Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue:

Prologue:

Pinaikot ko ang bote ng soju at tumapat ang nguso nito sa pwesto kung nasaan si Michael.

"TRUTH or Dare?" tanong ni Sy, isa sa mga kaklase ko.

"Dare of course," nakangisi nitong sagot.

"Kung ganun, be naked while dancing in front of Eireen," impit ni Froy, ang bakla naming presidente.

Ginawa niya ang dare. Sumayaw s'ya sa harapan ni Eireen habang nakatopless. I saw how Eireen drooled over her boyfriend's hot and naked body. Napapailing akong ngumisi habang pinagmamasdan ang dalawa sa kanilang ginagawa.

"Whoo, easy for Mike," komento ni Kyle, ang dakilang playboy ng tropa.

"Ang dali-dali naman ng dare n'yo," he said, wearing his shirt again.

Nanatiling nakangisi si Michael habang pinagmamasdan si Eireen.

"Ang yabang mo naman, pare," tumawa si Daniela, ang tibo naming kaklase.

"Shatap, Danie!" aning Eireen na halatang inaasar ang pambabaeng pangalan ng kaibigan.

Ngumisi lang ito sa kanya kaya't pinagpatuloy na namin ang laro. Pinaikot ko ulit ang bote ng soju at tumama iyon kay Alden.

"Truth or Dare, Alden?" tanong ko.

"Truth," walang gana niyang sagot.

"Sa aming anim," anito ni Hana habang pinaikot ang hintuturo sa aming mga babae. "Sino sa amin ang ililigtas mo kung sakaling mapahamak kami?"

Nanahimik ang lahat dahil sa kanyang tanong. He must tell the truth because he chose Truth after all.

It took him seconds to break the silence between us. Binalingan n'ya ako ng tingin pagkatapos.

"Si Christine," seryoso n'yang sagot at muling ibinalik ang mga mata sa libro.

"Ayiiieee, may pagnanasa ka pala kay Christine. Bakit hindi mo man lang sinabi?" Krista mocked, poking Alden's side dahilan upang mairita siya.

"Stop that, I'm telling the truth."

"Oo na, oo na. Honest ka na," irap ni Krista.

"Ang dali naman masyado ng laro. Baguhin kaya natin?" si Brylle na kinuha ang soju bottle mula sa aking kamay.

"And what do you think you're doing, Brylle?" tinaasan siya ng kilay ni Sy.

"Babaguhin ko lang. Ang boring kasi."

Kumuha si Brylle ng maraming papel at maraming ballpen mula sa kanyang bag tsaka iyon nilapag sa harap ng mesa.

"Ayan, isulat natin ang mga gusto nating tanong or dares. Whoever picks Dare will do the dare and whoever picks Truth will answer honestly," paliwanag niya pa.

Kumuha agad si Krista ng isang papel at ballpen. "Mas gusto ko ang ideya ni Brylle. Let's do it."

Nagsimula na ring magsulat ang iba sa amin. Nagsulat na rin ako ng iilang dares at questions.

"Bawal ang personal questions ha," sabi ni Eireen.

"Why? Scared of telling the truth?" taas kilay na tanong ni Hana sa kanya.

"Shut up, bitch!"

"Whoo, hindi pa nga nagsisimula ang laro may tensyon nang nabubuo," pagbibiro ni Froy. "Chill lang tayo mga bakla."

"Oo nga naman, tayo-tayo na nga lang ang narito, e," ngumisi si Krista habang nagsusulat sa kanyang papel.

Nang matapos ang lahat, inihanda ni Brylle at Michael ang inumin. Kung sino ang hindi gagawa sa Dare ay iinom ng isang basong alak na puno ng gin.

"Damihan n'yo ang ice mga pota. Hindi talaga tayo makakauwi ng buhay," bulalas ni Kyle.

"Ang weakshit naman pala ng alcohol tolerance mo!" tapik ni Jade sa kanyang balikat. "Uuwi tayo ng buhay, pare. Don't worry. Andito naman si Alden, diba?"

Tsaka niya ito binalingan ng tingin.

"Whatever. Let's get this over with. May gagawin pa ako sa bahay mamaya."

Napairap ako sa kanila. Bakit ba ang iingay ng mga lalaking ito? Daig pa nila ang mga babae kung makaratrat at makareklamo. Lalo na itong si Kyle, ayaw talagang manahimik.

"Who wants to go first?" tanong ko.

"Let's start with Brylle," napatingin siya kay Brylle. "Brylle ikaw na mauna."

Nilapit ni Daniela sa kanya ang mga cards na may lamang tanong at utos. Pinanood namin s'ya habang bumubunot ng isa. Pinasadahan n'ya kami ng tingin bago ipinaalam sa amin kung ano ang kanyang nabunot. Nagpapa-suspense pa ang isang ito.

"Ano ba? Ano ba 'yang nabunot mo?"

Hahablutin na sana ni Hana ang card, but Brylle hid it immediately.

"Who the fuck wrote this? I thought we already agreed na walang personal questions?" he asked, gritting his teeth.

"Ano ba kasi ang nabunot mo?" inis kong tanong.

Daniela immediately took the card from him and read what's written on the paper out loud for us to be able to hear it as well.

"Have you experienced a one night stand?"

Kumunot ang noo ko nang marinig iyon. Nanigas si Hana sa kanyang upuan habang nagtataka naming tinignan si Brylle.

"Who wrote this question?" Krista asked at napatingin sa sulat kamay na nasa papel. Itinaas niya ang papel at ipinakita sa amin. "Kaninong sulat kamay ito?"

Walang umimik.

"That question is too personal!" Brylle seethed.

"Bakit hindi mo na lang kasi sagutin?!" Hana fumed in anger.

Matagal na naming alam na may namamagitan sa kanilang dalawa, but none of us failed to clarify their relationship status.

"Hindi. Bakit naman ako makikipag-one night stand?"

"You should have just drink the gin," singit ko. "Diba nga kapag hindi mo nasagot ang tanong or nagawa ang dare maaari ka namang uminom na lang."

"Nasagot ko na. Next," he sounds guilty.

"Next is Christi-"

Natigil sa pagsasalita si Michael nung sabay-sabay na tumunog ang cellphones namin. Binasa ko kung ano ang nakalagay dito at nakita ang mensahe mula sa isang unknown sender.

Unknown Number

Liar!

Napatingin agad kami kay Brylle, bahid sa kanyang itsura ang pagkabigla matapos mabasa ang mensahe. Hana's palms landed on his cheeks dahilan para mamula ito ng sapat.

"YOU LIAR! CHEATER!" malutong nitong asik.

Agad siyang tumakbo paalis kaya't sinundan siya ni Sy pagkatapos.

"Sino ba kasi ang putangina na nagsulat ng tanong na yun ah?!" he shouts like we're deaf.

"C-Chill ka nga lang, Brylle. Wala naman kaming intensyon na saktan si Han-"

"IKAW! Ikaw siguro ang nagsulat nun Eireen no? Kanina ka pa kasi galit sa jowa ko. Ano bang problema mo ha?!"

Kumunot ang noo ni Eireen dahil sa paratang ni Brylle.

"Wala akong problema, Brylle! At hindi ako ang nagsulat ng tanong na 'yon!" inis siyang nagwalk out sa mesa.

"Pati babae pinapatulan mo," asik ni Mike tsaka sinundan si Eireen sa labas.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong ni Krista sa gilid habang pinapaikot ang dulo ng kanyang medyo kulot na buhok gamit ang daliri.

"Ang boring. Ang daming nagwowalk out," aniya.

Kalmadong naupo si Brylle. Naiwan kaming anim sa mesa. Kain lang ako nang kain ng pulutan habang hinihintay siyang magsalita. Brylle needs to explain himself because of what happened.

"So you actually did a one night stand," Alden closed his book and looked at him.

Marahas siyang nagbuga ng hangin. "I did. It was an accident. Sa bar. Nag-away kasi kami nun kaya nagawa ko iyon. Alak lang ang tangi kong kasangga nang mga araw na iyon. Para akong mababaliw kaya naglasing nalang ako."

"Brylle, ang alak dapat diretso sa tiyan at hindi sa utak," naiiling na sambit ni Froy. "Umuwi na nga tayo."

"Mas mabuti pa nga," segunda ni Kyle.

"Paano naman 'yong apat?" tanong ko. "Hindi ba natin sila hihintayin?"

"I agree. Let's wait for them to calm down. Makakauwi naman tayo kasi wala pa tayong alak na naiinom," ngiti ni Krista.

Masyado pang malakas ang ulan sa labas. Makakauwi kaya kami nito? At paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?

Full story. Click here:
walang_lovelife

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro