Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II. Let the Games Begin

"Let the games begin
but this time I'll be
pulling the strings."

-myheartbleedsink

----

Krista's POV

Malakas na hangin ang sumalubong sa amin habang papasok kami sa loob ng malaking bahay. Agad kong nilabas ang aking digicam at nagsimulang irecord ang mga kasalukuyang nangyayari.

"Say hi to the camera guys," sabi ko na agad naman nilang ginawa.

"Let me help you with your bags."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Alden lang pala. Nauunang maglakad sila Froy at ang iba sa amin. Nasa pinakalikuran naman kami ni Alden na nakasunod lang sa kanila. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, mas nararamdaman ko na may kung ano talaga sa bahay na ito. Parang may mali. Sobrang lakas ng hangin at napakaginaw din kahit sarado lahat ng pintuan at bintana.

"Paano mo nga pala pinilit ang landlady na ibigay sayo ang susi?" tanong ni Christine.

"Simple lang, binayaran ko s'ya ng malaking halaga," he replied like money is nothing to him.

Mayaman ang pamilya ni Froy, kilala s'ya dahil sa laki ng ambag n'ya sa school kaya naman walang kumakalaban sa kanya. Hindi rin s'ya magawang ibully ng iba dahil sa kanyang kasarian unlike other gays that were molested because of being powerless.

Nakarating kami sa isang malaking salas. Hindi maalikabok ang loob nito. May glass table at iilang sofa na nakapalibot sa magarbong mesa. Bawat sulok ay kinukuhanan ko ng video and pictures. Kung ano ang mahagip ng cam ko, 'yun na 'yun.

"Mukhang pinalinis pa yata, a?" komento ni Kyle at naupo agad sa isang sofa. "And the sofa is soft."

"Sure ka ba na abandonado ang apartment na ito?" pagtataka ni Eireen.

"I'm sure of it. May nabasa na rin akong iilang articles patungkol dito," Froy, our president, replied.

"Anyway, let's arrange our things and let's have a little tour around the house, shall we?" si Jade.

Tumango kami. Nakita kong nilagay ni Alden ang aking bag katabi ng iba pang bags. I walked to roam around the house and found a small dirty kitchen. May mamahaling stove roon, an automatic stove, kaso mukhang hindi na gumagana dahil sa sirang wire na parang nginutngot ng isang daga.

"It doesn't seem abandoned to me," bulong ko habang pinaiikot sa loob ang digicam.

Lumabas ako at naglakad papunta sa ibang parte ng bahay. May office tools din na hindi ko alam kung para saan hanggang makarating ako sa pinakasulok kung nasaan ang bodega. The doorknob was all rusty. I tried opening it but everytime I twist the knob, mas nahihirapan lang ako.

It was locked.

I decided to go back and ask Froy if he got a key to this room, when I heard a loud noise like someone dropped a heavy thing. Hindi ko alam kung ano ang bagay na iyon pero sigurado ako na galing ang mismong tunog sa loob ng bodega na ito.

"Weird."

Napapailing akong naglakad pabalik sa sala.

"Do you have the key to the warehouse?" tanong ko nang makita si Froy.

"Bawal daw iyong puntahan sabi ni Landlady," sagot n'ya.

I thought he's not going to give me the key but he did.

"But if you're curious then why not? Part of blog writing na rin ito para sa club. Here," he threw the key to me.

"Thanks pero bakit ayaw n'yang papasukan?"

He shrugged. "I don't know. Curiosity kills the cat ika-nga sa kasabihan ng matatanda."

"Kahit lola ko hindi iyon sinabi sa akin."

Binalik ko na lang sa kanya ang susi.

"Not interested anymore. Baka ikamatay ko pa kapag pumasok ako roon," I decided to sit down and take a nap. "Nasaan nga pala ang iba?"

"Touring around. Alden, Michael and Christine went to buy some ice for tonight."

Tumango lang ako. I closed my eyes to take a little nap. So Eireen is not with Mike this time.





Christine's POV

"Hindi mo naman kailangang sumama sa amin, Christine," paulit-ulit na sambit ni Mike.

Nakalabas na kami ng gate pero patuloy pa rin siya sa pagdakdak ng mga salitang 'yon.

"Ayos nga lang, I still want to discover something from you guys. I don't want to rot in boredom waiting for others to tell me what to do kaya sumama na ako ng kusa sa inyo."

"Ang mga babae ay dapat nasa loob lang ng bahay."

Nakangiti akong napapailing. "Ewan ko sayo, Michael."

"Shut up, Mike. That's her decision. Huwag mo na siyang pilitin sa bagay na ayaw n'ya. Don't be so pushy," Alden interfered.

Mabuti naman at napagdesisyunan na n'yang magsalita.

"Hindi ako pushy," angil ng isa.

Bumili agad kami ng maraming yelo at iilang sofdrinks. Puro pampalasing kasi ang binili ni Mike kanina so we decided to buy some light drinks for our light drinker friends.

Binayaran din namin pagkatapos gamit ang club fund na binigay sa amin ni Froy bago kami inutusan. Mabilis kaming bumalik sa apartment ng mapansin namin ang mangitim-ngitim na ulap.

"Mukhang uulan pa yata," si Mike na nakadungaw sa labas.

Sumilip ako sa labas ng bintana and yup, it's about to rain... hard. Sobrang itim ng ulap kaya malamang sobrang lakas din ng ulan.

"That's weird, hindi naman ibinalita na uulan ngayong araw," sabi ni Alden habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Hindi lahat ng bagay kailangang ibalita," sabi ko. "O baka nakalimutan lang nilang ibalita sa telebisyon o radyo. May ganun talagang cases."

"Well, that shows how incompetent news are."

Bumuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. Ang hirap pa lang makipagtalo sa matatalino lalo na kung matalino ang crush mo.

"Heto na ang ice," sigaw ni Mike nang makabalik kami sa loob ng salas.

Mas malamig pa yata rito sa loob kumpara sa labas, e.

Nag-ayos ng itsura ang iba sa amin. I don't know why and for what reason, but they all seemed to be preparing. Si Krista at Froy lang yata ang walang pakealam sa nangyayari sa mga kaibigan namin. They don't seem to care about a thing.

Weird.

"Guys, may nakita kaming grandfather's clock sa isang kwarto. Mukhang mamahalin," Hana exclaimed in excitement.

It sounded like she was planning to sell it to the highest bidders.

Agad na tumayo si Krista mula sa kanyang pag-idlip. She stretched out her arms in midair with her eyes that seems so bored.

"Let's see kung magkano natin puwedeng ibenta 'yan," she scoffed.

"I didn't mean to say it like what you think," depensa ni Hana sa sarili.

I don't understand why, but there is a small pressure between them. Krista shrugged like it was nothing but an empty displease.

"Nasaan na ba ang iba? Kumain na tayo," suhestyun ni Brylle na kanina pa nananahimik habang inis na nakatingin kay Krista.

There's rage and fury in his eyes, but Krista did not faze by how the way he glared at her.

"Yeah, let's eat," sabi ko na lang.

Nagsidatingan na rin ang iba pagkatapos nilang mag-tour at maglakad-lakad sa ibang parte ng apartment. Naupo kami ng maayos at kumuha ng iilang alak sa icebox.

Mag-gagabi na rin. It's almost 8 PM, so we decided to eat before we starve to death. Napahinto ako sa pagkain nang marinig ang biglaang pagbagsak ng malakas na ulan.

"May bagyo ba?" pagtataka ni Daniela.

May pansit pang natira sa kanyang bibig. Napansin kong pinunasan iyon ng mabilis ni Brylle gamit ang kanyang kamay. Hindi ata iyon napansin ng iba kong kasama dahil sa sobrang bilis ng kamay niya.

"Wala kaming nabalitaan na may bagyo," sagot ko.

"I'll try to search on Google Weather News," suhestyun ni Eireen na mabilisang hinugot ang kanyang cellphone.

"It's futile. Walang reception sa bahay na ito," sambit ni Krista na hindi man lang lumingon sa kanya.

Hindi siya naniwala at tinignan pa rin ang kanyang phone. Napapairap niya itong ibinulsa pabalik at nagpatuloy sa pagkain.

Niligpit namin kaagad ang paper plates. Nilagyan ng alak ni Kyle at Jade ang plastic cups pero mas pinili ko ang canned softdrinks.

Froy glanced at his watch and exclaimed. "Everyone, it's time to play Truth or Dare," a small smile formed in his lip.

And that's how the game started.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro