Trouble 25
Chapter 25: Dark
Tiara
GOSH!
Hindi ako makapaniwala na kasama ko ang isang nerd na tagapagtanggol ng mamatay tao. Walang kaso sa akin kung si Marc, o si Eric, o kahit sino sa magjowang bakla ang makasama ko. Huwag lang talaga 'to at 'yong isang mamatay tao.
Grabe na ang mga pangyayari ngayon. Sobrang malas ko naman na nahablot ang kulay luntiang card.
At para naman hindi halata na hindi ko gusto ang presensya ng gagong 'to, kailangan kong umarte na kakampi ko siya para naman makaraos kami sa punyetang sitwasyong 'to.
Ilang beses na namin nakasalamuha ang iba-ibang obstacles, nagbukas ng kahon at nagtatakbo.
Kakairita pa nga. Hindi pa gentleman ang gago tapos laging kung ano-anong pinagsasabi patungkol sa mga riddles na nakukuha namin.
Siya lang naman nakakaintindi at sumasagot sa mga 'yon.
Gusto ko ng matapos ang bangungot na 'to. Ayaw ko nang makasama ang lalaking nagngangalang Fourteen.
Alas sais na ng gabi at madilim na ang kalangitan. May ilaw naman ang mga pine trees sa mga dinadaanan namin ngunit hindi ito sapat dahil may ilang bahagi pa rin dito na hindi saklaw ng liwanag.
At habang tumatagal din ay mas lalo akong napapayakap sa aking sarili dahil sa lamig na dala ng paligid. Habang ang kasamahan ko naman ay humahangos at tagaktak ang pawis nito na waring naliligo lang.
"Matagal pa ba tayo rito? Kanina ko pa gustong matapos 'to!" pagmamaktol ko habang nakapamewang sa gilid ni Fourteen habang binunuksan naman nito ang isa pang kahon.
"...The answer is 5!" bulalas nito. Sinamaan ako nito ng tingin, "Then stop whining and help me. Ang daming mong ebas hindi ka naman tumutulong," napantig ang tenga ko sa aking narinig.
"Uh! Whining?! Ikaw, Katorse, ha! Porque't ikaw ang sumagot at nagbukas ng mga boxes ay gaganyanin mo na ako! Maging gentleman ka naman!" Singhal ko rito.
Bagsak ang balikat nito sabay ikot ng kanyang paningin sa buong paligid.
"Tiara, wake up. I am not your servant, okay? 'Tsaka ang lakas mong ipagsigawan dati na kaya ng mga babae ang kaya ng mga lalaki. And here you are, being a homophobic on Kirl and Rapper at nag-rereklamo dahil hindi ako gentleman. Hello? Takbo at sagot lang ginawa natin dito, hindi ko na kasalanan na makupad ka at maikli 'yang biyas at pasensya mo."
Napahawak ako sa aking dibdib. Shutek! Na-real talk ako ng wala sa oras, ah. Naalala ko tuloy no'ng nagsisigaw ako ng gender equality sa harap ng campus dahil iba ang trato ng babae at lalake dati.
Nakakahiya man pero hipokrito ang lola niyo.
"Gosh! Ayaw ko na sa'yo! Hindi na kita gusto maging ka-team mate!" pagmamaktol ko sabay lakad pabalik sa aming dinaanan kanina.
Hindi pa naman ata ako malayo mula sa finish line.
"Hey, Tiara! Come on! Let's finish this game! Malapit na tay----"
"Tapusin mo 'yan ng mag-isa mo! Ayaw ko sa protector ng mamatay tao!" Pinutol ko na sasabihin nito at nagpatuloy sa paglalakad papalayo sa kanya.
Rinig ko pa ang mga sigaw nito na hindi na tuluyang na-digest ng utak ko ang kanyang sinabi. Basta ko na lang tinakpan ang aking tenga dahil masyado nang nakakairita ang boses ng gago'ng 'yon.
Mas lalo pa akong napayakap sa aking sarili dahil hindi ko na nakakayanan ang lamig. Bakit ba kasi ang nipis-nipis ng suot ko? Ang lamig pala talaga rito.
Ramdam ko nang nakakalayo-layo na ako kay Fourteen dahil halos mga yapak ko na lang ang aking naririnig at ang ingay ng kuliglig.
Hindi ko mawari pero ramdam kong hindi ako nag-iisa sa aking paglalakad. Dahil sa medyo takot ako, naisipan ko na lang na bilisan ang aking hakbang sa gitna ng kakahuyan.
Napapaisip na ako na hindi nga ako nag-iisa. Dito na ako tuluyang natataranta at bahagyang tumigil sa paglalakad. Napatingin-tingin ako sa aking paligid at do'n nasigurado na may sumusunod nga sa akin dahil sa aking narinig na ingay ng yapak.
"S-Sinong nandiyan? Fourteen? Ikaw ba 'yan? Huwag mo naman akong gino-good time, oh." Kinakabahan kong tanong at dahan-dahang napaatras.
Nagsisimula nang dumadagundong ang aking dibdib at nag-tatayuan na ang aking balahibo sa aking batok.
"Fourth! Stop playing with me!" Sigaw ko rito.
Pero ilang segundo lang ang lumipas at wala naman akong naririnig na kahit na anong ingay sa aking paligid.
"Putangina!" Muli na sana akong maglalakad nang may biglang lalaking bumungad sa aking harapan. "Gosh, Chase naman! Papatayin mo naman ako sa gulat! Bakit ka ba nandito? 'Tsaka nasa'n partner mo, 'di ba kapare----ahhh!"
Walang pasabing niyakap ako ni Chase, pero hindi ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang na may kung anong sakit sa aking tagiliran.
May kung anong tumulo mula sa aking katawan pababa sa aking hita't paa. Sobrang sakit... sobrang hapdi... Parang may kung anong natamaan sa aking kaloob-looban na siyang naging dahilan ng pananakit ng aking tiyan.
"H-Hayop ka, Chase... m-mamatay tao ka nga..." naghihingalo kong sambit. Hindi ako makagalaw, ang sakit sa pakiramdam. Parang dinudurog ang puso ko sa katotohanang mukhang hanggang dito na lang talaga ang aking buhay.
Hindi ako makasigaw dahil parang umurong ang boses ko. Katapusan ko na ba?
Kita ko ang pagsilay ang ngiti sa labi nito dahilan para mas lalo akong kabahan sa aking kaharap. Sobrang amo ng mukha ni Chase ngunit sa likod nito ay isang pala siyang demonyo.
"Masakit ba, Tiara? How does it feel?" Ramdam ko ang paglapit ng labi nito sa aking leeg. "Hmm... I can smell fear and blood from you. Sayang nga lang dahil hanggang dito ka na lang. Bye, Tiara. Sana hindi ka sumali sa gulo no'ng The Xixi Case, edi, sana buhay ka pa ngayon."
Nanlaki at nagulat ako sa aking narinig. The Xixi Case? Paano niya nalaman iyon? Matagal nang patay ang kasong 'yon? Sinigurado naming na patay na rin si Eleven bago ang lahat.
Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat nang hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Hinablot ni Chase ang kutsilyo sa aking tagiliran. Bumulwak ang dugo sa aking kinatatayuan at kasunod nito ay pinaulanan ako ng saksak ni Chase sa aking dibdib, tiyan, tagiliran at isang huling tarak sa aking lalamunan. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking esophagus dahilan para sumuka rin ako ng dugo.
Binitiwan ako ni Chase at bumagsak ang aking katawan sa kalupaan.
Nanlalabo na ang aking paningin at halos wala na akong naririnig sa aking paligid.
Mukhang 'eto na nga ang aking kahihinatnan.
Pero bago pa man tuluyang mawala ang aking hininga at ulirat. May isang bagay akong nalaman bago pa mahuli ang lahat.
Isang boses ang bumulong, "I am not Chase. I am Dark."
-———-««»»———-
Ezequiel Chase
DALI-DALI kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan ng boses.
Pero hindi pa man kami nakakalayo nang mapansin na namin ang pigura ni Fourteen sa madilim na parte ng gubat at paika-ikang nagtatakbo papunta sa aming direksyon.
Nang makalapit ito sa amin ay bumagsak ang kanyang katawan sa kalupaan. Umiiyak ito sa takot at namumutla dahil sa sobrang kaba.
Kahit ako ay kinakabahan na rin dahil sa kung ano na ang nangyari kay Fourth sa larong 'to.
"Fourth, ano nangyari?"
Inalalayan ko itong tumayo at hindi na matigil ang pag-iyak nito sa takot.
"C-Chase... n-nakita ko si T-Tiara pinatay sa loob ng gubat. Sinaksak siya ng ilang b-beses tapos n-nakita ko. Long hair 'yong pumatay!" he exclaimed.
Napatingin naman ako kay Kirl na nagulat din sa aming narinig.
Long hair? Babae ang pumapatay? So it means ay babae ang sinaniban ni Dark? Posibleng isa sa mga babae kong kaklase ang kakuntsaba ni Dark sa malagim na pagpatay sa aking mga kaklase.
Inalalayan namin si Fourth na ngayon ay hirap na maglakad dahil sa malaking sugat sa kanyang binti. Pero napatigil ako nang may ma-realize.
"Fourth, bakit may sugat ka sa paa? Sa'n mo 'yan nakuha?"
Nandito na naman ang pagdududa ko nang walang dahilan.
"Habang tumatakbo ako kanina ay natamaan ang paa ko ng nakausling kahoy dahil sa pagkakataranta ko. When I witnessed that murder, I was shocked and in a state of panic," he replied.
Akala ko ay hinabol siya ng killer at nadaplisan ang paa nito.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Huwag kang mag-alala, dadalhin namin siya sa clinic," Kirl said in a comforting voice.
Dahan-dahan kaming naglakad at maingat na inalalayan si Fourth na hanggang ngayon ay nanginginig at nanlalamig pa rin ang mga kamay nito. Grabe, naawa ako kay Fourth. Grabeng trauma ang aabutin niya after nito.
Naikuyom ko naman ang aking isang kamay na nakaalalay sa likod ni Fourth. I can't help but feel angry about what happened. Tiara was just killed, and Fourth witnessed a murder.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalayo nang mapansin namin ang isang pares... si Rapper at Marc na hingal na hingal din at naghahabol ng kanilang hangin.
"What happened to you, Fourth?" It's Marc's annoying voice.
"Okay ka lang, Kirl?" Rapper asked his boyfriend in a worried voice.
"Marc, bring Fourteen to the clinic. Bantayan mo siya at sabihan ang nurse na lapatan ang kanyang sugat ng first aid. Kirl at Rapper, hanapin niyo ang mga teachers at facilitators. I'll look for Tiar---"
"Teka lang, Chase. Bakit mo bako inuutusan? 'Tsaka ano bang nangyayari? Bakit parang tensiyonado kayo?" napapikit na lang ako sa inis kay Marc. Andiyan na naman siya sa kanyang attitude.
"Marc, gawin mo na lang," Kirl commanded.
"Bakit ko nga kayo susundin?! I don't fucking follow orders from criminal----"
Napanganga na lang ako nang sandaling bumagsak sa sahig si Marc dahil sa malakas na suntok na binigay sa kanya ni Kirl. Slay!
P'wera biro, ang sakit no'ng pagkakasuntok ni Kirl sa mukha ni Marc. Hindi ko inaasahan na gagawin 'to ni Kirl sa mismong sitwasyon.
"Ikaw, ah! Matagal na akong nagtitimpi riyan sa pagiging maarte mo. Ihahatid mo ng maayos si Fourth sa clinic? O ikaw ipapasaksak namin sa killer." Nanlalaking mata nitong tugon sa binata.
"K-Killer?"
"Oo, killer! Tiara is dead. Nakita ni Fourth ang murder sa kakahuyan. Kung ayaw mong ihatid si Fourth, baka gusto mong ikaw na ang maghanap kay Tiara."
"Oo na! Ihahatid na si Fourth sa clinic! Halika na, Fourth."
Napatulala na lang ako nang makita na parang paluha na si Marc dahil sa pagkakasuntok at pagbulyaw ni Kirl sa kanya.
Dahan-dahang naglakad papalayo ang dalawa habang nagtinginan naman kaming tatlo.
"Be careful, guys. Sana makahingi tayo ng tulong bago pa mahuli ang lahat."
"Don't worry, Chase. We will get through this. Sana makahingi na tayo ng tulong sa lalong madaling oras." Kirl said before we parted ways.
Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kung saan nanggaling si Fourteen.
Madilim ang paligid at parang yumayakap ang lamig ng hangin sa aking katawan. Rinig ko ang ingay ng kuliglig at mahinang pag-ihip.
Muli na naming kumabog ng pagkalakas-lakas ang aking dibdib. Hindi ko mawari kung anong hitsura ang maabutan ko nang sandaling makita ko ang sinasabing patay na katawan ni Tiara sa gubat.
Isa pang nakakapanlumo ay ni isa sa amin ay wala talagang hawak na telepono, lahat ay nilagay namin sa lagayan at alam namin na ang mga telepono namin ang magiging huling prize namin sa two days na pananatili dito.
Ngayon na may nangyaring karumal-dumal na pagpatay, mas lalo kaming nahirapan na humingi ng tulong dahil kami lang lima ang nakaka-alam sa nangyari. Sana nga madali lang mapuntahan nina Kirl at Rapper ang mga guro para makaalis na kami rito.
Hindi ko pa rin tanggap na posibleng si Dark ang naging rason ng kamatayan ng isa kong kaklase, pero hindi ko rin alam kung kaninong katawan siya sumanib para magawa ang krimen.
Ilang takbo at lakad pa ang nagawa ko at umaasa na lang sa mga ilaw na mula sa mga kahoy na siyang naging dahilan para tanaw ko pa ang aking nilalakaran. Rinig ko na ang malakas na ingay ng aking paghinga nang huminto ako saglit sa isang malaking pine tree.
Long hair? Sino sa mga kaklase ko ang magiging suspek ko rito? Si Mariz? Si Marj? Si Amy? Pero malaking posibilidad ay si Cassie... Dahil sa aming lahat siya lang hindi namin kaklase at posibleng may connection siya sa pinatay na babae sa The Xixi Case!
Muli akong naglakad-lakad sa buong gubat at sa ilang minutong paglalakad ay hindi ko sukat akalain ang aking makikita.
Si Tiara... nakatali sa isang sanga habang nakabitin patiwarik. Dumudugo ang kanyang leeg dahil sa malaking hiwa rito. May ilang saksak din siya sa kanyang katawan at puro dugo ang kanyang mukha na halos hindi ko na makilala.
Kung sino man ang may gawa nito... magbabayad kang hayop ka.
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro