Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I. Entering Hell

"Before entering heaven
or hell death bed is
waiting for you."

- Vinonimus Anthe

-----

Christine's POV

Nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay Froy, he's the Adventure Club's president where my friends and classmates joined. I didn't sign up as one of their members. A registration form was left inside my locker kaya ako napasali sa club na ito.

The message was about the mysterious apartment around the university. Nag-aaral ako sa University of Southwestern Philippines, at kadalasan sa mag-aaral dito ay nangungupahan or nagboboarding house gaya ko at gaya ng iba. Kaya bago matapos ang bakasyon, gumagawa ng paraan si Froy para maging masaya ang summer namin. Naghahanap siya ng iilang spots na pwede naming puntahan, subaybayan, at gawan ng article pagkatapos.

Si Krista ang secretary ng club kaya madalas mapunta sa kanya ang mabibigat na trabaho gaya ng paggawa ng article or blog writing, photo documentations, recording, atbp.

Si Alden naman ang naka-assign sa technicalities. At ang iba sa amin na walang pinanghahawakan na posisyon ay normal na miyembro lamang. May sikretong pagtingin din ako sa kanya at mananatili 'yong sikreto hanggang kamatayan.

Ngayong araw namin napagdesisyunang puntahan ang lumang apartment na sinasabi ni President, ang tinatawag nilang Red Apartment, kung saan may kababalaghang nangyayari tuwing gabi. Nagmula ang kwento sa isang takot na tenant na naninirahan dun noon. Wala pang isang linggo ay umalis na siya dahil sa sobrang takot.

"Ready ka na?" tanong ni Kyle paglabas ko ng boarding house.

Nasa iisang boarding house lang kami nakatira kaya sabay kami papunta roon.

"Oo. Tara."

Hila-hila ang aking malaking bag, agad kaming sumakay ng taxi papunta sa meeting spot. Nakita ko si Daniela at Krista na nakaupo sa labas ng malaking red gate. Krista was busy typing, mukhang sinisimulan na niya ang blog habang nasa cellphone naman ang tingin ni Daniela.

"Wala pa ba 'yong iba?" Pagkuha ni Kyle sa kanilang atensyon.

"Kita mo naman siguro na kaming dalawa pa ang andito, hindi ba?" pamimilosopo ni Daniela.

Oo. Ganun nga talaga siguro ang batian ng dalawa kahit kailan. Tibo si Daniela pero lumalabas din ang kanyang pagkababae minsan.

Tumabi ako kay Krista. "Ang busy mo na ata."

"I need to write everything from the start until the very end. Mas maganda ang anthology kapag detalyado ito kaya sinisimulan ko na ngayon."

I nod and stare at particular nothing. Ang tagal naman nila. Mukhang aabutin yata kami ng gabi rito.

"Alam mo ba ang istorya sa bahay na ito?" she suddenly asked.

"Nabasa ko lang sa mensahe ni Froy sa group chat natin."

"Wala pa 'yon sa totoong kwento," napalingon siya rito. "Maraming kwento ang apartment na ito at matagal na ring isinara ng may-ari. Dito huling nakita ang mga bangkay ng magbabarkada na naglaro ng Truth or Dare sa kalagitnaan ng gabi."

Nanindig ang mga balahibo ko dahil dun. Nakakatakot naman pala ang istoryang iyan. Hindi na ako nagtataka kung bakit umaalis na lang basta-basta ang ibang tenants.

"Do you believe in ghosts, Christine?"

Umiling ako bilang pagsagot. Hindi naman sa hindi ako naniniwala, sadyang ayaw ko lang maniwala. Nakakatakot isipin na may babaeng may mahabang buhok ang magpapakita sayo sa kalagitnaan ng gabi o 'di kaya ay habang naliligo ka.

"Hindi rin ako naniniwala pero gusto kong malaman kung meron ba talagang multo kaya naman sumang-ayon ako sa deal ni Froy. Isasama n'ya ako rito in exchange of writing the Adventure Club's anthology."

"Akala ko trabaho mo na 'yon bilang isang secretary?"

"May sakit ako kaya ayaw n'ya akong isama. Baka raw mawindang ako at mawalan ng malay, magkaproblema pa," natatawa niyang sambit. "He's just worried about me and I understand that."

Napangiti ako run. Mababait talaga ang mga kasama ko sa club na ito. This is where I belong...

Or so I thought.

Hana's POV

"Pwede bang bilisan mo ang pagda-drive, Brylle? You're the slowest driver ever!" inis kong sambit habang kumakain ng veggie chips.

I'm a vegan and I don't eat meat. Iniisip ko pa lang na kakain ako ng karne nasusuka na ako. Naaawa ako sa mga hayop na buhay tapos pinapatay lang para maging pagkain sa mesa. Nakakasuka kaya ang ganun. Kaya sa halip na karne, mas pinipili ko na lang kumain ng gulay at damo. Wala pa akong sinasaktang hayop kahit magmukha akong kambing sa ginagawa ko, and my friends are used to this habit of mine.

"Don't worry, makakarating tayo roon sa tamang oras, okay? Masyado ka lang atat," tinawanan ako ng loko at hinawakan ako ng pasimple sa kamay.

"Bilisan mo kasi. Ang bagal mo masyado."

Hindi ko pinahalata ang kilig na namumuo sa kaloob-looban ko.

"Kung gusto mong maaksidente tayo, gagawin ko."

Tinampal ko siya sa kanyang matitigas na braso. Nakuha n'ya siguro ang muscles n'ya dahil sa kalalaro ng baseball.

"Don't joke."

"Ang ingay n'yo naman!" iritadong reklamo ni Sy, nagising yata namin sa backseat.

"Tseh!"

"Matagal pa ba tayo? Ang bagal naman magdrive ng jowa mo, Hana," reklamo n'ya. Halatang bagong gising dahil sa namumula n'yang mga mata.

"Tumigil ka nga, Sy. Hindi pa kami magjowa nito. Hindi ko pa siya sinasagot."

"Whatever. Gisingin n'yo na lang ako kapag nakarating na tayo sa bahay."

"Kaya single 'yang kaibigan mo, e," bulong ni Brylle nang mapansin na nakatulog ulit s'ya.

Tumawa na lamang ako tsaka inubos ang veggie chips.

Michael's POV

Hininto ko muna ang kotse sa tapat ng gasoline station upang bumili ng makakain at alak.

"Anong ginagawa natin dito?" pagtataka ni Eireen.

"Relax, babe, bibili lang ako ng pagkain at alak para sa barkada. Baka gusto mong sumama sa akin sa loob."

"Huwag na. I'll stay here na lang," she smiled.

Hinalikan ko s'ya bago pumasok sa loob ng 11-Eleven. Bumili ako ng whiskey, Smirnoff, soju, the Bar pink, at iilang chichirya at pulutan. Binayaran ko rin kaagad. Naglakad ako pabalik sa kotse dala-dala ang malalaking supot nung marinig ko na may katawag si Eireen.

"Sino 'yon?" tanong ko matapos ilagay ang mga alak sa trunk.

"W-Wala, si Jade lang. Tinatanong kung nakarating na ba tayo sa bahay," she averted her eyes immediately.

Nagtataka ko s'yang tinignan. Kung may balak mang magtanong si Jade, dapat sa akin n'ya iyon tinatanong dahil mas close kaming dalawa. Even though I was still confuse, I decided not to ask further questions. Ayaw ko s'yang pagdudahan sa isang maliit na bagay.

Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa pinag-usapan naming lugar. Nadatnan ko silang lahat na nakaupo sa harap ng malaki at pulang gate.

"Wala pa ba sina Froy at Alden?" tanong ko kay Kyle habang nilalabas ang pagkain at inumin mula sa trunk.

"Wala pa. Sila ang nagpasimuno, sila pa ang late."

Lumabas si Eireen ng kotse matapos mag-ayos ng sarili. Kahit hindi na s'ya mag-ayos, maganda pa rin naman siya sa paningin ko.

"Tulungan na kita."

Napalingon ako sa nagsalita. It was Krista. Kinuha n'ya ang isang supot ng pagkain at dinala iyon sa malaking kahon.

"Salamat," sambit ko nang makalapit ako sa kanya.

Isang matabang na ngiti lang ang binigay niya sa akin. Maganda si Krista, she's skinny and pale white. Most of the time, she looks pale but her lip is cherry pink. 'Yun ang madalas kong mapansin sa kanyang itsura. Hindi ko rin maiwasan na hindi s'ya titigan dahil marami talaga ang napapalingon sa kanya. Kaso mukhang wala siyang interes sa mga lalaking umaaligid sa kanya.

"Ayan na pala ang mga loko-loko!" sigaw ni Brylle habang nakaturo sa dalawang lalaki na papalapit sa pwesto namin.

"Hey guyash!" masayang bati ni Froy habang nagtatalon-talon pa sa tuwa.

Binatukan ko kaagad ang bakla at sabay pa kami ni Daniela ng ginawa.

"Ang tagal n'yo!"

"Pasensya na. Naghanda lang kami ng iilang gamit para sa adventure natin."

Nakita ko na buhat-buhat ni Alden ang maliit na ice box.

"Wala tayong ice."

"Huwag kang mag-alala, fafa. Bibili tayo mamaya sa convenience," Froy winked.

"Pwede bang pumasok na muna tayo? Kanina pa kasi kami nakatayo dahil sa sobrang tagal n'yo, e," mataray na sambit ni Sy.

"Chill, mainit na naman iyang ulo mo," ngisi ni Jade sa kanya na mas ikinataray n'ya lalo.

"Who you?" irap nito.

Lalapitan ko na sana si Jade upang tanungin tungkol sa sinabi ni Eireen sa akin kanina nung biglang nagsalita si President.

"Pasok na tayo," winagayway nito ang susi ng malaking gate at ngumiti. "Let's have fun, okay?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro