Trouble 3
Chapter 3: The Bad Boy
Ryder Flint
WHAT the fuck!
Napagago ni Chase!
Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Talaga bang papatayin niya kami?
I saw him lying on the stage. He's cold and wet. I can't believe this. Are we going to die? In drowning?
Gusto kong pagsusuntukin si Chase dahil hindi man lang siya lumaban para sa amin. Napakatanga niya para hindi kami ipagtanggol.
Napahawak kami sa aming leeg nang makaramdam nang may dumaloy na tubig doon kahit wala kaming ininom.
Nabibilaukan na kami kahit wala namang tubig sa aming paligid.
"Hey, R-Ryder, it's your time." Saad ng isang lalaki na katabi ko lang.
Nandito pa rin kami ngayon sa theater, nakaupo sa hilera ng mga upuan at hindi na maalis ang paghawak naming sa aming leeg. Nasa stage si Chase at kasalukyan naman ito nalulunod, patuloy ang pagragasa ng tubig sa kanyang bibig waring nasirang linya ng tubig.
"Why can't you do it, idiot?" Sigaw ko rito.
"S-Sige na, R-Ryder. Mamatay tayo rito." Nauutal na wika ng isa pang lalaki na nasa tabi ko. Isa pa 'tong gagong batang 'to.
"S-Shut up, kiddo!" Napayuko ang bata dahil sa aking malakas na sigaw. Binalingan kong muli ng tingin ang lalaking kausap ko kanina. Binigyan niya lamang ako ng makahulugang tingin.
"Fine!" I whinned. "But I'll have my revenge after this," sambit ko habang nahihirapang naglakad papunta sa stage.
Sa tagal kong rumesponde, halos bumaha na sa loob ng teatro.
I held Chase's chest and my vision began to blur. My soul has been sucked by some kind of energy.
Then darkness devoured me.
-———-««»»———-
NAPADILAT ako ng mata at unang nabungaran ang tiles ng pool. Nang hindi ko na makayanan ang pag-eskapo ng hangin sa aking sistema.
Mabuti na lang at hindi ako kinalagan kaya mabilis kong natanggal ang sako sa aking ulo.
I swam upwards.
Habol ko ang aking paghinga nang masagap ng hangin. Makailang beses ko pang nasuntok-suntok ang aking dibdib na waring may tubig na gustong ilabas. Ilang beses din akong napaubo dahil sa sakit na narararamdaman ko sa aking lalamunan.
Fuck! That was close!
Kung hindi lang ako kumilos kanina ay baka tuluyan na nga kaming nawala sa mundong 'to. B'wiset, sino bang gago ang mapangahas na gumawa neto sa amin?
Nang makabawi ako sa muntik nang pagkakalunod ay agad kong sinipat ang paligid at nakita ang apat na kalalakihan na hindi pamilyar sa akin. Kita ko ang gulat at takot sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin.
Now it's time to show them what I've got.
Those fucking idiots will meet the mighty Mr. Ryder Flint!
Mabilis akong umahon sa pool at binigyan ng masamang tingin ang apat.
"Sinong gago kayo?!" Tanong ko sa kanila habang binigyan naman ako nito ng mga nakakaloko na ngayong ngiti.
"At bakit namin sasabihin sa'yo? Talaga lang, Chase, huh?" Nang-aasar na saad ng lalaking nasa gitna.
"What do you think of yourself---"
I cut them off, "Enough with chitchats, girls. Lalaki ba talaga kayo?" Ganting asar ko na tanong sa kanila.
"Hinahamon mo ba kami, Chase?!" Galit na saad ng lalaki kanina na nasa gitna. I closed my fist and stretched my arms.
"Watch out idiot! Hindi niyo alam kung sino ang binabangga niyo," pagbabanta ko sa kanila. Pero tanging malalakas na tawanan lamang ang aking narinig dahilan para mas lalo akong mainis. Tangina!
Akala ba nila nagbibiro si Ryder Flint?
"Talaga lang, Chance---"
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na binigyan siya ng malakas na suntok sa mukha.
Tumba ang lalaking kausap ko. I used the chance para gantihan ang tatlong nakatayo pa. Their consciousness was shattered by hard punches in the stomachs and elbows on the napes I gave them.
Napangiti ako nang makita silang tumba sa sahig. Pero nasa'n na ang isa?
Nakarinig ako ng malakas na pagsigaw sa aking likuran. Huli na dahil nakaramdam ako ng pising sumasakal sa akin.
Buong lakas kong pagpupumiglas at pilit inaalis ang pagkakasakal sa aking leeg na nagiging dahilan kung bakit nawawalan akong muli ng hangin.
"M-Mamatay ka ngayon, Chase. Ayaw namin sa mga basurang kagaya mo!" Hinihingal niyang saad at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa pisi na nasa aking leeg.
No! I can't let him die with a piece of shit!
"Pu--tek!" I screamed.
Dahil sa hindi ko na nakayanan ang unti-unting pagkawala ng aking hangin, nilkasan ko na lang ang paglalakad paatras. Napaatras din ang lalaking sumasakal sa 'kin.
Natumba ang lalaki at kasunod nito ay nahila akong muli papunta sa pool.
Nang imulat ko ang aking mata ay kita ko ang paglangoy niya papunta sa gilid ng pool. Mabilis akong lumangoy papunta sa kanyang direksyon.
I quickly grabbed his foot dahilan para mapatigil siya sa pag-akyat. The pool depth is not a joke. Mukhang 6 feet ata ang lalim nito dahil para lang kaming naghahabulan sa ilalim.
I pulled him closer to me and choked him with my bare hands. I also mouthed 'die' before I released him from choking. Nawalan ito ng malay.
As I watched him slowly drown while his body was being dragged down by water, I smiled. Pero hindi pa man ako nakakaahon nang may biglang nagsalita sa aking isipan.
'Save him, idiot. Kung ayaw mong ma-expel sa eskwelahang 'yan!'
Argh! It always irritates me when he commands me in such a nonsense manner. I frowned and swam downward to get that guy.
Habol kong muli ang aking paghinga nang makaahon sa pool dala ang katawan ng lalaking nilunod ko. Itinabi ko ang katawan niya sa gilid at mabilis na umahon sa katubigan.
Nilampasan ko lang ang kanilang mga katawan bago nagtungo sa locker.
I sighed seeing his uniform in a clean state. Naka-hanger ang upper at lower uniform ta's sobrang ayos ng pagkakatupi ng kanyang towels at swimming attires sa baba.
Wala na akong nagawa at kinuha ang uniform niya. I gently wiped my hair with a towel and changed into a uniform.
It's the second time around that I have dominated Chase's body.
No'ng una ay napa-trouble rin siya but that time ay ako ang nagdesisyon na gamitin muna ang katauhan ko dahil sobrang bored na kami sa loob niya.
Chase was always the typical obedient boy. Following school rules and always getting out of trouble. Kulang na lang ay magpaka-santo si Chase dahil palaging inaalis ang sarili niya sa gulo o 'di kaya ay hindi man lang siya lumalaban tuwing binubully.
Uuwi na ngang talunan, hindi pa nagsusumbong.
Napaka-santo talaga ng mokong na 'to. Kung hindi lang ako lumabas kanina baka ngayon ay pinaglalamayan na kami. At sigurado akong walang iiyak dahil ang init ng dugo ng ilan sa amin. Chase is a good guy and I'm not sure why everyone hates him just because he made one mistake and has a poor reputation in the community.
Wala siyang ginagawang masama.
Ano bang klase ng utak meron ang mga estudyante rito? Treat him like a toy. As Chase personalities, we won't let anything happen to him.
Matapos kong magbihis ay hindi na ako nag-abala pang umalis doon at nagtungo sa room. Hindi pa man ako nakakalapit ay rinig ko na ang ingay na parang may hindi magandanag mangyayari sa loob.
Nang nasa entrada na ako ay kita ko na hindi makatingin si Fourteen sa direksyon ko kahit minsan na niya akong sinulyapan. Halata rin sa ilan kong kaklase na may gusto silang ipagsabi na hindi nila p'wedeng sabihin. It seems like he is tapping his desk and his aura indicates that he is afraid.
I scanned everything inside the room and saw something strange on the ceiling. Hindi ko pinahalata na nakita ko ang bagay na 'yon at pagak na ngumiti nang tapunan nila ako ng tingin.
These idiots thought I was dumb. Akala ba nila ay hindi ko mapapansin ang nakasabit na balde sa kisame? Mga bobo!
Hindi si Chase ang kalaban niyo kundi si Ryder!
"Oh, Chase, bakit nasa labas ka pa? Ayaw mo bang pumasok?" Wad asked.
Gusto kong magtatawa sa pag-acting ng gago. Akala niya siguro ay kakagatin ko ang bitag nila.
I smiled, "On second thought, ipapauna ko na lang si Mrs. Oransio. She's coming." I lied. I even gestured with my hands to support my lie.
I saw how Wad's expression changed. My eyes wandered inside the classroom and I found the one who was holding the string. It's Rapper.
As I slowly removed my shoes, I looked at Wad.
"A-Anong gagawin mo riyan?" Kinakabahan niyang tanong dahilan para mas mapangiti ako.
This time, gaganti na kami dahil ang babaluktot na ng isip niyo mga putang ina!
"Maglalaro..." I replied.
"M-Maglalaro? Anong l-laro?"
"Tang inang lata. Laro kung saan tatapunan mo ng kahit anong mabibigat na bagay ang lata. Sounds fun, right?" I stretched my arms and prepared to throw my shoe.
"Duck..." I whispered.
Nanlaki ang mga mata ni Wad sa pagbulong ko. Agad niya itong ginawa kasabay nito ay ang buong lakas kong pagtapon ng sapatos papunta sa direskyon ni Rapper.
Agad siyang natumba nang tamaan sa sikmura. Nabitawan niya rin ang pisi dahilan para bumuhos ang berdeng pintura kay Wad.
Napatili ang mga babae at gulat na gulat ang iba lalo na si Fourteen na parang maiiyak na.
That was a bulleye!
Pumasok ako ng room na may ngiti sa labi. Maarte pa sa maarte, maingat kong iniwasan ang nagkalat na pintura sa sahig habang si Wad naman ay naliligo rito.
"Wow, Wad! It looks like the Hulk is after you!
It was really what I was thinking, so I mocked him.
Serves you right, idiots. Lahat sila ay napatingin sa akin nang makita akong nakangiti na parang walang nangyari.
"Shook?" I asked, looking into their eyes. "Ang cliche ng mga pambubully niyo," saad ko bago umupo katabi ni Fourteen na hindi pa rin nakakabawi sa pagkakagulat.
Hindi pa rin umaalis si Wad at tinulungan naman nila si Rapper na ngayon ay parang isusugod na sa hospital.
"Fuck you, Chase!" I heard Rapper's scream. "Ano bang kasalanan ko sa'yo gago ka?!"
"Fuck you, too," I said coldly while staring at him. "I should be the one who asked that question. Ano bang kasalanan ko sa inyong lahat?"
I heard Rapper ask, "What's got into you today? I noticed a sudden change in you."
"What do you think? Nanahimik ako tapos malalaman ko na target niyo palang i-bully ang mga scholar ng university? Halos mamatay na ako kanina nang may lumunod sa akin sa pool. Mabuti na lang at hindi ko sila tinuluyan," Matabang kong saad habang nakatingin sa ceiling.
Bumalik sa aking ala-ala ang nangyari noong nasa elementarya ako. Para nila kaming pinapatay sa mga pambubully nila.
I even remember during my elementary days, someone poured ants inside my bag. Pagkabukas ay namumula at nangangati pa ako. Sinunog din nila ang loob ng bag ni Chase at hindi man lang nila pinalitan. They even invited me to field at doon nila ako pinagbabato ng tennis ball. At ang worst sa lahat ay 'yong nagdikit sila ng mga posters ng mukha ko at may seksing katawan ng babae na in-edit nila.
Elementary pa lang ay iba na ang hagupit na nararanasan ni Chase sa mga tao sa kanyang paligid. At ang laging dahilan kung bakit siya tampulan ng tukso? Ay dahil lang naman 'yon sa rason na mahirap pa siya sa mahirap at mukhang mahina sa mata ng lahat.
Hindi ko rin sukat akalain na hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang mangyayari sa kanya.
He was bullied as if he were a toy. And treated them as if they were someone they could play with. Kung hindi lalaban ang katawan ni Chase ay baka patay na kami ngayon.
Ipinatong ko ang aking dalawang paa sa desk. Lahat ay nasa akin pa rin ang atensyon at pansin 'yon ng sulok ng mga mata ko.
"Tinuluyan? You mean pinatay?" Gulat na tanong ni Rapper.
"Yep."
"Ang demonyo mo! Mamatay tao!"
"I am a demon? Did you just call yourself by your name? Sa pagkakaalala ko ikaw... kayo ang demonyo rito."
"What the ----!" Agad niyang tinakbo ang espasyo namin mabilis na binigyan ako ng suntok sa mukha. Pero hindi ako nagpatinag at mabilis din siyang binigyan ng suntok dahilan para dumugo ang ilong niya.
Wala nang makapagpigil sa amin dahil sa bilis ng mga nangyari.
Napasinghap ang lahat sa gulat nang makita akong sumuntok kanina. First time?
"Stop being an asshole, Rap. Hindi ko alam kung bakit sumasama ka sa mga 'yan. Quotang-quota na ako sa pambu-bully ng gardening tools sa kabilang section no'ng kasisimula pa lang ng klase. Tapos malalaman kong isa rin pala kayong mga utak dilis," may bahid ng drama kong tugon dito.
Hindi ko na inantay pa ang kanilang mga isasagot at mabilis kong nilisan ang classroom. Naiwan naman silang natahimik dahil sa biglaang pagbabago sa aking sarili.
Pero imbes na makaramdam ng galit ay bigla akong napangisi nang maaalala ang mga pagmumukha nila kanina. Ang mga gonggong ay nagpabitag sa paawa effect ko. I hope that my drama skills will be effective.
Dahil sa oras na maranasan muli ni Chase na ma-bully. Baka hindi na ako ang makakalaban nila kundi ang isa sa amin.
Hindi pa man ako nakakalayo sa classroom ay bigla na lang ako nakaramdam na parang may sumusunod sa akin. Napatingin ako sa aking paligid pero hindi ko alam kung saan siya nagtatago.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa track and field ng eskwelahan. Nagsi-uwian na ang mga estudyante nang tumunog ang bell.
Sobrang ingay ng paligid. Napatakip ako sa aking tenga nang may naramdaman ako sa aking sarili na hindi ko maipaliwanag.
Nang mawala ang kakaibang nararamdaman kong 'yon ay nagulat na lamang ako nang may humawak sa magkabilaan kong palapulsuhan.
"Mr. Robles, sumama ka sa amin sa guidance's office." Anang ng dalawang guwardiya sa akin.
Oh, no. Smells like trouble.
-———-««»»———-
Iaeious' Note:
Kung nagtataka po kayo kung saang series or movies nahahawig ang k'wentong 'to. 'Yon po ay sa The Gifted Thai Series. Sa mga nanood po ay potential po ito ni Atthaphan Phunsawat (Gun) as Punn Taweesilp.
At isa pa pong character na nakuhanan ko nito ay kay James McAvoy as Kevin Wendell Crumb / Dennis / Patricia / Hedwig / Barry / Orwell / Jade / The Horde sa movie series na Unbreakable trilogy (Unbreakable, Split and Glass).
Must watch those movies/series. Maganda rin po ang k'wento nila.
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro