Trouble 8
Chapter 8: The Four of Us
Ryder Flint
AT DAHIL mga laking walang hiya ang aking mga kaklase, napag-isipan kong ipagpaliban muna ang aking paghihiganti dahil may gustong kumawala sa akin.
Dali-dali akong tumakbo papalabas ng classroom at nagtungo sa gate. Lahat ay napapatingin sa akin. Lahat ay nakaawang ang kanilang mga labi. Lahat ay ayaw maniwala sa kanilang nakikita.
Yeah, mga putangina, may dugo ang damit ko! Sarap niyo pagbibigwasan.
Kahit ang g'wardiya ay wala nang nagawa nang dali-dali akong lumabas ng gate na walang pasabi.
Nagpalakad-lakad ako sa labas ng eskwelahan, may hinahanap ang aking mga mata. At nang makita ko iyon ay dali-dali akong tumakbo rito at sumandal sa pader dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko.
Habol ko pa ang aking paghinga at pilit na kinalma ang akinh sarili lalo na't may nararamdaman akong konting kirot sa aking ulo.
As I lean on the cold wall, I close my eyes and let my body feel it.
NANG idilat ko ang aking mga mata ay hindi na ako gano'n na nagulat nang makita ang aking sarili na nasa loob ng teatro.
Red curtains, a semented floor, empty row seats and dim lights. Isang malungkot na imahe ang mahihinuha mo sa oras na marinig mo ang mga paglalarawan na 'yon.
Agad akong naglakad papunta sa stage, nasa gitna ako ako ng hilera ng mga upuan.
While walking, I noticed a familiar figure in the center and the spotlight was on him.Based on his stance and the way he looks at me. Siya 'yong lampang walang ginawa kundi magpaapi.
Isang talunan at ni minsan ay walang ginawa para man lang protektahan kami.
Ang mahina!
"What's up, shit!" Bungad kong bati rito, binigyan niya naman ako ng nakakainis na tingin dahilan para mapangisi ako.
"Haha," sarkastiko niyang tawa sabay upo sa sahig.
"So, what's all this about?" I asked.
"Anong ginawa mo?" Inis niyang tanong sa akin. Alam kong tinutukoy niya, ang halos pagpatay ko kay Wad at no'ng grupong umatake sa akin.
"Wala!" I lied. I gave him a smirk. Sumampa ako ng stage sabay upo sa gilid. Pansin kong sinusundan niya ako ng tingin. More like killing me with his stare.
Gago! Ang galing akong tapunan ng masamang tingin pero hindi naman kayang gawin 'yon sa mga mokong na kaklase niya.
"Don't you dare lie to me!" Galit niyang saad habang tinuro-turo ako.
"Alam mo pala, eh. Ba't ka pa nagtatanong?" Pag-aasar ko rito.
"Grabe ka, Ryder! Isang araw lang sira na ang buhay ko nang dahil sa'yo!" He shouted, I feel his frustration with his words.
"Alam mo, ang labo mo rin. Bobo ka ba? 'Di ba nga kung hindi ako lumabas no'ng araw na 'yon ay baka pinaglamayan na tayo. And also, I already asked your permission to fight those idiots," paliwanag ko rito. Napatingin na lang siya sa itaas na parang may iniisip na kung ano.
Halatang nagpipigil ng inis ang gago.
Inis itong napatingin sa akin na may kasamang panggigil,"Ang sabi ko, protektahan. Hindi papatayin!" He said angrily.
"What? I didn't kill them. Sinugatan ko lang para magtanda."
"Don't you get it? Hindi na ako makakapagtapos ng kolehiyo dahil sa sobrang kagaguhan mo!"
That's straight to the face! Nag-init ulo ko sa kanyang sinabi.
"Putangina! 'Yan kasi problema sa'yo! Sa sobrang pagka-introvert mo, ayan tuloy tampulan ka ng tukso! Tapos isisi mo pa sa amin kung bakit kami gumalaw?!"
At nagsimula na ngang magtaasan ang boses naming dalawa.
Bigayan ng matatalim na tinginan at makailang beses na pagbuntong hininga. Bakit hindi ko ba kasundo 'tong gagong 'to? Sarap talaga bigwasan, eh.
"What? Kami? Anong ibig mong sabihing kami?"
"Huh? Wala akong sinabing kami---"
"Stop the lie, Ryder..."
Napatingin ako kami sa pinanggalingan ng boses. His voice is different from ours.
And now, another him appeared...
Fuck!
-———-««»»———-
Ezequiel Chase
NAPATINGIN kami sa kalalabas lang sa dilim. Isang pigura ang lumitaw na kahugis din namin. Mukhang alam ko na ang pangyayaring 'to. Parang nangyari na 'to dati no'ng kaharap ko si Ryder.
Dahan-dahang naglakad ang nasabing pigura hanggang sa nakita namin ang kabuoan nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na iba na naman ang aura ng taong 'yon. Bukod sa kaparehas kami ng mukha isa sa nagpanganga sa akin ay parang kuha ko na ang katauhan ng isang 'to.
In addition to the clips on his head, he is wearing pink lipstick, a moon earring on his left ear, and messy hair.
Sobrang iba niya kung titingnan. More likely, I am the first level character and along the way new characters will be unlocked.
Anothercharacter to unlock!
"Hello, mabuhay! This is your favorite girl! Alexis Cyril! What's up mga, beh?!" Halos mabingi kami sa tinis ng tono ng boses nito. And based on what he just did, alam mo na kung anong siya.
"Are you ga---" natigil ako sa aking sasabihin nang bigla niyang iharang ang kanyang hintuturo sa aking labi.
"Sheesh! Yes, I am gay! Is there anything wrong with it?" Tanong niya rito.
"N-No. I w-was just surprise na nag-e-exist ka..." Nauutal kong saad dahilan para sumilay sa labi ni Alexis ang isang nakakalokong ngiti.
"Kalurkey ka, teh! Siyempre nakatago lang aketch kaya hindi mo knows na may beautiful Alexis pala riyan sa katawan mo! So ngayon knows mo na? Hmm!"
I really find him weird.
It can be seen from the way he speaks and acts.A girly version of me? Dang!
Mukha akong sinaniban ng kaluluwa ng babae na nasa katawan ng lalake. Kulang na lang ay pahabain ang buhok ko para mukha na talaga akong babae.
Alexis Cyril looks like he's difficult to please. Hindi ko pa kilala ang totoong ugali nito. Nakakaloka 'pag ito ang nag-take over sa katawan ko, my gosh!
'Di ko alam kung anong mangyayari.
Magugulat na lang ang lahat na naglalakad na ako ala-diyosa. Hindi na rin ako magtataka kung marami na akong kaibigang kagaya niya isang araw.
From maangas to being girly. So quick!
"Meron pa bang another me? Or siya na ang huling personality ko?" Takang tanong ko sa dalawa.
Parehong nagkatinginan sina Alexis at Ryder na waring nag-uusap sa kanilang tingin. Ramdam kong may hindi maganda sa tinginan na 'yon.
"Ahh, to be true, bestie. A-Ano... uhm... ano...may kaila---" naputol ang sasabihin ni Alexis nang biglang magsalita si Ryder.
"Hindi mo magugustuhan na makilala ang pinakahuling personalidad sa katawan mo. May isang bagay na p'wedeng mag-trigger sa kanya. At hindi mo magugustuhan ang mga gagawin niya sa oras na siya ang gumamit ng katawan mo..." Parang nagbabanta si Ryder sa kanyang mga sinabi.
Hinawakan ni Ryder ang aking ulo dahilan para magtaka ako pero hinayaan ko na lamang siya.
Sa totoo lang, nakakagulat ang mga 'to. May nakakausap ako na kamukha ko pero iba-iba ang personalidad.
Pero sa mga sinabi ni Ryder, kailangan kong bantayan ang aking sarili dahil wala pa palang kasiguraduhan na sila lang ang mga katauhan sa aking katawan.
May mga hindi pa pala nagpapakita at 'yon ang kailangan kong malaman.
Nakaramdam ako ng antok hanggang sa kusa na lang natumba ang aking katawan sa sahig. Then everything turned blank.
NAGISING ako na nasa isang waiting shed ako malapit sa eskwelahan. Puno ng dugo ang suot ko at pansin ang ilang taong dumadaan na napapatingin sa gawi ko. May ilan pang tumitigil dahil sa hitsura ko, mukha akong minurder ng isang tao.
Tumayo na ako at isinukbit ang aking bag na may---ano 'to? Bakit may dugo ang isang kahoy? Bakit may matulis na kahoy rito na may bahid ng dugo?
Napaangat ako ng tingin nang may maalala.
B'wiset! Si Ryder pala ang gumamit ng katawan ko!
Naitapon ko pa ang aking bag sa inis.
"Gago talaga ng Ryder na 'yon!" Bulong ko sa aking sarili. Naikuyom ko na lang ang aking mga kamao at nasuntok ang espasyo sa aking gilid.
Gumawa na naman siya ng problema! Sarap balibagin ng gagong 'yon!
Inis akong umalis ng shed at nahihiyang naglakad sa daan papuntang dorm. Iniharang ko na lang ang bag para hindi gaano kita ang dugo sa aking damit. Napapatingin pa rin ang ilan dahil sa daming pasa sa aking mukha.
Nang marating ko ang aking dorm ay agad kong tinapon ang aking sarili sa kama pero napadaing ako nang sumakit ang aking mukha. Ouch!
Ngayon na wala na sa listahan ko ang eskwelahan, mag-ta-trabaho na lang ako para may panggastos. Pag-iiponan ko na ang kolehiyo ko at babalik na lang ako sa susunod na pasukan.
Bakit ba kasi naipit pa ako sa sitwasyon na papatayin ako? O mawawala na ako sa school?
"Gago ka talaga, Ryder!" Sigaw ko sa aking sarili. Napatingin ako sa pader nang may biglang kumatok dito.
"Pahinaan mo ang boses mo!" Sagot ng nasa kabila.
"Sorry po!" Pagpaumanhin ko rito.
I let a soft sigh into the thin air. I've been questioning myself all this time.
What's my purpose in this life? Bakit ba ako nag-e-exist kung puro kamalasan lang naman ang aabutin ko sa buhay?
And what am I?
I have a body who also has two personalities? Bakit ba ako may ganito? Did I do something wrong to experience this hell?
Why can't I live like a normal person?
I've got too many questions that I can't even find answers to.
Sana lang isang araw may magbibigay sa akin ng sagot sa mga katanungang 'to. I want to enjoy life and I think hindi ko na magagawa? Katanungan pa rin kung paano 'to nangyari sa akin.
May salamangka kayang kasali rito? O sumpa itong bigay ng demon----
Natigil ako sa aking pag-iisip nang may marinig akong ingay mula sa labas. Mga nag-sisigawan na parang may away na nangyayari.
Mas lalong lumakas ang ingay nang nabuksan ko ang pintuan.
"W-Wala pa nga po akong pera, b-bossing..."
Boses pa lang alam ko na kung kanino 'yon. Si Aleng Salome? Sinong bossing ba 'yong tinutukoy niya?
Napatingin ako sa unahan para siguraduhin ang pinaggagalingan ng boses. Upon arriving, I saw Aleng Salome begging for forgiveness from a guy who looked like a gangster.
What is the reason for everyone looking the same? May tattoo ang katawan, may piercing at higit sa lahat ang jeje ng damit. But this one looks like a real boss.
Napatingin ako sa dalawang kasama neto dahil nagmukha silang nakahithit ng shabu sa mga hitsura nila.
Nang mapansin nila ang presensya ko ay hindi ko alam kung natakot ba sila sa hitsura ko o nagulat sa aking pagdating. Tumayo si Aleng Salome, malapit pa itong matisod dahil sa pagmamadali.
Hinawakan niya ang aking mga kamay. Mangiyak-ngiyak ito at hindi mapakali sa mga nangyayari.
"A-Aleng Salome? Bakit po?" I asked her.
She leaned closer to me, "T-Tulong... tumawag ka ng police... Magnanakaw ang mga iyan----"
Naputol ang sasabihin ni Aleng Salome nang hilahin ng lalake kung tawagin niya kanina ay bossing. Napadaing ito sa sakit habang hawak-hawak niya ang kanyang buhok.
"Bitawan niyo siya!" Pasigaw kong utos dito ngunit hindi ito nakinig. Nagtawanan lang ang mga lalake at waring iniinsulto ako.
"Bakit? Anong gagawin mo? Susuntukin mo kami ng sing liit na lollipop mong kamao?! Eh, hinlalaki ko lang naman 'yan! Haha!" He mocked me and laughed like a devil. I smirk at his words and glanceat the boss.
Napatingin ako sa aking mga kamay at walang pag-aatubiling sinara ang aking mga mata.
'Ryder, I need you right now.' pagka-usap ko rito sa aking isipan.
Pero ang mas ikinagulat ko ay ang sumagot sa akin na hindi ko alam kung sino.
'Why don't you call me? I'm better than him...' a creepy low tone voice answered. Ramdam ko ang kilabot sa aking katawan sa kanyang pananalita.
I'm pretty sure that this is not Ryder I'm talking to. At alam ko rin na ito ang sinasabi niya kanina. And his words gave me chills down my spine. I felt like I was talking to a powerful person.
"Hindi mo magugustuhan na makilala ang pinakahuling personalidad sa katawan mo. May isang bagay na p'wedeng mag-trigger sa kanya. At hindi mo magugustuhan ang mga gagawin niya sa oras na siya ang gumamit ng katawan mo..."
As a result of this, I now know I have Ryder Flint and Alexis Cyril and who this persona is that I'm talking to.
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro