Trouble 18
Chapter 18: Alice
Ezequiel Chase
"AND I'LL revenge him no matter what happens. Lintik lang ang walang ganti, Robles!"
Nanatili akong nakatayo sa aking kinatatayuan at parang tuod na hindi makagalaw dahil sa aking nalaman.
So all of these things are part of his revenge on me dahil kay Spade. Nahihibang ba siya?
Ni hindi ko nga alam kung paanong eksaktong namatay si Spade no'ng araw na 'yon.
Oo! Aminado akong galit ako sa kanya. Kaya ko siyang saktan pero hindi ako mamatay t-tao?
Napahawak sa kanyang ulo ang lalake dahil sa sakit siguro ng pagkakahampas ko roon. Panay ang pagdurugo nito, pati ang suot nito ay nagpupula na rin.
Alam kong iniinda niya lang ang sakit na nararamdaman niya.
"S-sir..." My voice stuttered in fear. "I know that day ay nagkita kami ni Spade sa warehouse. But I can't remember anything about what happened----"
Napasabunot ako sa aking buhok nang sandaling may naririnig akong mga boses na nag-uusap.
"Uhm, Chase, I would like to say sorry."
"Saan?"
"Sa mga ginawa ko dati..."
"Ano ka ba, okay na 'yon. Mas maganda nga siguro kung hindi na tayo magpapansinan---"
"At sa mga gagawin ko pa."
"S-Spade, what do you mean?"
"Piste ka! Ano bang nangyayari sa'yo?!"
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I'm a good kisser."
"Spade, are you crazy? Akala ko ba hihingi ka ng sorry?!"
"Yes! I want to say sorry, but then, you turn me on. I want you inside of me."
"Baliw ka na talaga. I need to go."
"Bitawan mo ako!"
"I won't let go of your hands, not until I taste you, Chase!"
"Grabe, Chase, matitikman na kita. I guess, makakaramdam ka ng langit sa akin."
"G-Gago ka, S-Spade. Napakawalang h-hiya mo..."
Parang mabibiyak ang ulo ko nang sandaling rumehistro sa isip ko ang mga pangyayaring 'yon.
Napapapikit na ako sa sobrang sakit na nararamdaman! Hindi! Hindi p'wede!
Gulat akong napatingin sa lalake nang maalala ang sinabi ng papa ni Spade sa akin.
"Then why did doctors find some semen on your butt? And when they examined it in the lab, nag-match 'yon sa DNA ng anak ko. Did something happen to you two? Just tell me the truth, Chase! Please!"
So it means ay hindi nga nagbibiro si Manong Wilbert no'ng araw na 'yon.
Spade raped me!
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng kaharap ko.
Kita ko ang panggagalaiti niya sa galit. Halatang handa na niya akong patayin kahit anong oras.
"Oh, natigilan ka? Naalala mo na ang ginawa mong pagpatay sa kanya?"
I raised my hands forward, trying to defend myself, and looked into his raging eyes.
"No, sir. Hindi ako ang pumatay kay Spade. Yes! I really hate him to death! Pero hindi ko kayang pumatay!"
Sobrang sakit lang sa dibdib na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nawalan ako ng dalawang kaklase. Wad and Spade were now gone. Sana lang at wala nang susunod pa.
"Kung hindi ikaw ang pumatay. Sino?"
"S-Sir, hindi ko rin alam! Ang alam ko lang ay nakipag-usap sa akin si Spade no'ng araw na 'yon pero may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan..." I almost whispered the last words.
He balled his fist and said, "Don't make stupid assumptions, Robles! Hindi mo 'ko maloloko. So you're expecting me na may gusto siya sa'yo?"
"Y-Yes..." I hesitantly answered.
He tsked, "Don't fool me! You're just making excuses just to cover up your lies. Hindi kami magkasundo ni Spade but I know what he likes. And not a skinny, mushroom guy like you!"
"Then why then did he kiss me? He said sorry before he did it..." Nagsimula nang sumikip ang dibdib ko nang maalala ang mga pangyayaring 'yon. My eyes became teary. "At alam niyo po ba ang sinabi ni Manong Wilbert no'ng magising ako? He said na may nakita silang semen ni Spade sa butas ko no'ng nakita ako ng mga pulis na walang malay!"
Staring into those eyes, his eagerness to kill me turns blue. He had a sudden realization about what I said.
You can tell a lot from someone's eyes.
And I can feel the sadness and despair of someone who is still in grief in his eyes.
Hindi niya kasundo si Spade at ramdam ko ang kanyang pagmamahal dito na parang kadugo na niya.
Para siyang kuya'ng nawalan ng mahal sa buhay. Tanging pag-iyak na lang ang kanyang nagawa at sobrang lakas ng kanyang paghagulgol.
I know Spade did something wrong to me. Pero sa totoo lang, napatawad ko na siya.
Alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa niya sa akin pero hindi niya deserve ang gano'ng kamatayan.
Hindi ko alam kung matatanggap ko pa ba kung mayroon pang isang mawawala sa mga taong nakapaligid sa akin.
Wad and Spade died unexpectedly... and brutally.
Kamatayang hindi ko inaasahan.
Napaluhod na lang sa sahig ang lalake hanggang sa tuluyan na itong natumba habang umiiyak.
He kept repeating Spade's name.
"S-Spade... k-kapatid ko..." He whispered.
Napaupo na lang ako sa sahig sa harap ng pintuan at humugot ng buntong hininga. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko na parang lantang gulay.
I want to cry, but I guess my tears are all gone.
"Goodbye, brother..." Those were his last words, and then I closed my eyes just to rest from this chaos.
-———-««»»———-
KATATAPOS ko lang isauli ang mga gamit ko sa fastfood.
Grabe! Sunod-sunod ang pagiging malas ko. At ito na nga ang nangyari, I just got fired from work!
Nakaka-putangina!
Matapos pala sumakit ang ulo ko no'ng araw na 'yon, dumiretso raw ako sa bar at doon na nga nangyari ang pagdala sa akin sa bahay ni Scythe which is kuya ni Spade.
Late ko nang nalaman ang pangalan niya.
Matapos niya malaman ang katotohanan, hinayaan niya lang akong makalabas ng kanyang room.
He also promised me na hindi na niya ako gagalawin kailan man. Tama na raw sa kanya ang malinawan sa totoong nangyari. He really thought that I was the one who killed his brother... but it's the other way around. I was the victim...
He let me escape, and I just let him lie on the floor, longing for his brother's presence.
Hindi ko alam kung tama ba 'yong nakuha kong balita pero narinig ko na umalis na ito ng Pinas at nagtrabaho na raw siya sa Sweden.
Napapatulala na lang ako sa kawalan.
Paano ba naman kasi? Si Alexis pala ang nag-take over sa katawan ko after kong mag-collapse and she also told me na na-meet niya si Liane bago siya pumasok ng bar.
At gusto ko na lang din talaga mapamura ng malala. Ngayong umaga habang nanalamin ako. Do'n ko lang ulit napansin ang kulay asul kong buhok. Sobrang linis din ng mga kuko ko sa aking paa't kamay. May cutix pang kulay itim.
Mukha tuloy akong emo o gothic na tao.
Nakaka-frustrate lang dahil 'yong inipon kong pera ay nabawasan ng isang libo dahil sa isang 'yon. She's really stressing me out.
My gosh, grabe! Ang gastador niya!
At hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa buhok ko! At 'di pa rin ako maka-move on sa paggasta niya ng pera kong inipon.
Napa-face palm na lang ako habang naiisip ang mga nangyari sa isang gabi na sobrang nagbago ng buhay ko.
I almost got killed, and now I'm having a problem with my job.
As in, wala na akong mapag-ta-trabahuan.
Ngayon pa lang parang gusto ko nang ibenta ang kidney ko sa matinding pangangailangan ko sa buhay.
Wala na nga akong magulang... wala pa akong kilalang kamag-anak ko.
My life stinks!
After kong mamuhay kasama si papa hanggang sa napuno ako at hindi na napigilan ang sarili kong gawin ang bagay na hindi naman kailangan.
Napadpad ako sa Manila dala ang ilang kagamitan at ibang importanteng dokumento.
Nanirahan sa ilalim ng tulay at pumasok sa eskwelahan nang walang baon o pera. After ng pasukan ay namumulot ako ng basura at ibebenta sa junk shop.
Gano'n ang sistema ko hanggang sa pinasukan ko na rin ang iba-ibang trabaho. Nagtitinda sa palengke ng gulay at prutas, nagbebenta ng balut sa gabi, tagalako ng dyaryo at iba pang sidelines na marangal.
Nang tumagal ay doon ko pa lang napag-isipan na kumuha na rin ng matitirahang lugar at doon ko na nakilala si Aleng Salome. Alam niya kung anong pinanggalingan ko kaya minsan ay nililibre niya ang pangungupahan ko sa kanyang apartment.
Kapalit din no'n ay ako ang taga-ayos ng mga wirings at tubo ng mga nangungupahan kung may nasisira.
I'm so lucky that I met a widow like her.
I also tried everything to look for my relatives pero bigo ako. I chatted with everyone on Fazbook lahat ng may apelyido Robles.
Ang nakakapagtaka lang dahil wala sa birth certificate ang pangalan ni mama at dala ko ang middle at last name ng papa ko.
Mostly ng chinat ko, it's either dead na ang account sa Fazbook o 'di talaga ako kilala.
Kaya hindi na rin ako nagtagal sa paghahanap kasi wala rin naman akong nakikilalang kamag-anak ko.
Ayaw ko namang humingi sa kinauukulan dahil baka hindi sila maniniwala sa akin since bata pa ako no'n at ngayon na matanda na ako. Baka naman hulihin na lang nila ako dahil isa na ako sa suspek sa pagkamatay ng mga dati kong kaklase.
Grabe na talaga ang pagiging malas ko. Parang sinagad naman agad. Hindi man lang dinahan-dahang ibinaon...
I released a soft sigh and looked at my resume.
Paano na ang buhay ko?
I guess, this is the end? Kidding. I want to laugh because of my cheesy thoughts.
Bahala na nga!
Maghahanap pa rin ako ng mapagtatrabahuan. Marami naman siguro ang tumatanggap ng mga high school students.
Tatayo na sana ako nang sandaling may humawak sa aking braso dahilan para mapatingin ako sa may nag-mamay-ari no'n.
Gulat akong napaangat nang tingin sa aking nasilayan.
"Fourth?!"
Walang ano-ano'y bigla na lang itong lumapit sa akin sabay yakap nang mahigpit.
Napatulala na lang ako sa kanyang ginawa at hindi alam ang gagawin.
Anong nangyari rito? Bakit siya nakakaganito?
"Anong nangyari? Bakit parang maiiyak ka na?" Nag-aalala kong tanong dito.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap at mahigpit na hinawakan ang magkabila kong braso.
Kita ko ang lungkot at takot sa kanyang mga mata.
"S-Something really happened in our s-school..." Nauutal nitong wika.
"Huh? Bakit?"
He gulped. "Remember Liane?"
"Si Liane? Oo kilala ko siya. Kaklase natin siya, 'di ba? Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Nagtataka kong tanong dito.
Humugot naman siya nang buntong hininga at matalim na tiningnan ako sa aking mga mata.
"Just a crazy incident this morning. All of us brought tickets for their play entitled Alice in Crazyland. So parang binigyan nila ng twist ang famous story na Alice in Wonderland..." Natigil ito sa kanyang sasabihin at malalim na napaisip sa susunod niyang mga salita.
"So Liane played the role of Alice, and if you heard of the Alice in Wonderland story, uminom ng gatas si Alice for her to grow bigger? Or to shrink?" He asked hesitantly.
"Hindi ko alam, eh. Basta may ininom siyang gatas and then?" Natataranta kong tanong dito. Napuno ako ng kuryosidad nang sandaling nasimulan na ni Fourth ang pagku-kuwento.
"As she drank the milk, akala namin ay umaarte pa rin siya pero something was wrong with it. Natapos na ang scene pero nangingisay pa rin siya. Bumubula ang bibig niya then that's how she died----"
"Dead?!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat at hindi mapigilan ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
My gosh! Liane died in her play? While acting?
Sino naman ang may planong gawin 'yon?
I know Liane is a brat and a good theater actress, but that shook me. Someone poisoned her in the form of milk.
That's really crazy!
Gulat akong napatingin kay Fourth na halatang nag-aalala na sa mga nangyayari.
"Isa pa, Chase..." Inabot niya sa akin ang isang puting envelope. "Ms. Delmento sent me this letter to tell you na p'wede ka nang bumalik sa school..."
Mas lalo akong kinabahan sa kanyang sinabi.
What?! B-Babalik na ako sa school? Paano at bakit?!
But something is wrong... it's either with me... or this letter I'm holding...
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro