Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chap. 1

Scarlette rein's POV.

*TOK*TOK*TOK

"Rein anak gising na mag almusal kana may klase kapa baka malate ka niyan"Nagising ako dahil sa katok ni mama

'Hayy oo nga pala may pasok pa ako '

Tumayo nako at sinabing gising nako
Agad akong pumunta sa banyo at ginawa ang seremonya .....

Pagkatapos ko'ng maligo ay bumaba nako , at napangiti sa nakita ko . Dahil may pandesal at itlog sa mesa

'My favorite breakfast , yummy😋'

Agad akong umupo at kumain na pero parang may kulang uuhhmm???

"Ma nasan yung ketchup paki dala po at sumabay nakayo sakin dito "sabi ko agad naman dinala ni mama yung ketchup at nakisabay na sakin , at pagkatapos kong kumain ay nag paalam nako kay mama na papasok na.

Agad ako'ng nagpara ng jeep at nakipag siksikan sa mga tao na nakasakay.

"Manong sa saint christian university po"sabi ko at nag bayad na habang nag bibiyahe ay binuksan ko ang cellphone ko at agad na pinindot ang wattpad at nagbasa ng hes into her author by : Maxinejiji .

Nakakabilib si taguro kahit mataba sya ang astig nya parin. Nabubusit ako sa bruhildang Aimee na yun at sa kanyang panget na boyfriend  nasi choco . Ito nama'ng si sensui pilit kinakampihan si Isay na kesyo sya daw ang tama at  inosente , pero ang di nya alam sya ang pumalo ng baseball bat . Nakakainis rin si sensui kasi ang tanga nya .

Oh sya mahaba-haba na ang nakwento ko...

Matignan na nga ang daan, at ayun nga sakto lang kaya agad akong pumara at bumaba na sa jeep..

(Saint Christian University)

Pagpasok ko ay damang-dama ko ang mga ingay ng mga estudiyante

'Ano pa bang bago ahh?!'

Makapaglakad na nga,pagkapasok ko sa classroom ay agad akong nginitian ni Nancy .

Si Nancy ang nag iisang bestfriend ko dahil wala naman talagang gustong maging kaibigan ako kesyo sensitive raw ako masyadong seryoso and marami pang iba.

'Tsk paki koba bahala sila di naman ako kawalan !!!'

Agad na dumating si prof. Rolando History teacher ko ay' este namin pala ,pano ba naman kasi ako lang sumasagot sa mga tanong nya.

Nag discuss si prof. Rolando pero wla akong naintindihan, di bale nagbasa naman ako ng History book ko kagabi bago ako matulog.

*blahh*blahh*blahh

" May dalawa akong tanong pag walang nakasagot hindi kayo makakauwi understood!!??"Tanong ni professor Rolando agad namang nanginig ang mga classmates ko dahil lahat ng sinasabi ni prof. Rolando ay ginagawa niya kaya ganyan nalang ang nginig nila

"Y-esss prof."Utal-utal na sagot ng mga classmates ko .

"Ready!? First question ilang taon sinakop ng Espanya ang pilipinas ?"Tanong ni prof. Rolando , wla namang sumagot kaya napa Isip ako.

'Alam ko yan ahh oo tama yun nga"

Nung alam kona ang sagot ay nagtaas ako ng kamay

"Oh Yes Ms. Sebastian "Tanong ni prof. Rolando

"333 taon prof."Taas noo'ng sagot ko, Tumatango-tango naman si prof. Rolando

"Very Good Ms.Sebastian"Saad ni prof. Rolando .

"Next , Sinong Nakatuklas na bilog ang mundo " Tanong ni prof. Rolando,
Agad naman akong nag isip

'Ahhh oo ngaa oo syya '

Agad akong nagtaas ng kamay

"Huh si Ms. Sebastian lang ba ang estudiyante ko at tinuturuan ko  dito sa classroom nato ah ??!"Pagalit na sabi ni prof.

"Ang hindi naka sagot ng tama ay mamaya'ng 6 '0clock Uuwi UNDERSTOOD!!??"Banta ni prof. Agad nman nag taasan ang lahat

"Oh yes "Turo ni prof. Kay kate

"Jose Rizal prof " sagot naman ni kate

" Mali " sabi ni prof. Rolando

" Yes " Turo ni prof. Kay kiara

"Andres bonifacio prof . " sagot nito

"Tanong ko lang ahh!! Ganyan ba ang mga natutunan nyo sakin ahh walang naka sagott ng tamaaa " Galit na galit na sabi ni prof.

"Oh yes ang natitirang matino sainyo Ms. Sebastian sagutin mona , baka ano pa ang uurrgghh!!!"Nangigigil  na sabi ni prof. Agad akong tumayo .

"Lapu-lapu prof. " sagot ko

"Good umalis kana Ms. Sebastian at kayo mamayang 6'0clock " Basta ni prof. Rolando agad naman akong umalis dahil baka bawiin pa ni prof. Mahirap na .

(Bahay)

Pagdating ko sa bahay ay inalok ako mag meryenda ni mama kaso sabi ko busog ako.

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng pangbahay, Agad akong gumawa ng assignment ko at nag search narin and nag linis na ng kwarto at diko namalayan 8:30 pm. Na pala .

*Tok*Tok*Tok

"Nak , kumain kana nandito na ang tatay mo" Tawag ni mama

"Opo, patapos napo ako" Sabi ko

Ayyy oo nga pala dipa nga pala ako nag papakilala ako nga pala si Scarlett Rein Sebastian Dyosa sa kagandahan  charottt!! 18 years old and happy family kami  di kami mayaman pero mayaman naman kami pag dating sa pagmamahalan may kaya naman kami sa buhay si mama house wife si tatay ay Constraction worker and ako only child and shempre NBSB AKO!! Di pakasi dumadating si night and shinning amor ehhh .

Shhaaa yan lang ang masasabi ko ,baba nako ahh. : D

Pagbaba ko ay nakita ko si tatay na kumakain na .

"Good evening Tay " bati ko sakanya

" Oh Good evening anak  , kumain kana at kwentohan mo kami ng nanay mo tungkol sa iyong pag-aaral "masayang sabi ni tatay .

Agad naman akong umupo at nilagyan ng kanin ang aking plato at  lunganisa na prinito ni mama .

"Mag kwento ka nga anak tungkol sa iyong pag- aaral "Ecxited na sabi ni mama .

"Ayun po ma ok naman lagi parin po ako yung nakaka-sagot sa mga tanong ni prof. Rolando "Matiwasay na pagkakasabi ko.

"Mabuti yan anak tiyak na mataas ang grado mo sakanya"Masayang sabi ni Tatay.

Marami pa kaming pinag-kwentohan at pagkatapos ay tinulungan ko na si mama sa pag hugas ng mga plato at pag kuskos sa mesa , pagkatapos nun ay pumasok nako sa kwarto...

Pagpasok ko sa kwarto ko ay tsinek ko ang mga sagot ko sa assingment ko .

At pagka-tapos ay natulog nako....

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

"Miss gising na " Dinig ko ang mga tawag ng mga di pamilyar na boses .

"Meron bang nakakakilala sakanya ahh??!!" Tanong ng isa pa na dirin pamilyar ang boses .

Napagpasyahan ko na imulat na ang aking mata .

"Mabuti naman at gising kana hija "sabi ng isang babae na may pag ka edad na .

Agad naman akong napatingin sa mga iba pang nakapaligid saakin ...........

Nagpamulat- mulat ako ng mata at di nga ako nag kakamali sila nga sa sobrang pagkagulo ng aking isipan ay unting-unti dumidilim ang aking paningin ...

"Alah hija gumising ka " dinig kong sabi ng matanda na hindi ako nagkakamali na si manang iyon sa kwento na ang pamagad ay Hes into her by : maxinejiji..

"Sensui buhatin mona oohh wag ka naman nakatunga-nga lang diyan "dinig kong utos ata ni taguro ..

'Isa lang  ang masasabi ko isa akong world traveller at salahat ng world  na pwede  akong idala ay dito pa sa wattpad word kung saan lahat ay pantasya lang '

Nagising ako sa silaw ng araw at sa mga himig ng mga ibon,nilibot ng aking dalawang mata ang buong paligid , Isang kwarto na nakapintura na kulay puti at diko matatanggihan na malinis ito.

May napansin ako na lalaking natutulog sa upuan .

'Di ba siya nahihirapan ?! '

Paano ba naman kasi nakaupo siya sa upuan at natutulog ...(GET'$ NIYO MGA READERS  KUNG HINDI PAKI INTINDI NALANG THANK YOUUU😗😗)

Habang tinitignan sya ay unting-unti niya iminulat ang mata niya .

"O-h Gising kana pala Miss , pasensya na at nakatulog ako at diko namalayan na gising kana pala , wag kang mag-aalala at ipaparating ko ito sa buong wattpad world" Nakangiting sabi niya.

Agad naman siyang nginitian  "A-hh ok lang" Sabi ko , pilit kong inaalala kung san ba siya sa mga nabasa kong story pero nahihiya naman akong tanungin sya .

'Baka sabihin niya napaka feeling close ko '

"A-hh Miss gusto mo na bang mag-almusal dadalhan nalang kita dito " nahihiyang sabi nito.

"A-hh wag na na sa labas nalang ako mag - aalmusal at kung gusto mo samahan mo nalang ako , parang napuyat ka at napagod sa pagbabantay sakin kaya bilang  pag papasalamat samahan mo nalang akong mag- almusal , kung ok lang ba sayo ?! " nakangiti kong tanong.

Agad naman niya akong ginantihan ng ngiti at tumango .

"A-no Tara na ?!" Tumango naman sya at lumabas na kami sa kwarto , paglabas namin ay pinag-ahin niya ako ng pandesal at itlog .

"P-asensya kana kung yan lang ah "Naka-yukong sabi niya at parang nahihiya pa .

"A-hh ito pandesal at itlog sa katunayan ay paburito ko ito kaya wag kanang mahiya " sabi ko na may ngiti sa labi.

"O-h umupo kana at saluhan mo ako dito'ng mag- almusal  "Sabi ng mapansin ko na hindi pa sya naka upo.

" A-hh Sige Miss mauna kana " sabi niya , agad akong umastang malungkot " Sige ka , pagdimoko ko sinamahan ,mag-tatampo ako sayo at di na kakausapin magpakailanman "Banta ko , Agad naman siyang umupo sa harap ko at sinaluhan na mag -almusal .

Sa kalagitnahan ng aming pag-aalmusal ay di ako nagdalawang isip na tanungin ang kanyang pangalan .

"A-hh nga pala kung di mo mararapatin pwedi ko bang malaman ang pangalan mo ??! " nahihiyang tanong ko .

"Ivan  ,  Ivan Santiago ang pangalan ko " nakangiting sabi niya , at diko namalayan na napaka kisig niya pla

'Sshhh Scarlette Rein Sebastian mag hunos dili ka gusto mo bang makasuhan ng rape dito sa wattpad world ahh!!!!!'

Agad naman akong napaisip kung meron na ba akong nabasa na story na may pangalan Ivan Santiago .

'Huh parang wala pa ahh tsk mag tatanong nalang nga '

"K-ung di mo mararapatin Ivan saan ka bang story naka assign " nakangiting sabi ko .

" Ang totoo niyan  Miss wla pa akong story ehh , kasi daw mas may magaling daw kesa sakin  "malungkot na pahayag nya .

"Pwede ko bang matanong kung ano ang iyong pangalan??!!" Tanong niya .Agad naman akong napa ngiti at sinabi ang pangalan ko .

"Scarlette Rein Sebastian , ang pangalan ko " nakangiti kong sabi

"Kung di mo mararapatan pwede ba kitang tawagin na Scar nalang ??!!" Nahihiyang tanong niya , agad naman akong ngumiti at tumango .

"Oo naman sa katunayan ikaw palang ang tumawag sakin ng ganyan " nakangiting sabi ko .

"A-at kung di murin sana mararapatin pwedi ko bang malaman kung saan ka'ng story naka assign?!!! " Maginoong tanong niya .

'Patay sasabihin koba sakanya ang totoo ?!!! '

'Baka di naman ako papaniwalaan nito na world traveller ako , lord please help me ... tulungan niyo po akong paniwalaan nya na world traveller talaga ako  ...'

"A-ah ehhh pag ba sinabi ko maniniwala kaba?!!"Di mapakaling tanong ko sakanya .

"Oo naman Scar , meron kabang di kapanipaniwalang sasabihin sakin?!! " Tanong niya .

"A-ah ehhh pag sinabi ko bang world traveller ako maniniwala ka ??!!! " tanong ko .

'Sheemmmaayyy!!!! Ayan na nakatitigna sya ng seryoso sakin , naniniwala naba sya ??!!'

"Bwwwaahahaha Time traveller maniniwala pa ako Scar ehh bbbwwwaahahahah pero World traveller bbwwaahahaha pano nangyari yun bwaaahaha"nakahawak sa tiyan na sabi Nya at tumatawa .

'Sabi na nga ba at di maniniwala itong  Ivan na to sakin 😣'

"P-pero paniwalaan mo man Ako  o hindi Isa talaga akong world traveller . At sa hindi inaasahan na pagkakataon ay napunta ako dito sa mundo niyo , sa mundo ng wattpad world "Seryoso'ng sabi ko .

( 3 weeks Later )

Oo tama ang nabasa niyo 3 weeks nako dito sa wattpad world at diko alam kung paano ako makakabalik sa sarili kong world .

Pero masaya rin pala dito , hindi boring ,walang publema . Marami kang Makakasama .pero diko makakaila na miss ko na sila mama at tatay, ano na kaya ang nangyari sakin dun, siguradong nag- aalala na sila mama at tatay  .

Di ko itatanging Masaya ako tuwing kasama ko si Ivan . Oo !!! lagi kaming magkasama kasi siya lang ang di laging busy sila ate carmela Isabelle kasi at si ate Maxpein Busy sila dahil meron din silang  pamilya't at anak . Kaya si Ivan lagi kasama ko.

Sabahay ni Ivan ako nakatira ngayon . Dahil nakakahiya naman may mga asawa't anak na ang mga tao dito . Atsaka di naman ako nabo-boring pag si Ivan ang kasama ko lagi siyang nag jo-joke kahit corny,laging may topic na alam, hahahaha .

"S-scar pwede ba kitang tanungin tungkol sa sarili mong mundo ?!!" Tanong sakin ni Ivan nasa part kami ngayon at naka upo sa damohan at hinihintay ang paglubog ng araw .

At Oo tama kayo ng narinig , naniniwala na si Ivan sakin na hindi talaga ako dito sa mundo nila nakatira .

"O-Oo naman ano ba ang itatanong mo??!!" Tanong ko .

"A-ano bang pinagkaiba ng wattpad world sa mundo nyo ??!!"Magalang na tanong nya.Napa-isip naman ako ...

'Ano bang pinag-kaiba??!'

"Ang pinagkaiba ng mundo namin sa mundo niyo ayy--!!!.. Pano ko ba papaliwag sayo huh?!!.. Ok kasi ang mundo ko ay totoo ang mga nangyayari pero sa mundo niyo isa lang kayo'ng imahinasyon. Yan ang pinag kaiba ng mundo natin " Makahulugang tanong ko sakanya .

"Scar . Paano pag meron akong minamahal kaso mag kaiba ang mundo namin. Pwede ba akong kumuha ng opinyon sayo ??!!" Seryosong tanong niya.

"A-ah kung ako ikaw mamahaling ko parin sya kahit mag kaiba kami ng mundo, lalo na kung mahal niya rin ako. At nagmamahalan kami "Makahulugang sabi ko .

'Sino kaya ang maswerte'ng  BABAE na nagustohan nitong Ivan nato!! Sana ako nalang . Ooppss!!! may sikretong malupit!!.. akong ibubunyag.. ssshhh wag kayong maingay ahh kasi----'

"Gusto kita Ivan"《》"Gusto kita Scar"sabay na sabi namin.

At diko namalayan na hinalikan niya ako.....

'Aayyy mali pala naghalikan kami bwwwahahahah si ivan ang FIRST KISS ko '

(Third person' s POV.)

Nag-mahalan sila Ivan at Scarlette , wala silang sinayang na oras .

Araw-araw at minu-minuto ay walang tigil na  pinapasaya ni Ivan  si Scarlette .at pag may nagawa namang mali si Ivan agad  naman itong humihingi ng Tawad kay Scarlette .

At shempre wala naman magagawa si Scarlette dahil mahal niya ang dakilang gwapo sa buong wattpad world ay pinapatawad na niya ito.

Walang inisip ang dalawa kung hindi ang kanilang kasiyahan ..

At hindi nila namamalayan na isang araw ay dumating ang kanilang kinakatakutang pangyayari ......
 

Ivan's POV.

Mahal na mahal ko si Scarlette pero alam ko naman na darating tong araw nato,Araw na siya ay mamamaalam na at tuluyan na kong iwan.

Nag pahula ako kay aling erma at sabi niya ngayon daw ay mamamaalam na ang aking minamahal nasi Scarlette, napakasakit sobrang sakit , pero pag-nakikita ko siya pilit akong ngumi-ngiti at di pinapakitang nasasaktan ako.

Nandito ako ngayon sa kwarto niya at tinitignan siya habang mahimbing na natutulog , napaka- amo nang mukha nya .

Gumawa nako nang sulat dahil di niya mamamalayan na ito na pala ang huli naming pag-sasama . At nilagay ko yun sa bulsa ng pants niya kaya di niya namamalayan , siguro mababasa niya yan pag dating niya sa mundo niya .

Scarlette rein's POV.

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ni Ivan . Napansin-pansin ko lang na parang ang tahimik niya ngayon ah?!!

"Ivan may publema ba pwede mo namang sabihin sakin,  diba pangako natin sa isa't-isa na walang maglilihim kaya sana sabihin mo naman sakin " Nanunudyo at nagmamakaawang tanong ko . Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha niya .

'Napakasakit makita siyang umiiyak pero diko alam kung ano ang dahilan kung bakit sya umiiyak!!!! '

"A-ano ba Ivan pwede ba sagutin mo ang tanong ko!!!!!... ano bang publema ah??!!!." Tanong ko at tumayo na at nagsimula nang tumulo ang luha ko .

"Sshhh.. tama na wag kanang  umiyak . Shhhh" pag-papahinahon niya sakin habang hinahagod ang likod ko .

"A-ano ba kasing publema ahh" Tanong ko sakanya.pero patuloy lang nagpapaunahan ang kanyang mga luha .

"T-tandaan mo at wag sakaling kalimutan M-ahal na Mahal kita Scarlette Rein Sebastian .... Paalam aking mahal..."

At tuluyan ng nag laho ang lahat pati ang lalaking iniibig ko ..

( 2years  later )

Nandito ako ngayon sa Mall at pinag kakaguluhan ako.

May nag-papapicture meron naman kinukuha ang pirma ko at marami pang iba .

Sumikat ang ginawa kong story sa wattpad na TRIP TO WATTPAD WORLD At yun ang dahilan kung bakit ako nandito .

Ang story ng trip to wattpad world ay galing sa masaklap na pangyayari sa relationship namin ni Ivan .

Siguro alam niya na yun na yung araw na lilisan nako kasi may nakita akong sulat sa bulsa ng pants ko ng nakabalik na ko sa mundo ko .

Mahal kong Scar♡

Alam ko na mababasa mo to pag-
Nandiyan kana sa mundo mo , Sorry
Ah kung diko sinabi na yun na pala yung last na pagsasama natin , sana maintindihan mo  at tsaka shempre Wag mong pabayaan ang sarili mo
Dyan Sige ka magagalit ako , Basta
Di nako mag hahanap ng Mamahalin ko kasi Ikaw lang talaga ehhh.. Sana wag mo kong kalimutan at  tandaan mo Mahal na Mahal  kita at hindi mag babago iyon

-Nagmamahal 
-   I.S         

Yan ang nakasulat . Hanga ngayon di ko maiwasan maiyak tuwing babasahin ko tong sulat nato . Bumabalik yung alaala na magkasama pa kami at napakasaya namin .

Pero tulad nga sa mga unang sinasabi sa mga story na naka author's note..

Ang mga lugar , bagay  o tahuan ay katang-isip lang ng manunulat ..

Napakasakit sobrang sakit dahil parang vacation lang yung pag punta ko sa wattpad world at pinaka mahirap may tao akong minahal na kahit saan hangulo mo tignan isa lang syang imahinasyon isang katang isip lamang ....


'I was born in REALITY while you were born in STORY'

'Hinding-hindi kita makakalimutan Ivan ... Mahal na Mahal kita tulad ng pag-mamahal mo sakin '

__ THE END

Author's Note

Huhuhuhu..😭😭 Nagustohan nyo ba ?!!! Hope you like it. kasi nag effort ako ng todo- todo ehhh .. Thank you so much kay GodsPrincess119 kasi binigyan niya ako ng Idea ...

-Always nagmamahal
-Rafia_14❤


























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro