Trouble 11
Chapter 11: Revelations
Ezequiel Chase
NANDITO kami ngayon sa sementeryo kung saan inilibing ng mga Flores ang kanilang kaisa-isang unico hijo na si Wad Neil Flores.
Lahat nga ay nandito, nakasuot ng itim at nagdadalamhati sa nawalang buhay na hindi pa matukoy kung sino ang pumatay.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nalagasan ang klase namin ng isang buhay.
Hindi ko alam pero sinisisi ko ang aking sarili sa pagkamatay niya. Alam kong malaki ang galit ko kay Wad no'ng binully niya ako pero hanggang galit lang talaga ang kaya kong maramdaman.
Kanina pa umiiyak ang ina ni Wad na si Mrs. Annita Flores, isang businesswoman at fashion designer. Samantalang si Mr. Nelson Dane Flores naman ay isa ring businessman at may-ari ng kompanya.
They really have a good life pero hindi man lang nagpa-install ng CCTV sa bahay nila. Ewan ko ba ang yaman-yaman nila Wad pero ni isang CCTV ay wala sila.
Ang bigat ng atmospera sa aming paligid, dumagdag pa ang lamig ng hangin at iyakan ng mga malalapit kay Wad.
Nandito rin pala ang mga kaklase ko at alam kong posibleng aatakihin ako ng mama ni Wad dahil baka na-k'wento ng mga kaklase ko ang nangyari sa eskwelahan. Pero tatapangan ko na lang ang loob ko ngayon.
Matapos ang salita ni Father ay naghagisan na sila ng puting rosas habang ako naman ay nasa likuran lang. Ayaw makihalubilo dahil alam kong pag-iinitan na naman ako ng nakakamatay na tinginan ng mga dati kong kaklase.
Makalipas lang ang ilang oras ay natapos na rin ang pagbuburol at nagsi-uwian na ang mga kakilala at family relatives ni Wad.
Kita ko pang humagulgol si Mrs. Annita habang paalis sa sementeryo.
Ngayon na naiwan na naman ulit kami ng mga dati kong kaklase. Alam kong wala sa usapan namin na mag-stay after ng burol pero hindi ko sukat akalain na lahat ng kaklase ko ay nandito pa rin.
May ilang umiiyak at may iba na parang wala lang sa kanila ang kamatayan ng isa.
Akmang aalis na sana ko nang biglang may humablot sa aking kamay. Nang humarap ako ay may marahas na humila sa akin at binigyan ako nito ng malakas na sampal.
Ramdam ko ang hapdi at kirot nito pero pinigilan ko na lang ang aking sarili na huwag umiyak dahil magmumukha na naman akong mahina sa mata ng lahat.
"How dare you! Pinatay mo si Wad!" Sigaw ni Hannah at wala siyang tigil sa paghampas sa aking dibdib.
Pinigilan ko na lang siya sa abot ng aking makakaya dahil kita ko na wala man lang ni isa sa mga kaklase ko ang magbalak na awatin siya.
"Stop it, Hannah!" Nakarinig ako ng sigaw mula sa kalayuan at nakita si Fourth na tumatakbong sumisigaw papunta sa direksyon ko.
Agad niyang hinarang ang kanyang sarili sabay tulak kay Hannah.
"What the fuck, Fourth!" Saad ni Rapper sabay alalay kay Hannah para tumayo.
"What's wrong with you people?" Pagtanggol ni Fourth sa akin. "Hanggang ngayon ba naman mainit pa rin ulo niyo kay Chase? Ano bang ginawa niya sa inyo na ganyan kayo kagalit sa kanya?!" Sigaw nito.
There was a time when I knew that the guy protecting me was on their side. And now he's taking my side?
I don't know if it's real but seeing someone protecting me like this makes my heart melt. Alam kong nanganganib na rin si Fourth dahil sa pagtatanggol niya sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung pati siya ay pag-iinitan na rin ng mga 'to.
"Fourth, are you really defending that killer?" Sabat ni Rake.
"Killer? Stop saying that! Wala naman kayong nalapag na ebidensya na siya ang pumatay kay Wad, 'di ba?" Fourth defended me again.
"What's into you, Fourth? Anong pinakain sa'yo ni Chase kung bakit ganyan ka na lang kung ipagtanggol siya?" Dibbler said in anger.
"Don't tell me, may gusto ka kay Chase?" Pang-aasar ni Spade.
"That's not the issue here. Hindi ba p'wedeng ipagtanggol ko ang taong lagi niyong inaapi?" Sagot nito.
"Enough!" Sigaw ko. Gulat silang napatingin sa akin. "Could you atleast respect the dead person?! Dito pa talaga kayo nag-aaway-away sa harap ng puntod niya?!" Para akong mawawalan ng hangin dahil ito ang unang beses na nagawa kong sumigaw.
"Wow! Came from a psycho! Eh, sino bang nambanta na papatay siya hangga't hindi nahuhuli ang gustong saktan siya? 'Wag kang mag-santo-santuhan dito Chase, hindi bagay sa'yo!" Ani Hannah habang tinuro-turo ako.
"Atleast hindi ako nag-ta-trabaho bilang bayarang babae!"
Nagulat ako sa aking sinabi. Parang bumuka lang ang bibig ko at may kung anong boses ang lumabas sa aking labi. Nagulat din ang lahat at hindi makapaniwala sa tinuran ko.
What the hell was that? Bakit ko sinabi 'yon? Saan iyon nanggaling?!
Kita ko ang pagpupuyos ng galit ni Hannah habang pinupukol ako ng masamang tingin. I saw how she balled her fist and I'm pretty sure she's ready to attack me.
"What the hell, Chase! Hindi 'yan totoo!" I can see rage in her hazel eyes. When she was about to attack me, everyone appeared to be trying to keep a distance from us.
"Hannah, tama na!"
"Huwag mo na siyang sugirin!"
"Stop!"
Sigawan nang lahat. Napatigil lamang kami nang may biglang sumuntok sa akin dahilan para tumilapon ako't mapasubsob ang aking mukha sa damo.
Ramdam ko ang sakit ng aking pisnge at ang sugat sa aking labi. For today, a slap and punch will not kill me, will it?
"Serve you right, idiot!" Pagbasag ni Kirl sa katahimikan.
"Ano bang problema niyo kay Chase, huh?!" Dito na bumuhos ang emosyon ni Fourth. I can tell that there is pain in his voice while shouting at them. "Putangina, hindi ba kayo titigil sa pambubully niyo?! Ano ba talaga ang problema niyo?!" Agad akong dinaluhan ni Fourth.
Tila naging mabigat ang atmospera ng aming paligid.
Sobrang bigat...
Nagbabangayan, nagtuturuan at walang hanggang sigawan. This is not the college life that I want to experience. This makes me feel like I am stuck in an unwelcome place.
Feels like something was wrong... with all that happened.
Nagpatuloy ang sigawan nila. Para akong nabibingi. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib at nagpapawis ang aking noo.
May mga ibinaon akong alaala na muling rumehistro sa aking isipan. Habang tumatagal ay sumasakit ang aking sentido dahilan para mapaluhod ako sa damuhan sabay sabunot sa aking buhok.
Ayoko nang mga maalala ang mga alaalang ibinaon ko na sa limot! Ayaw ko nito!
Ilang sandali lang nang nawala ang sakit.
'Hello, Chase.'
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang muling marinig ang boses na iyon. Is that him? My fourth personality?
'Sino ka?' Tanong ko sa aking isipan. Magtatanong pa sana ako nang may bigla akong naramdamang kakaiba sa aking sarili.
Parang may kung anong hinugot sa aking dibdib dahilan para mawalan ako ng malay.
What the hell was happening?
-———-««»»———-
Fourteen
NATIGIL kami sa pagbabangayan nang marinig naming sumisigaw si Chase habang hawak neto ang kanyang ulo. Gusto ko siyang daluhan ngunit hindi ko alam kung anong pinanggagalingan ng sakit ng kanyang ulo. Matapos lang ang ilang segundo nang tumigil siya sa pagsigaw at napatulala na lang sa kalupaan.
Kanina pa ako kinakabahan sa mga mangyayari. He's been unfriendly since I tried to get close to him. It's more like he's changing day by day.
Hindi ko nga sukat akalain na kaya niyang manakit. And worst ay 'yong paggulpi niya sa grupo ni Greg na parang wala lang sa kanya ang pagbugbog dito. I even heard na na-ospital daw ito dahil sa pagdurugo.
It seems like Chase is different from us. I think he's not normal.
Kung dati ay plano kong sumama sa grupo nina Kirl, Rapper at Wad na patalsikin siya sa eskwelahan, pero nagbago lahat ng 'yon dahil nakita ko na isang mabuting tao si Chase.
Aminado akong nagpadala ako sa sinabi nina Wad na ga-graduate ang batch namin na kami-kami lang at wala nang dadagdag. Sobrang hate nila ang existence raw ni Chase kaya medyo nasira ang plano nila no'ng sisimulan na sana nila ang prank.
Pero no'ng sinundan ko si Chase, doon ko nakita kung gaano siya kabuti. Nagbibigay ng kahit ilang sentimo sa isang pulubi. Tinulungan ang isang ale na hindi naman niya kilala na itawid ang dala nitong kariton.
Those are the days na hindi na ako sumasama sa plano ng grupo. Not until I realize kung bakit nila 'to ginagawa kahit wala namang masamang ginagawa si Chase sa kanila.
I really want to befriend him but it seems like he's really having trust issues.
Life must be challenging for him, dealing with all of our traps and idiocy.
Natigil ako sa pag-iisip nang gumalaw si Chase. Pero ang mas ikinagulat ko nang inangat nito ang kanyang paningin at wala man lang ekspresyon ang kanyang mukha.
At sa muling magpapakataon ay nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ko pa lalo ay ang pag-itim ng kanyang mga mata ng ilang segundo bago ito bumalik sa dati nitong hitsura.
With a teasing smile on his face, he stood up and smiled at us. Parang may kung anong kilabot akong naramdaman sa paraan ng kanyang paninitig sa bawat isa sa amin.
I can't believe it. Sinaniban ba si Chase ng isang maligno? O baka dala lang ng imahinasyon ko ang aking nakita?
Nakakatakot ang kanyang hitsura. Para siyang isang demonyo. I can't help but be amazed and scared at the same time.
"Hannah, Hannah. You've just played my game. Don't be an angel. 'Cause you're also like me..." Dito ko na nakita ang takot sa mata ng mga kaklase ko.
"Talaga lang, ha!" Sigaw ni Hannah pero tanging ngisi lang ang ganti nito.
"Did you really cry 'cause you lost a friend?" Alam kong may pagkamayabang at siga si Hannah kaya parang wala lang sa kanya ang sinasabi ni Chase.
"Why? What makes you think kung ano pang rason kung bakit ko siya iniyakan?"
"Oh, it seems like your friends didn't know anything about you... Everyone, meet one of Wad's toys..."
Dito na ako napatulala kay Chase. What did he just say?
Wad's toys?
My eyes widened when I realized what he was trying to say. Everyone was shocked in awe and covered their mouths in disbelief.Paano niya nalalaman ang mga 'to?
"That's not true! Fuck you! Stop accusing me!" Sigaw ni Hannah, susugurin na sana siya nito nang bigla na lang siyang pinigilan ni Kirl.
"Well, sad fact. I'm accusing you with truth..." Kita ko kung paano ngumiti si Chase na parang nanalo sa isang argumento. "February 14, 2020 was when Wad started to waste his life for nothing. Then everyone didn't know that Hannah was working as a prostitute in a club. Having men touching her body and feeling their length inside her. Not until her customer was a Wad---"
"Stop saying lies! You jerk!" Sigaw nitong muli. Pilit siyang pinipigilan ni Kirl na sugurin ito. Mas lalong nagulat ang lahat sa kanilang narinig.
They agreed to be friends with one another with benefits. Hannah always visits him when no one is in the house..." Pagpatuloy ni Chase.
I find it amazing how he gets those information.
"They have been in a sex relationship for about a year and a half. And guess what? Hannah got pregnant with one of her customers... and she carried the baby for two months." Dito na lumakas ang ingay sa aming paligid dahil sa bulong-bulongan nila kay Hannah.
"Stop!" Ngayon ay umiiyak na si Hannah, napaupo't nakayuko habang humihikbi.
So totoo nga ang sinasabi ni Chase? She looks guilty.
"As she traced the dates of her pregnancy, she just discovered that Wad was the father..."
What the hell?! Naging ina at ama na pala ang dalawang 'to? Bakit wala akong nakikitang bata? Could that be possible? Sana mali ang iniisip ko.
"But the situation got more serious for Hannah. She didn't even tell Wad about the baby. After her grandmother passed away, she got depressed and an anxiety attack. Consequently, the baby was miscarriaged..." he said with a poker face on his face. He just spilled the truth about Hannah's life.
How did he even know all of these? Pinabantayan niya ba ang dalawa para may magamit sa kagipitan? Dahil kung oo, that takes a lot of effort.
"Am I right? Ms. Hannah Ruby De Guzman?" He asked.
Kasabay ng paglibing kay Wad ay siya ring pagkahalungkat ng nakaraan ni Hannah.
Ika nga nila, walang sekretong maibabaon habang buhay.
-———-««»———-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro