Trouble 24
Trouble 24: Game
Third Person's Point of View
NASA harapan na ng school gate ang lahat ng estudyante ng section nina Chase.
Lahat ay may kanya-kanyang trip sa kanilang p'westo.
Nandiyan na 'yong kaklase nilang parang nag-mi-mini vlog sa gilid. May naglalaro ng mobile games, may nag-me-make up, simpleng nakaupo lang sa sidewalk, nag-uusap, at ang mga nakatulala lang sa hangin.
Kahit ganito ang set-up ng kanilang klase, nandoon pa rin ang sakit sa damdamin ng mga estudyante dahil sa pagkawala ng ilan sa kanilang mga kaklase. Patawa-tawa lang ang mga ito pero ngayon na delikado na ang mga nangyayari, hindi na nila alam kung totoo pa ba ang pinapakita ng bawat isa sa kanila.
Mula sa kalayuan, naagaw ng isa nilang kaklase ang atensyon nito.
"Guys, nandito na ang bus!" Sigaw ng kaklase nilang si Eric. Nagtayuan naman ang mga nakaupo habang inayos naman ang iba ang kanilang sarili para sa mahalagang biyahe.
Nang sandaling tumigil ang bus sa kanilang harap, bumukas ang pinto nito, at lumabas doon ang isa sa kanilang magiging guide sa kanilang mga activity.
Isang lalakeng nakasuot ng golf cap, medyo may edad na ito at hindi naman gaano kakapal ang kanyang bigote.
"Freshmen of University of Modern Technology! A pleasant morning! I am your tour guide for this activity. I am Mr. Jim Torralba. All your questions will be answered along the way. But for now, I will give you some tips. First, snacks will not be allowed in the camp. As in, no food! Understood?!" Panimula nito.
"Yes, sir!" The student replied.
"Next, phones will be confiscated. Ilalagay ito sa isang kahon at dadalhin sa isang k'warto dahil ito ang magiging huli niyong activity," kasunod nito ay may lumabas na babae mula sa bus na may dalang kahon. "Students, please put your cellphones in that box, or we'll scan you with a metal detector," he warned. Lahat naman ay natakot kaya napilitan ang mga estudyante na ilagay lahat ng kanilang telepono.
Nang matapos ang mga ito ay sumunod naman ang bulungan ng lahat.
"Thank you, students, for being masunurin. May compartment sa taas na p'wedeng lagyan ng mga gamit niyo. You can now enter our four-wheeled vehicle, and you can take your seat inside!" Sambit nito na agad naman sinunod ng mga estudyante.
Isa-isa silang pumasok ng bus at nagtabi-tabi na para madaling makaupo sa loob.
"Oy, tabi kami ni Tiara, ah!" Sigaw ng isa sa kanilang kaklase.
"Tabi tayo, Jason!" Eric exclaimed.
"Kirl, find us a comfortable seat!" Rapper whispered to his lover.
Naiirita namang napatingin ang ilang babae sa kanila na binigyan lamang sila ng matalim na tingin.
Nasa huling linya naman sina Fourteen at Chase na napapatingin sa loob ng bus dahil baka hindi sila magkatabi.
Everything ran smoothly inside the bus. In the last part of the bus, Fourteen and Chase were surprised to find empty seats next to Rapper and Kirl.
Excited na tumabi ang dalawa sa magkasintahan.
The engine started, and the bus moved.
Habang nagbibigay ng instruction ang tour guide sa loob ng bus, hindi naman mapigilan ni Fourteen, Chase, at Kirl na manahimik sa likod habang nakikinig naman si Rapper.
Sobrang bigat ng atmospera sa loob ng bus taliwas sa pinapakita sa mukha ng kanilang mga kaklase.
After a couple of minutes, natapos na ang guide sa kanyang pagsalita at dito na sumandal si Kirl kay Rapper sa balikat nito. Habang inilabas naman ni Fourteen ang isang mineral bottle water na agad naman niyang inabot kay Chase.
"Here... inom ka. Mukhang dehydrated ka ata. Ba't ka namumutla?" Mahinang usal ng binata para hindi makuha ang atensyon ng kanilang mga kaklase.
Chase nodded. "Thank you, Fourth. H-Hindi kasi ako sanay sa aircon bus."
Naalarma naman sina Kirl at Rapper.
"Teka, dagaton ka, Chase?" Kirl asked curiously. Pansin nito ang pamumutla ng kanyang mukha.
The guy answered by nodding his head. Agad naman itong nakuha ni Chase at dito na kumunot ang noo nina Fourteen at Rapper.
"What? Dagaton? Eh, wala naman tayo sa dagat?" Rapper asked with confusion on his face.
"No, dude, it's a Bisaya word kung saan mahihiluhin ka tuwing biyahe. Kaya nga nag-take na ako ng Bonamine bago sumakay para hindi ako mahilo habang nasa biyahe." The boyfriend replied, then rolled his eyes in disbelief.
He stretched his arm to give Chase an efficacious roll as he said, "Ahh, gano'n pala 'yon."
Hindi na nag-atubili si Chase at agad niya itong kinuha, matapos buksan ay agad niyang nilanghap ang naglalaban na lamig at menthol nito.
"All goods ka na, Chase?"
Tumango lang ang binata at hindi na inalis malapit sa kanyang ilong ang nasabing bagay.
Nagpatuloy ang biyahe hanggang sa marating ng bus ang kanilang destinasyon. Bumungad sa lahat ang nagtataasang pine trees at sobrang lamig ng hangin. Gawa naman sa mga sanga ng puno ang gate ng lugar na napapalibutan ng mga barb wire.
Lahat ay namangha sa ganda ng kanilang paligid.
Dahil narating na nila ang Mariano's Wild and Green Forest. Sobrang luwag nito lalo na't kahit sa kanilang kinatatayuan ay tanaw nila ang isang hanging bridge at may mapapansin ding burol na sobrang makulay sa may kalayuan.
Excited ang karamihan sa kanilang gagawin dahil sa outdoor activity na kanilang lalaruin.
"Ang ganda rito, 'no? Sayang ngayong araw lang din tayo rito. Sana kung matapos ang activities ng senior high, makabalik tayo rito," saad ni Jason na hanggang ngayon ay nagniningning ang mga mata sa kanyang nakikita.
"Hindi pa nga nagsisimula tapos babalik agad? Excited ka naman masyado," pabirong tugon ni Eric.
Pero bago pa man makapasok ang lahat ay nauna nang tumayo sa kanilang harapan ang tour guide.
Tumikhim ito upang maagaw ang kanilang mga atensyon.
"Student, I just want to say na may kasama rin tayong taga-inyo na magiging official pho---" natigil ang sasabihin nito nang sandaling maagaw ang atensyon ng lahat dahil sa paparating na motor. "Oh, andito na pala siya. Si Ms. Cassie, ang school photographer!" Magiliw na pagpapakilala nito.
Nahihiyang napapayuko bilang paggalang ang ginawa ni Cassie. Rumehistro sa mukha nito ang pekeng ngiti.
Matapos ang pagsalubong ng ilang staff sa mga estudyante ay agad silang pumasok sa nasabing forest park.
Napapatingin na lang ang mga ito sa taas dahil sa nagtataasang pine tree, may mga ibon din na nagliliparan at ang sariwang hangin na naging dahilan kung bakit napapakayap sa kanilang mga sarili ang mga estudyante.
"Tangina, parang Baguio ang feels dito. Buti na lang at may jacket ako," bulong ni Tiara sa hangin habang napapayakap sa kanyang sarili.
"Student! We're giving you time to prepare your tents, and activities will begin by 7 p.m. in the afternoon. So for now, mag-struggle muna kayo sa mga pup'westuhan niyo," the tour guide commanded.
The whole class just nodded and headed to their area in the forest to prepare their tents, where they could rest and sleep for the night.
Matapos ang paghahanda sa kanilang mga kanya-kanyang grupong tent, napagdesiyunan ng ilan na maghanda na rin para sa kanilang susunod na gagawin at 'yon ay ang kanilang outdoor recreation activity.
Nagbihis ang lahat at nagbaon ng malalaking lagayan ng tubig dahil alam nilang bakbakan ang mangyayaring laro.
Ang ganitong pakulo ng kanilang eskwelahan ay isang paraan para mas lalong mapagtibay ang samahan at tiwala ng mga estudyante sa block 1C. Lahat ay kasali... walang maiiwan at naniniwala ang mga guro na ito ang magbubuklod-buklod sa bawat isa.
Agad nagtungo ang mga estudyante sa sentrong bahagi ng forest matapos ang lahat.
Nariyan na ang pag-sasa-ayos ng kanilang tent, pagkain ng pananghalian at higit sa lahat ay nakapagpahinga na rin ang bawat isa para sa kanilang gagawin.
They gathered in front of a huge pine tree. The students were surprised to see Sir Jim Torralba with a piece of index card in his hand and Ma'am Queshara (their subject teacher) standing beside the tour guide.
Students begin to murmur.
"Students of University of Modern Technology!" she exclaimed.
"Yes! Ma'am!" the students replied in a loud voice.
"Good. So, we're gathering here today to witness and be part of our next outdoor recreation activity. As a result of this activity, the group will become more united. Participate in activities that require skill and strength. It will test your body's condition in doing all these games, " paunang salita ng guro. Nagtanguan naman ang ilan dahil kinakabahan na ang mga ito sa mga posibleng laro.
Lahat ay nakinig nang maigi sa instruction at naging seryoso bigla ang kanilang mga reaksyon.
As soon as the teachers finished instructing, Sir Jim Torralba gave the students colorful index cards.
Isa-isa naman nila itong chineck pero wala ni kahit anong nakasulat doon.
Nangunot ang mga noo nila dahil katakang-takang pag-abot sa kanila ng mga ito.
Tumukhim si Sir Jim, "Students, before we start our game called Find Me In Your Trunk, those index cards in your hands indicate your partner. If you are holding a green card, you should look for your partner. At kapag nahanap niyo na ang mga kapares niyo, do'n pa lang magsisimula ang time niyo." The tour guide raised his flare gun and aimed it upward. "The time begins in three... two... one! Yeah!" He shouted.
The students panicked and started looking for their partners. Nang sandaling mahanap nila ang kanilang mga pares ay doon na sila nagtatakbo papunta sa hilera ng mga kahon. Kung anong kulay ng index card ang kanilang hawak ay 'yon din ang kulay ng kahon ang kanilang bubuksan.
Hawak ni Chase at Kirl ang kulay kahel na index card kaya kulay kahel din na box ang kanilang binuksan. Kapares naman ni Rapper ang isa nilang kaklase na si Marc habang si Fourteen naman ay nakaparehas si Tiara na sobrang sama ng tingin sa kanya.
Kanya-kanyang takbuhan ang mga estudyante papunta sa iba't-ibang direksyon. Ang goal ng laro ay makumpleto ang number-digit code para mabuksan ang huling kahon na may lamang ayuda para sa gabing 'yon.
Kailangan nilang sundin ang mga nakasulat sa bawat stations o i-solve ang mga riddles bago nila makuha ang isang single digit.
Matapos makuha nina Chase at Kirl ang laman ng unang box, agad nilang binasa ang nakasulat dito.
First digit: What becomes smaller when you turn it upside down?
Next destination: Near the hanging bridge
Nakasulat sa papel. Dali-dali naming napatakbo ang dalawa sa tinutukoy ng papel.
"Chase? Alam mo sagot sa unang riddle?" Kirl asked while catching his breath while running.
Chase shook his head and said, "Hindi, eh. Pero sagutin na lang natin 'pag nakaabot na tayo sa pinakadulo.
Tumango naman si Kirl at hindi na lang kumontra pa, walang tigil sila katatakbo sa kung saan-saan mahanap at ma-kolekta lang ang mga papel na kailangan nila.
Naglipat-lipat ang mga estudyante sa kung saan-saaan sa gubat at kahit medyo nakakatakot na dahil malapit na rin lukubin ng gabi ang liwanag, hindi pa rin sila tumigil at nagpapatuloy pa rin ang mga estudyante sa kanilang laro.
Matapos lang ang ilang minuto, nakauna sa pinakahuling station sina Chase at Kirl na panay ang habol sa kanilang hininga. Nilatag naman ni Kirl ang mga nakuhang papel at tiningnan ang six-digit code na lock sa designated box na para sa kanila.
"Let's answer na," suhestiyon ni Chase habang pinapaypayan ang sarili.
"So the six questions are: What becomes smaller when you turn it upside down? I am an odd number. Take away a letter and I become even. What number am I? If two's company, and three's a crowd, what are four and five? If you multiply this number by any other number, the answer will always be the same. What number is this? If there are four sheep, two dogs, and one shepherd, how many feet are there?" sunod-sunod na tanong ni Kirl.
"In the second riddle, you have seven. 'Yong number three ay nine, nabasa ko lang somewhere, pero 'di ko gets ang riddle na 'yon... So we have empty: 7; 9; empty; empty; empty; empty." Ani Chase.
Bigla naman napaisip ng malalim si Kirl.
"Ah! I get it. It's 6-7-9-0-2 and 'yong final question ay 1 + 1 at sagot dito ay 2. So 6-7-9-0-2-2! 'Yong tinutukoy na numero sa unang tanong ay number 9 na kapag binaligtad ay magiging 6. Sa question 4 naman, kahit anong malaking digit ang i-multiply mo sa 0 ay itlog pa rin ang sagot. At 'yong last naman ay feet ang tinatanong. Sheep have hooves, tawag naman sa aso ay paws at ang tao lang ang may dalawang paa... so... 2." paliwanag nito dahilan para malinawan si Chase sa riddle na kanilang sinagutan.
Dali-dali nilang inikot ang numero sa lock at sobrang saya ng dalawa nang sandaling bumukas ang huling kahon. Gumuhit sa labi nila ang saya dulot ng pagka-panalo kahit halos lukubin na ng dilim ang langit.
Agad nilang kinuha ang laman ng box at bumungad ang isang malaking card na may nakasulat na 'winner.'
Magbubunyi na sana ang dalawa nang bigla na lang umalingawngaw sa buong gubat ang palahaw ng isang binata.
Agad naman napalingon ang dalawa sa kung saan nangggaling ang ingay. Pero hindi nila inakala ang mga sumunod na nangyari.
"Chase! Tulong!"
"Boses 'yon ni Fourteen!"
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro