Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Trouble 23

Trouble 23: Discovered

Ezequiel Chase

I was packing my things when I slowly turned my head toward the mirror.

I was expecting a creepy figure, but I saw my reflection instead.

My disgusting face displayed in the mirror makes me sick. Kidding!

Hindi ko alam pero hindi man lang ako nabibiyayaan ng magandang mukha. Yeah, may konting hitsura naman si papa at si mama naman ay maganda talaga.

Now I get why my father did that nasty thing to his only son. Mukha siguro akong hipon para sa kanya. Maganda lang hubog ng katawan ko no'ng bata-bata pa ako pero hindi maganda ang mukha ko.

No wonder many people hate my presence. Ngayon na tumanda na ako, mas naging confident na ako sa aking sarili dahil medyo nagkahitsura na naman ako. Hindi man gano'n ka may appeal, at least hindi naman 'yong tipong mala-hipon dati.

For an unknown reason, I kept staring at the mirror and didn't notice that something was off with my reflection.

Siniklaban ako ng takot at kaba nang sandalling may napansin akong rumehistrong ibang imahe. Napatakip ako sa aking tenga't napa-upo sa sahig na waring may ayaw marinig mula sa aking isipan.

Pero mas lalo akong napahagulgol nang biglang rumehistro sa aking isipan ang sunod-sunod na imahe na siyang dahilan ng aking pagsigaw...

Dugo.

Dalawang lalake sa kama.

Gunting.

Kutsilyo.

Patay.

Napasabunot ako sa aking buhok sa makailang beses na nagpapapalit-palit sa aking isip ang imahe ng mga bagay na nabanggit.

No! This is bad! This is not happening!

"Argh! Please stop!" I shouted in pain as I harshly pulled my hair in frustration.

It should be stopped! I can't help but cry loudly as the images keep repeating in my head.

'Chase, we need you...'

I heard Alexis' voice.

Muli akong nalingon sa salamin at nagulat sa sumunod na nangyari. Nahati sa dalawang imahe ang aking nakikita sa aking repleksyon.

Kalahating mukha ko at ang kalahati naman ay kay Alexis... parang doble kara.

"Anong kailangan mo?" I shouted.

'We need you, she whispered in my head.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nanghina ang aking katawan kasabay nito ang tuluyang pag-ikot ng aking paningin na pilit kong nilalabanan.

Hindi ko nakayanan at tuluyan na nga akong nilamon ng antok.

NAGISING akong nakahimlay sa malamig na bagay at nabungaran ang madilim na ceiling ng buong teatro.

Agad akong napabalikwas ng bangon at gulat na napatingin sa aking mga kasamahan na halatang natataranta at kinakabahan na sa mga nangyayari.

Chill lang na nakaupo si Ryder sa isang monobloc dito sa stage habang nasa isang tabi naman si Kinder na naglalaro naman ng paborito niyang laruan. Napansin ko rin ang makailang beses na palakad-lakad na si Alexis sa gawing gilid ng stage.

Hindi man sabihin ni Alexis, ramdam ko ang kanyang kaba dahil ilang beses niyang paglalaro sa kanyang daliri.

"What's happening? Bakit parang tensyonado ka Alexis?" I asked curiously. Natigil naman ito sa kanyang ginagawa at kabadong hinarap ako.

Tumayo na rin ako at hinarap silang tatlo.

"Something is w-wrong.." nauutal nitong sagot. Sobrang seryoso rin ng kanyang hitsura, malayo sa Alexis no'ng una ko siyang makilala.

"Anong meron?"

"Si Dark..." she answered.

"Anong si Dark? Could you please enlighten me on what's happening?!" inis kong tanong dito.

"Si Dark ang pumatay sa mga kaklase mo at lahat ng nambubully sa'yo..."

Gulat akong napatingin kay Ryder nang magsalita ito.

"W-What do you mean?"

"Huwag mo 'kong ma-'what do you mean?'. Tuluyan nang nakalabas si Dark sa katauhan mo at ngayon na malaya na siya, nagagawa na rin niyang saktan ang mga tao na nakapaligid sa 'yo." Ryder explained, and it made my jaw drop.

"Then bakit ngayon niyo lang sinabi 'to?" I furiously asked.

"Kasi late na lang din namin nalaman..." makayukong tugon ni Alexis at hatalang nahihiya ito.

"What? Then kailangan may gawin tayo! We need to look for him!"

Nagkapalitan ng tingin sina Ryder at Alexis at halatang nag-uusap ang mga ito sa kanilang tinginan.

"It's not that easy, Chase. Pansin mong nanghihina ka na lately. At dahil 'yon sa pagkawala ni Dark sa katawan mo. And the moment na hindi siya makabalik ay maari siyang mawala pero sa nangyayari... Dark is still lurking around." Ani Ryder.

I can't help but get nervous about what he said. Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit umabot na sa ganito? I only want a simple life, but things were getting out of hand. This is not really good. Kinakabahan ako para kay Fourteen, Kirl at Rapper.

How can I save them if I have trouble with myself? This is shit!

I clenched my fist as I stared at Kinder, who seemed to be living in his own world. I wish that I could be like him. Walang pinoproblema at tanging laro lang ang inaatupag. Unlike being an adult, ang daming bagay na hindi ko alam kung papa'no reresolbahin 'tong mga kinakaharap kong problema.

"If Dark is still there, then it only means that I should look for him. I'll talk to him. Alam kong makikinig siya!"

"No, sis! Dark is violent. Hindi na rin siya nakikinig sa mga sinasabi namin. He's been hardheaded lately, and it continued!"

"A-Ano... Kailangan muna natin siyang hanapin. Baka may kung ano siyang gagawin!"

"Pero may activity kayong whole section, 'di ba? How can you look for him?"

"I'm giving you permission na umalis sa katawan ko," sambit ko dahilan para manigas sa kanilang p'westo sina Ryder at Alexis.

"Pero manghihina ka---"

"No! Kinder is still here."

"But we need a body to possess."

Dito naman ako napatigil at kunot noong napatingin kay Ryder. What? Did I hear it right? They n-need a b-body to p-possess?

"W-Why do you need a body?" Nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.

Alexis came closer to me and said, "Chase, we're mysterious beings in your thoughts." She then reached for my hand and held them both. "Nabuhay kami nang hindi inaasahan at isa kami sa rason kung bakit ka naiiba sa lahat. You've become peculiar."

"Alexis..." I whispered.

"Listen, Chase, malaki ang posibilidad na mawala kami at kapalit no'n ay mawawalan ka rin sa katinuan. Naka-konekta kami sa'yo. Sa oras na masugatan ka, masusugatan din kami. "

"And now that you know na si Dark ang pumapatay, alam kong handa mong isakripisyo ang lahat para sa mga taong nakapaligid sa'yo. Ilang beses na namin ginawa ang part namin na hindi ka tuluyang masaktan physically. Ngayon, hahayaan ka na namin na mag-decide para sa ikakatahimik ng puso't buhay mo. Hindi na kami aangal sa magiging desisyon mo, Chase. Unless... kung kailangan mo kami..." Alexis held my hands tightly.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko at dito na ako tuluyang bumigay. I also cried and hugged her for the first time.

I felt happy, kahit na hindi ko sila totally laging nakakasama. 'Yong mga araw na nahihimatay ako na laging nandiyan si Ryder para ipaglaban ang aking sarili laban sa mga taong nambubully sa amin. Si Alexis na hindi man masyadong nakalabas ay siya namang saya ang naramdaman ko sapagkat sa kanya nanggagaling ang pagiging creative ko sa mga bagay-bagay. At si Kinder na laging dahilan na minsan ko rin maranasan maging bata.

Lahat sila ay may parte sa buhay ko. Gumulo at riot man ang nangyari no'ng mga panahong nalaman ko na nag-e-exist sila, ando'n naman ang saya ko no'ng nalaman ko na ang sakit kong 'to ay may biyayang dala.

Minsan ko lang silang naramdaman, pero do'n ko rin nalaman ang halaga ng buhay.

Sa kakaunting panahon na sila ang nag-take over sa katawan ko, doon ko rin pumasok sa isip ko na dapat ko rin mahalin ang aking sarili.

They were there when I needed someone to be with... but I didn't accept the truth that they were part of me.

Handa nilang gawin ang lahat para sa akin dahil alam nilang mahina ako bilang tao.

And now that they need me, ako naman ang gagawa ng part ko.

Dahil ako ang magiging tagapagligtas nila ngayon. They need me, and I also need them.

Now is the time that I'll take the part.

Cross finger... I hope my plan will work.

I looked into their eyes, full of hope.

I smiled at them and held Alexis' hair.

"Alexis, Ryder, and Kinder... ako naman..."

-———-««۝»»———-

MABILIS lang ang oras.

I'm ready to leave. Pero bago ako magtungo sa eskwelahan ay nagpasya kong humingi ng updates galing kay SPO1 Richard Dale Uy.

Hindi pa ito makapaniwala pero kalaunan ay binigay naman nito ang kanyang numero.

Hanggang ngayon kasi ay tinututukan pa rin nila ang kaso ni Spade at ngayon ay kay Liane.

Ang dami nang nangyayari ngayon at alam kong kailangan ko nang gawin ang dapat gawin dahil maaring madagdagan ang mga susunod na mamatay.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang eskwelahan habang hila-hila ang aking maleta nang sandaling mag-vibrate ang aking telepono.

I opened the message from an unknown number.

But what really shook me was reading the whole message.

'The time has come. Feel the pain as the knife penetrates your skin. See you in bloody hell, Chase.'

Nanginginig ang aking kamay habang binabasa ang sulat. Mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil alam ko kung sino ang tao sa likod nito.

I'm going to catch you no matter what happens, Dark.

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro