Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Trouble 20

Chapter 20: School

Ezequiel Chase

KATATAPOS lang ilibing ni Liane na katabi lang din sa lapida nina Wad At Spade.

Looking at their gravestones, parang nakakadurog ng puso na tatlo na sa mga kaklase ko ang nawala sa loob lamang ng isang buwan.

Present sa libingan lahat ng mga kaklase ko at ang mga kasamahan niya sa theatro.

At dahil nandito na naman akong muli ay sobrang sama na naman ng tingin sa akin ng lahat lalo na no'ng Millie at Vanjo na kasamahan pala ni Liane sa pag-te-teatro.

Pero nandito naman si Fourteen na parang guwardiya ko na handang iharang ang kanyang sarili para lang protektahan ako. Nakakainis lang dahil pati kamatayan ni Liane ay nasisi pa rin sa akin kahit na nasa eskwelahan naman nangyari ang pang lalason sa kanya.

Ngayon na nakabalik na ako sa pag-aaral, baka may ikakalala pa ang nangyari dati kaya ihahanda ko na sarili ko sa p'wedeng mangyari.

Kasi kung titingnan, pinapatay na ako ng aming mga kaklase sa kanilang mga tingin.

Sana lang ngayon, matapos ko ang semester ay okay na ako.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papasok ng eskwelahan. Hindi na kinansela ang klase dahil ilang araw na raw hindi pinapasok ang buong section namin lalo na sa nangyari kay Liane.

The police are still struggling to catch the culprit behind all of these. Hindi na kinonsedera ng kapulisan na nag-suicide si Wad dahil sa anggulo ng kanyang kamatayan. Ngayon ay nadamay na rin ang mga trabahante ni Manong Wilbert sa pagkamatay ng kanyang anak. Habang ang buong klase at mga kasamahan ni Liane sa teatro ay kabilang na ngayon sa magiging suspek sa kaso.

Lahat ng nangyaring gulo ay konektado pa rin sa akin ang lahat. Ako ang nagbanta, huling nakasama at naka-iringan ng tatlo bago sila mamatay.

Nariyan ang pagbabanta ko kay Wad na papatayin ko siya pero no'ng panahong 'yon ay si Ryder ang nakatapat niya. Ang paggalaw sa akin ni Spade at nitong nakaraan ay nalaman ko na lang na naka-alitan ko pala si Liane bago ang araw ng kanyang pagtatanghal.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga pulis kung paano at saan hahanapin ang mamatay tao... o baka ibang uri ng nilalang.

I guess, things are not right here. How I wish na wala talaga akong kinalaman dito. Lalo na't nalaman ko na ang kakayahan ng ilang katauhan ko. Sa ngayon ay delikado si Ryder dahil kaya niyang pumatay kung kailangan at 'yong isa na nasa salamin. Isa 'yon sa pino-problema ko.

Minsan ko lang siyang nakausap ngunit ramdam ko na agad ang kaya niyang gawin kung sakali.

Ako rin man ay nalilito na sa mga nangyayari. Nariyan ang posibilidad na ako ang pumatay nang hindi ko nalalaman? O may tao talaga sa likod ng lahat ng 'to.

Ang hirap sagutin ng mga nangyayari ngayon. At hindi ko na rin alam kung malalaman pa ba namin ang totoong maysala sa amin.

Nakapasok na ang lahat sa loob ng classroom na mabibigat ang balikat at halos lahat ay ayaw nang magsalita. Isa pa sa napansin ko ay may ilan-ilan na lang natira ngayon. May iilan daw na nag-transfer na dahil sa takot na sila ang isunod na patayin.

Parang patay na ang paligid namin. Halos lahat ng nandito ay nakayuko at ayaw maniwala sa mga nangyayari. We lost three of our classmates, and we really don't know what to do.

Natigil ako sa kaiisip nang may isa sa amin ang tumayo at nagtungo sa harapan.

It's Rapper.

He fixed his bowtie and sighed sharply, "H-Hi... I know most of us here are still mourning the recent death of our beloved theater actress Liane..." Panimula niya. "I j-just want to say that we should cooperate, k-kung may imbestigasyon man ang kapulisan."

Napaangat ng tingin ang karamihan sa amin.

"This is hard for us, especially for their bereaved families. Sana walang susuko..." Nakayukong sambit nito.

Nagulat naman ako nang mapansin ang biglaang pagtayo ng isa sa kaklase namin, si Marc.

"Susuko? Do you really think na makakatakas pa tayong lahat dito?!" He raised his voice like he wanted war. "Rapper, dumating na ang karma natin. Inisa-isa na tayo ng lagim ng nakaraan!"

Dito na ako tuluyang napabalik-balik ang tingin kina Rapper ar Marc.

Does that mean something. Karma? Lagim ng nakaraan. That's too deep, but I do understand what they're saying.

Pero ano 'yon?

"Don't you dare blame that on me! Kayo lang ang may kasalanan dito!" He shouted back.

Napaawang ang labi ko sa kanilang usapan. Something is wrong with them.

"Talaga lang, huh? You saw us that time and hindi ka nagsumbong, 'di ba? So ibig sabihin ay may kasalanan ka rin!* Ganti ni Marc muli.

"Stop it, guys! You're just shouting shit! Hindi pa rin kayo nakaka—move on!" Maris barged.

"Wow, it came from you! Kayo lang naman ang nagka-problema dati, 'di ba?" Sagot ni Rapper.

Napatayo na si Kirl at agad na nilapitan ang kanyang nobyo para pakalmahin ito.

I really felt the tension between them. Nakakatakot lang dahil sa ganitong edad at estado namin sa buhay, may mga malalagim na sekreto ang bawat isa sa amin.

Looks can be deceiving...

These people around me have a secret that they never tell anyone.

There's Wad, who had a secret relationship with Hannah and was eventually born. Spade has this secret admiration for me. And then, Liane? Wala pa akong alam sa nangyari sa kanya but the only thing I know is naka-iringan ko siya.

I can't help but doubt everyone here.

It seems like my classmates are not that saintly.

Nakakaloka and at the same time nakakaba. Para akong maglalaro ng who's the culprit dito.

Mapapasabi ka na lang ng 'everyone is suspect.'

I wish this would end.

"Okay, guys! Enough! Kung gusto niyong magbangayan, huwag dito sa loob!" Pagsabat ng aming kaklase na si Eric. "Dito pa talaga kayo nag-usap-usap, then you just giving some hints sa mga hindi natin naging kaklase dati!"

Natauhan naman ang mga nag-usap-usap at isa-isa nilang nilisan ang klase.

Napabuntong hininga na lang ako sa aking narinig. So this class of mine has deep, dark secrets that no one should know. But now, they're exposed.

"Narinig mo sila, 'di ba?" Napatingin ako kay Fourteen na hindi rin makapaniwala.

Confusion painted on my face: "What? Hindi mo alam ang tinutukoy nila?"

Napailing ito, "Kahit kampi nila ako laban sa'yo dati, wala silag sinabing ganito. And wala naman akong nakitang kakaiba sa kanila o kahit anong kababalaghan." He answered.

"May kakaiba sa klaseng 'to. Hindi ko alam pero nakakaba ang lahat ng nangyayari habang tumatagal." I whispered.

"Same thought. Hindi ko alam kung ako lang pero ang kamatayang naranasan nina Spade, Wad at Liane, sobrang lakas ng kutob ko na hindi 'yon aksidente. Someone wants them dead."

Akala ko ako lang. I guess, Fourteen is going to be my buddy here. We share the same instincts.

Sana lang isang araw ay malaman talaga namin ang totoong nangyari sa tatlo. Kung gawa ba ito ng demonyo, masamang espiritu o taong may galit sa kanila.

At sana wala nang sunod na mabiktima pa.

-———-««۝»»———-

MATAPOS ang mabigat na tension sa loob ng classroom, nandito ako sa library. Naghahanap ng mga old newspaper at yearbook na p'wedeng basahin.

I'm conducting my investigation.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang inilagi ko rito. I'm checking every bookshelf na madadaanan ko at naghahanap ng konektado sa mga nangyari sa nakaraan.

Sa laki ng library, hindi malayong matagal pa akong matapos sa ginagawa ko.

Buklat doon, buklat dito. Wala na rin akong pakialam kung hindi na ako kumakain o pumasok ngayong hapon sa klase.

I'm really curious about what happened in the past. Wala rin akong mahanap na malaking issue na nangyari dati. Parang tinago nila ang nangyari dati dahil puro achievements ang nababasa ko sa old newspaper about sa mga kakalase ko no'ng nasa iisang section pa lang sila. Hindi ko rin mahanap ang mga old year book nila.

Binaon ata talaga nila sa kalupaan ang lahat ng impormasyon para hindi na mahukay pa ulit.

Hindi ko na alam kung paano magsisimula.

Kakalipat ko ng shelves ay hindi ko na alam kung ilang beses pa akong nabubunggo sa mga shelves dito. Nasa huling shelf na ako nang walang ano-ano'y may narinig akong umiiyak.

Napalinga-linga ako sa aking paligid at alam kong malapit lang sa akin ang ingay na 'yon.

Napatingin na ako sa isle at wala pa rin. I reached the last shelf and saw a guy hugging his knees while sobbing. Nakatulala lang ito na parang sobrang lalim ng kanyang iniisip.

Those eyes of his tell me that he's dying inside.

I felt for this guy. Sobrang lalim siguro ng kanyang pinagdadaanan.

Kahit alam kong walang kasiguraduhan ay lumapit pa rin ako sa kanya at dahan-dahang umupo malapit sa kanyang p'westo.

Hindi pa rin ito natitinag at nakatulala pa rin siya sa kawalan.

"Kirl?" I asked calmly.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito at humikbi muli.

"I heard someone sobbing and nakita kita..." I sighed. "I know we're not that close. You hate me to death... but you can count on me if you have a problem?" As much as I want, I don't want to scare him.

He stopped sobbing. "I-Ikaw ba? Na-inlove ka na ba?" Diretsahan nitong tanong sa akin. He even took a glance at me.

Umiling ako, "Hindi, eh. Hindi ko kasi naiisip 'yan. Uunahin ko munang mabuhay sa pang-araw-araw kaysa magkaroon ng magiging jowa..."

"G-Good for you..." His voice remained low and weary. "Kasi a-ako? I fall in love with... a guy. Alam na ng lahat ang relasyon namin ni Rapper... at ngayon, gano'n pa rin ang tingin ng karamihan sa amin... makasalanan..."

Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Aminado akong hindi rin talaga naging maganda ang relasyon ko sa kanilang dalawa ni Rapper pero sa kabila ng lahat, hindi rin naman ako nagtanim ng matinding galit sa kanila.

"Are you having trouble with him?" I asked.

He nodded, "Hindi siya ang problema ko... k-kasi hanggang ngayon, nandidiri pa rin ang karamihan sa relasyon namin. Imagine, for almost a year na pagtatago. Sa isang video lang kami nabuking. I really blamed you that time no'ng lumabas 'yon sa TV sa room... sa isang kisapmata ko lang, nag-iba na ang tingin ng lahat sa amin..."

"Is that what you think? I know that we're not on good terms, but that doesn't change the fact na gano'n pa rin ang tingin ko sa inyo. You two seem to really love each other. It's just sad that people around you are close-minded. I hope you two stay strong kahit anong mangyari."

"Hindi man kayo naging handa sa ganitong pangyayari, sana tatagan niyo ang loob niyo lalo na't mas dadami pa kayong kakaharaping pait ng reyalidad." Seryoso kong tugon dito.

Napalingon siya sa akin at sa hindi ko inaasahan. Lumapit ito sa akin sabay yakap sa akin nang mahigpit.

This is quite good. Hindi ko kasundo si Kirl dati pero sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila. Alam kong magtatagal sila kung titibayan nila ang kanilang mga loob.

"I didn't expect this. You're such a kind person, Chase. Thank you and sana mapatawad mo 'ko after all those hates and being a bully to you. Dahil sa sinabi mo, mas lalo kong gustong ipaglaban si Rapper. He may not be perfect, but he'll always be my best..."

I can really sense that he's proud of him. With those words coming from his mouth, that only means that even people who fall in love with the same gender should be treated fairly.

I gave him a smile before I stood up. I was about to lend my hand to him when I noticed a shoes standing next to him.

Nang i-angat ko ang aking tingin ay medyo nagulat ko nang makita si Rapper na parang maiiyak na. Agad itong lumuhod at walang pasabing niyakap nang mahigpit ito.

Bilang paggalang na rin, dahan-dahan akong umalis sa kanilang harapan at naglakad na papalayo sa kanilang p'westo.

Nang balikan ko ang aking p'westo kanina, patong-patong ang mga libro at may mga bukas na pages.

Naagaw ng atensyon ko ang isang puting envelope ang nakapatong sa yearbook noong 90's pa.

Agad akong lumapit dito at kinuha ang envelope.

I opened the letter when I read the message written on red paper.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

'I know your secrets, Chase. Ready yourself, 'cause maybe the next day .You'll be my victim...'

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro