makakapaglaro pa nito.
"Tumigil kaaa! Tigilan mo na ako!"
"Cut your arms just like what you did to your opponent before the championship game."
"SHUT UP! SHUT THE FUCK UP!"
"Cut your arms. Cut your arms. Cut your arms..." paulit-ulit itong sinasabi ng radyo ko.
Mariin akong napapikit. Hindi ko namalayan ang malaking truck na papalapit sa kotse ko. Lights blinded me and all I could hear was our vehicles crashing. I could see my blood slowly flowing from my head and my arm was cut in between the glass window. Nakita ko ang isang pares ng paa ng isang babae na nakaharap sa akin. Her dress looks familiar.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi ba? Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin," banayad niyang sabi.
Christine's Point of View.
I woke up chasing my breathe. Tumulo ang butil ng malalamig kong pawis mula ulo hanggang leeg. Why am I sweating when the aircon's on?
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sy sa akin. "Masamang panaginip?"
Tumango ako at hindi nagawang magsalita. Ang sama ng panaginip ko. Isang napakasamang bangungot. I dreamed about Mike in a car accident. Ang bilis ng kabog ng dibdib, mukha kasing totoo.
I looked around the room but I haven't seen Kyle.
"Hindi pa ba bumabalik si Kyle?"
"Nasa kabilang kwarto siya ngayon kasama si Alden," sagot niya.
"Bakit? A-Anong nangyari kay Alden?"
"Walang nangyari sa kanya. Kay Krista meron kaya binabantayan nya muna sa ngayon," bumaling muli sa kanyang binabasa.
She's reading a bible.
Krista is also here? What happened to her? Nevermind, I'm gonna find out for myself later kapag bumalik na dito si Kyle.
"I didn't know you read stuffs like that," ngiti ko.
"Hindi masyado pero mukhang kailangan, e. Lalo na't ang daming hindi maipaliwanag na pangyayari sa atin ngayon."
Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makamove-on sa bangungot ko. Sana maayos lang ang kalagayan ni Mike. I scrolled my contacts to find Mike's phone number pero hindi nga pala kami close kaya wala akong numero niya.
"Sy, may number ka ba ni Mike?"
"Oo meron," nilahad niya sa akin ang kanyang phone. "Tatawagan mo ba siya?"
Tumango ako at lumabas muna saglit. The other line keeps ringing, twice, thrice, pero wala talagang sumasagot hanggang sa nadisconnect bigla ang linyang tinatawagan ko.
"Come on pick up," I tried calling him once again but the same just happened.
"Dalhin ang pasyente sa emergency room bilis!" sigaw ng isang nurse.
Napatingin ako sa lalaking nasa kama habang tinutulak ng tatlong nurse. My eyes grew bigger when I realized that the guy on the stretcher was Mike. He's covered in blood, ang daming dugo sa kanyang damit, walang pares ang kanyang sapatos, at ang mas nakakagulat pa ay ng mapansin kong putol ang kanyang braso habang patuloy sa pagdanak ang dugo mula rito.
Tumakbo ako at agad na sumunod papuntang emergency room.
"Miss, miss, ano pong nangyari sa kanya?" natataranta kong tanong sa babae.
"Kilala niyo po ba ang pasyente?"
"K-Kaibigan ko po siya," sagot ko. "Ano pong nangyari?"
"Naaksidente ang pasyente at mukhang nawalan siya ng napakaraming dugo dahil sa naputol nyang braso."
Napatakip ako ng bibig at mabilis na hinabol ang aking paghinga. I was left speechless.
"Maaari niyo po bang tawagan ang mga magulang niya?"
"N-Nasa ibang bansa po at wala rin siyang kapatid."
"Kung ganun, kayo na lang po ang magpirma sa ibang papeles para maconfine ang pasyente rito," sambit nya bago tuluyang naglakad.
Tumango ako at sinundan ang nurse sa station. Unti-unting umagos ang mga luha ko dahil sa nangyari. Yung panaginip ko, yung masamang panaginip ko, nagkatotoo. Ganitong-ganito rin ang nangyari kay Jade. Akala ko guni-guni ko lang ang lahat pero may nangyayari talagang masama pagkatapos.
Nanghihina akong napaupo pagkatapos kong pirmahan ang papeles. Iyak pa rin ako ng iyak sa hallway. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga kaibigan namin nito? I wiped my tears dry as I went back to see Sy. Kailangan ko pa nga pa lang isauli ang kanyang cellphone.
"Nacontact mo ba si Mike?" tanong nya nung makapasok ako sa loob.
Hindi ako nakasagot agad, nakayuko lang ako habang nilalapitan siya sa kanyang kama.
"Christine, nacontact mo ba?"
I shook my head when my tears slowly fell down. "Naaksidente si Mike, Sy. Nakita ko siyang dinala kanina sa emergency room," I said in between my sobs.
"A-Ano kamo?"
Hindi makapaniwala ang kanyang itsura at halatang nalilito pa rin sa sinabi ko.
"Christine, sabihin mo sa aking nagsisinungaling ka lang!"
Niyugyog niya ang magkabila kong balikat. Her eyes were shot red from crying.
"Hindi ako nagsisinungaling. His arm got cut as well. He's suffering from blood loss when he was carried to the emergency room."
Wala sa sarili syang napaupo sa couch. Umiiyak. Hindi makapaniwala.
"It's his Dare isn't it?"
"I-I don't know. I don't know," I cried.
"Let's inform the others while they're still alive," sambit niya at nagdial ng iilang numero.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko. "A-Anong gagawin natin ngayon?"
"Babalaan natin ang iba tungkol sa nangyari sa mga ibang kaibigan natin. Hindi mapuputol ang sumpa na ito kapag buhay tayong lahat."
I decided to go and see Kyle. I need help. Hindi pa ako nakakatanggap ng dare at nararamdaman ko na malapit na iyong mangyari sa akin. We need to cut the dares, the truth, and the curse.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro