Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wakas

For my Eloisa,

I wrote this letter to show my appreciation to my love, my wife, my everything. I'd never been a fan of writing this kind of stuff. I find this too old-fashioned but here I am... holding a pen and bunch of papers to write our story while smiling from ear to ear.

I have plenty of time right now. Today is just one of my sad nights. Katatapos lang ng duty ko sa trabaho. Malakas ang alon ng dagat dahil masama ang panahon. While writing this, the song 'Home' by Michael Bublé is playing on my phone. Ito ang kantang palagi kong pinapatugtog sa tuwing namimiss ko ang girlfriend ko na ngayo'y misis ko na. I can't believe it! Iyong babaeng dati ay nahuli ko lang na nangungulangot sa isang sulok ng classroom ay asawa ko na ngayon.

In my whole life existence, I'd never imagined to find the right love at a young age. Tandang tanda ko iyong unang pagkakataong nakita ko siya. We were elementary that time. Grade five to be exact. Nalipat ako sa mababang section dahil bumaba ang grades ko at tinatamad akong pumasok. My father brought me a XBOX kaya ayon, tinamad na tuloy akong mag-aral.

The first time I laid my eyes on her, I saw nothing special. Bukod sa makinis at maputi niyang balat, kulay itim at mahabang buhok, mayroon pa nga siyang bangs noon na halatang resulta lang ng pagkainip. Mukha siyang bao dahil hindi pantay-pantay ang gupit. Grabe pa nga ang itinawa ko nang palihim noon, eh. Manipis ang kaniyang kilay. Maganda rin ang mga bilugan niyang mga mata at mapupula pa ang labi. Mayroon pa siyang maliit na nunal sa gilid ng labi... pero kahit gano'n siya kaganda sa paningin ko, hindi ko pa rin siya type.

Hindi kagaya niya ang mga type ko sa babae. Tahimik siya kung minsan tapos may mga pagkakataon naman ang ingay niya. Depende siguro sa kasama niya.

"Huwag kang lalapit dyan kay Eloisa. Pokpok ang nanay niyan tapos balita ko magkaiba sila ng tatay no'ng kapatid niya," naaalala kong sabi sa akin no'ng kaklase namin na kaibigan ko rin.

Wala naman talaga akong pakialam kung anong klaseng buhay ang mayroon siya. Kahit hindi kami close, nakikita ko naman na mabait siya sa mga kaklase namin. Kung pokpok ang nanay niya, wala na siyang kinalaman doon. Hindi niya kasalanan 'yon.

Alam ko rin namang hindi sila pinagpala sa buhay. Minsan ay nakikita ko itong nakatitig lang sa mga kaklase namin na kumakain ng meryenda. Napapansin ko rin na sa aming lahat, siya lang ang bukod tanging naka-tsinelas sa tuwing papasok sa school. Alam kong mabigat ang paraan ng pamumuhay nila pero bakit sa tuwing ngumingiti siya ay para bang napakagaan ng lahat? Bakit kahit kumakalam ang tiyan niya, punong-puno ng laman ang ipinapakita ng mga mata niya?

How can she be like that despite what life she has?

Since then, I admire her for being strong.

Akala ko nga noong una ay simpleng paghanga at kuryosidad lamang ang nararamdaman ko para sa kaniya ngunit hindi pala.

"Huwag mong ipagkakalat pero crush ko si Eloisa," sabi ko roon sa isang kaklase namin na pinagkakatiwalaan ko nang sobra.

Or that's what I thought... dahil ang loko pinagsigawan sa classroom 'yon! Namumula at nag-iinit ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan!

"Crush ko rin siya. Kami na ba?" natatawang sagot ni Eloisa na mas lalo kong ikinanganga.

"Huh? H-Hin--"

"Osige, tayo na!"

We were freaking a grade six student that time! Aalma na sana ako ngunit nang hawakan niya ang kamay ko ay wala na akong nagawa pa. Sige na nga!

Akala ko ay laro-laro lamang iyon. Akala ko talaga ay hindi kami magtatagal. Malay ko ba sa mga relasyon na ganiyan? Bata pa ako, ni hindi pa nga ako tuli!

But as the time goes by, everything has changed. 'Yong akala ko ay simpleng laro at mababaw na pag-ibig lang ay unti-unti nang lumalim. She was my first in everything at alam kong gano'n din siya sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari pero basta nagising na lang ako na sigurado na ako sa kaniya. Sigurado na ako sa aming dalawa.

I was there during her rough and darkest times. She's the breadwinner of their family. Sa balikat niya nakapatong lahat ng bigat ng responsibilidad. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. Saksi ako kung gaano kahirap para sa kaniya ang bitawan ang sarili niyang pangarap alang-alang sa pangarap at pangangailan ng kapatid at pamilya niya...

And for the nth time, she made me fall all over again because of her, being brave. Ni kahit nahihirapan siya ay hindi siya tumanggap ng kahit anong tulong kahit kanino... kahit mula sa akin. Naiintindihan ko naman iyon pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala para sa kaniya. Kahit ayaw niya. I still want to help her.

That's why I promised to myself, magiging maunawin at mabuting boyfriend ako para sa kaniya. Magiging supportive ako. Ipaparamdam ko sa kaniya 'yong klaseng pagmamahal na hindi niya maramdaman sa pamilya niya. Ipapakita ko sa kaniya na maaari akong maging tahanan niya. Handa akong saluhin lahat ng bigat kapag pagod na pagod na siya.

Ang gusto ko lang naman ay kailanganin niya 'ko...

Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na kailangan niya rin ako...

But I didn't notice that I made her feel so insecure. Na sa kagustuhan kong makatulong, mas lalo ko pala siyang pinapahirapan.

It makes me so damn hurt everytime na naririnig ko sa mga kapatid niya ang kagustuhang maging kapatid ako kumpara sa Ate nila. I can't understand why? They're so lucky to have Eloisa. But instead of getting mad, I chose to shut my mouth. It's not me to tell that. I just hope that someday they'll realize Eloisa's effort for them.

Eloisa doesn't know how much I'm proud of her. Kahit na sunud-sunod na problema ang sumubok sa kaniya ay hindi pa rin siya sumuko. Na kahit pa kumapit siya sa patalim noon dahil sa labis na pangangailangan ay tiniis niya ang lahat 'yon. Hindi ako nakaramdam ng pandidiri. Hindi ako nakaramdam ng pagkadismaya.

Alam n'yo kung anong naramdaman ko? Labis-labis na paghanga.

Alam kong kapag nagkaroon at bumuo na kami ng sariling pamilya ay hinding-hindi niya pababayaan ang anak namin. Walang kasiguraduhan ang buhay. Kung sakali mang mawala ako bukas o sa susunod na araw, hindi ko kakailanganing mangamba.

Alam kong kahit anong dagok at pagsubok, kayang-kaya niya. God is within her, she will not fall. Eloisa has a kind heart, fierce mind, and brave spirit. She is a queen and her soul is her royalty.

And I am delighted to announce that... that strong woman named Maria Eloisa Ratio-Perez is mine. Siya ang aking asawa at biniyayaan na rin kami ng isang anghel. Hinihiling ko na sana ay bumilis ang paglipas ng araw dahil hindi na ako makapaghintay na makita at makasama sila.

Mahal na mahal ko sila. Simula pa no'ng una at pinapangako kong mamahalin ko sila hanggang sa aking huling hininga.

- Reyster

My tears keep on falling down to my face as I read his letter for the nth time. Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba itong binasa. Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob, kumakapit ako sa sulat na ito. Pakiramdam ko kasi ay kahit wala na siya ay nandito pa rin siya sa aking tabi. Alam ko na simula talaga noong una ay siya lamang ang bukod tanging naniwala sa kakayahan ko. Na kahit sinukuan ko na ang aking sarili, siya ay patuloy pa rin sa paniniwala sa akin.

Isang taon na ang nakakalipas magmula noong nawala siya. Hindi ko masasabing okay na ako dahil araw-araw pa rin akong nangungulila sa kaniya. Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Araw-araw ko pa rin siyang hinahanap at araw-araw ko pa rin siyang namimiss. Palagi ko pa ring hinihiling na sana nandito siya. Na sana kasama ko siya sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak naming dalawa.

Iniisip ko kung ano kayang magiging reaksyon niya na habang lumalaki ang anak namin ay mas nagiging kamukha niya ito? Mula sa hubog ng mukha, sa pagngiti, at maging sa pagtawa...

Sa loob ng isang taon, pinilit kong binangon ang aking sarili sa tulong na rin ng mga taong nagmamahal sa akin... sa aming dalawa. Every night, I found myself writing. I write all my pain, all my frustrations, all my struggles, and more. That became my escape. That became my diversion. And I didn't notice that I also wrote our love story and that's what you're reading right now.

All trials are not the reason to give up but it is a challenge to improve ourselves. Our pain is not an excuse to back out, but an inspiration to move on.

Lahat ng tao ay mayroong kaniya-kaniyang bigat ng pinagdadaanan. Hindi mahalaga kung ilang beses kang nadapa, nasugatan, napagod at sumuko. Dahil sa buhay, ang sukatan ng tunay na tapang ay kung ilang beses kang bumangon at pinagpatuloy ang laban.

Your trials, the sufferings, unhappiness, and even the defeat will make you stronger and wiser...

"Thank you for always believing in me, Reyster. Mahal na mahal kita..." I gently caressed his tombstone as a genuine and sweet smile formed into my lips.

"D-D-Dada?" Bumagsak ang tingin ko sa anak kong nakaupo sa blanket sa tabi ng puntod ng Daddy niya. His little hands are caressing his Daddy's name.

Mommy Carolyn and I laughed. Ang pogi ng anak ko!

"Yes, that's Daddy. He's an angel now, baby. Say hi to him!" Mommy made him look up to the bright and peaceful sky.

Maging ako ay napatingin din sa kalangitan at awtomatikong sumibol ang matamis na ngiti sa aking labi. I know better days are coming. I will be healed soon.

I know that this is not the end of my trials but I am confident that just like before, I'll surpass it. With His guidaince and with my angel's help... of course I can.

This is Maria Eloisa. His love made me more braver and the trials made me more stronger.

The happy memories and the pain made everything in my life balance.

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro