Trouble 26
Chapter 26: Revelation
Marc
I can't believe this shit!
Kung hindi lang ako tinakot ng gunggong na 'yon baka iniwan ko na 'tong baldadong 'to.
Nakakatawa mang isipin, nagkamatayan na lahat, pero nakakagawa pa rin ng eskwelahan na gawan ng pa ganito ang mga estudyante sa section namin.
Tapos 'eto? Malalaman ko na wala na pala si Tiara along the game. Like, what the actual fuck?
Buhay ang nawala rito pero 'yong napapaisip kang parang wala silang pake?
How come this freaking place doesn't have CCTV?
Now we're in serious trouble, and teachers and facilitators are still not alert!
Sarap magwala sa sitwasyong 'to?
Nakakagalit! Parang gusto kong sumigaw nang sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses.
As annoyed as I am with this shit, I can't help but become irritated. Ang bagal kumilos! Hindi naman gano'n kalala ang sugat sa paa. What the fuck is he doing being chased by a killer? Am I right? He was chased.
I just rolled my eyes, let myself calm down, and let him receive his first aid in the clinic.
Kanina ko pa akay-akay si Fourteen na halatang nagpipigil na sa kanyang sakit na nararamdaman.
Ilang minuto rin ang nilakbay namin at sa wakas! Malapit na kami sa clinic at hindi ko na rin mapigilan na mapabuntong hininga dahil sa sakit ng katawan ko katatakbo at ngayon ay kaakay naman sa feeling baldado.
"Malapit na tayo. Mapapagamot ka na tapos iiwan na kita, ah." Walang ka-emo-emosyon kong sambit habang dahan-dahang kong pinipihit ang door knob ng pinto.
Nakakapagtaka lang dahil masyadong tahimik ang loob ng clinic na parang walang katao-tao sa loob.
Jusko! Kung walang nurse rito ibig sabihin ay nag-participate kami sa isang activity na walang gagawa ng first aid kung may emergency situation gaya nito?
"P'wede mo akong iwan kahit sa bed lan----wait, walang nurse sa loob?" nagtatakang tanong ni Fourteen nang mapansin namin walang nakaupo sa upuan.
Nakabukas ang ilaw at ang dalawang ceiling fan sa magkabilang gilid. Amoy na amoy ko rin ang kemikal at baho ng mga gamot. Dahan-dahan kaming pumasok ni Fourteen habang palinga-linga naman ako sa bawat sulok ng silid. Nagbabasakali na mahigilap ang nurse at mapagamot na si Fourteen.
"Tao po? May tao po rito?" magalang kong sambit ngunit wala pa rin akong nakukuhang sagot.
"Baka nasa break ang nurse o may pinuntahan lang?"
"Anong pupuntahan? Dapat lagi siyang nandito para kung sakaling may emergency ay agad siyang makalapat ng lunas," pagdadahilan ko. "Diyan ka muna sa may kama. Hahanapin ko muna ang nurse," saad ko at dahan-dahan siyang pinaupo sa kama.
Nagtungo naman ako sa gawing dulo ng silid nagbabasakali na nasa banyo lang ang nurse.
Pero hindi pa man ako nakakalayo nang sandaling magtayuan ang aking balahibo sa aking batok. Napatingin ako sa aking likuran at nakita si Fourteen na nakaupo sa kama habang iniinda ang sakit ng kanyang binti.
Napatingin din ako sa labas, pero wala naman akong napansin na kakaiba. Iwinaksi ko na lang ang aking iniisip at mas binilisan ang paglalakad.
"Nurse! Tao po!" I even checked the corners every time I passed by. "May nangangailan po ng tulong!" I cried. Nasa hallway na ako papuntang banyo ngunit wala pa rin akong naririnig na ingay mula sa loob ng banyo. O makitang kahit anino sa aking paligid.
"Tao po! Someone needs help! Yoohoo!"
Nakakapagtaka, sa'n na kaya ang nurse rito?
So ano? Kami-kami na lang maglalapat ng first aid?
"Nurse? Nasa may banyo po kayo?"
Mukhang tanga lang
Nang sandaling hawakan ko ang door knob ay gano'n na lang ang pagtataka ko nang makaramdam ng malapot na likido sa aking kamay. Nang aking tingnan ito ay gano'n na lang ang kabang naramdaman ko nang sandaling makita ang pulang-pulang dugo sa aking mga daliri't palad.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat na aking nalaman. Nanunuyot na ang aking kalamnan sa aking nasaksihan.
Shit! Why were there bloodstains on the door knob? Did the killer just kill anyone inside the bathroom?
Agad kong pinahid sa aking pantalon ang dugo at natatarantang napatingin sa pintuan ng banyo. Sa nanginginig kong kamay, muli kong pinihit ang pintuan at napapikit na lang sa sobrang kabang nararamdaman.
"Ahhhh!" I shouted!
Nanghihina ang aking mga tuhod dahilan para mapaluhod ako sa sahig habang tinitingnan ang isang babaeng nakaupo sa toilet bowl. Tadtad ito ng nakatusok ng syringe sa buo niyang katawan. Halos mapuno na nito ang buo niyang mukha at tumutulo na rin ang pulang likido sa kanyang katawan.
Wala sa sariling napaiyak ako habang nakatingin sa nurse na wala nang malay at ang mga mata nito'y waring nangungusap sa akin na parang may kagimbal-gimbal na nangyari sa loob ng clinic.
Dali-dali akong napatayo nang maalala na kamamatay lang din ni Tiara ngayong gabi.
"Oh my gosh! Baka nandito rin ang killer!" natataranta kong saad at nanghihina ang buong katawan habang tumatayo. "Fourteen! Kailangan na nating umalis!" I screamed.
Kahit nahihirapang tumakbo ay buong lakas akong tumakbo para lang puntahan si Fourteen.
"Marc, anong nangyayari riyan?" I hear him shout from afar.
"Kailangan na nating umalis! Patay na ang nurse!"
"Huh? N-Nurse? Patay na ang nurse?"
"Yes! I just saw her body on top of the toilet bowl. Ang daming nakatusok sa katawan niyang syringe!"
"What? Are you sure about that? Let's go!"
Bumaba ito sa kama at agad ko naman siyang inakay.
"Teka lang. May nakalimutan ako..."
"Ano 'yon----gawwkkk!"
Mabilis akong napahawak sa aking leeg nang sandaling daanan ito ng matalim na bagay.
Ilang beses akong napaatras habang nakatingin sa lalakeng hindi ko inasahan na gagawa ng karumal-dumal na bagay na 'to.
Umagos mula sa hiwa sa aking leeg ang masagana at malapot na dugo. Ilang segundo lang nang doon ko pa lang naramdaman ang matinding kirot sa aking lalamunan. Halos hindi ko na maibuka ang aking bibig dahil sa takot na maubos ang aking dugo.
Pero sa kasamaang palad ay walang ano-ano'y nagsuka ako ng dugo.
"Gulat ka, 'no?" he tsked. "All this time ay si Chase ang akala niyong pumapatay pero mali kayo! Ako! Ako ang pumapatay, Marc! Hindi si Chase!" tumawa ito na parang demonyo.
He makes me sick with his laugh!
Nagsisimula na ring lumabo ang aking paningin at humihina na rin ang aking pandinig. Nawawalan na rin ako ng hangin. Ilang segundo na lang at ramdam kong susunduin na ako ni Kamatayan.
"... ayaw ko nang patagalin pa ang paghihirap mo. Sinusundo ka na ng kaibigan ko. Bye, Marc-y boy. See you in hell!"
Putangina niya!
Ramdam kong may tumarak sa aking lalamunan at may kung anong lumabas sa aking batok. Kasunod nito ay wala na akong makita at tuluyan na nga akong binawian ng hangin.
I didn't expect this shit from him!
Sobrang ibang Fourteen ang nakikita ko ngayon.
-———-««»»———-
Maris
KABUBUKAS lang namin ng box namin ni Jon at nagulat na lang kami dahil dalawa na sa boxes ay nabuksan na.
So sino-sinu sa mga kaklase ko ang nakabukas na ng box?
Ugh, nevermind. Ayaw ko na lang mag-isip, nakakairita pala.
"Sino kaya 'yong ibang nakabukas na ng box, 'no?" There's a hint of curiosity in his voice.
"Just don't ask, moron! Let's just go to camp and get this card. Baka masali pa tayo sa prizes!" sambit ko sabay kembot at naunang naglakad kay Jon.
Nagmamadali naman kami sa paglalakad since napapayakap na ako sa aking sarili dahil sa lamig. Nakakatakot din ang buong gubat dahil sa ingay na dala ng mga kuliglig kaya medyo ramdam kong nasa loob tuloy kami ng horror movie.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Hindi ko mawari pero kanina pa nagtatayuan ang mga balahibo ko. Sobrang nakakatakot talaga ang feels sa lugar na 'to. Grabe naman ang lokasyon na 'to para sa larong gagawin.
"Hintay ka naman, Maris!"
I just rolled my eyes. Ke lalaking tao ang bagal-bagal kumilos.
"Ano ba, Jon? Maglalakad na nga lang tayo ay panay reklamo ka pa riyan. Sino ba sa atin ang babae, ah?" I answered.
"Eh, nakakatakot kasi rito. Parang may kung anong ibang nilalang ang nandito. Gets mo 'yon?"
"Yes, alam kong medyo creepy feels ang lugar na 'to. Pero don't bother. Malapit na tayo sa camp, 'tsaka parang wala ka namang bayag. Face your fear, coward----ouch!"
Bigla akong napahawak sa aking paa nang may masagi ito. Agad akong napayuko at walang takot na hinawakan ang bagay na malapit nang magpadapa sa akin.
Teka, ano 'tong nahahawakan ko?
"Ano 'yan, Mar?"
"Teka hindi ko----damit? Hindi ko masyado-—oh my gosh! Balat 'yong nahawakan ko! Tao!"
Napatayo ako't napatakip sa aking bibig nang mapagtanto na tao nga ang aking nahawakan.
Oh my gosh! What's happening here? May katawan sa daanan namin pauwi?
"Tangina! Si Tiara 'to! P-Patay na si Tiara!"
Mas lalo akong siniklaban ng takot sa aking narinig. Muli akong napaluhod at napatakip sa aking bibig. Ilang segundo lang nang sunod-sunod nang bumuhos ang aking luha.
Sobrang lakas ng pintig ng aking dibdib dala ng takot sa aming nasaksihan.
"Mariz, we should run! Humingi tayo ng tulong sa mga teachers and facilitators!" Jon yelled and shook my arms.
Napilit niya akong tumayo at kasunod nito ay hila-hila niya na lang ako papalayo sa walang malay na katawan ni Tiara.
Wala sa sarili akong nagpahila kay Jon dahil tulala pa rin ako sa kawalan.
Grabe, hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.
Tiara is dead!
Tapos wala man lang ginawang aksyon ang tagapamahala rito?
Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni Jon na kanina pa kung ano-anong pinagsasabi. Umiiyak na rin ito habang hila-hila ako.
Namalayan ko na lang na nasa camp na kami at mas lalo akong nagulat nang mapansin na wala man lang katao-tao ro'n.
Napalinga-linga ako sa aking paligid at kahit isa mga kaklase o facilitators ay wala nga rito.
"Hello! May tao ba rito? Guys... Classmates!" Jon shouted.
"Anyone---"
"Guys!"
Napatingin kami sa kalayuan at nakita si Fourteen na tumatakbo papunta sa aming direksyon.
Bakas sa mukha nito ang hingal ng pagtakbo, may dala pa itong card pero nagulat ako sa aking nakita.
May nagkalat na dugo sa kanyang damit.
"F-Fourteen, anong nangyayari sa'yo? Bakit may dugo ang katawan mo?" natataranta kong tanong dito.
Tumigil ito sa pagtakbo at bahagyang napayukod at pilit naghahabol ng kanyang hininga.
"S-Si..."
"A-Ano?"
"Si C-Chase..."
My eyes widen. Hindi pa man tuluyang nasasabi ni Fourteen ang gusto niyang ipagsabi ay parang nakukuha ko na ang gusto niyang sabihin.
"What's up, Fourth? Spill the tea!" Jon asked in a hurry. "Si Chase ba ang pumapatay? Si Chase ba ang may gawa no'n kay Tia----"
Bang!
Napatulala ako kay Fourteen nang sandaling marinig ang isang bagay na siyang kumitil sa kasamahan ko.
Para akong nabingi sa aking narinig. May kung anong umalis sa aking katawang lupa na siyang dahilan kaya't hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
A smirk formed on his lips. "That's how you spill tea, Jon," he whispered.
Nakarinig na lang ako ng pagkalabog, isang palatandaan na tuluyan nang natumba ang katawang lupa ni Jon sa kalupaan.
"F-Fourteen?" mahinang bulong ko rito.
He slowly blew the smoke out of his muzzle and chuckled, "Maris, Maris, Maris... do you really think that Chase is the killer?" nang-aasar nitong tanong.
Parang umurong naman ang boses ko sa aking naririnig at nakikita.
Shit! This guy is really crazy!
"Walang hiya ka, Fourth!" I shouted. Pinilit kong sumigaw kahit halos pumiyok na ako.
"No, Maris, ikaw at ang buong klase ang walang hiya! Do you really think na matatakasan niyo ang kahapon na gusto niyong takasan, huh?" Halatang nagpipigil ito ng galit habang nakatutok ang baril sa aking ulo.
My brows creased. "What do you mean?"
"Just forget it! Wala rin namang silbi kung sasabihin ko pa. That time, I was already declared dead by the police. But look at me, I am alive and ready to kill. Hindi mo ba ako nakilala? Ako lang naman 'yong pinagtulungan ng buong section no'ng nalaman niyong ako nag-expose ng sekreto niyo sa school!"
My eyes widen. Nakakagulantang ang aking nalaman.
So it means...
"Ikaw si E-Eleven Raine A-Angeles?"
Suddenly, I heard a loud gunshot that deafened me and also turned my sight black.
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro