III. Eat the Meat
"Not eating meat is
a decision, eating
meat is an instinct."
- Denis Leary
---
Michael's POV
Agad kong sinundan si Eireen palabas ng sala. Nakita ko siyang nakaupo sa isang hagdanan habang pilit na tinatago ang nagbabadyang luha.
"Babe, let's go back," I stretched out my arms to her.
"I'm sorry, I swear, hindi ako ang nagsulat nun," she wiped her tears dry using her fingertips. "Ayaw ko lang talaga na sinisigawan ako ng isang lalaki. Naaalala ko lang ang masahol kong ama."
We've been together for years, but I've never seen her so upset like this before. Naaawa ako sa kanya. Ilang beses din s'yang pinarusahan at sinaktan ng kanyang stepdad kaya naman takot s'yang masigawan. She decided to leave the house at tanging si tita Emilia na ang bumuhay sa kanya, and I've never done it to her before, not even once. I can't afford to lose her. I love her so much.
"Alam ko and I believe you," mahinahon kong sabi.
Hinugot ko ang panyo mula sa aking bulsa at pinunas iyon sa kanyang basang mata.
"I'm sure hindi iyon sinasadya ni Brylle. He's just upset I guess. Ikaw ba naman mag-away ng jowa mo hindi ka ba malulungkot?" I said, trying to cheer her up.
Ngumiti rin siya kahit papaano matapos gamitin ang panyong binigay ko.
"You're right. We have to go back."
Maglalakad na sana kami pabalik ng biglang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw mula sa kusina.
"Boses iyon ni Kyle, a?!" kabado kong sambit at agad na hinila si Eireen papuntang kusina.
Kyle's POV
Marahas akong bumuntong habang hinihintay na bumalik ang iba kong kasama. Antok na antok na talaga ako at halatang ganun din sila.
"Matagal pa ba sila?" inis kong ininom ang isang baso ng gin.
"Umuwi ka kung gusto mo but it's raining hard outside," tinuro ni Krista ang labas ng bintana kung saan makikita mo ang bumabadyang malakas na ulan.
I rolled my eyes at her. Akala ko pa naman tahimik lang ang isang ito pero nag-iingay din pala minsan kapag gusto.
Nagbabasa pa rin ng libro si Alden. Nasa netbook naman ang mga mata ni Krista, guess she's writing a blog to post, patuloy pa rin sa pagkain si Christine ng pulutan, at bored na bored si Froy gaya ng iba sa amin.
Napansin ko ang isang card na malapit sa aking paanan. Pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat. Wala akong maalala na may kulay pulang ballpen sa mga ballpens ni Brylle kanina.
DARE:
Go to the kitchen and place your hand on the stove. 3 Minutes.
Ano na naman bang kalokohan ito? Is this how they want to play the game? Tch.
Tumayo ako upang magpunta sa kusina. Maghahanap ako ng kung anong mahanap ko, baka sakaling matuwa pa ako at hindi mabored.
"Where are you going?" pagtataka ni Jade.
"Sa kusina. Maggo-ghost hunting lang muna," pagbibiro ko bago umalis.
Unlike other abandoned houses and buildings, this apartment seems to be well managed by the caretaker. Hindi s'ya gaanong maalikabok at wala masyadong sira sa mga gamit, at lahat ng andito ay antique.
Binuksan ko ang maliit na ref. I didn't expect that it's still working because the lights were still on. Malamig din ang temperatura nito at may iilang pitsel sa loob.
I need this.
I need a cold water.
Agad kong isinara ang ref matapos kong kunin ang pitsel. Nagbuhos ako ng tubig sa baso ng mapansin ko ang makinis at makintab na stove. Walang molde o anumang ebidensya na ginamit ito noon
"Mukhang mamahalin."
Hinimas ko ang kabuuan ng stove ng biglang tumapat ang palad ko sa bilog na parte. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko mula rito pero hindi ko magawa. Parang dinikit ito ng mabuti gamit ang isang superglue.
Naramdaman ko na lang ang unti-unting pag-init ng kamay ko. The stove mysteriously turned on and the heat was grilling my palms.
"AAAGGGHHH!!! TULOOOOONG!!!"
Hana's POV
Naupo ako sa kama ng isa sa mga kuwarto. Bumuhos ang mga luha ko habang takip-takip ang aking mukha.
I can't take it anymore. He's been cheating on me for a thousand times pero nagagawa ko pa rin siyang patawarin at alam iyon ni Sy. Alam na alam niya ang pinagdadaanan ko pagdating kay Brylle and she's the only person who knew what Brylle is doing to me. At nagagawa ko pa rin syang patawarin dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
"Han?"
Agad n'ya akong nilapitan. She hugged me as she was gently caressing my back na para bang nagpapatahan siya ng isang bata.
"Tahan na, Han. Ssshh. I'm sure Brylle has a good explanation for this."
"Ilang beses na itong nangyari, Sy. Ilang pagpapatawad pa ba ang gagawin ko para tumino siya?" angil ko.
Tinignan niya ako sa mata. Her eyes seemed to be pitying me at the same time sympathizing with me.
"Alam ko, Han, I know it all. Alam ko na halos isang libong sorry na rin ang sinabi ni Brylle sayo that's why I told you to stay away from him, diba? Pero nakinig ka ba sa advice ko?"
Umiling ako.
"Siyempre hindi, mahal mo, e. You're blinded by your love with Brylle until now."
"So it's my fault? Kasalanan ko ba kung bakit mahal ko siya?" matalim ko siyang tinignan as my forehead creased in dismay.
"Hindi naman sa ganun, Hana. Sinasabi ko lang kung ano ang sa tingin ko ang dapat na sabihin sayo. You know me, prangka akong tao. Ayokong magpaligoy-ligoy lalo na't alam ko na kailangan mo ang advice ko."
"I thought you're my friend," I said. "Akala ko lang pala iyon. Isa ka rin pala sa mga traydor kong kaibigan. Hindi mo talaga ako maiintindihan dahil hindi ka naman marunong magmahal and no one can stand your attitude."
Mabilis kong pinunasan ang aking luha gamit ang kamay ko.
"Hana, please-"
I stormed out of the room. Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin. Ayaw kong makinig. I refused to listen to other people's opinion, it doesn't matter to me. Wala akong pakealam sa kanila. Mas may pakealam ako sa sarili kong opinyon while others opinion are useless to me. Walang nakakaintindi sa akin simula bata pa ako hanggang sa lumaki na ako, wala pa rin akong pinagkakatiwalaang tao. Napakahirap magtiwala. I got betrayed for a couple of times, and now they are all thinking that it was all my fault.
It was never mine.
It never was.
Naramdaman ko ang pagsunod ni Sy sa aking likuran. Hinigit niya ako paharap sa kanya. Magsasalita na sana siya ng marinig namin ang napakalakas at nananangis na hiyaw mula sa kusina.
"S-Si Kyle!"
Mabilis siyang tumakbo papunta roon. Sinundan ko rin siya agad dahil sa sobrang kaba at takot. Naabutan namin ang sitwasyon niya. His palm was glued on the stove habang pilit itong tinatanggal ni Jade at Alden. Halos masuka ako dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa kanyang nalutong palad. Ilang minuto rin bago nila ito nakuha pero 'yong balat mula sa palad ni Kyle ay dumikit na sa paikot na desinyo ng stove.
Nasusuka ko 'yong tinignan ng hinaplos ng isang kamay ang aking likuran. I turn around to face the person only to see Brylle looking so worried.
"Are you okay?"
"Huwag mo akong hawakan," asik ko at mabilis na nilayo ang kanyang kamay sa akin.
Agad na ginamot ni Alden ang dumudugong kamay ni Kyle. Tumigil siya sa paghiyaw pero nanatili sa kanyang itsura ang sakit na nararamdaman niya mula sa pagkakapaso.
"That's weird," rinig kong bulong ni Krista sa aking gilid.
Nagulantang kaming lahat ng biglang tumunog ang pulang telepono na nasa gilid. Nagtinginan kaming lahat, nagdadalawang isip kung sino sa amin ang sasagot sa tawag gayung si Eireen ang pinakamalapit doon.
"Don't look at me!" inis niyang sambit.
"Answer the phone, Eireen," utos ni Christine.
"I don't want to. Kung gusto niyo, kayo ang gumawa!" mabilis siyang nagtago sa likuran ni Mike.
Napairap ako sa kawalan. Patuloy pa rin sa pagtunog ng malakas ang telepono at niisa sa amin ay wala iyong balak sagutin.
Matapang na naglakad si Krista para sagutin ang tawag ng mapansin niya ang putol na wire. Dahan-dahan niya iyong inangat at ipinakita sa aming lahat.
"The line is... cut," kabado niyang sabi.
"Answer it!" halos mapiyok si Froy dahil sa kaba.
Mabilis niya iyong sinagot. I could only hear whispers coming from the phone and I couldn't recognize the eerie voice.
"Hana," bumaling siya sa akin dahilan para kabahan ako ng sobra.
I gulped for a couple of times. "W-What is it?"
"Your turn to do the dare," she said. "The dare for you is written on a paper."
Kumunot ang noo ko. "Wala akong papel na natanggap."
Isang index card ang napadpad sa paanan ko na para bang nilipad ito ng hangin dahilan para humiyaw ako sa gulat.
"Aaahh! What the hell is this?!"
"Pick it up," matabang na sambit ni Alden.
"Ayoko!" singhal ko sa kanila pero pinulot agad ni Brylle ang papel at binasa iyon para sa akin.
"Eat Kyle's skin," aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro