Trouble 9
Chapter 9: School News
Ezequiel Chase
NANDITO kami ngayon ni Aleng Salome sa police station. Pareho kaming iniinterrogate ng isang police matapos tumawag ang isa sa mga tenant.
Alas nuwebe na ng gabi at nasa kulungan na ang dalawa habang isinugod naman sa hospital ang isa sa kanila.
Hindi ko alam pero hindi na sumagot ang nakausap ko sa aking isip.
Ngunit si Ryder ang sumaklolo sa akin at binugbog ang bossing kaya ayon, bali ang braso at hirap makagalaw. Alam kong sobrang rahas ni Ryder sa kanyang ginawa pero 'yon lang ang tanging paraan para protektahan ko si Aleng Salome na aming landlady.
As the police typed into his laptop, he asked, "Ma'am, ano pong pangalan natin"?
"Ah, Salome D. Batungbakal po, sir..." Sagot nito. Napatingin naman si Aleng Salome sa akin na halatang kinakabahan sa mga nangyayari.
"Ma'am Salome, good thing po dahil hindi kayo sinaktan ng mga magnanakaw. Sila po pala ang nakatakas na Tatlong Bungo kung tawagin sa kanilang baranggay," pagpapaliwanag nito habang nakatingin sa monitor ng kanyang laptop.
"Sila po ang nagiging rason kung bakit maraming kabahayan ang nawawalan ng kagamitan at minsan ay pumapatay sila 'pag nahuhuli. Most wanted sila sa lugar na 'to at 'yong nasa hospital ay si Ernesto De Villa. Siya ang tinaguriang leader at kilala ring convicted criminal. At sa'yo, hijo..." Napatingin sa akin ang pulis sabay ngiti.
"Ang tapang mo para labanan sila. Pero kailangan mong matingnan ng nurse namin dahil sa dugo riyan sa damit mo," napatingin naman ako sa aking school uniform dahil hindi pa pala ako nakakapagbihis.
"Ah, okay lang po ako, sir. Sa eskwelahan ko po 'to nakuha..." Pag-amin ko. Gulat na binigyan ako ng makahulugang tingin ng pulis.
"Nakikipagbasag ulo ka?"
"No po. Uhm, b-binully..." I answered hesitantly.
Ewan ko lang kung maniniwala siya sa sasabihin ko dahil parang hindi naman kapani-paniwala sa hitsura ko.
"Bakit hindi ka magsumbong sa principal or teacher niyo?"
"It doesn't help, sir. Kaya nilang baliktarin ang k'wento. Wala kang laban kung wala kang pera. Kaya no'ng gumanti ako, ako pa 'yong na-expel sa eskwelahan. Sa ilang araw na pagkukubli sa sakit at pambubully nila, sa isang ganti ko lang nasira no'n ang pangarap ko..." I almost got a teary eye while sharing my story.
Pansin kong nalungkot si Aleng Salome at ang pulis na kaharap ko. Halatang hindi niya inaasahan ang sitwasyong meron ako.
"It seems like justice for you is still not being served..."
'Yon 'yong mga huling salita niya bago namin lisanin ang police station. Hindi na rin ako nag-pa-check -up sa nurse dahil wala naman talaga masakit sa katawan ko.
Nabahiran lang talaga 'to ng dugo.
Napatingin pa ako sa police station bago kami nagpatuloy sa paglalakad ni Aleng Salome pauwi.
The policeman was right.
Hanggang ngayon bulok pa rin ang sistema sa pagbibigay hustisya. Kahit tama ka kung mahirap ka naman, babaligtad talaga ang sitwasyon mo dahil wala kang pera.
Lahat na lang dinadaan sa pera, isang bagay na kasuklam-suklam. I find it difficult to believe that they can take money from impurity. How can they do that?
Wala ba silang konsensya? I mean people will do all for money... kahit saan pa ito galing.
Natigil ako sa pag-iiisip nang biglang hinawakan ni Aleng Salome ang aking kamay.
"Ang tapang mo, Chase..." Saad nito sabay ngiti sa akin. Ngayon ko lang nakita si Aleng Salome na ngumiti na gano'n kalaki. She's the type of landlady who looks like a superior and can kill you with those deadly glares. "Salamat sa pagtatanggol kanina..."
I just gave her a sweet smile. Nakakapagod sumagot kung wala ka namang masasabi. Nagpatuloy lang kami ni Aleng Salome sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tinitirhan namin.
Nagpa-salamat na lang ako bago nagtungo sa aking k'warto. Ramdam ko kaagad ang pagod sa aking sistema kaya napahiga na lang ako sa aking kama.
Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Nakakagulat na sa isang araw ay gano'n na lang ang nangyari sa akin. Tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako normal na tao. May ibang nagmamay-ari ng katawan ko at hindi lang isa kundi may tatlo pa.
Isang basagulero, isang bakla at isang hindi ko pa kilalang nilalang.
Gusto ko mang malaman kung anong kaya niyang gawin pero nasisiguro kong higit pa sa dalawa ang kaya nito.
Kita ko nga ang takot sa mata ng dalawa kanina sa kung paano ko sila tanungin tungkol sa isa ko pang persona. Kaya gagawin ko lahat para hindi kami magkagulong tatlo, baka dumating ang araw na tutugisin ako ng pulisya dahil nagdala ng malalang problema ang tatlong 'yon.
Ngayon na nakakausap ko pa sila ng matino, hangga't maari ay dapat mas dominante ang katauhan ko para iwas gulo gaya ng ginawa ni Ryder.
Napagpasyahan ko nang maglinis ng katawan at nagbihis ng komportableng damit.
Nilabhan ko na rin ang aking uniporme dahil sa dugo, nahirapan pa akong tanggalin ito. Buti na lang at may chlorine sa lababo kaya medyo pumuti naman ito.
Natulog akong maraming tanong at iniisip. Ewan ko lang kung masasagot pa ba 'to...
-———-««»»———-
NANDITO ako ngayon sa harap ng isang tambakan ng mga bigas. Narinig kong nangangailangan daw ng trabahante sila rito ay agad akong nagmadaling nag-presenta na kukunin ko ang trabaho dahil umaga lang sila nagkakarga.
Habang ang nalalabing oras ko naman ay sa restaurant na pinagta-trabahuan ko hanggang gabi.
Alas otso pa lang ng umaga ay nagsimula na ang mga ilang kargador sa bakbakan sa mabibigat na sako at inililipat nila ito sa isang malaking truck habang tumatawid sa malapad at matibay na kahoy.
"Ganito ang trabaho rito, hijo. Sure ka ba talagang makakabuhat ka ng isang sakong bigas?" Tanong ni Manong Wilbert sa akin.
Siya ang namamahala rito sa tambakan, sa kanya dumadaan ang lahat ng bigas na ipinapadala sa kabilang bayan o 'di kaya naman ay mga hinahatid bilang relief goods.
"Kaya ko po, sir!" Saad ko sa kanya. A smile appeared on his face and he patted my shoulder.
"Sabi mo 'yan, ah?"
Mukhang hindi ata siya sigurado dahil mukha nga naman akong patpatin tingnan. Hindi niya ata alam, dati na akong nagbubuhat ng mabibigat na bagay.
"I'll go na, sir."
"Sige, hijo. Good luck sa first day mo!"
Nagtungo na ako sa mga kalalakihan na narito at nagpalit muna ng komportableng damit.
Nang nasa harap na ako ng taga-buhat ay sinipat pa ako neto sabay ngisi sa akin.
"Aba, hindi ka kaya naliligaw, bata? Baka 'yong sako pa ang magbubuhat sa'yo! Haha!" Nagtawanan ang ibang nakarinig.
Alam ko naman na patpatin ang hitsura ko pero hindi ako sing hangin mo na nang-a-underestimate ng kasamahan.
Bununtong hininga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin, "Nandito po ba kayo para manglait o magtrabaho?" Natahimik ito bigla sa sagot ko. Ramdam kong napahiya siya sa ginawa ko.
"'Eto, sako mo," biglang nag-iba ang kanyang ekpresyon.
Kung kanina ay tumatawa siya ngayon ay biglang naging blanko ang kanyang hitsura.
Nagsimula na kaming maglipat ng ilang sakong bigas. Ilang oras din ang ginugol namin para magkarga ng tatlong libong bigas sa benteng malalaking truck na mag-de-deliver. Buti na lang at wala akong aberya sa pagkakarga dahil kung nagkataon ay mapapahiya ako sa mokong na 'yon.
Lahat ay pawisan at may iba naman ay napapa-stretching na lang dahil sa bigat na nararamdaman kanina. 'Yong iba naman ay napapaupo na lang sa sobrang pagod.
At 'eto ako, nagpapalit ng damit dahil may susunod pang trabaho. Nagpunas lang ako ng pawis at nagsuot ng simpleng t-shirt dahil may plano akong maligo mamaya sa susunod kong pag-ta-trabahuan.
Inabot sa akin ni Manong Wilbert ang s'weldo ko ngayong araw at gano'n din sa mga kasamahan ko. Nagpaalam na ako at dali-dali nagtungo sa isang fastfood chain.
Pumasok ako sa back door para diretso na sa banyo. As soon as I get inside, I wash myself with water and soap to remove sweat and dirt yuckiness.
Then I wear my uniform and dress up before going to the kitchen.
Pero bago ko pa man mahawakan ang gabundok na mga hugasin, napigilan ako ng isang boses.
"Uh, Chase, waiter ka muna ngayon. Si Celine na riyan. Maraming customers," saad ni Kuya Ryan kaya tumango na lang ako't tinanggal ang apron na aking suot sabay tungo sa labas. Pagkalabas ko pa lang ay sinalubong na ako ng tray na may lamang order.
Napatingin ako sa aking paligid at gaya nga ng sabi ni Kuya Ryan, marami ang customers tapos may mga nakapila pang nagte-take-out abot hanggang labas.
"Chase, sa table 23 sa taas," utos ni Kuya Argie na agad ko namang sinunod. Malapit pa akong matisod nang maraming bata ang nagtatakbuhan sa loob.
Sobrang bilis ng mga pangyayari. But still, I handled it. It was easy for the customers to place orders and they did not get confused or worried.
Lakad doon, lakad dito. Akyat ng hagdanan at bababa para kunin ang iba pang orders. All worked well for us this afternoon and we'll be closing at 8pm.
Lahat ay busy, lahat ay may ginagawa at ang lahat ay may kanya-kanyang mundong ginagalawan.
Lumipas ang oras at sa wakas ay bilang na lang sa daliri ang mga customer, nakaramdam kami ng ginhawa sa aming nakita. Pero kahit gano'n patuloy pa rin ako sa pagpupunas sa lamesa't upuan sabay ligpit ng mga pinagkainan.
Lumabas naman sa kusina sina Kuya Ryan, Celine at iba pang crew dahil malapit nang mag-alas otso.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga upuan nang napansin ko ang nilapag na pahayagan sa lamesang nililinisan ko.
Nakuha ng head news ang aking atensyon at laking gulat ko nang mabasa 'yon.
Headline:
'Estudyanteng si Wad Flores natagpuang nagpakamatay nang hubo't hubad sa kanyang banyo.'
Bigla kong naitapon sa gulat ang hawak kong pamunas at napatingin kay Celine na tila nagulat din sa naging reaksyon ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sandaling rumehistro sa isipan ko ang nangyari.
Wad died in naked? That's crazy!
Sino namang gagawa no'n? Napahawak naman ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong sumakit.
"Chase, okay ka lang ba?" Celine asked. "Kilala mo ba 'yong nasa balita?"
Sa sobrang kabang naramdaman ko, bigla akong napaupo sa upuang malapit sa akin. Mahigpit kong hinakawan ang magkabilaang dulo ng lamesa dahil sa sobrang taranta.
"Y-Yes..." I almost whispered. "I k-know W-Wad..." Dito na mas nagulat si Celine at nakatitig na lang sa akin dahil sa gulat. "W-Wad is my classmate... siya 'yong nambully sa akin.."
Hindi ko alam pero naninikip ang aking dibdib sa oras na naaalala ko ang headline ng news.
"Really? Kaklase mo siya? Oo nga pala, bakit ka nandito?" Takang tanong nito.
My throat cleared and I calmed down.
"Na-expel ako sa eskwelahan. Kahapon lang sinabi ng Dean. Dahil nakabugbog ako ng kapwa ko estudyante," I answered honestly.
"Wait, what? Nakabugbog ka ng estudyante? Eh, basag ulo ka pala, eh---"
Nagulat ang lahat ng napatayo ako sabay hampas sa lamesa. Nanlaki ang kanilang mga mata at kita ko ang takot rito.
"Celine, kung hindi ako lalaban baka pinaglalamayan niyo na ako ngayon..." May diin sa mga salita ko, pinipilit kong maging kalma dahil ayaw kong maging bastos sa harapan nila. "Kasisimula pa lang ng klase ko sa kolehiyo lagi na lang akong binubully at ipinagwawalang bahala ko ang pambubully ng mga kaklase ko dahil gustong grumaduate nang matiwasay. Pero no'ng mga panahong prinotektahan ko lang naman ang sarili ko, ako pa ang nagmukhang masama..."
Muli akong napaupo matapos sabihin ang mga salitang 'yon.
Sumandal ako sa upuan at tumingala habang pilit nilalabanan ang nakakasilaw na ilaw. Ramdam kong maiiyak na naman ako dahil sa sobrang sakit na naranasan ko netong nakaraang araw.
"I w-want a peaceful college life but the bully turned me into a devil..." I whispered. Napatayo akong muli at inayos ang aking sarili sabay punas sa luha sa aking pisnge.
I'm so embarrassed right now. Umiyak ako sa harapan ng mga katrabaho ko.
Pupunta na sana ako ng kitchen nang biglang bumukas ang glass door at inuluwa no'n ang dalawang pulis na may hawak na papel.
"Ezequiel Chase Robles, p'wede po ba kayong sumama sa amin for interrogation?" The policeman asked.
And it scared the hell out of me.
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro